BAGO pa makapagsalita si Elsa ay nagsalita ulit si Anton na mas lalong ikinagalit nito. " Nagsabi rin sina Ate na kung pupwede sa kanila muna ipangalan ang titulo ng bahay dahil sa loan na plano nilang eh proseso at syempre may hati rin tayo doon dahil dito mag sta-stay ang mga pamangkin ko sa bahay natin."Nang marinig iyon ni Elsa ay tila umuusok na ang kanyang ilong at tenga sa sobrang gigil dahil sa mga pinagsasabi ni Anton.Sinabi ni Elsa nang malamig, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Anton? Akala mo ba nandito lang ako sa loob ng bahay at kumakain lang? Halos lahat ng mga gawain dito ay ako pati na rin ang pag-aalalaga kay Boyet, lahat ng iyon Anton tinitiis ko para sa anak natin at sa pamilyang ito pagakatapos may mga ganyan kang desisyon!?."Taas baba ang dibdib ni Elsa sa sobrang gigil na nararamdaman dahil sa mga naging desisyon at pag sang ayon ni Anton sa kapatid nito."Pero ang dalawang anak ng kapatid mo ay wala akong kinalaman; hindi ko sila responsibilidad, at hind
ALAM na alam ni Elsa na sobrang dehado siya sa sitwasyon kaya naniniguro lang din siya. Halata naman noon pa lang na ang pamilya ni Anton ay interesado sa kanilang bahay at lupa. Gusto nilang makihati. Kaya nga sobrang pagsisisi rin ang naramdaman ni Elsa dahil sa nagtiwala siya ng lubos kay Anton sapagkat ang bahay at lupa ay nakapangalan lamang kay Anton dahil ng binili ito ay di pa sila kasal. Itim ang mukha ni Anton sa mga narinig niya mula sa kay Elsa, "Ang isang bata ay 5,000 pesos; bakit hindi ka na lang magnakaw sa bangko? Maghiwalay? Akala mo ba ay bata ka pa rin at labing-walong taong gulang? Alalahanin mo ikaw ay kasal na, may anak na, walang trabaho, mataba na parang baboy, at sobrang pangit na kahit sino ay walang magkaka interest! At kaya mo bang supurtahan ang sarili mo!?"Nagpintig ang tenga ni Elsa ng marinig ang mga sinabi sa kanya ni Anton. Nasaktan siya at nainsulto. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa kay Anton. Mas lalong bumilis ang p
MGA ilang minuto pa lang nakalipas ng marealized ni Franco na hindi dapat siya ganito kay Aurora pero bago pa man ito makapag react ay bumangon si Aurora at humarap upang tingnan si Franco. Di naman sinasadya na timing rin ang pagtingin ni Franco sa kay Aurora.In that moment ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakaramdam ng tensyon si Franco ng mangyari iyon. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at nagsalita, "Tinitingnan mo ba ako ng ganyan dahil sa iniisip mo ba kung may katotohanan ang aking mga sinasabi?" Kahit na malamig ang personalidad ni Franco pero maayos ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Ang lalaki sa kanilang pamilya ay mapagmahal sa asawa at lumaki siyang inuulit iyon ng kanyang lolo sa kanila.Naalala niya pa na minsang sinabi ng kanyang ama na ang lalaking marunong lamang mang-abuso sa kanyang asawa ay hindi mabuti at hindi totoong lalaki!"Mr. Franco.""Hmm..." Sabi ni Aurora, "Maraming salamat at naniniwala ako sa iyo."Nag-atubiling
MAS lalong naramdaman ni Franco at pagsiksik ni Aurora sa kanya at humigpit ang yakap nito. Bigla niya tuloy naramdaman ang pagdikit ng dibdib nito sa braso niya that makes him feel awkward and stiff at the same time. Kaya naisip niya that he needs to do something para makaalis sa tabi ni Aurora dahil baka kung hindi ay di niya mapigilan ang sarili at bumigay siya. And he can't let that happen. "Tsk, bitawan mo na nga ako at pumasok ka na sa loob ng silid mo at doon matulog. Hindi unan ang balikat ko ano! " Pagkasabi ni Franco ng ganun ay agad itong tumayo at syempre nakita niya ang mga nabasag na piraso ng mga tasa at isa-isa niya itong pinulot. Tumayo naman kaagad si Aurora at naaalala ang mga nabasag na tasa at kumuha ng dustpan at walis. "Ito ilagay mo dito at ako na maglilinis niyan." sabi pa ni Aurora. Pero kinuha lang ni Franco sa kanya ang dust pan at walis, "ako na sige na bumalik ka na sa kwarto mo." Pero hindi sumunod si Aurora at hinintay niyang matapos si Franco. "
