"Tara na."
Malamig na turan ni Franco sa driver nito. Sa isip niya ay pinapagalitan niya si Aurora dahil sa katigasan ng ulo nito.
Hindi na naglakas loob na magsalita pa ang driver at muling pinaandar ang sasakyan.
Samantalang si Aurora ay dire-diretso sa bookstore niya pagkatapos ng insidente, namataan niya rin ang matalik niyang kaibigan na Sharon, mas nauuna ito sa kanya dahil sa mas malapit lang naman ang bahay nito sa kanilang bookstore.
"Ayang!" bati sa kanya ni Sharon ng makita rin siya nito na paparating.
Kasalukuyang nag-aalumusal si Sharon ng makita niya ang matalik na kaibigan na paparating at nakasakay sa scooter nito binati niya ito at tinanong, "Kumain ka na ba?"
Tumango naman si Aurora matapos iparada ang kanyang scooter sa parking area sa labas ng bookstore nila, at sumagot sa tanong ni Sharon, "Kumain na ako, salamat."
Ngumuso si Sharon at bumalik sa pagkain ng almusal na mag-isa, pero bigla rin itong tumigil sa pagkain at kinuha ang dalang pagkain para sa kaibigan.
"Dalawang tupperware itong dala kong pancit at siomai oh, napakasarap, kaya tikman mo!”
Kinuha ni Sharon ang isang tupperware at inilagay sa tabi ng cash register para makita ito.
Napansin naman ni Aurora ang ipinatong ni Sharon sa tabi ng cash register dito rin siya dumiresto upang ilagay ang susi ng kanyang scooter sa loob nito pagkatapos ay umupo, at walang matamlay na hinila ang bag na naglalaman ng dalawang tupperware ng meryenda, "Basta ikaw alam kong masarap,” sabi nito at bumuntonghininga, “alam mo Bes nakakita ako ng Rolls-Royce na sasakyan.”
Ngumuso si Sharon at nagtaka, "O-okay at normal lang naman na makakita ng Rolls-Royce dito sa atin, ngunit paminsan-minsan lang, “ sabi ni Sharon at biglang nanlaki ang mga mata dahil sa curiosity, “ wait Bes nakita mo ba ang may ari sa loob ng kotse?”
Tumingin naman si Aurora sa kay Sharon at hindi nagsalita.
Ngumisi si Sharon bigla: "Nakaka-curious lang malaman at makita ang mga gwapong mayayaman na iyan dito sa atin kasi halos di sila ganun ka expose sa publiko, sobrang tago ng personalidad nila.”
"Sa tingin mo totoo talaga sila?” may pagdududa na tanong ni Aurora sa kay Sharon, “ kasi para sa akin gawa-gawa lang iyon mga nakasulat sa dyaryo ano para lang makuha ang interest ng publiko.”
Tumawa na lang si Sharon sa iniisip ng kaibigan, kahit kailan talaga ang hirap nitomg paniwalain sa mga bagay-bagay.
"Nga pala, Ayang, libre ka ba sa gabi?"
"Alam mo naman ang routine ko araw-araw ano… kaya bakit ka nagtatanong?"
Simple lang ang buhay para kay Aurora at dalawang lugar lang naman ang sa buong buhay niya siya ay pabalik-balik halos araw-araw… ang bookstore niya at ang bahay ng kanyang Ate.
“May party kasi mamayang gabi kung saan magkikita at magpupulong ang mga mayayaman na tao dito sa atin, ano gusto mong sumama?” paanyaya ni Sharon sa kay Aurora, “Sige na Bes sumama ka na para makita at makilala mo sila at makumbinsi kang totoo iyong mga gwapong ceo ano!”
Mabilis na tumanggi si Aurora, "Tigilan mo nga ako Bes, regardless mayaman o ano pa iyan, alam mo namang wala akong interest sa mga ganyan.”
Hindi naman mababa ang buwanang kita ni Aurora , ngunit para sa kanya ay wala siyang puwang sa mundo ng mayayaman sa lipunan nila. At kahit na kailan ay hindi niya pinangarap ito. Kuntento at masaya na siya sa kung ano ang meron siya.
