MARiA's POVMabilis lumipas ang isang buwan, at masasabi kong naging maayos naman ang trabaho ko dito. Sa totoo lang, hindi naman mahirap alagaan si Jhon. Minsan nga, iniisip ko kung bakit pa talaga siya kailangan ng yaya, pero dahil na rin sa trabahong ito ay may maayos akong hanapbuhay, kaya wala na rin akong reklamo.Ngayon, inutusan ako ni Supremo na mamalengke. Ewan ko ba kung bakit "Supremo" ang tawag sa kanya ng mga tao dito, kaya nakisabay na rin ako sa pagtawag sa kanya ng ganun. Hindi ko na rin tinanong kung bakit, baka mamaya may istorbo pa akong hindi dapat malaman.Maaga akong gumayak para mamalengke, lalo na’t wala si Yaya Rosa dahil day-off niya ngayon. Alas-sais pa lang ng umaga, kaya siguradong tulog pa si Jhon. Hindi ko na siya ginising, tutal hindi ko naman siya kailangang isama.Nang palabas na ako ng kwarto, sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jhon. Nagulat ako sa kanya, at mukhang nagulat din siya nang makita ako. Saglit siyang natigilan at napatingin sa
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-21 อ่านเพิ่มเติม