ZENXUIE REY NATHANIEL JHON’S POV
Bakit parang galit ang mundo sa akin? Bakit ako pa? Araw-araw, tuwing haharap ako sa salamin, hindi ko maiwasang mapangiwi. Hindi ko makita ang sarili kong normal. Para bang may sumpa akong dala mula pa noong isilang ako. At kung ako nga mismo ay hindi matanggap ang sarili ko, paano pa kaya ang ibang tao? Kahit anong gawin ko, kahit anong pilit kong iwaksi sa isipan ko, hindi ko makakalimutan ang unang araw ko sa eskwelahan. Apat na taong gulang pa lang ako noon. Excited akong pumasok kasama ang kakambal kong si Alia. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa pasilyo, pero hindi ko mapigilan ang pakiramdam na parang may nakatingin sa akin. Naririnig ko ang bulungan sa paligid. “Anong nangyari sa mukha niya?” may narinig akong boses ng yaya ng isang estudyante. “Para siyang halimaw!” sagot naman ng bata. “Nakakatakot siya… Sana hindi natin siya ka-roommate!” may isa pang nagsabi. Dahil doon, mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Alia, pero naramdaman kong siya ang lalong humigpit ng kapit sa akin. Nang lumingon ako sa kanya, kalmado lang ang mukha niya. “Don’t mind them, Kuya,” malamig niyang sabi. Pero paano ko sila hindi papansinin kung sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang takot, pangungutya, at pandidiri sa mga tingin nila? Pumasok kami sa classroom, at isa-isa nang nagpapakilala ang mga kaklase namin. Nang dumating na ang turn ni Alia, tumayo lang siya, walang bakas ng emosyon sa mukha. “My name is Alia Zamora.” Simple. Diretso. Walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses niya. Pagkatapos niya, ako naman ang sumunod. Tumayo ako at huminga ng malalim. “Zenxuie Re—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. “WAHH! HALIMAW!” sigaw ng isang bata. At parang isang kidlat na tumama sa silid, nagkagulo ang buong klase. May lumayo. May nagtago. May umiwas ng tingin. Pakiramdam ko, lumubog ako sa sahig. Pakiramdam ko, gusto kong maglaho sa sandaling iyon. “CLASS, SHUT UP!” sigaw ng teacher namin, dahilan para tumahimik ang lahat. Nilingon ko si Alia, pero wala siyang reaksyon. Kalmado pa rin siya—pero alam ko ang kakambal ko. Alam kong may bumabagabag sa kanya. At hindi ako nagkamali. Bago pa man makapag-react ang lahat, nakita kong tumayo siya at walang babalang lumapit sa batang sumigaw. At sa isang iglap— BLAG! Sinuntok ni Alia ang bata, dahilan para mapahiga ito sa sahig. Nanlaki ang mata ko. Napasinghap ang buong klase. Nag-panic ang teacher at tumakbo para awatin siya, pero bago pa siya mahila palayo, nagsalita siya. “You deserve that punch, you stupid!” malamig niyang sabi. Alam kong galit na siya. Dapat ako ang gumagawa nito, ako ang dapat na humaharap sa ganitong sitwasyon—pero sa halip, siya ang lumaban para sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kung mas lalo akong malulungkot. Dahil sa nangyari, pinatawag ang mga magulang namin. Ilang sandali lang, dumating ang nanay ng bata. Kita sa mukha niya ang pag-aalala sa anak niya. “Ian, anak, what happened?” tanong ng ginang habang yakap ang umiiyak na bata. Pero nang ituro ako ni Ian at humarap sa akin ang ina niya, nanlaki ang mata niya. At sa isang iglap, sumigaw siya. “AY! IMPAKTO!” Parang bigla akong nabulagan. Mula sa kaliwang bahagi ng kwarto, narinig ko ang boses ni Alia—matigas, walang takot. “May pinagmanahan pala yang anak mo, eh.” Sarkastikong sabi niya. Mas lalong nag-alburoto ang ginang. Halatang nagngingitngit siya sa galit, habang pilit na pinoprotektahan ang anak niyang si Ian. “Bakit ba tumatanggap ng mga halimaw ang eskwelahang ‘to?! Dapat hindi ito pinapayagan!” sigaw niya. At pagkatapos, itinuro niya si Alia. “At ikaw! Bastos kang bata ka!” galit niyang dagdag. Itutulak na niya