Maria’s POV Una sa lahat, kailangan ko nga palang magpakilala dahil hindi ko nagawa ‘yon nung nakaraan. Charot! Haha! Ako si Maria Cristina Sandoval, 21 years old. Simpleng babae lang ako, pero hindi ko rin masasabing mahirap ang buhay namin. Kung tutuusin, nakakaraos naman kahit papaano. Hindi ako lumaki sa marangyang buhay, pero natuto akong dumiskarte. Ngayon, nagtutulak ako ng maliit na kariton ng kakanin para may maipantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan namin ni Nanay. Mahal ko ang trabahong ‘to kahit minsan nakakapagod. Hindi lang ito tungkol sa pagbebenta ng kakanin—marami akong natututunan, marami akong nakikilalang tao, at higit sa lahat, natutulungan ko si Nanay. Habang abala ako sa pagtitinda, napansin kong may pamilyar na pigura na palapit sa akin—si Aling Lena. Matagal ko rin siyang hindi nakita nitong mga nakaraang araw kaya medyo nagulat ako nang makita ko siyang may ngiti sa labi. Parang ang saya-saya niya, kaya nagtaka ako. "Naku, Ria, matutuwa ka sa ib
MARIA'S POV Ngayong araw na ang nakatakdang pag-alis ko. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib habang tinitingnan ang paligid ng aming munting tahanan. Sa unang pagkakataon, kailangan kong iwan si Nanay. Hindi pa man ako lumalayo, parang gusto ko nang umatras. Pero hindi pwede. Kailangan kong gawin ito para sa kanya. Lumingon ako kay Nanay, nakaupo siya sa lumang silya sa may beranda habang mahinang hinihipan ng hangin ang kanyang buhok. Sa kabila ng kanyang matapang na mukha, alam kong nalulungkot din siya. "Nay, sigurado po ba kayong kaya niyo dito nang mag-isa?" tanong ko, pilit na pinapatatag ang sarili. Ngumiti siya, pilit ngunit puno ng pagmamahal. "Ano ka ba, anak? Maayos ako rito. At nandiyan naman si Linda," sagot niya, sabay turo kay Manang Linda, ang aming mabait na kapitbahay. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Alam kong maaasahan namin si Manang Linda, pero hindi pa rin maiwasan ng puso kong mag-alala. Humugot ako ng malalim na hin
MARIA'S POV Nang makita ako ng guard, agad niya akong pinagbuksan ng gate nang hindi man lang nagtatanong, bagay na labis kong ipinagtaka. Eh ikaw ba naman, pagbuksan lang ng walang tanong-tanong! Naku! Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Huwag naman sanang may masamang mangyari sa akin dito. Tahimik ang buong kabahayan—napakatahimik na animo’y bawal makalikha ng kahit anong ingay. Para bang isang malaking kasalanan ang mag-ingay sa lugar na ito. Naku, paano na lang ako? Eh ang daldal ko pa naman! Hindi yata ako tatagal dito kung ganito. Nasa harapan na ako ng pinto nang bigla itong bumukas nang kusa. Napalunok ako ng laway, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala naman akong nakitang tao sa paligid na maaaring nagbukas nito. Baka may sensor lang? O baka may multo? Naku, Maria, huwag kang praning! Ngunit agad ding napawi ang kaba ko nang makita kong may isang pigura ng tao na nakatayo sa loob. Base sa hugis ng katawan, halatang isang lalaki ang nakaharap sa akin. Unti
