Share

CHAPTER 12

Ang venue para sa handaan ay ang isa sa Montefalco Hotel, isang lugar kung saan karaniwang hindi pinupuntahan ni Aurora. Ang Montefalco Hotels ay isa sa mga pinaka-advanced na hotel sa lungsod, na kilala bilang 5 stars hotel.

“Auntie!” bati kaagad ni Sharon ng makita ang Auntie Vilma na papasok sa loob ng Montefalco Hotel.

Narinig naman ito ng Auntie Vilma ni Sharon at agad na lumingon sa direksyon ng kanyang pamangkin. Binati pa nito ang mga kaibigan ng kanyang asawa na siyang pumapasok din sa entrance ng hotel at matapos batiin ang mga kakilala ng kanyang asawa, ay pinakiusapan niya ang kanyang anak na mauna na sa loob ng hotel, at siya naman ay nanatili sa pintuan ng hotel upang salubungin ang kanyang pamangkin.

Naglalakad si Sharon patungo  sa Auntie Vilma niya samantalang si Aurora ay nakasunod sa likod nito.

"Auntie Vilma, magandang gabi po." bati ulit ni Sharon sa Auntie niya at nagmano pa dito. 

Alam ni Vilma na dinala ng kanyang pamangkin si Aurora, at medyo nag-aalala siya sapagkat si Aurora, ng makilala niya ito ay mas maganda pa kaysa sa kanyang pamangkin, kahit na sabihin pang mas maganda ang estado ng buhay ni Sharon at ang kay Aurora ay hindi, ngunit ang angking ganda  ni Aurora ay parang mapagkakamalan pang mayaman ito kaysa sa pamangkin niya.

Kaya hindi maiwasan na mag-alala ni Vilma sapagkat baka mas makuha pa ni Aurora ang atensyon ng mga mayayamang bachelor sa party kaysa sa pamangkin niyang si Sharon.

Pagkatapos magmano ni Sharon sa kanyang Auntie Vilma ay bumati naman si Aurora dito na nakasunod sa likod ni Sharon. Doon rin mas napansin ni Vilma na nakasuot lang ito ng isang simpleng damit na may kaunting light makeup, at ni walang alahas ito sa katawan kaya kahit papaano’y natuwa si Vilma. 

"Mabuti naman ang nakarating na kayo at ito ang iyong invitation letter, pumasok na kayo sa loob para magparehistro."

Nagmamadaling kinuha naman ni Sharon ang sarili niyang imbitasyon habang ang Auntie Vilma nito ay may mga bagay na pinapaalala sa kanila.

"Pagpasok niyo sa loob siguraduhin niyong maayos kayo kung kumilos, ugaliin niyong makihalubilo sa mga ibang bisita rin, “ sabi ni Vilma tapos ay nalipat ang tingin niya sa kay Aurora, “ At Ayang mas matino ka sa kaibigan mong ito kaya bantayan mo at huwag mo itong hayaang gumawa ng gulo o kung ano pa, may ipapakilala pa naman ako diyan sa kanya na isa sa mga  mayayamang bachelor dito sa ating syudad.”

Tumango naman si Aurora sa Auntie Vilma ni Sheila na nakangiti, “ Makakaasa po kayo Auntie Vilma, ako bahala sa kay Sharon.”

Tapos ay bumulong si Vilma sa kanyang pamangkin, "Sharon, umayos ka, ito na ang chance mong makakilala ng mayamang bachelor dito sa ating syudad at pag nangyari iyon ay isang malaking karangalan iyon sa pamilya natin.” madiin na bilin ni Vilma sa jay Sharon, “ ikaw ang inaasahan namin sapagkat bata pa iyang pinsan mo at wala pa sa tamang gulang at panahon.”

Napabuga na lang hangin si Sharon sa ibinulong ng Auntie Vilma niya sa kanya, “ Auntie naman alam naman nating sobrang taas ng estado ng mga iyan kaysa sa atin at feeling ko hindi rin ako bagay sa mga ganyang lalaki.”

Expected na talaga ni Sharon ang gusto ng Auntie Vilma niya sa kanya pero wala talaga siyang balak para gawin ang mga bagay na sinabi nito sa kanya. Para sa kanya ay pumunta lang siya sa party na iyon para magsaya, uminom at kumain.

Si Aurora naman ay nasa tabi ni Sharon at mataman na nakikinig sa bulungan ng magtiya. 

Hindi naman nangangarap si Sharon at gawin talaga ang sinabi ng Mama at Auntie Vilma niya, ngunit hindi rin nito napigilan na magtanong kung sino ba ang pinakamayang bachelor sa syudad nila. 

"Ano po ba iyong pangalan ng pinakamayamang lalaki dito sa atin Auntie?"

"Naku iyong mga Montefalco ang mismong may-ari ng hotel na ito."

"Hmmm, di ba Montefalco rin ang napangasawa mo Bes?" Bahagyang hinawakan ni Sharon si Aurora ng maalala na ang last name ng lalaking pinakasalan nito kamakailan lang ay may parehos na apelyido sa pinakamayamang pamilya sa syudad nila.