si Alia nang bigla itong umiwas. “Tsk. Don’t touch me with your dirty hands,” malamig na sabi ni Alia. Naputol ang eksena nang bumukas ang pinto. Narinig ko ang boses ng isang lalaki—isang pamilyar, mabigat, at nakakapanindig-balahibong boses. “What happened?” matigas na tanong ni Dad. Napayuko ang ginang. “S-Supremo! What are you doing here?” nanginginig niyang tanong. Napakagat-labi ako. Dad. Kahit hindi ko tingnan, alam kong nasa kanya nakatutok ang lahat ng mata sa silid. Tumingin siya sa amin ni Alia, pagkatapos ay bumaling sa ginang. “These two…” malamig niyang sabi, itinuro kaming magkapatid. “They are my children.” Kitang-kita kong namutla ang ginang sa narinig niya. Sa isang iglap, nagmadali siyang lumapit at lumuhod sa harap namin ni Alia. “Pasensya na po, Supremo! Hindi ko alam! Patawarin niyo ako!” nagmamakaawang sabi niya. Pero si Alia, walang reaksyon. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Muli, narinig ko ang ginang na nagsalita. “Ian, humingi ka ng tawad sa ginawa mo!” Napatingin ako kay Ian, at doon ko lang napansin—nanginginig siya. Sa takot. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, umiiwas ng tingin, at halos hindi marinig ang boses niya nang magsalita. “P-Pasensya na…” bulong niya. Pero huli na ang lahat. Alam kong hindi niya ako gustong pag-sorry-han. Alam kong napilitan lang siya. Simula noong araw na iyon, napagdesisyunan kong hindi na bumalik sa paaralan. Mas pinili kong mag-home study. Mas pinili kong lumayo sa mundo. Dahil alam ko—anuman ang gawin ko, anuman ang sabihin ko—hindi kailanman magbabago ang tingin ng tao sa akin. Ako si Zenxuie Rey Nathaniel Jhon. At para sa kanila… isa akong halimaw.Zenxuie Rey Nathaniel John’s POV "I said I don’t need a nanny!" galit kong sigaw nang makita kong may paparating na naman na bagong yaya. Sapat na ang mga maids at si Yaya Rosa dito sa bahay—bakit ba kailangang magdagdag pa? Ang kulit talaga ni Mom! Tsk! "Hijo, sana maintindihan mo ang mommy mo. Matanda na ako, at hindi ko na kaya ang ibang gawain ko," ani Yaya Rosa. Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang marinig ang sinabi niya. "But Yaya—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis niya akong pinutol. "Kung hindi ka tatanggap ng ibang yaya, hijo, mapapaaga ang buhay ko. Gusto mo ba 'yon?" tanong niya, dahilan para agad akong umiling nang ilang ulit. Ayaw ko ng ibang yaya dahil lahat ng pumapasok dito natatakot sa itsura ko! Ilang beses ko nang sinabi kay Mom na hindi ko kailangan ng yaya, pero ang kulit niya. Ginagawa pa akong bata! Tsk! "Okay, fine!" inis kong pagpayag, sabay talikod at tinungo ang aking silid. Pero bago pa ako makalayo, narinig kong nagsalita si M
Maria’s POV Una sa lahat, kailangan ko nga palang magpakilala dahil hindi ko nagawa ‘yon nung nakaraan. Charot! Haha! Ako si Maria Cristina Sandoval, 21 years old. Simpleng babae lang ako, pero hindi ko rin masasabing mahirap ang buhay namin. Kung tutuusin, nakakaraos naman kahit papaano. Hindi ako lumaki sa marangyang buhay, pero natuto akong dumiskarte. Ngayon, nagtutulak ako ng maliit na kariton ng kakanin para may maipantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan namin ni Nanay. Mahal ko ang trabahong ‘to kahit minsan nakakapagod. Hindi lang ito tungkol sa pagbebenta ng kakanin—marami akong natututunan, marami akong nakikilalang tao, at higit sa lahat, natutulungan ko si Nanay. Habang abala ako sa pagtitinda, napansin kong may pamilyar na pigura na palapit sa akin—si Aling Lena. Matagal ko rin siyang hindi nakita nitong mga nakaraang araw kaya medyo nagulat ako nang makita ko siyang may ngiti sa labi. Parang ang saya-saya niya, kaya nagtaka ako. "Naku, Ria, matutuwa ka sa ib
