Share

CHAPTER 3

“OPO Lola, gagawin ko po.” Kaswal na tugon ni Aurora.

Bagama’t maganda ang pakikitungo sa kanya ni Lola Gloria, hindi maitatanggi na si Franco ay sarili nitong apo at siya ay isang hamak na sampid lamang. isa pa may conflict talaga ang mag-asawa at pag nakataong magka problema sila ni Franco ay tutulungan ba siya ng pamilya nito?

Hindi naniniwala si Aurora.

Tulad ng mga in-laws ng kanyang ate.

Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang Ate, napakabuti na ang kanilang mga biological na anak na babae ay nagseselos dito.

Pero pagkatapos ng kasal, nagbago ang kanilang ugali. Sa tuwing may alitan ang ate niya at ang asawa nito, ang kanyang biyenan ay inaakusahan ang kanyang ate na mahirap at dagdag perwisyo lamang.

Kaya, hindi naniniwala si Aurora na kaya siyang panindigan na ipagtanggol ng Lola Gloria nito sa apo niyang si Franco, dahil para sa kanya ang anak ng isang pamilya ay palaging kamag-anak, at ang isang manugang ay isang hamak na sampid lamang.

“Magtrabaho ka na, hindi ka na guguluhin ni lola. Ipapasundo na lang kita kay Franco at mag di-dinner tayo mamayang gabi.” sabi ng Lola Gloria.

“Lola, sobrang late na po ako magsasara ng shop, baka hindi na po masyadong convenient pag bumalik ako diyan para mag hapunan… sa weekends po, okay lang po ba?” atubiling sagot niya naman dito.

Mas okay naman sa kay Aurora sa weekend since school holidays at lahat ng tao ay busy sa loob ng paaralan. Isa pa may mga nakahandang pagkain sa loob habang may event kaya di masyadong needed ang pagbubukas ng bookstore kaya magkakaroon ng time si Aurora para sa paanyaya ng Lola Gloria niya.

“It’s okay.” sabi naman ni Lola Gloria dahil naiintindihan niya naman ang sitwasyon ni Aurora. “We’ll talk about it this weekend, at magtrabaho ka na.”

Nagkusang tapusin ni Lola Gloria ang tawag.

Pagkatapos ng pag-uusap ay hindi kaagad pumunta si Aurora sa bookstore nito,pero bago iyon ay nagpadala muna siya ng mensahe sa kanyang kaibigang si Melai. Naisip niya na babalik na lang siya sa bookstore bago magsi uwian ang mga estudyante mula sa paaralan.

Para kasi kay Aurora pagkatapos ng mga naganap sa kanya ngayong araw ay kailangan niyang bumalik at sabihin sa kanyang Ate ang mga nangyari, at pagkatapos ay magliligpit na ng kanyang mga gamit upang bumukod na rin ng bahay.

Makalipas ang sampung minuto ay nakarating sa bahay ng Ate niya si Aurora.

Naabutan niyang nagsasampay ng mga damit ang Ate niya at ang bayaw niya naman ay wala na sa bahay at nasa trabaho na. Nang makita siyang bumalik, nag-aalala itong nagtanong sa kanya, “Ayang, bakit ka bumalik? Hindi ka ba magbubukas ng tindahan ngayon?”

Ayang ang palayaw niya at kadalasang tawag ng Ate niya sa kanya.

“Pupunta po ako doon pero mamayapa pa po.”

Tinulungan ni Aurora ang kanyang Ate na magsampay ng mga damit, at nagtanong muna sa pamangkin nito.

“Gising na po si Boyet, Ate?”

Si Boyet ay pamangkin ni Aurora, dalawang taong gulang pa lang siya ngayon, ang makulit sa kanyang edad.

“Hindi pa. Kung magising siya, hindi matatahimik ang bahay.” sagot ng Ate niya at napangiti ito.

Humugot rin ng malalim na buntong hininga si Aurora bago magtanong tungkol sa nangyari kagabi, sa pagitan ng Ate niya at ng bayaw niya.

“Hmmnn, Ate narinig ko po ang pinagtatalunan niyo kagabi ni Kuya, ano po ba talaga ang nangyari?”

Nagulat naman ang Ate nito sa naging tanong niya at sumagot, “Ayang, hindi ka tinataboy ng bayaw mo, masyado lang siyang stress, at alam mo naman wala akong kita at trabaho.”

Ipinaliwanag ni Elsa sa kay Aurora ang mga nangyari.

