Share

CHAPTER 9

Pagkatapos kumain ay uminom si Franco ng tubig tapos ay, kinuha nito ang kanyang pitaka mula sa kanyang bulsa. Tiningnan niya ito at napansin na wala siyang enough na cash kaya kinuha niya na lang ang kanyang bank card at inilagay ito sa harap ni Aurora.

Nang makita ni Aurora ang ginawa ni Franco at madali niyang naintindihan ang gusto nitong mangyari. Di pa napigilan ni Aurora ang isang kilay niyang tumaas.

"Kung may gusto kang bilhin,obviously kailangan mo ng pera. Ang bank card na ito ang gagamitin monat ang password ay..."

Naghanap pa si Franco ng papel at ballpen at doon niya isinulat ang password, nang matapos ay iniabot niya ito kay Aurora.

"Ang pera sa bank card na ito ay para sa iyong pamilya at sa mga gastusin mo dito sa bahay o sa sarili mo. Magde-deposit ako ng pera dito buwan-buwan mula sa aking sahod. At  huwag kang mag-alala, hindi ako mangingialam sa iyong gastusin, pero gusto ko lamang malaman kung saan mo ito gagastusin."

Noong araw ng kasal nila, ay naalala ni Franco na tinanong siya ni Aurora kung kailangan ba tungkol sa magiging budget nila at sa hatian sa mga gastusin bilang mag-asawa ngunit tumanggi siyang pag-usapan iyon, dahil para kay Franco may sapat siyang pera para tugunan ang pangangailangan nila. 

Sabagay, ang dami niyang pera na kahit siya ay hindi niya mabilang, hindi na niya nga alam kung magkano na nga lahat ng assets niya dahil kadalasang busy siya sa kumpanya at pagpapalago pa nito. Kakaunti lang naman ang ginagastos niya, kaya para kay Franco maliit na bagay lang ang pagbigay ng mga kailangan ng isang asawa.

Ngunit hindi siya maaaring maging kampante dahil sa kanyang puso’t isipan si Aurora ay isang mapanlinlang na babae,at kailangan niyang bantayan ito.

Hangga't ginugugol niya ang lahat ng kanyang pera sa pangangailangan ng pamilyang ito, kahit anong gastos ni Aurora ay okay lang sa kanya. 

Hindi naman nagustuhan ni Aurora ang ginawa ni Franco.

Kaya itinulak niya ang bank card pabalik dito kasama ang papel na may nakasulat na password, at hindi man lang niya tiningnan ito, wala rin naman siyang pakialam sa bagay na iyon.

"Mr. Montefalco,maraming salamat pero hindi ko po matatanggap iyan…at huwag niyo po sanang masamain,  pinapaalala ko lang po sa inyo na hindi lang sa iyo ang bahay na ito, dito rin po ako nakatira, ikaw nga ang bumili ng bahay, nakatira lang ako, ngunit kaya ko pong magbigay ng parte ko, at hindi mo kailangang gumastos sa lahat. Magiging katuwang mo ako sa mga gastusin at pangangailangan natin.”

Mahabang paliwanag nin Aurora…

"Marunong po akong magtipid at alam ko naman na hindi naman kailangan ng mga mamahaling gamit kaya kahit gaano kaliit man ang ibigay mo ay okay  lang po ako."

Pagpapatuloy ni Aurora at ngumiti pa sa kay Franco.

Sa isip ni Franco ay hindi naman konti ang kanyang kinikita, kaya niyang tugunan ang pang-araw-araw na gastusin nila ni Aurora, maliban na lang kung kailangan niyang gumastos ng malaking pera sa mga mamahaling bagay o kung ano pa.

Samantalang si Aurora ay hindi talaga nagustuhan ang ginawa ni Franco, sa isip niya ay hindi sa palamunin o ang tipong hindi nagbibigay o pabigat, para sa kanya ay hindi katanggap-tanggap ang paraan ni Franco sa kung paano nito tingnan ang kanilang sitwasyon bilang mag-asawa.