MARIA'S POV Ngayong araw na ang nakatakdang pag-alis ko. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib habang tinitingnan ang paligid ng aming munting tahanan. Sa unang pagkakataon, kailangan kong iwan si Nanay. Hindi pa man ako lumalayo, parang gusto ko nang umatras. Pero hindi pwede. Kailangan kong gawin ito para sa kanya. Lumingon ako kay Nanay, nakaupo siya sa lumang silya sa may beranda habang mahinang hinihipan ng hangin ang kanyang buhok. Sa kabila ng kanyang matapang na mukha, alam kong nalulungkot din siya. "Nay, sigurado po ba kayong kaya niyo dito nang mag-isa?" tanong ko, pilit na pinapatatag ang sarili. Ngumiti siya, pilit ngunit puno ng pagmamahal. "Ano ka ba, anak? Maayos ako rito. At nandiyan naman si Linda," sagot niya, sabay turo kay Manang Linda, ang aming mabait na kapitbahay. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Alam kong maaasahan namin si Manang Linda, pero hindi pa rin maiwasan ng puso kong mag-alala. Humugot ako ng malalim na hin
MARIA'S POV Nang makita ako ng guard, agad niya akong pinagbuksan ng gate nang hindi man lang nagtatanong, bagay na labis kong ipinagtaka. Eh ikaw ba naman, pagbuksan lang ng walang tanong-tanong! Naku! Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Huwag naman sanang may masamang mangyari sa akin dito. Tahimik ang buong kabahayan—napakatahimik na animo’y bawal makalikha ng kahit anong ingay. Para bang isang malaking kasalanan ang mag-ingay sa lugar na ito. Naku, paano na lang ako? Eh ang daldal ko pa naman! Hindi yata ako tatagal dito kung ganito. Nasa harapan na ako ng pinto nang bigla itong bumukas nang kusa. Napalunok ako ng laway, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala naman akong nakitang tao sa paligid na maaaring nagbukas nito. Baka may sensor lang? O baka may multo? Naku, Maria, huwag kang praning! Ngunit agad ding napawi ang kaba ko nang makita kong may isang pigura ng tao na nakatayo sa loob. Base sa hugis ng katawan, halatang isang lalaki ang nakaharap sa akin. Unti
ZENXUIE REY NATHANIEL JHON'S POV Naiinis ako sa isiping ngayon ang dating ng bagong yaya na hinire nila. Ano na naman ang unang mangyayari oras na makita niya ako? Ano na naman ang magiging first impression niya sa akin? Matatakot? Mandidiri? Iiwasang makita ako? At marami pang iba! Sa tuwing natatakot sila sa akin, lalo ko lang nararamdaman na isa nga akong halimaw na dapat katakutan. Napasabunot na lang ako sa aking buhok. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili ko. Bumaba ako at naisipang maglakad-lakad sa paligid, ngunit natigilan ako nang bumukas ang pinto—hudyat na may papasok. Nang makalapit ako, nakita ko ang pigura ng isang babae na animo'y manghang-mangha sa nakikita sa paligid. Kakaiba siya sa mga babaeng nagtatrabaho rito. Hindi siya takot sa akin, at hindi ko rin naramdaman ang pangungutya o pag-iwas mula sa kanya. Alam kong ganoon din siya sa akin. Damn! Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang aming mga
MARIA'S POVMaaga akong nagising dahil ipagluluto ko ng almusal si Jhon. Agad akong nagtungo sa malaking ref at tumingin kung ano ang maaaring lutuin. Napansin kong may seafood doon, kaya dali-dali ko itong nilinis at niluto. Habang abala ako sa pagluluto, bigla kong naramdaman ang presensya ng isang tao sa aking likuran. Hindi nga ako nagkamali—si Jhon pala, tahimik na nakamasid sa akin.Nang matapos ako, agad kong inihain ang pagkain sa dining area. Napatingin ako kay Jhon at napansin kong pinagpapawisan siya.Umupo siya sa harap ng mesa ngunit hindi man lang ginalaw ang pagkain. Nag-alala ako, kaya tinanong ko siya. Matapos kong magsalita, saka lamang niya sinimulang kainin ang niluto ko. Natuwa ako nang purihin niya ang aking luto, ngunit bigla nalang nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong may lumalabas na pantal sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Bigla akong kinabahan! Ramdam ko ang kakaibang kaba sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag.Mabilis ko siyang nilapitan at
