NANG makarating si Aurora sa Carmela Valley Garden ay halos madaling araw na. Itinulak nito ang pinto ng condo unit at pumasok, madilim ang bahay, at tahimik ang paligid. Halatang walang tao at tiyak na hindi pa nakakauwi si Franco.
Pumasok si Aurora sa loob ng bahay at tiningnan muna ang paligid, sinisigurado na walang balak umuwi si Franco, at dahil sa busy iyon sa kompanya o may biglaang business trip.
Kaya, ni-lock ni Aurora ang pinto ng condo, tapos hinanap ang sapatos ni Franco kung saan-saan, hanggang sa nakahanap siya ng pares ng tsinelas. Inilagay niya ang pares ng tsinelas na ang size ay obvious na pagmamay ari ni Franco sa may pintuan at sinuguradong naka lock ng maigi ang pintuan at ng masiguro ay pinataw niya na rin ang mga ilaw sa loob ng condo.
Pagkatapos niya sa labas ay dumiretso siya sa kwarto niya, kinuha ang kanyang pajama sa kanyang maleta,hindi pa niya nailalabas sa maleta ang kanyang mga gamit, kaya naisip ni Aurora na gumising ng maaga bukas upang makapag ligpit siya ng kanyang mga gamit sa loob ng silid niya.
Matapos maligo ng maligamgam na tubig sa shower,ay nagtuyo ng mabilis si Aurora ng katawan at ng buhok. Ramdam niya ang matinding pagod ng araw na iyon. Ng masigurong di na basa ang buhok niya ay humiga sioya kaagad sa kama at mahimbing na natulog.
Sa kabilang banda ay naghahanda naman si Franco na umuwi na.
Lumabas si Franco sa isa sa malaking hotel ng kanyang kumpanya na napapaligiran ng mga bodyguard, nakipag-negotiate at nakapag closed ng deal lang naman siya ng malaking halaga ng negosyo sa isang bigating investor, at ang investor na iyon ay sinigyurado niyang komportableng nagpapahinga sa presidential suite ng hotel.
Ngunit habang naglalakad siya ay naalala niya ang kanyang bagong asawa na sigurado siyang kasalukuyang nananatili doon sa condo unit na binili niya.
"Mr. M, sa manor ba o sa Highland villa?" tanong ng personal driver nito.
Ang manor ay ang ancestral house ng pamilya Montefalco at ang Highland villa ay isang malaking villa sa ilalim ng pangalan ni Franco, nasa tuktok ng burol ito at doon palaging nananatili si Franco, mag-isa lang siya doon, at paminsan-minsan ay bumabalik sa Ancestral house ng pamilya Montefalco upang samahan ang mga matatanda na kumain at gampanam ang parti niya sa pamilya bilang apo at anak ng mga magulang niya.
"Dumiretso tayo sa Carmela Valley Garden."
Pagkasakay ni Franco sa Rolls-Royce, nag-order siya sa mahinang boses, "Ang Chevrolet Spark na kotse na bago kong binili, ikaw muna ang magmaneho." sabi nito sa isa sa mga tauhan niya.
Pansamantalang gagamitin niya ang cheap na kotse para linlangin ang asawa niya, sapagkat ayaw niya ring sabihin ang totoong estado niya sa buhay hangga’t di pa niya lubusan na nakikilala ito at habang pinag-iimbestigahan niya pa ito.
"Naalala mo ba ang pangalan ng asawa ko?" parang tangang tanong ni Franco, ni hindi niya matandaan.
Tamad na rin naman siyang tingnan pa ang marriage contract para lang malaman ang pangalan ng asawa niya. He was too lazy to take out the marriage certificate, ngunit naalala niya rin na hiniram pa la iyon ng Lola niya kaya technically wala sa kanya ang marriage certificate niya.
Nagsalita naman ang personal driver nito, "Mr. M \\, Aurora Treyes po, she is twenty-five years old at may nakakatanda siyang kapatid ngunit kasal na.”
Mabuti na lang at napaka particular sa mga impormasyon ang kanyang bodyguard na inaasahan. Makakalimutin talaga soiya sa mga bagay na hindi naman importante sa kanya. Especially women, who he meets every day.
"Oh well, I remember now." Kaswal na suminghot si Franco at napabuga ng hangin.