Si Franco ay hindi isang tanga, sa kabaligtaran, siya ay napaka talino niya, at ang pagtanggi ni Aurora ay nagpaunawa sa kanya na nainsulto si Aurora sa ginawa niya. Naging tahimik ito sandali siya at itinulak ang bank card at ang piraso. ng papel na may nakasulat na password bago nagsalita sa mahinang boses.

“Tinatanggihan mo? Alam ko kung magkano ang kita mo sa pamamagitan ng bookstore na meron ka at bilang may-ari nito, ngunit ikaw na rin nagsabi bahay natin ito, asawa na kita at hindi kakayanin ng kita mo ang mga gastusin dito sa bahay na mag-isa, dapat magkahati tayo… di ba?”

Hindi nakapagsalita agad si Aurora bagkus ay nakuha niya naman ang pinupunto ni Franco kaso, napatingin siya sa gawi nito na seryoso pa rin ang pagmumukha at nagsalita ulit.

“Bakit hindi ka bumili ng kotse? Pwede kitang tulungan sa kalahating bayarin.”

Hindi naman sinasadyang pina imbestigahan ni Franco kung paano ang kita ni Aurora sa bookstore nito na nasa harap ng eskwelahan sa lugar nila at nagpapakita lang ito na kahit papaano mayroon pa rin itong kakayahan, at ang perang kinikita niya ay hindi naman ganun kalaki. Isa pa nalaman niyang nag sco-scooter lang ito at nababahala tuloy siya sa hindi malamang dahilan.

“Malapit lang naman ang bahay nito sa bookstore ko kaya okay na ako sa scooter , isa pa pag traffic mas mabilis akong nakkasingit kaysa naman gumamit ako ng sasakyan."

Nabulunan si Franco sa sinabi ni Aurora at napatingin dito na parang di makapiniwala sa mga narinig. Tiningnan niya ito na parang di kumbinsido. 

“O ba’t ka ganyan makatingin sa akin?”

Totoo ang sinabi niya.

Karaniwan niyang ginagawa ang pagsingit sa mga sasakyan sa gilid pag nagkataon na papunta siya sa bookstore niya  lalong-lalo na pag peak hours. 

Napailing na lamang si Franco ng ulo at nagsalita.

"Mas safe at mas komportable ang gumamit ng kotsenkaysa iyang ginagamit mo, delikado, isa pa pwedeng gamitin ang kotse at dalhin ang iyong kapatid na babae at pamangkin every weekend upang mamasyal.”

Naalala ni Franco na sinabi ng kanyang lola na umaasa malapit ito sa kapatid niyang babae at nakikitira lang siya dito. At ang tanging importante dito ay ang kapatid niyang babae at ang pamangkin nito.

“Hay naku pwede ba huwag na nating pag-usapan ang kotse na iyan, kasi sa totoo lang kaya ko namang bumili ng kotse mula sa ipon ko pero may mga bagay na mas importante at hindi ko talaga kailangan iyan.”

Sa wakas nasabi rin ni Aurora at ayaw niya talaga sa mga bagay na hindi naman ganun ka importante. Tapos tatayo na sana siyan ng maalala niya ang sinabi ng Ate niya sa kanya.

"Siyanga pala at muntik ko nang makalimutan, gusto ka palang makilala ni Ate noong nakaraan kaso alam kong busy ka kaya sinabi ko na  nasa business trip ka, pero ngayon kung hindi ka naman busy pwede kitang dalhin sa kanila mamaya.."

Ngumuso lang si Franco.

Matapos nilang mag-usap ay tumungo si Aurora sa pagpapatuyo ng mga damit na kanyang nilabhan, si Franco naman ay nakaupo sa mahabang sofa sa kanilang living room, gustong sana nitomagbasa ng newspaper, ngunit wala pa sila nito sa loob ng bahay, wala siyang makita kaya inabot niya na lang ang cellphone niya at doon nag check ng mga kaganapan sa current events.