Mainit pa rin ang panahon sa Manila sa buwan ng Setyembre at sa umaga at gabi lamang mararamdaman ang lamig ng huling bahagi ng tag init.Madaling araw pa lang ay gising na si Aurora para maghanda ng almusal para sa pamilya ng kanyang nakakatandang kapatid. Tapos nagliligpit ito ng mga laruan sa sala, at nagwawalis ng sahig. Nang matapos ay, kumuha siya ng dalawang mainit na pandesal, dala niya rin ang kanyang mga personal na mga dokumento at tahimik na umalis sa bahay ng kanyang kapatid. ."Mula ngayon, ang mga gastusin natin, maging ito man ay living expenses, o mortgage at car loan, ay ang mahal na. At ang iyong kapatid na babae na nakikitira dito ay kailangan magbayad na din, hindi na pwede ang libre sa panahon ngayon!”Ito ang narinig ni Aurora sa sinabi ng kanyang bayaw nang mag-away ito ng kanyang Ate kagabi.At upang hindi mahirapan ang kanyang ate, kinailangan niyang umalis sa bahay ng kanyang kapatid, naisip niya rin upang maging maayos ang Ate niya ay napagdesisyunan niyan
Nang marinig ni Franco ang sinabi ni Aurora ay, hindi na nito kinumbinsi pa siya, kinuha na lang nito ang kanyang ID card, at nilagay sa harap ng staff.Ganoon din ang ginawa ni Aurora.Sa buong durasyon ng proseso ng mga papeles sa legalidad na bagay ng kanilang pagpapakasal, ay walang pag-uusap na naganap sa dalawa sa buong proseso. Ilang ulit din silang pinaalalahanan ng staff na hindi biro ang pagpapakasal at dapat ay pareho silang sigurado.Ayaw naman talaga nilang maging mag-asawa kahit na pagkatapos matanggap ang marriage certificate nasa isip nina Aurora at Franco.Subalit determinado ang dalawa, na gawin ang pagpapakasal . Matapos makatanggap ng dalawang sertipiko ng kasal mula sa staff, binuksan ito ni Franco at tiningnan ang mga ito pagkatapos ay ibinigay niya ang isa sa kay Aurora, at sinabi, “Ito ang sa iyo.”“Ben, salamat.” sabi din nito sa staff na tumulong.Pagkatapos ay sabay na lumabas sina Franco at Aurora.Sa labas ng pinto, tumigil si Franco, at nang sumunod si Au
“OPO Lola, gagawin ko po.” Kaswal na tugon ni Aurora.Bagama’t maganda ang pakikitungo sa kanya ni Lola Gloria, hindi maitatanggi na si Franco ay sarili nitong apo at siya ay isang hamak na sampid lamang. isa pa may conflict talaga ang mag-asawa at pag nakataong magka problema sila ni Franco ay tutulungan ba siya ng pamilya nito?Hindi naniniwala si Aurora.Tulad ng mga in-laws ng kanyang ate.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang Ate, napakabuti na ang kanilang mga biological na anak na babae ay nagseselos dito.Pero pagkatapos ng kasal, nagbago ang kanilang ugali. Sa tuwing may alitan ang ate niya at ang asawa nito, ang kanyang biyenan ay inaakusahan ang kanyang ate na mahirap at dagdag perwisyo lamang.Kaya, hindi naniniwala si Aurora na kaya siyang panindigan na ipagtanggol ng Lola Gloria nito sa apo niyang si Franco, dahil para sa kanya ang anak ng isang pamilya ay palaging kamag-anak, at ang isang manugang ay isang hamak na sampid lamang.“Magtrabaho ka na, hindi ka na gugu
"ATE, ikaw na mismo nagsabi na ang bahay ay pre-marital na pag-aari. Isa pa hindi naman po ako nagbabayad ng kahit isang sentimos… kaya para sa akin ang pagde-demand na ialagy pa sa pangalan ko iyon ay parang pamimihasa na po.” paliwanag ni Aurora.Aware siya na pag nakuha na ni Franco ang titulo ng bahay ay ibibigay nito agad sa kanya ang susi at makakapaglipat na siya ng bahay sa lalong madaling panahon. Masaya siya na ang problema sa paglilipatan niya ang na resolba na.Pero naiisip niya rin na kung sakaling isama ni Franco ang kanyang pangalan sa titulo ng bahay ay hindi naman niya ito tatanggihan sapagkat mag-asawa naman sila.Matapos masagot ni Aurora ang mga katanungan ng Ate niya at masiguro dito na mapagkakatiwalaan ang taong p[inakasalan niya ay huminto na rin sa pagtatanong nito sa kanya.Naisip pa ng Ate niya na sumama sa kanya sa Carmela Valley Garden upang makita naman ang sitwasyon niya subalit nagising ang kanyang pamangkin na si Boyet. ZUmiiyak ito at hinahanap ang ka