Si Aurora naman ay napansin na rin iyon, simula ng marinig niya ang venue ng party, alam niya ring may Montefalco hotels pero kahit na kailan ay hindi sumagi sa isip niyang mag-isip na parti ng pinakamayamang pamilya  ng mga Montefalco ang kanyang asawang si Franco, para kasi sa kanya maraming ordinaryong mga taong may parehong apelyido sa ibang mga mayayaman.

Kaya nagkibit balikat lang siya. Marami pang ibinilin at sinabi ang Auntie Vilma ni Sharon pero itong si Sharon ay hindi na nakikinig ng maayos, ang lahat ng mga sinabi ng Auntie Vilma nito ay ipinasok lang sa tenga niya at pinalabas sa kabila. Kaya di maiwasang hindi mairita ang Auntie Vima nito sa kay Sharon.

“Hay naku Sharon, kahit na kailan talaga hindi ka nakikinig ng maayos, “ inis na turan ni Vilma sa pamangkin, “ sige na mauna na kayo sa loob at may kakausapin pa ako… pero ang mga ibinilin ko Sharon.” 

"Auntie naman eh, mauna na nga kami."

Pagkasabi nun ay mabilis na hinila ni Sharon si Aurora palayo sa Auntie Vilma nito, naririndi na ang tenga ni Sharon sa pagmamaktol ng kanyang Auntie Vilma, gaya ng kanyang ina, kaya di nakapagtataka kung magkasundo ang dalawa.

Hindi maiwasang mamangha ni Aurora ng makapasok na mismo sa loob ng Montefalco hotel, dumiretso sila sa pinakamalapad na function hall nito kung saan ang mga panauhin at ang mga pagkain. Si Sharon naman ay nakailang beses ng makapunta sa lugar kaya pangkaraniwan na lang ito sa kanya. 

Agad na  ikinuha niya si Aurora ng dalawang plato ng pagkain tapos naupo sila sa isang sulok. 

Ngumiti si Aurora sa pinaggagawa ni Sharon at sinabing, "Kung alam ni Auntie na pumunta ka dito para kumain, magagalit iyon."

“Hay naku Bes, hayaan mo na nga sila, isa pa alam nating dalawa na ito lang talaga ang pakay natin dito ano.”

Mahinang natawa silang dalawa gaya ni Sharon ay pagkain lang din ang pinunta ni Aurora.

Sinulit nina Aurora at Sharon at sitwasyon. Nag e-enjoy silang kumakain at uminom ng mamahaking wine. Wala silang pakialam sa kung ano ang mga kaganapan sa palibot nila. Isa pa para kay Aurora kasal na siya kaya wala talagang rason para magpapansin o magka interest na makakilala ng kung sino sa lugar na iyon.

Patuloy sa pagkain ang dalawa sa sulok na parti ng function hall na iyon at komportable sa kanilang ginagawa. Hanggang sa napansin ni Aurora na biglang tumahimik ang lahat. Kaya napahinto sa pagkain ang dalawa. 

Bahagyang siniko ni Aurora si Sharon na katabinlang nito sa upuan at tinanong, "Bes, bakit sila natahimik, anong meron bakit lahat sila nakatingin sa pinto… sino kaya ang paparating?"

"Hindi ko alam." mabilis na tugon ni Sharon.

Tumayo si Sharon at, sumunod din si Aurora. Minabuti nilang pumunta sa kumpol na mga taong nakiki siksikan dun sa malapit sa pintuan upang salubungin at makita ng malapitan kung sino man ang pinakaimportanteng taong paparating. Ngunit sa dami ng tao ay nahihirapan ang dalawang makita ang taong paparating.

Si Franco Montefalco, nakasuot ng suit at leather na sapatos, ay dire-diretsong pumasok sa kanyang malaking hotel na napapalibutan ng isang grupo ng mga bodyguard.

Ang party ngayong gabi ay pinamumunuan ng isa sa malaking tao na ka negosyo ni Franco kaya bilang CEO ng kompanya nila at tagapamahala ng negosyo ng pamilyang Montefalco ay walang siyang choice kung hindi ang pumunta at asikasuhin ang isa sa pinakamalaking investor niya sa negosyo. 

Nakikita niya ang mga taong nagkukumpulan sa pagsalubong sa kanya at sanay na rin siya. Hindi siya ang tipo ng taong basta-basta na lang nakikihalubilo sa lahat. Seryoso at maamo ang kanyang mukha. Kaya marami ring atubiling mag approach sa kanya. Pero sa kabila ng lahat aminado siya na sa kabila ng pagiging malamig niya at hindi palangiti ay maraming nahuhumaling sa kanya pero palagi niyang iniisip na dahil iyon sa kayamanan na meron siya at hindi sa kung ano ang personalidad niya.

“Mr Montefalco, ikinagagalak naming nakapunta ka!” salubong na pagbati ng investor niyang may pasimuno ng pagpupulong nila ngayong gabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status