Napailing na lang ng ulo ang personal driver nito. Samatalang si Franco naman ay iniiwasan na magambala ang kanyang isipan ng tungkol sa kay Aurora kaya’t sumandal ito sa upuan ng kotse, at ipinikit ang mga mata.
Halos sampung minuto lang naman ang byahe mula sa Montefalco Hotel patungong Carmela Valley Garden. Huminto ang convoy ni Franco sa gate ng Carmela Valley Garden. Pagkatapos bumaba si Franco sa kotseng sinasakyan at lumipat sa Chevrolet.
Siya na ang nagmaneho mula sa Gate ng Carmela Valley Garden pupunta sa loob nito. Habang nagmamaneho si Franco ay pilit niyang iniisip ulit ang pangalan ng babaeng napangasawa niya. Sinabi lang iyon kanina ng personal driver niya pero nakalimutan niya na naman.
Nang makarating siya ng basement ay agad niyang pinark ang sasakyan at sumakay sa elevator, pilit inaalala ang palapag ng unit na binili.
‘Hindi ko na matandaan ang pangalan ng aking asawa, at ang condo na binili ko’, tanong ni Franco sa sarili niya.
Nang tumunog ang elevator sa palapag na pinindot niya ay lumabas siyang nag-iisip kung saang parti siya papunta. Pabalik balik rin siya sa palapag na iyon hanggang sa binalikan niya ang pintuan na may pares ng tsinelas sa labas nito.
Parang tsinelas niya kasi iyon. At nang nasa harapan na siya ng pintuan ay nakompirma niya nga na tsinelas niya.
‘Bakit nandito ito? Itinapon?’
‘O Siguradong hinagis ng babaeng iyon!’
Biglang lumamig ang mga mata ni Franco, at umigting ang kanyang panga, totoo naman na nagpapasalamat siya sa babaeng nagligtas sa kanyang lola, ngunit sa tuwing pinupuri ito ng kanyang lola at hinihiling na pakasalan niya, ay nawala ang pagkagusto niya kay sa babae.
Although he finally agreed to his grandmother and married that woman, he still told his grandmother that after marriage, he will hide his identity and investigated that woman. At kung makapasa ito at mapatunayan niyang tama ang speculation ng lola niya tungkol dito ay magiging totoo siyang asawa dito.
Taking out the key, Franco opened the door, but he couldn't open it, realizing na pati ang sa ay naka lock din. Mas lalo sioyang nainis at naikuyom niya ang kanyang palad.
That woman! How dare she is to lock my own unit!
Nagalit na talaga si Franco sa pagkakataon na iyon, ganitong pagod na pagod pa siya tapos ito pa ang madaratnan niya kaya't itinaas niya ang kanyang paa at sinipa ang pinto ng napakalakas.
At the same time, nag-voice call din siya sa asawa niya.
Mabuti na lang at sinave niya muli ang numero nito at nilagyan niya na ng “wife” sa name nito sa phone book para di na siya magkamali pa.
Dahil sa lakas ng sipa ni Franco ay naalimpungatan naman si Aurora.
Inis na inis siyang napanbangon.
“Walanghiya sino bang bwesit ang nag e-eskandalo sa labas ng pintuan?” nayayamot na turan niya.
Tumayo si Aurora at medyo galit na tinungo ang pintuan ng condo unit ni Franco. Sa paglabas niya ay naiwan niya rin ang cell phone sa kwarto, kaya nang mag-voice call si Franco ay hindi niya napansin.
"Kung sino ka mang ayaw magpatulog pwede ba umalis ka na kung ayaw mong magpatawag pa ako ng security!"
Nagsisigaw na turan ni Aurora sabay bukas sa pintuan, pagbukas niya ng pinto, pinagalitan pa niya ang lalaking nakatayo sa pinto, nang makita niya ng malinaw ang taong nasa harapan ay bigla itong natigilan… napatitig si Aurora sa kay Franco ng matagal, bago nakapag react, agad naman nagbago ang expresyon sa mukha ni Aurora ng mahismasan at ngumiti kahit na hiyang-hiya na siya bago nagsalita.” Ahh, Mr. Franco, ikaw pa la.”