ZENXUIE REY NATHANIEL JHON'S POV Naiinis ako sa isiping ngayon ang dating ng bagong yaya na hinire nila. Ano na naman ang unang mangyayari oras na makita niya ako? Ano na naman ang magiging first impression niya sa akin? Matatakot? Mandidiri? Iiwasang makita ako? At marami pang iba! Sa tuwing natatakot sila sa akin, lalo ko lang nararamdaman na isa nga akong halimaw na dapat katakutan. Napasabunot na lang ako sa aking buhok. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili ko. Bumaba ako at naisipang maglakad-lakad sa paligid, ngunit natigilan ako nang bumukas ang pinto—hudyat na may papasok. Nang makalapit ako, nakita ko ang pigura ng isang babae na animo'y manghang-mangha sa nakikita sa paligid. Kakaiba siya sa mga babaeng nagtatrabaho rito. Hindi siya takot sa akin, at hindi ko rin naramdaman ang pangungutya o pag-iwas mula sa kanya. Alam kong ganoon din siya sa akin. Damn! Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang aming mga
MARIA'S POVMaaga akong nagising dahil ipagluluto ko ng almusal si Jhon. Agad akong nagtungo sa malaking ref at tumingin kung ano ang maaaring lutuin. Napansin kong may seafood doon, kaya dali-dali ko itong nilinis at niluto. Habang abala ako sa pagluluto, bigla kong naramdaman ang presensya ng isang tao sa aking likuran. Hindi nga ako nagkamali—si Jhon pala, tahimik na nakamasid sa akin.Nang matapos ako, agad kong inihain ang pagkain sa dining area. Napatingin ako kay Jhon at napansin kong pinagpapawisan siya.Umupo siya sa harap ng mesa ngunit hindi man lang ginalaw ang pagkain. Nag-alala ako, kaya tinanong ko siya. Matapos kong magsalita, saka lamang niya sinimulang kainin ang niluto ko. Natuwa ako nang purihin niya ang aking luto, ngunit bigla nalang nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong may lumalabas na pantal sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Bigla akong kinabahan! Ramdam ko ang kakaibang kaba sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag.Mabilis ko siyang nilapitan at
Zenxuie Rey Nathaniel Jhon's POVHindi ko alam kung bakit sobrang saya ko nang salubungin niya ako ng yakap! Ngunit ramdam kong natakot siya kay Dad sa hindi ko malamang dahilan. Ayaw ko mang iwan siya, pero kailangan dahil may pag-uusapan kami ni Dad.Ang totoo niyan, ayaw akong payagan ni Dad na lumabas. Pinilit ko lang siya na kaya ko, dahil ayaw ko talagang magtagal doon—wala akong kasama. Sa likod kasi nitong bahay may sarili akong doktor. Oo, may sarili akong doktor at maliit na klinika! Lahat ng kailangan ko, nandoon na, dahil ayaw ko talagang ma-confine sa ospital.Mula pagkabata, sanay na akong mag-isa. Lahat ng gusto kong gawin, may limitasyon. Lagi akong may bantay, may nakatalagang doktor na nagmamasid sa akin. Minsan, pakiramdam ko, nakakulong ako sa isang mundong ako lang ang nakakaramdam ng sakit. Pero dumating si Maya, at nag-iba ang lahat. Naramdaman ko kung paano maging normal kahit sandali lang. Sa tuwing nakikita ko siya, parang nabibigyan ako ng dahilan para buman
Maria's POVPagdating ko sa bahay, nagulat pa si Aling Linda, ang kapitbahay namin, maging si Nanay ay nabigla sa aking pagdating. Marahil nagtataka sila kung bakit ako nandito nang mas maaga kaysa sa inaasahan."Oh, Maria, anak, anong nangyari at napaaga ang uwi mo?" tanong ni Nanay habang may mapanuring tingin."Eh, Nay, napakain ko ng seafoods yung amo ko, ayun, kamuntikang mamatay," malungkot kong sabi habang nakabusangot. Lumapit naman si Nanay sa tabi ko at bahagyang hinaplos ang aking likod.Nakakalungkot lang dahil iyon ang unang trabahong napasukan ko, tapos hindi pa ako nagtagal. Kahit itago ko ang lungkot sa aking mukha, kilala ko si Nanay at alam kong maging siya ay nagtataka at hindi kumbinsido sa aking paliwanag."Hindi man lang ba sinabi kung ano ang bawal at hindi bawal bago ka nagsimula, anak?" ani Nanay. Oh, 'di ba? Sabi ko na nga ba, hindi siya kumbinsido sa paliwanag ko. Haha! Nanay ko 'yan eh."Sinabi naman, Nay, maliban doon sa allergy niya. Siguro nakalimutan ni