Zenxuie Rey Nathaniel Jhon's POVHindi ko alam kung bakit sobrang saya ko nang salubungin niya ako ng yakap! Ngunit ramdam kong natakot siya kay Dad sa hindi ko malamang dahilan. Ayaw ko mang iwan siya, pero kailangan dahil may pag-uusapan kami ni Dad.Ang totoo niyan, ayaw akong payagan ni Dad na lumabas. Pinilit ko lang siya na kaya ko, dahil ayaw ko talagang magtagal doon—wala akong kasama. Sa likod kasi nitong bahay may sarili akong doktor. Oo, may sarili akong doktor at maliit na klinika! Lahat ng kailangan ko, nandoon na, dahil ayaw ko talagang ma-confine sa ospital.Mula pagkabata, sanay na akong mag-isa. Lahat ng gusto kong gawin, may limitasyon. Lagi akong may bantay, may nakatalagang doktor na nagmamasid sa akin. Minsan, pakiramdam ko, nakakulong ako sa isang mundong ako lang ang nakakaramdam ng sakit. Pero dumating si Maya, at nag-iba ang lahat. Naramdaman ko kung paano maging normal kahit sandali lang. Sa tuwing nakikita ko siya, parang nabibigyan ako ng dahilan para buman
Maria's POVPagdating ko sa bahay, nagulat pa si Aling Linda, ang kapitbahay namin, maging si Nanay ay nabigla sa aking pagdating. Marahil nagtataka sila kung bakit ako nandito nang mas maaga kaysa sa inaasahan."Oh, Maria, anak, anong nangyari at napaaga ang uwi mo?" tanong ni Nanay habang may mapanuring tingin."Eh, Nay, napakain ko ng seafoods yung amo ko, ayun, kamuntikang mamatay," malungkot kong sabi habang nakabusangot. Lumapit naman si Nanay sa tabi ko at bahagyang hinaplos ang aking likod.Nakakalungkot lang dahil iyon ang unang trabahong napasukan ko, tapos hindi pa ako nagtagal. Kahit itago ko ang lungkot sa aking mukha, kilala ko si Nanay at alam kong maging siya ay nagtataka at hindi kumbinsido sa aking paliwanag."Hindi man lang ba sinabi kung ano ang bawal at hindi bawal bago ka nagsimula, anak?" ani Nanay. Oh, 'di ba? Sabi ko na nga ba, hindi siya kumbinsido sa paliwanag ko. Haha! Nanay ko 'yan eh."Sinabi naman, Nay, maliban doon sa allergy niya. Siguro nakalimutan ni
NARRATOR'S POVHindi mapakali si Maria sa isang sulok. Pakiramdam niya, lahat ng taong dumaraan at napapatingin sa kanya ay binibigyan siya ng mapanuring tingin. Para bang wala siya sa lugar, at lalo lang siyang nanliit sa kanyang suot na simpleng damit habang ang iba ay nakabihis nang bonggang-bongga."Sir, mauuna na po akong umuwi," agaw niya ng pansin kay Jhon, na abala sa pakikipag-usap sa ilang bisita.Simula nang makilala ni Jhon si Maria, tumaas ang kumpiyansa niya sa sarili. Hindi na siya takot humarap sa maraming tao, at nagpapasalamat siya kay Maria dahil dito. Kaya naman nang marinig niya ang sinabi nito, agad siyang napalingon sa dalaga at lumapit. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit nang husto, biglang dumating ang kakambal niyang si Rhian, na agad siyang ginawaran ng mahigpit na yakap.Napaiwas ng tingin si Maria. Parang may bahagyang kumurot sa kanyang puso sa nakita.'Sa harap ko pa talaga!' inis niyang sambit sa sarili sabay irap sa hangin.Sabay na nagbitaw sa yakap