Si Franco naman ay malamig ang ekspresyon nito sa mukha, mas lalo siyang naiinis dahil ni hindi lang sinagot ng babaeng kaharap niya ngayon ang tawag niya. Tapos napagalitan at nasigawan pa siya nito.
Ngunit sa sandaling ito, ay tamad na siyang makipag argumento pa kaya mas pinilit niya na lang na itikom ang kanyang bibig. Nanatiling madilim ang kanyang mukha, at dire-diretsong naglakad at di man lang pinansin ang asawa nito at nilagpasan niya lang.
Palihim na inilabas ni Aurora ang kanyang dila at napanguso.
Agad niya namang kinuha ang pares ng tsinelas ni Franco at ni lock ulit ang pinto tapos sumunod dito.
Tumiukhim muna si Aurora bago magsalita, “ Hmmm… Madaling araw na nang bumalik ako, at nakita kong wala ka sa dito, kaya naisip ko na baka wala ka ng bakklak pang umuwi kaya ni-lock ko iyong pinto, pasensiya ka na.”
Umupo si Franco sa sofa, ang madilim niyang mga titig ay nakakamatay na nakatingin sa kay Aurora, matalas at halatang nagtitimpi ito sa kanya.
"Mr. Franco, pa-pasensya na po talaga."
Pagkasabi ay agad na inilagay ni Aurora ang pares ng tsinelas ni Franco sa paanan nito at napayuko.
‘Dapat kasi ay tumawag ka eh at tinanong kung babalik ito di sana wala siya ngayon sa sitwasyon na ito.’ saway ni Aurora sa sarili.
Ilang minuto rin ang lumipas bago nagsalita si Franco, pero malamig at madiin,” Kahit sinabi ko sa iyo na wala tayong pakielaman, pero sana naisip mo na bahay ko ito at wala naman akong sinabi na hindi ako uuwi.”
"Mr. Franco, I'm sorry, as in I'm sorry talaga, next time tatawag na po ako upamng siguraduhin na kung uuwi ka po o hindi para naman hindi na po ito mangyari ulit.”
"Kung pupunta ako sa isang business trip, siguradong sasabihin ko sa iyo nang maaga, kung hindi ko sasabihin, uuwi ako araw-araw, hindi na kailangang tumawag ka, abala ako sa trabaho… at wala akong oras para sagutin ang mga nakakainip mong tawag!"
Ngumuso si Aurora dahil sa mga litanya ni Franco sa kanya.
Kung sabagay tama naman ito kahit ano pang sabihin niya wala siyang magagawa.
Si Franco ang may-ari ng bahay kaya siya ang boss.
At para gumaan kahit papaano ang paligid nila dahil sa tensyon ay naisipan ni Aurora na tanungin si Franco kung gusto niyang maghapunan.
“Uhmm, Mr. Franco baka gusto mo pong maghapunan? Ipaghahanda ko pop kayo!”
“Hindi ako kumakain ng ganitong oras…” matamlay na sagot ni Franco sa kanya at tinapunan siya ng matalim na tingin bago ito tumalikod at dumiretso sa kwarto nito, “ nakakataba kasi at please lang pagod na ako! Tsk!”