JHON'S POVHindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na nagpresinta kay Dad na ako na ang susundo kay Maya. Matagal na rin akong hindi lumalabas ng bahay, at sa unang pagkakataon, ngayon lang ako muling lalabas."Dad, ako na ang susundo kay Maya!" agad kong sabi habang sinusundan siya papunta kay Yaya upang ipabalik si Maya.Napahinto siya at seryosong tumingin sa akin, halatang nagtataka."What the hell, son! Really?" tanong niya na may halong saya sa boses, isang bihirang bagay para sa kanya na laging seryoso."Yeah! What's wrong, Dad?" sagot ko, kunot-noo.Pinasamahan niya ako sa driver upang sunduin si Maya. Pero bago iyon, tinanong ko muna kay Yaya kung saan sila nakatira.Habang nasa biyahe, napansin kong tahimik ang paligid. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang labas ng bintana habang dumaraan kami sa iba't ibang kalye. Nang makarating kami sa lugar nila Maya, napansin ko ang mga matang nakatutok sa akin mula sa mga kapitbahay niya. Hindi ako sanay sa ganoong tingin, pero hindi ko na
NARRATOR'S POVHindi mapakali si Maria sa isang sulok. Pakiramdam niya, lahat ng taong dumaraan at napapatingin sa kanya ay binibigyan siya ng mapanuring tingin. Para bang wala siya sa lugar, at lalo lang siyang nanliit sa kanyang suot na simpleng damit habang ang iba ay nakabihis nang bonggang-bongga."Sir, mauuna na po akong umuwi," agaw niya ng pansin kay Jhon, na abala sa pakikipag-usap sa ilang bisita.Simula nang makilala ni Jhon si Maria, tumaas ang kumpiyansa niya sa sarili. Hindi na siya takot humarap sa maraming tao, at nagpapasalamat siya kay Maria dahil dito. Kaya naman nang marinig niya ang sinabi nito, agad siyang napalingon sa dalaga at lumapit. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit nang husto, biglang dumating ang kakambal niyang si Rhian, na agad siyang ginawaran ng mahigpit na yakap.Napaiwas ng tingin si Maria. Parang may bahagyang kumurot sa kanyang puso sa nakita.'Sa harap ko pa talaga!' inis niyang sambit sa sarili sabay irap sa hangin.Sabay na nagbitaw sa yakap
MARIA'S POV"Get ready, we're going somewhere!"Napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni Jhon sa aking silid. Halos mahulog ko pa ang tinutupi kong damit dahil sa gulat.Ni hindi man lang marunong kumatok ang loko! Ang kapal talaga ng mukha. Napalingon ako sa kanya, kita ko ang nakataas niyang kilay habang nakatayo sa pintuan, para bang siya pa ang naiinis."Hindi ka na marunong kumatok?" inis kong tanong habang nagkakrus ang aming paningin.Hindi siya agad sumagot, sa halip ay ngumiti lang ng nakakaakit.Sh*t! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang hindi na tama ang tibok ng puso ko?"Don't ask questions. Just dress up," utos niya sa malamig na tono.Napairap ako. Masama bang magtanong?"Why would I?" sagot ko, ngunit napahinto ako nang mapansin kong napa-English ako. Ayan na nga ba sinasabi ko! Kahit kailan talaga, nadadala ako sa pagsasalita niya. Madalas kasi siyang mag-English kapag nagsasalita, kaya minsan parang nahahawa na rin ako.Ngunit imbes na sagutin ako, tinaasan niya