MARIA'S POV"Get ready, we're going somewhere!"Napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni Jhon sa aking silid. Halos mahulog ko pa ang tinutupi kong damit dahil sa gulat.Ni hindi man lang marunong kumatok ang loko! Ang kapal talaga ng mukha. Napalingon ako sa kanya, kita ko ang nakataas niyang kilay habang nakatayo sa pintuan, para bang siya pa ang naiinis."Hindi ka na marunong kumatok?" inis kong tanong habang nagkakrus ang aming paningin.Hindi siya agad sumagot, sa halip ay ngumiti lang ng nakakaakit.Sh*t! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang hindi na tama ang tibok ng puso ko?"Don't ask questions. Just dress up," utos niya sa malamig na tono.Napairap ako. Masama bang magtanong?"Why would I?" sagot ko, ngunit napahinto ako nang mapansin kong napa-English ako. Ayan na nga ba sinasabi ko! Kahit kailan talaga, nadadala ako sa pagsasalita niya. Madalas kasi siyang mag-English kapag nagsasalita, kaya minsan parang nahahawa na rin ako.Ngunit imbes na sagutin ako, tinaasan niya
MARIA'S POVIlang araw na ang lumipas mula nang pumasok si Jhon sa aking silid at nakita akong nakatapis. Simula noon, iniiwasan ko na siya. Hindi ko alam kung napapansin niya, pero kapag nararamdaman ko ang presensya niya sa paligid, agad akong umaalis o lumalayo upang hindi magkrus ang landas namin. Nakakahiya kasi! Hindi ko matanggap na nakita niya ako sa ganoong estado—at ang pinakamasama? Nakatitig lang siya!Ngayon ay nandito ako sa kanyang silid, inaayos ang kanyang mga gamit. Wala siya, kaya panatag akong kumikilos. Mabuti na lang at lumabas siya—ayaw ko siyang makita dahil baka maalala ko na naman ang nangyari. Napapailing na lang ako sa sarili ko."Maria, hija, pagkatapos mong mag-ayos diyan, maaari mo bang hintayin ang magde-deliver ng tubig sa labas?" tawag ni Yaya Rosa mula sa kusina."Opo, Yaya!" magalang kong sagot at agad tinapos ang aking ginagawa.Sa totoo lang, madali lang naman ang trabaho ko—asikasuhin ang pagkain ni Jhon, linisin ang kanyang kwarto, at tiyaking m
JHON'S POVHabang abala si Maria sa pagkuha ng mga nakasulat sa listahan, natanaw ko si Rhian—ang kapatid ko—na tila may inaasikaso rin sa di kalayuan. Agad ko siyang nilapitan, at nagulat pa siya nang makita ako."Kuya! Anong ginagawa mo rito?" masayang bati niya habang mabilis akong niyakap.Napangiti ako. "Dumalaw ako sa mall mo, syempre. Ikaw naman, parang hindi mo ako pwedeng makita sa ganitong lugar."Natawa si Rhian at umiling. "Hindi naman! Hindi lang ako sanay na makita kang nasa pampublikong lugar nang kusa! Alam mo namang madalas kang nakakulong sa bahay."Sa totoo lang, medyo sanay na ako sa mataong lugar dahil madalas akong isama ni Maria kung saan-saan—simbahan, parke, at kung minsan, nagjo-jogging pa kami. Naiirita nga lang ako tuwing may lalaking napapatitig sa kanya. Kapag naglalakad kami sa labas, halos lahat ng makasalubong namin ay sumusulyap sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaapekto sa akin ang ganitong bagay, pero hindi ko rin kayang balewalain."Oh
NARRATOR'S POVPagdating nina Jhon at Maria sa mall, agad na napakunot ang noo ng dalaga nang mabasa ang nakasulat sa malaking signage sa harapan ng gusali—RHIAN MALL.Napaisip si Maria. Sino si Rhian? Isa kaya ito sa mga babaeng nagustuhan ni Jhon? Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Mabilis niya iyong iwinaksi sa isip niya, pinili niyang huwag bigyan ng ibang kahulugan. Dapat lang siyang mag-focus sa pamamalengke, iyon naman ang pakay nila rito.“Let’s go,” malamig ngunit mahinahong yaya ni Jhon.Tumango na lang siya at sumunod sa binata, pero ramdam niyang maraming mata ang nakatutok sa kanila habang naglalakad. Sa loob ng isang buwan niyang pananatili sa bahay ni Jhon bilang yaya, unti-unti niyang napansin ang pagbabago sa binata. Nasanay na ito sa presensya ng ibang tao, isang malaking progreso mula sa pagiging mailap at mahilig magkulong sa bahay. Palagi niya itong hinihikayat na lumabas—maglakad-lakad sa village, tumambay sa