“Actually, ayoko naman talagang sumama, kaso itong si Mama ay pinakuha ako ng imbitasyon sa Auntie ko at sa bawat imbitasyon ay pwedeng magdala ng isa pang tao, naiisip kita Bes, kaya Ayang,sige na… samahan mo naman ako kasi magagalit iyong Mama ko pag di ko pinuntahan… please bessy.”
Nagpa cute pa si Sharon at nag puppy eyes habang kinukumbinsi ang matalik na kaibigan na sana ay samahan siya sa party at umaasa na makumbinsi niya si Aurora, na mapapapayag niya ito.
Ang pamilya nina Sharon ay hindi naman ganun kalaking mga tao pero maituturing na ring na parang lokal na mga mayayaman sa syudad nila dahil sa mga iilang bahay at tindahan na halos sa kalahati ng isang kalye ang pagmamay-ari nito. Pinapaupahan iyon ng pamilya nila ngunit sa kabila ng mga ari-arian ng pamilya ni Sheila ay malayo pa rin ito sa estado ng mga matataas at likhang mayayaman na mga tao syudad nila.
Aminado naman si Aurora na ang kaibigan niya ay namulat sa kaisipan na mag asawa ng isang mayaman at may mataas na estado basi na rin sa gusto ng Mama nito at Auntie Vilma niya. Gusto rin ng TIta Vilma nito na makapag asawa ito ng mayaman na katulad niya.
"Inuudyok ka na naman ni Auntie Vilma na magpakasal sa mga mayayaman Bes?"
Matamlay na tumango si Sheila sa tanong ni Aurora.
“Kung sabagay halos pare-parehos lang naman ang mga magulang ngayon, lahat inuudyok ang mga anak na magpakasal sa mayayaman kahit na nage-gets ko naman ano, na gusto lang nila ng stable na buhay para sa mga anak nila pero ang pakikipagsundo kasi ay hindi talaga okay.”
Aurora speaks from her situation, hindi niya pinangarap na makasal sa isang taong ni hindi niya kilala at first time niya lang makita ngunit sa sitwasyon niya kinakailangan, isa pa alam niya namang di ganun kayaman ang asawa niya sa tingin niya halos parehos lang sila ng estado, at medyo nakakalamang lang ito sa kanya.
“Kaya nga Bes at kahit na kailan ayaw ko rin talagang magpakasal sa isang mayaman ano. Iba pa rin pag mahal mo iyong taong pakakasalan mo."
Naiintinidihan ni Aurora ang pinaghuhugutan ng kaibigan nito, gusto nito mag-iba ng landas at ayaw nitong matulad sa Auntie Vilma niya.
“Kaya Ayang sige na, sumama ka na please… samahan mo na ako, isa pa di naman tayo pupunta doon para makakilala ng mayayaman ano, pupunta tayo dun sa mga masasarap na pagkaing ihahanda!"
Nang marini naman ni Aurora iyong huling sinabi ng kaibigan ay napatingin siya rito. Alam ni Sharon na ‘food is life’ and motto ng kaibigan nito at actually magkatulad sila, gustong -gusto nila ang kumain, at palagi nila ng trip ito.
Hindi tinigilan ni Sharon si Aurora hangga’t di ito pumapayag kaya sa bandang huli ay napapayag din siya nito. At dahil sa pumayag si Aurora ay napag desisyunan nilang maaga silang magsasara upang makapaghanda sa party mamayang gabi.
Ngunit bago ang lahat ay tinawagan muna ni Aurora ang kanyang kapatid at tinanong ang kanyang pamangkin kung kumusta ang pakiramdam nito, dahil sa masama ang pakiramdam nito kanina, mabuti na lang at dinala ng Ate niya si Boyet sa doctor para masuri, masaya siyang nakinig ito sa kanya.
Kasabay ng pangangamusta ni Aurora sa pamangkin ay sinabihan niya rin ang Ate niya na sasamahan niya si Sharon sa isang party.
"Magandang pagkakataong ma expose ka sa mga ganyang okasyon Ayang, kaya masaya akong sasama ka kay Sharon."