"Nakapaglaba ka ba ng damit mo?"

Tinapos ni Auora ang pagpapatuyo ng kanyang mga damit at ng matapos ay nagtungo sa kay Franco at tinanong naman ito, pero bago pa ito makasagot sa kanya ay sinabi na niyang, "Ako na ang bahala kung di ka pa nakapag laba."

Tiningnan lang ni Franco si Aurora, namamangha siya dito pero naisip niya na ang mga damit niya ay pinadala na sa laundry shop para labhan kaya wala na itong dapat pang alalahanin.

Dahil sa katahimikan at wala namang may nakuhang sagot si Aurora ay napakagat na lang siya ng kanyang mga labi, tumigil na lang siya sa pagsasalita, at ipinagpatuloyiba pang bagay na gagawin niya.

Maglilinis siya ng buong bahay. 

Pinagmasdan ni Franco ang kabuuan ni Aurora na busy na naglalakad sa loob ng bahay nila at ginagawa ang mga bagay na mga kasambahay ang gumagawa. Nakasimangot ang mukha nito at may gusto sana siyang sabihin sa kay Aurora pero pag sinimulan na niyang magsalita ay nawawala naman ang sasabihin niya.

Matapos tapusin ni Aurora ang kanyang mga gawain sa loob ng bahay ay bumalik ito sa kanyang silid, naglinis ng kaunti at naligo ng mabilis, nagbihis at pagkatapos ay kinuha ang bag nito ag cellphone at lumabas na ng kwarto niya. Nakita niyang nakaupo pa rin ito sa sofa na parang ang lalim ng iniisip.

“Mr. Franco, aalis na po ako papunta sa bahay ng kapatid ko at in case po na umalis kayo paki text na lang po ako kung uuwi po ba kayo o hindi po para naman hindi ko eh lock iyong pintuan.. Salamat.”

“No worries, uuwi ako mamaya and if ever I have a business trip, I will definitely tell you earlier.”

Tumango-tango lang si Aurora at napanguso.Tatalikod na sana ito ng bigla naman siyang pigilan ni Franco.

"Au-Aurora, iyog bank card mo."

Kinuha ni  Franco ulit ang bank card at tumayo at naglakad papunta sa kay Aurora at inabot muli sa kanya ang card, at humingi ng paumanhin sa kanya: "Hindi masyadong maganda ang tono ng pananalita ko kanina, humihingi ako ng paumanhin sa iyo, pasensya na!"

Saglit na tumingin sa kanya si Aurora, pakiramdam nito ay mas sincere si Franco sa pagkakataong ito, huminga na lang ng malalim si Aurora sa pagkakataong iyon bago kinuha ang bank card, kasama ang piraso ng papel na may nakasulat na password, at isinilid ito sa bulsa ng pantalon niya.

"Aalis na ako."

"Good, mag-ingat ka."

Nanaitilimg nakatayo si Franco sa kinatatayuan niya at pinanood si Aurorana lumabas.

Pagkasara ng pinto ay nakahinga ito ng maluwag na napapailing ng ulo and again... unconciously Franco didn't noticed that he was smiling. 

Umupo pabalik sa sofa, si Franco tapos  kinuha nito ang cellphone na nakalagay sa coffee table at tinawagan ang mayordoma ng lumang mansyon, makaraan ang ilang ring ay may sumagot. 

 “Aling Rosa,magandang umago po, gusto ko lang pong ipagbilin na kapag gising na si Lola ay maghanda sila nina Mama at Papa at may dinner kami mamayang gabi. Salamat po.”

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Romero Grisilda
ang ganda talaga ng story niya san kaya ang kadogtong nito
goodnovel comment avatar
Marilou Austria
ang ganda ng story nakakasad lng at putol lng.
goodnovel comment avatar
Alma Crystal
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status