Mataimtim naman na nakikinig si Aurora at hindi kaagad nakakapagsalita. Para kasi sa kanya klaro na itinataboy siya ng kanyang bayaw na nagkukunwari lamang na mabuti pag kaharap siya.

Ang kanyang bayaw ay nagtatrabaho bilang isang manager sa isang kumpanyang may mataas na kita. Kaklase niya sa kolehiyo ang Ate niya. Sa katunayan ay parehong nagtatrabaho ang Ate niya at bayaw niya sa iisang kumpanya, subalit ng magpakasal ang Ate niya sa kanyang bayaw at nag resign ito sa trabaho at naiwan sa bahay upang mag-alaga ng pamangkin niya.

Sa mga panahon kasi noon ay nararamdaman ng Ate niya na tama ang kanyang napangasawa, kaya talagang nagbitiw siya sa trabaho para maging mabuting maybahay ng bayaw niya.

Pagkaraan ng isang taon ng pag-aasawa, nanganak ito ng isang sobrang cute na batang lalaki, naging busy ang Ate niya sa pag-aalaga sa anak nito at sa pamilya na rin ng asawa nito. Nawalan ng time ang Ate niya sa pag-aasikaso sa sarili nito at tuluyan ng hindi nakabalik sa pagtratrabaho.

Sa nakalipas na tatlong taon, nasaksihan ni Aurora ang pagbabago sa pisikal na anyo ng Ate niya mula sa bata at magandang dilag naging isang mataba,at walang paki na sa sarili at katawan nito ang kanyang Ate.

Ang kanyang Ate na nawalan ng income ng dahil sa asawa nito ay ngayon pinipilit ng bayaw niyang bumalik ng trabaho at pini pressure sa sinasuggest nitong systema sa loob ng kanilang bahay ukol sa mga gastusin. Ngunit ang Ate niya ay nagdadalawang isip dahil ito rin naman kasi ang nag-aasikaso sa mga maliliit na na mga bagay-bagay sa loob ng pamamahay nito.

Mayroong limang taong agwat sa pagitan ni Aurora at ng kanyang Ate. Noong siya ay sampung taong gulang pa lamang, namatay ang kanilang mga magulang sa isang aksidente sa sasakyan. Sa simula pa lang, siya at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae ay umaasa sa isa’t isa.

Ang kabayarang ibinayad para sa mga magulang nila pagkatapos ng aksidente sa sasakyan ay sapat na para makapagtapos ng pag-aaral silang magkapatid, ngunit humingi pa ng bahagi ang mga lolo’t lola nila. Kaya ang natitirang maliit na pera, sadyang tinitipid nila upang mabuhay hanggang sa makatapos sila ng kolehiyo.

At dahil na rin ang bahay nila na nasa bayan ay inookupahan ng kanilang mga lolo’t lola, si Aurora at ang Ate ay umuupa ng bahay. Hanggang sa ikinasal ang kanyang Ate dpon lang natapos ang pag-upa nila ng bahay dahil sa lumipat sila sa bahay ng asawa nito.

Mahal na mahal siya ng Ate niya. Bago ang kasal, nakipagkasundo siya sa kanyang bayaw na siya ay titira sa kanya pagkatapos ng kasal. Lubhang sumang-ayon ang bayaw, ngunit ngayon ay nagsimula siyang hindi nagustuhan sa kanyang paninirahan dito.

“Ate, pasensya na ha, nakaabala pa ako sa iyo.”

“Hindi, Ayang, at huwag kang mag-isip ng ganyan. Wala na ang ating mga magulang at meron na lang tayo ay ang isa’t-isa… kaya nandito lang ako para sa iyo.”

Naantig ang puso ni Aurora sa sinabi ng Ate niya. Noong bata pa siya, ang kanyang Ate ang kanyang pinanghuhugutan ng lakas at nagtitiwala sa kanya.

Saglit na tumahimik si Aurora at kinuha niya ang kanyang marriage certificate, iniabot niya ito sa Ate, at sinabing, “Ate, kasal na po ako. Kakakuha ko lang po ng marriage certificate… bumalik lang po ako para sabihin sa iyo at magsimula na ring magligpit ng aking mga gamit dahil lilipat na po ako ng bahay.”

“Kasal ka na ba… talaga?”tumaas ang boses ni Elsa, napasigaw ito sa kay Aurora dahil hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

Hindi makapaniwalang napatingin si Elsa sa nakababatang kapatid, sabay mabilis na inagaw ang marriage certificate. Unang tingin niya pa lang ay nagpapatunay na totoo nga ang marriage certificate at may larawan ito ng kapatid niya at isang lalaki.