Labis na pabor si Elsa sa kanyang kapatid na pumunta sa party at halatang-halata ito sa kanyang boses.
Pagkasara ni Aurora ng pintuan ng bookstore nila ni Sharon ay agad siya nitong kinaladkad upang sumama dito na makapaghanda at magpaganda.
Ang pamilya naman ni Sharon ay walang problema sa pagbitbit ni Sharon sa kaibigan nito. Para sa kanila ay okay lang since kasal na rin naman ang kaibigan nito kaya panatag ang loob nilang hindi magiging kaagaw sa atensyon si Aurora ni Sharon sa party na iyon.
Kinagabihan, pasado alas-sais, ay huminto sa tapat ng pintuan ng pamilya ni Sharon ang isang luxury car na inayos ng tiyahin nito.
"Mag enjoy kayong dalawa!"
Unang lumabas si Sharon at pumasok sa luxury car samantalang si Aurora naman ay binilin ang Mama ni Sharon dito sa kanya, “Ayang huwag na huwag mong hahayaan si Sharon na kumain lang na kumain dun ha, alam mo naman iyan, dapat makahanap at makakakilala ng isang bata, gwapo at mayaman na mapapangasawa iyang kaibigan mo.”
Tapos ay malakas itong nagbigay ng bilis mismo sa kay Sharon, "Sharon naku huwag kang kain lang kain dun ha, wag mong hayaan na mapunta sa wala ang hirap ng Auntie Vilma mo sa iyo!”
Napangiti na lang si Aurora at sinabing, "Auntie, huwag kang mag-alala, babantayan ko iyang si Sharon, na huwag lang kumain dun sa party, makakaasa po kayo!”
Kahit papaano ay naging panatag naman ang loob ng Mama ni Sharon. Gustong-gusto nito si Aurora dahil sa mabuti nitong ugali. At naisip niya nga kung hindi lang mas matanda ng ilang taon ito sa kapatid ni Sharonna lalaki ay gusto niyang manugang ito.
Kaya nalungkot ang Mama ni Sharon ng malaman na nagpaksal na ito.
Di kalaunan ay hinila na ni Sharon si Aurora na pumasok na sa loob ng luxury car, nakaupo na ito sa loob at ng makapasok na si Aurora sa loob ay halos di siya makapaniwala kung bakit nandun siya sa gaoong sitwasyon, kung di lang talaga sa kaibigan niya ay wala talaga siyang kagana-gana sa mga ganitong bagay.
Humugot siya ng malalim na buntonghininga at pabulong na nagsabing, “ bahala na si batman…”
Ang venue para sa handaan ay ang isa sa Montefalco Hotel, isang lugar kung saan karaniwang hindi pinupuntahan ni Aurora. Ang Montefalco Hotels ay isa sa mga pinaka-advanced na hotel sa lungsod, na kilala bilang 5 stars hotel. “Auntie!” bati kaagad ni Sharon ng makita ang Auntie Vilma na papasok sa loob ng Montefalco Hotel. Narinig naman ito ng Auntie Vilma ni Sharon at agad na lumingon sa direksyon ng kanyang pamangkin. Binati pa nito ang mga kaibigan ng kanyang asawa na siyang pumapasok din sa entrance ng hotel at matapos batiin ang mga kakilala ng kanyang asawa, ay pinakiusapan niya ang kanyang anak na mauna na sa loob ng hotel, at siya naman ay nanatili sa pintuan ng hotel upang salubungin ang kanyang pamangkin. Naglalakad si Sharon patungo sa Auntie Vilma niya samantalang si Aurora ay nakasunod sa likod nito. "Auntie Vilma, magandang gabi po." bati ulit ni Sharon sa Auntie niya at nagmano pa dito. Alam ni Vilma na dinala ng kanyang pamangkin si Aurora, at medyo nag-aalala si