MASYADONG particular at conscious si Franco pagdating sa katawan niya lalong-lalo na para sa kanya, It's too hard to lose weight.Napangiti na lang si Aurora, "Okay po, sige babalik na lang po ako sa kwarto at matutulog ulit.”Franco just snorted."Good night po Mr. Franco."Aurora said goodnight to him, tapos naglakad na rin patungo sa kwarto niya. Bigla naman napahinto si Franco sa paglalakad patungo sa kwarto niya at tinawag si Aurora ng may mapansin siya dito."Aurora... sandali."Napahinto naman kaagad si Aurora then turned her head towards Franco and ask him, "Bakit po?"Tiningnan naman ni Franco si Aurora bago nagsalita, " Next time, huwag kang lumabas na naka ganyan lang…” Tumikhim pa si Franco at biglang napaiwas ng tingin sa kay Aurora. Hindi siya makatingin ng diretso dito. She was not wearing anything at tanging pantulog lang, see-through pa naman, and Franco’s eyes were sharp, and he saw everything that should not be seen.Kahit na mag-asawa sila, pero hindi naman si
Pagkatapos kumain ay uminom si Franco ng tubig tapos ay, kinuha nito ang kanyang pitaka mula sa kanyang bulsa. Tiningnan niya ito at napansin na wala siyang enough na cash kaya kinuha niya na lang ang kanyang bank card at inilagay ito sa harap ni Aurora.Nang makita ni Aurora ang ginawa ni Franco at madali niyang naintindihan ang gusto nitong mangyari. Di pa napigilan ni Aurora ang isang kilay niyang tumaas."Kung may gusto kang bilhin,obviously kailangan mo ng pera. Ang bank card na ito ang gagamitin monat ang password ay..."Naghanap pa si Franco ng papel at ballpen at doon niya isinulat ang password, nang matapos ay iniabot niya ito kay Aurora."Ang pera sa bank card na ito ay para sa iyong pamilya at sa mga gastusin mo dito sa bahay o sa sarili mo. Magde-deposit ako ng pera dito buwan-buwan mula sa aking sahod. At huwag kang mag-alala, hindi ako mangingialam sa iyong gastusin, pero gusto ko lamang malaman kung saan mo ito gagastusin."Noong araw ng kasal nila, ay naalala ni Franc
MASAYANG nagtungo si Aurora sa bahay ng kanyang Ate Elsa. Habang naglalakad patungo sa bahay ng kapatid ay hindi mawala sa isip ni Aurora ang sitwasyon ng Ate niya sapagkat matagal na panahon na rin na siya ang gumigising ng maaga at maghanda ng almusal ng pamilya ng Ate niya bago siya umalis patungong bookstore niya. Ngayon ay hindi maalis sa isipan niya kung nagawa ba ng Ate niyang bumangon ng maaga at nakapagluto ng almusal kaya bago dumiretso ng tuluyan sa bahay ng Ate Elsa niya si Aurora ay bumili siya ng mga ulam para sa Ate niya at sa pamangkin niyang si Boyet sa malapit na carinderia sa bahay ng Ate Elsa niya. Isa pa sa mga ganitong oras ay sigurado naman siyang nakaalis na ang bayaw niya at nagtrabaho. Kaya ang binili niyang ulam ay para lamang sa Ate niya at kay Boyet.Dire-diretso siya sa pintuan ng Ate niya at binuksan ito, pagkabykas ng pintuan ay bumungad sa kanya ang Ate niyang abala sa kusina."Ate." aniya."Ayang! Salamat naman at napadaan ka!."Lumabas si Elsa m
"Tara na." Malamig na turan ni Franco sa driver nito. Sa isip niya ay pinapagalitan niya si Aurora dahil sa katigasan ng ulo nito. Hindi na naglakas loob na magsalita pa ang driver at muling pinaandar ang sasakyan. Samantalang si Aurora ay dire-diretso sa bookstore niya pagkatapos ng insidente, namataan niya rin ang matalik niyang kaibigan na Sharon, mas nauuna ito sa kanya dahil sa mas malapit lang naman ang bahay nito sa kanilang bookstore. "Ayang!" bati sa kanya ni Sharon ng makita rin siya nito na paparating. Kasalukuyang nag-aalumusal si Sharon ng makita niya ang matalik na kaibigan na paparating at nakasakay sa scooter nito binati niya ito at tinanong, "Kumain ka na ba?" Tumango naman si Aurora matapos iparada ang kanyang scooter sa parking area sa labas ng bookstore nila, at sumagot sa tanong ni Sharon, "Kumain na ako, salamat." Ngumuso si Sharon at bumalik sa pagkain ng almusal na mag-isa, pero bigla rin itong tumigil sa pagkain at kinuha ang dalang pagkain para sa kai