MARIA'S POVIlang araw na ang lumipas mula nang pumasok si Jhon sa aking silid at nakita akong nakatapis. Simula noon, iniiwasan ko na siya. Hindi ko alam kung napapansin niya, pero kapag nararamdaman ko ang presensya niya sa paligid, agad akong umaalis o lumalayo upang hindi magkrus ang landas namin. Nakakahiya kasi! Hindi ko matanggap na nakita niya ako sa ganoong estado—at ang pinakamasama? Nakatitig lang siya!Ngayon ay nandito ako sa kanyang silid, inaayos ang kanyang mga gamit. Wala siya, kaya panatag akong kumikilos. Mabuti na lang at lumabas siya—ayaw ko siyang makita dahil baka maalala ko na naman ang nangyari. Napapailing na lang ako sa sarili ko."Maria, hija, pagkatapos mong mag-ayos diyan, maaari mo bang hintayin ang magde-deliver ng tubig sa labas?" tawag ni Yaya Rosa mula sa kusina."Opo, Yaya!" magalang kong sagot at agad tinapos ang aking ginagawa.Sa totoo lang, madali lang naman ang trabaho ko—asikasuhin ang pagkain ni Jhon, linisin ang kanyang kwarto, at tiyaking m
JHON'S POVHabang abala si Maria sa pagkuha ng mga nakasulat sa listahan, natanaw ko si Rhian—ang kapatid ko—na tila may inaasikaso rin sa di kalayuan. Agad ko siyang nilapitan, at nagulat pa siya nang makita ako."Kuya! Anong ginagawa mo rito?" masayang bati niya habang mabilis akong niyakap.Napangiti ako. "Dumalaw ako sa mall mo, syempre. Ikaw naman, parang hindi mo ako pwedeng makita sa ganitong lugar."Natawa si Rhian at umiling. "Hindi naman! Hindi lang ako sanay na makita kang nasa pampublikong lugar nang kusa! Alam mo namang madalas kang nakakulong sa bahay."Sa totoo lang, medyo sanay na ako sa mataong lugar dahil madalas akong isama ni Maria kung saan-saan—simbahan, parke, at kung minsan, nagjo-jogging pa kami. Naiirita nga lang ako tuwing may lalaking napapatitig sa kanya. Kapag naglalakad kami sa labas, halos lahat ng makasalubong namin ay sumusulyap sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaapekto sa akin ang ganitong bagay, pero hindi ko rin kayang balewalain."Oh
NARRATOR'S POVPagdating nina Jhon at Maria sa mall, agad na napakunot ang noo ng dalaga nang mabasa ang nakasulat sa malaking signage sa harapan ng gusali—RHIAN MALL.Napaisip si Maria. Sino si Rhian? Isa kaya ito sa mga babaeng nagustuhan ni Jhon? Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Mabilis niya iyong iwinaksi sa isip niya, pinili niyang huwag bigyan ng ibang kahulugan. Dapat lang siyang mag-focus sa pamamalengke, iyon naman ang pakay nila rito.“Let’s go,” malamig ngunit mahinahong yaya ni Jhon.Tumango na lang siya at sumunod sa binata, pero ramdam niyang maraming mata ang nakatutok sa kanila habang naglalakad. Sa loob ng isang buwan niyang pananatili sa bahay ni Jhon bilang yaya, unti-unti niyang napansin ang pagbabago sa binata. Nasanay na ito sa presensya ng ibang tao, isang malaking progreso mula sa pagiging mailap at mahilig magkulong sa bahay. Palagi niya itong hinihikayat na lumabas—maglakad-lakad sa village, tumambay sa
MARiA's POVMabilis lumipas ang isang buwan, at masasabi kong naging maayos naman ang trabaho ko dito. Sa totoo lang, hindi naman mahirap alagaan si Jhon. Minsan nga, iniisip ko kung bakit pa talaga siya kailangan ng yaya, pero dahil na rin sa trabahong ito ay may maayos akong hanapbuhay, kaya wala na rin akong reklamo.Ngayon, inutusan ako ni Supremo na mamalengke. Ewan ko ba kung bakit "Supremo" ang tawag sa kanya ng mga tao dito, kaya nakisabay na rin ako sa pagtawag sa kanya ng ganun. Hindi ko na rin tinanong kung bakit, baka mamaya may istorbo pa akong hindi dapat malaman.Maaga akong gumayak para mamalengke, lalo na’t wala si Yaya Rosa dahil day-off niya ngayon. Alas-sais pa lang ng umaga, kaya siguradong tulog pa si Jhon. Hindi ko na siya ginising, tutal hindi ko naman siya kailangang isama.Nang palabas na ako ng kwarto, sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jhon. Nagulat ako sa kanya, at mukhang nagulat din siya nang makita ako. Saglit siyang natigilan at napatingin sa
