Share

CHAPTER 4

"ATE, ikaw na mismo nagsabi na ang bahay ay pre-marital na pag-aari. Isa pa hindi naman po ako nagbabayad ng kahit isang sentimos… kaya para sa akin ang pagde-demand na ialagy pa sa pangalan ko iyon ay parang pamimihasa na po.” paliwanag ni Aurora.

Aware siya na pag nakuha na ni Franco ang titulo ng bahay ay ibibigay nito agad sa kanya ang susi at makakapaglipat na siya ng bahay sa lalong madaling panahon. Masaya siya na ang problema sa paglilipatan niya ang na resolba na.

Pero naiisip niya rin na kung sakaling isama ni Franco ang kanyang pangalan sa titulo ng bahay ay hindi naman niya ito tatanggihan sapagkat mag-asawa naman sila.

Matapos masagot ni Aurora ang mga katanungan ng Ate niya at masiguro dito na mapagkakatiwalaan ang taong p[inakasalan niya ay huminto na rin sa pagtatanong nito sa kanya.

Naisip pa ng Ate niya na sumama sa kanya sa Carmela Valley Garden upang makita naman ang sitwasyon niya subalit nagising ang kanyang pamangkin na si Boyet. ZUmiiyak ito at hinahanap ang kanyang mama.

"Ate,asikasuhin mo na lang si Boyet, isa pa wala naman akong gaanong gamit at kaya ko na ring maglipat nito ng mag-isa.." 

Kailangang pakainin ni Elsa si Boyet, at pagkatapos na pakainin ang kanyang anak, kailangan niya ring maghanda muli ng tanghalian ndahil sa umuuwi ang kanyang bayaw pata sa bahay magtanghalian.

“O siya sige, basta’t kaya mo ha at mag-ingat ka sa daan… bago ka umalis ay kumain ka na rin ng tanghalian dito.”

"Ate, babalik ako sa bookstore sa tanghalian,kaya hindi ako makakasalo." sabi ni Aurora. 

“Naku naman kung inaalala mo ang kuya mo, huwag kang mag-alala tumawag kanina iyon na hindi siya makakauwi sa tanghalian dahil may pupuntahan siya.” pagsisinungaling ni Elsa sa kapatid nito.

“Walang problema Ate, kailangan ko lang talagang umalis kaya magliligpit na rin po ako ng mga gamit ko.” giit ni Aurora.

“Sigurado ka? E’ iyong asawa mo?” usisa na naman ni Elsa sa kapatid nito.

“Masyadong abala ang asawa ko Ate, umalis nga siya kaagad pagkatapos naming makuha ang marriage certificate naming dalawa.” sabi nito habang nagsisimula nang magligpit ng mga gamit niya.

At dahil sa sinabi ni Aurora ay naramdaman ni Elsa na ang kanyang bayaw ay hindi maalalahanin sa kanyang kapatid. Nakita naman kaagad ni Aurora ang naging expresyon ng mukha ng Ate niya kaya agad siyang nagpaliwanag.

"Sa ngayon ay mayroon lang kaming marriage certificate pero hindi pa namin po gaganapin ang kasal… kaya okay lang kung medyo busy ito sa negosyo.”

Kahit na puno ng pagdududa si Elsa ay tumahimik na lang siya, agad namang nagpaalam si Aurora sa kanyang Ate at pamangkin, pagkatapos ay kinaladkad ang kanyang maleta sa ibaba.

Di nagtagal ay nakaantabay na sa gilid ng kalsada si Aurora pagkatapos magpaalam sa Ate niya. Mabuti na lang at alam niya ang papunta sa Carmela valley Garden. Sumakay siya ng taxi at dumiretso sa dito. Pagdating niya sa lugar ay doon , naalala niya na nakalimutan niyang tanungin si Franco kung aling palapag ang kanyang unit.

Mabilis na kinuha ni Aurora ang kanyang cellphone upang tawagan si Franco, kaso doon niya na lamang na realized nq wala pa la siyang numero nito. Pero mabuti na lang at nakita niyang ini-add pa la ni Franco ang messenger account niya kaya kinompirma niya ito at agad na tinawagan.