“Ayang, anong nangyayari sa iyo? Paaning ganito dahil wala ka man lang boyfriend… di ba?”

Gwapo ang lalaking nasa marriage certificate, pero kapansin-pansin ang matatalas nitong mga mata at sobrang lamig ng ekspresyon sa mukha, halatang hindi marunong makisama sa ibang tao.

Sa katunayan habang nasa daan pabalik si Aurora ay nakaisip na ito ng mga sasabihin sa Ate niya, “Ate, nasabi ko na po yata ang tungkol sa isang kasintahan, ang kanyang pangalan ay si Franco Montefalco, ngunit siya ay masyadong abala sa trabaho, at palagi siyang di makahanap ng oras na makapunta dito at makilala ka man lang sana.”

Pagpapaliwanang ni Aurora, hoping na sana maniwala na lang ang Ate niya sa mga sinasabi niya dito, “Nag-propose po siya sa akin, at pumayag naman ako. Tapos, pumunta kami sa City Civil Registry Department para kumuha ng marriage certificate… Ate, napakabuting tao at maganda ang pakikitungo niya sa akin. Don’t worry po magiging masaya ako sa marriage na ito.”

Hindi pa rin matanggap ni Elsa ang mga ibinalita ng kanyang kapatid sa kanya.

Para kasi kay Elsa wala siyang natatandaan na may boyfriend na si Aurora, tapos ngayon biglang may asawa na ito?

Naisip niya rin tuloy na dahil sa away nilang mag-asawa kagabi, narinig ito ng kanyang nakababatang kapatid. Namula agad ang mga mata ni Elsa, at may sinabi siya sa kanyang nakababatang kapatid, “Ayang, sinabi ko sa Kuya mo na ikaw ang gumagastos sa pagkain dito sa bahay kaya’t nakakasiguro ko na pwede kang manatili dito sa bahay.”

Nagsusumamo si Elsa at pilit na kinukumbinsi ito,“Huwag ka naman sanang magmadaling magpakasal, o magmadaling umalis.”

Para sa kay Elsa ang biglaang pagpapakasal ni Aurora ay dahil hindi nagustuhan ng kanyang asawa ang matagl nang paninirahan ng kapatid niya s aknailang bahay. Kaya ang nangyari ay nagmadaling nagpakasal ang kanyang nakakababatang kapatid para makaalis sa pamamahay nila.

Ngumiti lang si Aurora at pilit na tinatanggi sa kanyang Ate ang iniisip nito, “Ate, wala talaga itong kinalaman sa iyo. Napakaganda ng relasyon namin ni Franco, at talagang magiging masaya ako… Ate, dapat maging masaya ka para sa akin.”

Mapait na umiyak si Elsa sa harapan ni Aurora.

Kaya niyakap ni Aurora ang kanyang Ate, at nang matapos ang pag-iyak at kumalma na rin ito , isa pa ay nangako siya sa kanyang Ate, “Ate, babalik ako para makita ka nang madalas, isa pa ang bahay ni Franco ay nandyan lang naman sa Carmela Valley Garden, at hindi masyadong malayo sa iyo.”

“Okay lang ba ang pamilya niya sa iyo?” nag-aalalang tanong ni Elsa sa kay Aurora. Gusto nitong malaman kung kumusta naman ang pakikitungo ng pamilya ng kanyang bayaw sa kanyang nakakabatang kapatid.

Subalit wala talagang alam si Aurora tungkol sa pamilya ni Franco. Bagama’t tatlong buwan na niyang kilala si Lola Gloria ay kadalasan hindi naman siya nagtatanong tungkol sa pamilya nito. Kapag nagkwe-kwento si Lola Gloria, ay nakikinig lang naman siya. Ang alam lang niya ay si Franco ang panganay sa mga apo nito.

Isa pa nagtatrabaho si Franco sa isa sa pinakamalaking construction firm sa syudad, may kotse at bahay, at maganda ang estado ng pamumuhay. Sinabi lahat ni Aurora ang nalalaman niya tungkol sa kay Franco sa Ate niya.

Nang marinig ng Ate niya na binili ng kanyang bayaw ang condiminium nang buo, ay sinabi ni Elsa agad kay Aurora na, “Ang condo ay pre-marital property ng asawa mo, pwede mo bang sabihin sa kanya na tiyakin na ilagay rin sa pangalan mo sa titulo nito?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status