.MARiA’S POVDahan-dahan kong tinapik ang kanyang pisngi habang nakahilig siya sa aking hita. Ramdam ko ang mabagal at pantay niyang paghinga, senyales na mahimbing ang kanyang tulog. Narating na namin ang harapan ng kanilang bahay, ngunit hindi ko pa rin maalis ang kaba sa aking dibdib matapos marinig ang sinabi ni Manong Driver kanina."Hinahanap na siya ng daddy niya."Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa ama ni Jhon, lalo na’t hindi ko naman intensyong dalhin siya kung saan-saan."Jhon, nandito na tayo," mahinahon kong bulong habang patuloy siyang tinatapik.Napapaungol siya nang mahina, tila ayaw pang magising mula sa kanyang mahimbing na tulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata, ngunit halata pa rin ang antok. Inunat niya ang kanyang mga braso at nagtakip ng bibig habang patuloy na nililidlid ang kanyang mga mata.Hindi ko naiwasang matawa sa kanyang reaksyon—parang batang puyat na pinilit gumising para pumasok sa eskwela. O mas tamang s
Maria’s POVMasaya ako habang pinagmamasdan siya. Para siyang batang nakawala sa matagal na pagkakakulong. Ang dati niyang malamig at seryosong mukha ay napalitan ng saya at pagkamangha. Wala siyang pakialam sa mga tingin at bulungan ng mga tao sa paligid—sa halip, abala siyang i-enjoy ang bawat sandali.Naglakad kami patungo sa kabilang bahagi ng parke kung saan matatagpuan ang playground. Namamangha siyang lumapit doon, tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Mabuti na lang at walang mga bata sa paligid, kaya malaya siyang makapaglibot nang hindi naiilang."Let’s go," aniya bigla, sabay hawak sa kamay ko.Napatingin ako sa magkahawak naming kamay, tulala at hindi makagalaw. Hinila niya ako papunta sa isang slide. Nang bumalik ako sa ulirat, napansin kong nasa itaas na kami. Pinauna niya akong umupo sa slide habang siya naman ay pumwesto sa likod ko, iniikot ang kanyang mga braso sa aking baywang.Ramdam ko ang init ng kanyang katawan habang nakayakap siya sa akin. Naiilang ako,
Chapter 12Maria's POVHalos abot-langit ang hiya na naramdaman ko nang sabihin niyang magsuot ako ng bra. Ganoon na ba ako kataranta para makalimutan iyon? Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamadali o sa kaba na dulot ng presensya niya, pero nakakahiya talaga!Sa loob ng sasakyan, tanging katahimikan ang pumuno sa paligid. Ang tunog lang ng makina at ang mahihinang ugong ng sasakyan ang maririnig. Naramdaman ko ang bigat ng atmospera sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan, pero hindi ko rin kayang tiisin ang nakakabinging katahimikan."Ahh, sir... hindi ba magagalit ang daddy mo kapag nakita ako?" basag ko sa katahimikan, bahagyang kinakabahan.Natatakot talaga ako sa daddy niya. Paano ba naman kasi, nakita kong nag-iba ang kulay ng mata niya! Ganoon na lang ang kaba ko—hindi ko alam kung anong klaseng pamilya ba ang napasukan ko.Nabaling ang tingin niya sa akin, na kanina pa nakatutok sa labas. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata haba