Sa kabilang banda si Franco naman  ay nasa isang pulong, at sa tuwing may meeting isa sa mga pinagbabawal ay ang naka on ang mga cellphone ng mga nasa loob ng silid. Pinagbabawal rin ang tumanggap ng personal na tawag habang nasa meeting.

Kasalukuyang naka mute rin ang cellphone ni Franco, Subalit dahil inilagay niya ito sa mesa, ay nakita niya agad ang isang tawag sa kanyang messenger ngunit hindi niya kilala kung sino ito.

Ang pangalan ng account sa messenger ay “Ayang” at dahil sa hindi niya kilala ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at pinindot nang direkta ang end call button.

Pagkatapos ay tinanggal rin niya ito sa mga listahan ng kanyang kaibigan sa messenger.

Sa kabilang banda ay walang kaide-ideya si Aurora kung ano ang kasalukuyang ginagawa ni Franco at bakit hindi nito sinagot ang tawag niya, kaya naman naisip niyang mag text na lang dito.

Nagtipa ng text si Aurora...

Aurora: Mr. Franco, nasa Carmela Valley Garden  ako ngayon, ngunit hindi ko alam kung aling palapag ang iyong unit po ninyo?

Pagkatapos mag-type, at ma e-send ang mensahe ay nagtipa ulit siya ng text upang magpakilala na siya ang nag te-text subalit ay hindi na niya ma e send ang mensahe, doon napansin ni Aurora na hindi na pala sila magkaibigan sa messenger at mukhang restricted siya.

Biglang nagtaka naman si Aurora…

Bakit hindi na tayo magkaibigan? 

Ano kaya ang nangyari? 

May ginawa ba ako?

Sunod-sunod na tanong ni Aurora sa kanyang sarili at pilit niyang inaalala kung saan ba siya nagkamali at kung may ginawa ba siya na hindi nito nagustuhan at biglang hindi na sila friends sa messenger. Iniisip niya rin na tama naman ang mga impormasyon ng eh check niya ito kanina bago niya tawagan.

Malalim siyang nag-iisip, at doon niya napagtanto na possibleng tinanggal siya ni Franco mismo sa list ng mga kaibigan nito.

Nakalimutan ba niya na kasal na kami?

Kaya ang naging next na option na ginawa ni Aurora ay ang tawagan si Lola Gloria sa halip, at nang sumagot si Lola Gloria sa telepono, agad niyang sinabi, "Hello po Lola Gloria, magandang umaga po, nandito po ako ngayon sa Carmerla Valley Garden dahil nakaalis na po ako sa bahay ng aking Ate, subalit hindi ko po alam kung saang palapag ang unit ni Franco, may alam po ba kayo?”

Laking pasasalamat ni Aurora na sumagot kaagad si Lola Gloria dahil kung hindi ay hindi niya na alam ang gagawin. Hindi naman kasi pwedeng bumalik siya dun sa bahay ng Ate niya.

"Aurora, apo… huwag kang mag-alala, tatawagan ko ngayon si Franco." sagot nito dahil sa hindi rin nito alam kung saang palapag ang unit ng apo.

HIndi nagtagal ay pinutol ni Lola Gloria ang tawag sa kay Aurora upang matawagan kaagad si Franco.

Si Franco naman ng matapos na ma remove ang account ng taong hindi niya kilala na tumatawag kanina sa kanya ay ibinalik niya ang kanyang cellphone sa mesa, at ipinagpatuloy ang pagpupulong. Makalipas ang tatlong minuto, ang screen ng cellphone niya ay nakabukas muli at nakita niyang ang Lola Gloria niya ang tumatawag… kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag.

"Lola, nasa isang meeting ako."

Sinabi ni Franco sa isang mababang tinig, "Kung may kailangan po kayo at makakapaghintay naman po iyan ay sa bahay na lang po pag-uwi ko mamaya, pasensiya na po Lola."