Halos nilagpasan lang ni Franco ang kanyang asawa na nasa isang sulok lamang, diretso ang lakad niya at hindi nagbibigay ng atensyon sa mga taong nasa paligid niya maliban sa taong bumati sa kanya pagdating niya mismo.Si Aurora naman ay sinubukang makiusyoso sa kung sino talaga iyong dumating pero pareho sa kay Sharon ay bigo silang makita ang mukha ng pinakamayamang tao sa syudad nila at ng pamilya Montefalco.“Naku halika ka na nga Bes, bumalik na tayo dun sa table natin at ipagpatuloy ang pagkain, kasi wala naman chance na makasingit tayo diyan upang makita ang pagmumukha ng pinakamayamang tao sa suydad natin ano, isa pa di naman iyan importante.”Paanyaya ni Aurora sa kay Sharon. Para sa kay Aurora ang pinunta niya sa party na iyon ay ang samahan ang kaibigan at kumain ng masarap na pagkain na ang iba ay first time niya pa lang matitikman."Ayang sandali, mauna ka na muna dun sa table natin at pupuntahan ko si Auntie Vilma para magtanong.” agad na sabi ni Sharon sa kay Aurora, so
Halos ramdam na ni Sharon ang alak sa kanyang sistema at busog na busog rin siya sa mga pagkain na kanyang kinain kasama si Aurora ganun din si Aurora kaya’t napagpasyahan nilang dalawa na mauna ng umuwi.“Dom, mauna na kami ni Aurora since tapos na rin kaming kumain ng masasarap na pagkain dito, isa pa di naman kami interasado talaga sa kung sino man ang mga nandito kaya pakisabi na lang sa kay Auntie na mauna na kaming umuwi.”Dahil sa narinig ni Dominic sa pinsan niya ay nag poker face na lang ito sapagkat gusto niya pa sanang magkaroon ng sapat na oras upang makausap si Aurora kahit papaano.Hindi nagpahalata si Dominic na medyo nalungkot siya dahil sa uuwi na nga sina Aurora at dahil dito ay nagkalakas rin siya ng loob upang makumbinsi sana ang pinsan niyang huwag munang umuwi , "Talaga bang aalis na kayo, Sha? Kasi hindi pa naman ganun kagabi at kahit na mamaya na lang kayo umalis, magsaya muna tayo dito." Sumagot naman si Aurora sa sinabi ni Dominic, Pasensya na talaga Dom, ka
"Hmm."Ngumuso si Franco sa mahinang boses.Lumapit naman si Aurora na may hawak na maliit na transparent na plastic bag sa kamay."Bumili pala ako ng betamax diyan sa kanto, gusto mo bang kumain o kumakain ka ba nito?"Tinitigan siya ni Franco na may madilim na mukha, alam nito na sa pagtitipon ay marami na itong nakain at sa dami ng kinain nito dun ay hindi pa rin iyon sapat?‘Ang takaw naman pa la ng babaeng ito.’ sa isip ni Franco na halos di makapaniwala."Alam mo masarap ito lalong-lalo na pag bagong luto, pero kung ayaw mo naman ng betamax ay may may fishball ako dito, spicy iyong sauce, gusto mo?"Umupo si Aurora sa tabi ni Franco, binuksan ang plastic bag at inilabas ang styro cup na may lamang fishball at ang isang brown na supot na may inasal na betamax. Lumabas ang amoy ng pagkain, at sa kasamaang palad ay hindi gusto ni Franco ang amoy nito, gusto niya sanang lumipat ng upuan peor di niya nagawa, feeling niya ay nasasakal siya sa amoy ng pagkaing dala ni Aurora.Sarap na
Umupo si Aurora sa tapat ni Franco at ang kanyang maganda at bilugan na mga mata ay diretsong nakatingin sa kay Franco. Habang nakatitig si Aurora sa kay Franco at naghihintay ng sagot ay hindi niya maiwasang hindi mag admire sa ganda ng hugis ng mukha nito at maamong mukha, likas na magandang lalaki ang napangasawa niya at hindi niya maitatanggi iyon, pero alam niya ang limitasyon at boundary niya sa simula pa lang kaya bantay sarado rin ang bawat kilos niya sa harap nito.Katahimikan at hindi sumagot si Franco kaya napatikhim si Aurora at nagpatuloy sa pagsasalita."Ang pagtitipon na pinuntahan namin ng bff ko ngayong gabi ay ginanap sa Montefalco Hotel, at nalaman ko na pagmamay ari din pala iyon ng Montefalco Inc. at obvious naman dahil sa apelyido, siguro ay sadyang common na talaga ang apelyidong iya kasi Montefalco rin ang apelyido mo at magkapareho kayo ng pangalan ng CEO ng kumpanyang iyon… akalain mo ha kaya napaisip din ako na baka may kinalaman ka ba sa pamilya na iyon o w