Ang venue para sa handaan ay ang isa sa Montefalco Hotel, isang lugar kung saan karaniwang hindi pinupuntahan ni Aurora. Ang Montefalco Hotels ay isa sa mga pinaka-advanced na hotel sa lungsod, na kilala bilang 5 stars hotel. “Auntie!” bati kaagad ni Sharon ng makita ang Auntie Vilma na papasok sa loob ng Montefalco Hotel. Narinig naman ito ng Auntie Vilma ni Sharon at agad na lumingon sa direksyon ng kanyang pamangkin. Binati pa nito ang mga kaibigan ng kanyang asawa na siyang pumapasok din sa entrance ng hotel at matapos batiin ang mga kakilala ng kanyang asawa, ay pinakiusapan niya ang kanyang anak na mauna na sa loob ng hotel, at siya naman ay nanatili sa pintuan ng hotel upang salubungin ang kanyang pamangkin. Naglalakad si Sharon patungo sa Auntie Vilma niya samantalang si Aurora ay nakasunod sa likod nito. "Auntie Vilma, magandang gabi po." bati ulit ni Sharon sa Auntie niya at nagmano pa dito. Alam ni Vilma na dinala ng kanyang pamangkin si Aurora, at medyo nag-aalala si
Halos nilagpasan lang ni Franco ang kanyang asawa na nasa isang sulok lamang, diretso ang lakad niya at hindi nagbibigay ng atensyon sa mga taong nasa paligid niya maliban sa taong bumati sa kanya pagdating niya mismo.Si Aurora naman ay sinubukang makiusyoso sa kung sino talaga iyong dumating pero pareho sa kay Sharon ay bigo silang makita ang mukha ng pinakamayamang tao sa syudad nila at ng pamilya Montefalco.“Naku halika ka na nga Bes, bumalik na tayo dun sa table natin at ipagpatuloy ang pagkain, kasi wala naman chance na makasingit tayo diyan upang makita ang pagmumukha ng pinakamayamang tao sa suydad natin ano, isa pa di naman iyan importante.”Paanyaya ni Aurora sa kay Sharon. Para sa kay Aurora ang pinunta niya sa party na iyon ay ang samahan ang kaibigan at kumain ng masarap na pagkain na ang iba ay first time niya pa lang matitikman."Ayang sandali, mauna ka na muna dun sa table natin at pupuntahan ko si Auntie Vilma para magtanong.” agad na sabi ni Sharon sa kay Aurora, so
Halos ramdam na ni Sharon ang alak sa kanyang sistema at busog na busog rin siya sa mga pagkain na kanyang kinain kasama si Aurora ganun din si Aurora kaya’t napagpasyahan nilang dalawa na mauna ng umuwi.“Dom, mauna na kami ni Aurora since tapos na rin kaming kumain ng masasarap na pagkain dito, isa pa di naman kami interasado talaga sa kung sino man ang mga nandito kaya pakisabi na lang sa kay Auntie na mauna na kaming umuwi.”Dahil sa narinig ni Dominic sa pinsan niya ay nag poker face na lang ito sapagkat gusto niya pa sanang magkaroon ng sapat na oras upang makausap si Aurora kahit papaano.Hindi nagpahalata si Dominic na medyo nalungkot siya dahil sa uuwi na nga sina Aurora at dahil dito ay nagkalakas rin siya ng loob upang makumbinsi sana ang pinsan niyang huwag munang umuwi , "Talaga bang aalis na kayo, Sha? Kasi hindi pa naman ganun kagabi at kahit na mamaya na lang kayo umalis, magsaya muna tayo dito." Sumagot naman si Aurora sa sinabi ni Dominic, Pasensya na talaga Dom, ka
"Hmm."Ngumuso si Franco sa mahinang boses.Lumapit naman si Aurora na may hawak na maliit na transparent na plastic bag sa kamay."Bumili pala ako ng betamax diyan sa kanto, gusto mo bang kumain o kumakain ka ba nito?"Tinitigan siya ni Franco na may madilim na mukha, alam nito na sa pagtitipon ay marami na itong nakain at sa dami ng kinain nito dun ay hindi pa rin iyon sapat?‘Ang takaw naman pa la ng babaeng ito.’ sa isip ni Franco na halos di makapaniwala."Alam mo masarap ito lalong-lalo na pag bagong luto, pero kung ayaw mo naman ng betamax ay may may fishball ako dito, spicy iyong sauce, gusto mo?"Umupo si Aurora sa tabi ni Franco, binuksan ang plastic bag at inilabas ang styro cup na may lamang fishball at ang isang brown na supot na may inasal na betamax. Lumabas ang amoy ng pagkain, at sa kasamaang palad ay hindi gusto ni Franco ang amoy nito, gusto niya sanang lumipat ng upuan peor di niya nagawa, feeling niya ay nasasakal siya sa amoy ng pagkaing dala ni Aurora.Sarap na