MARiA's POVMabilis lumipas ang isang buwan, at masasabi kong naging maayos naman ang trabaho ko dito. Sa totoo lang, hindi naman mahirap alagaan si Jhon. Minsan nga, iniisip ko kung bakit pa talaga siya kailangan ng yaya, pero dahil na rin sa trabahong ito ay may maayos akong hanapbuhay, kaya wala na rin akong reklamo.Ngayon, inutusan ako ni Supremo na mamalengke. Ewan ko ba kung bakit "Supremo" ang tawag sa kanya ng mga tao dito, kaya nakisabay na rin ako sa pagtawag sa kanya ng ganun. Hindi ko na rin tinanong kung bakit, baka mamaya may istorbo pa akong hindi dapat malaman.Maaga akong gumayak para mamalengke, lalo na’t wala si Yaya Rosa dahil day-off niya ngayon. Alas-sais pa lang ng umaga, kaya siguradong tulog pa si Jhon. Hindi ko na siya ginising, tutal hindi ko naman siya kailangang isama.Nang palabas na ako ng kwarto, sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jhon. Nagulat ako sa kanya, at mukhang nagulat din siya nang makita ako. Saglit siyang natigilan at napatingin sa
.MARiA’S POVDahan-dahan kong tinapik ang kanyang pisngi habang nakahilig siya sa aking hita. Ramdam ko ang mabagal at pantay niyang paghinga, senyales na mahimbing ang kanyang tulog. Narating na namin ang harapan ng kanilang bahay, ngunit hindi ko pa rin maalis ang kaba sa aking dibdib matapos marinig ang sinabi ni Manong Driver kanina."Hinahanap na siya ng daddy niya."Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa ama ni Jhon, lalo na’t hindi ko naman intensyong dalhin siya kung saan-saan."Jhon, nandito na tayo," mahinahon kong bulong habang patuloy siyang tinatapik.Napapaungol siya nang mahina, tila ayaw pang magising mula sa kanyang mahimbing na tulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata, ngunit halata pa rin ang antok. Inunat niya ang kanyang mga braso at nagtakip ng bibig habang patuloy na nililidlid ang kanyang mga mata.Hindi ko naiwasang matawa sa kanyang reaksyon—parang batang puyat na pinilit gumising para pumasok sa eskwela. O mas tamang s
Maria’s POVMasaya ako habang pinagmamasdan siya. Para siyang batang nakawala sa matagal na pagkakakulong. Ang dati niyang malamig at seryosong mukha ay napalitan ng saya at pagkamangha. Wala siyang pakialam sa mga tingin at bulungan ng mga tao sa paligid—sa halip, abala siyang i-enjoy ang bawat sandali.Naglakad kami patungo sa kabilang bahagi ng parke kung saan matatagpuan ang playground. Namamangha siyang lumapit doon, tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Mabuti na lang at walang mga bata sa paligid, kaya malaya siyang makapaglibot nang hindi naiilang."Let’s go," aniya bigla, sabay hawak sa kamay ko.Napatingin ako sa magkahawak naming kamay, tulala at hindi makagalaw. Hinila niya ako papunta sa isang slide. Nang bumalik ako sa ulirat, napansin kong nasa itaas na kami. Pinauna niya akong umupo sa slide habang siya naman ay pumwesto sa likod ko, iniikot ang kanyang mga braso sa aking baywang.Ramdam ko ang init ng kanyang katawan habang nakayakap siya sa akin. Naiilang ako,
Chapter 12Maria's POVHalos abot-langit ang hiya na naramdaman ko nang sabihin niyang magsuot ako ng bra. Ganoon na ba ako kataranta para makalimutan iyon? Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamadali o sa kaba na dulot ng presensya niya, pero nakakahiya talaga!Sa loob ng sasakyan, tanging katahimikan ang pumuno sa paligid. Ang tunog lang ng makina at ang mahihinang ugong ng sasakyan ang maririnig. Naramdaman ko ang bigat ng atmospera sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan, pero hindi ko rin kayang tiisin ang nakakabinging katahimikan."Ahh, sir... hindi ba magagalit ang daddy mo kapag nakita ako?" basag ko sa katahimikan, bahagyang kinakabahan.Natatakot talaga ako sa daddy niya. Paano ba naman kasi, nakita kong nag-iba ang kulay ng mata niya! Ganoon na lang ang kaba ko—hindi ko alam kung anong klaseng pamilya ba ang napasukan ko.Nabaling ang tingin niya sa akin, na kanina pa nakatutok sa labas. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata haba