Nang matapos sa pagkuha ng mga sinampay si Aurora ay dumiretso siya kaagad sa kwarto niya, pero habang patungo doon ay naisipan niyang kumatok muna sa pintuan ng kwarto ni Franco. Nakailang katok pa siya bago ito nabuksan, ng makita niya ang lalaki ay nakaligo na ito, at nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya nito, naka sando at naka pajama na rin, halatang ready na anytime na matulog. Nakakunot ang noo nitong tumingin sa kanya, marahil ay nagtataka kung ano ba ang sinadya niya. “Yes? May kailangan ka?” mahinang tugon nito pero halatang irritable ang tono. Ngumiti lang si Aurora at nagsalita. "Sa weekend pala , pagkatapos makipagkita sa iyong mga magulang, naisip kong bumalik sa probinsya namin para magpaputol ng dalawang kawayan at gawin nating sampayan para mabilis matuyo ang mga damit natin at may maayos na sampayan tayo." Mas lalong kumunot ang noo ni Franco ng marinig ang mga sinabi niya. ‘Ano ba ang naiisip ng babaeng ito?’ ‘Seryoso siya sa pagpunta lang sa probinsya nil
Alas sais kinaumagahan, nagising si Franco ng isang tawag sa kanyang cellphone.Kinuha niya ang cellphone at tiningnan, at nakita sa screen na si Aurora ang tumatawag sa kanya, medyo galit pa siya dahil nadistorbo ang kanyang tulog ngunit mas pinili niya na kang magtimpi ng inis at galit bago at sinagot ang tawag nito."Mr. Franco, gising ka na ba? Pasensya ka na sa istorbo ngunit need kasi nating umaga na pumunta dun para naman makabili tayo ng mga sariwang gulay at binhi na rin upang makapag tanim sa may balkonahe natin.”"Ito na babangon na." tamad na sagot habang pilit na pinabangon ang sarili nitong katawan."Then I'll wait for you, bilisan mo ha!""Okay."Napailing na lang si Franco sa at napahilit ng sentido niya. Naiinis man siya pero wala siyang magawa, nangako na kasi siya kay Aurora kagabi kaya heto siya at pilit na pinapabangon ang sarili tapos pinapatayo para maligo.Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ng kwarto niya si Franco. Naka simpleng gray shirt lang sya
Nakatayo si Franco sa gilid ng tindahan ng mga gulay habang si Aurora ay busy sa pamimili at pakikipag tawaran pa ng presyo ng mga ito. Nanonood na naaaliw si Franco sa ginagawa ni Aurora. Hindi niya rin mapigilan ang hindi matawa ng palihim habang naririnig niyang hindi nito titigilan ang tindera hangga’t di napapayag sa presyo na tinatawad nito. Magkabilang may hawak siya ng mga supot ng mga sariwang gulay, isda at karne silang pinamili sa. Akala niya nga gulay lang talaga at mga binhi nito ang bibilhin pero nagulat siyang marami pa pala. Bago sila tuluyang umalis ng palengke ay nagtungi nga si Aurora sa isa estante na nagtitinda ng mga samo’t saring halaman kabilang na rin ang mga binhi ng mga gulay. Bumili ito kasi sabi nito ay aggawa siya ng maliit na greenhouse para sa mga tanim na gulay para hindi na raw bili ng bili.Pero hindi lang iyon ang ipinamili. Bumili rin si Aurora ng mga mesetera para sampo para sa mga gulay na parang hugis parihaba at sampo para rin sa mga bulaklak