Ngunit hindi pinansin ni Lola Gloria ang pakiusap ng apo, agad niyang itinanong kung saang palapag ba ang unit nito sa Carmela Valley Garden.

"Franco, makinig ka, aling palapag  ang bagong unit na binili mo sa Carmela Valley Garden huh? Umalis na si Aurora sa bahay ng kapatid niya… at nandoon ngayon ito sa Carmela Valley Garden naghihintay. Hindi mo rin pa la binigay ang numero mo o nilagay sa friend’s list mo ang account ni Aurora sa messenger?” 

Nang marinig ni Franco ang mga sunod-sunod na tanong ng Lola niya ay hindi naiwasang tumaas ang kilay nito at  may naalala siya.

Halos makalimutan na niya na ikinasal pa la siya kanina lang sa isang babaeng ni hindi niya kakilala subalit sobrang mahal na mahal ng lola niya. Napabuntonghininga siya bago sumagot.

"Lola, pasensiya na po, pakisabi na lang sa kanya na nasa 20th floor po ang unit ko. "

"Ewan ko ba sa iyo bakit pa kasi inuuuna mo pa iyang pagtra-trabahop alam mo naman na kanina ikinasal ka at may asawa kang dapat asikasuhin muna!” Ramdam ni Franco ang madiin na salita ng Lola niya, napaka mainitin pa naman ng ulo nito pag may mga bagay siyang ginagawang taliwas sa gusto nito.

Kahit na madalas na binabanggit ng Lola niya si Aurora sa harapan niya, hindi niya ito pinakikinggan, kaya madali niyang nakalimutan. Sasagot pa sana siya ngunit biglang ibinaba ng Lola nito ang telepono. Si Lola Gloria naman ay agad na tinawagan si Aurora ng makuha na niya ang impormasyon sa kay Franco.

Nang matapos mag-usap si Lola Gloria at Aurora ay agad ring pumasok si Aurora sa loob ng gusali nang maka received siya ng text messages. Nagtaka naman ito dahil nakita niya ng galing sa kay Franco, at naalala niya na send pa la ang unang mensahe niya kanina at possibleng napagsabihan rin ng Lola nito kaya nag reply. 

Franco: Nasabi ko na kay Lola kung anong palapag ang unit ko kaya pwede ka nang pumasok nasa iyo na rin naman ang susi.

Nagtipa naman kaagad si Aurora upang mag reply.

Aurora: Pasensiya ka na, salamat at ipapanhik ko na sa taas ang maleta ko.

Franco: Kailanga mo ba ng tulong?

Aurora: Naku huwag na isang maleta lang naman ito at kayang-kaya ko ng mag-isa. Pero kung gusto mo talaga akong tulungan pwede ka namang pumunta dito?

Agad naman sumagot si Franco sa text nito na : Nope, sobrang abala na iyan sa akin.

Naisip ni Franco, papaano niya magagawang pumunta doon? Sobrang marami siyang iniintindi, besides ang ginagawa ng babae ay sobrang abala na sa kanyang trabaho.

Nang matanggap ni Aurora ang reply ni Franco ay hindi maiwasang makaramdam siya ng sakit, at mangingiyak ang kanyang mga mata na hindi niya maintindihan kaya minabuti niya na lang na hindi na magreply at nagpatuloy na lang sa pagpanhik sa elevator papunta sa unit ni Franco.

Tumigil din si Franco sa pagpapadala ng mga mensahe, naisip niya hindi nila kailangang mag-usap dahil hindi naman nila kilala ang isa’t-isa kaya wealang dapat na pag-usapan pa.

Pero hindi rin maalis sa isip ni Franco na sana ang asawa niyang ito ay hindi pabigat at masunurin sa kahat ng bagay. Inaasahan niyang na sana huwag itong maging malaking abala sa kanya at sa trabaho niya dahil wala siyang oras na atuoagin ito o kausapin man lamang.

Ibinalik ni Franco ang cellphone niya sa mesa at nang tumingala siya upang magpatuloy na makinig sa presentation sa kanilang meeting ay laking gulat niya na lahat ng tao sa silid ng boardroom ay nakatingin sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status