Share

CHAPTER 13

Halos nilagpasan lang ni Franco ang kanyang asawa na nasa isang sulok lamang, diretso ang lakad niya at hindi nagbibigay ng atensyon sa mga taong nasa paligid niya maliban sa taong bumati sa kanya pagdating niya mismo.

Si Aurora naman ay sinubukang makiusyoso sa kung sino talaga iyong dumating pero pareho sa kay Sharon ay bigo silang makita ang mukha ng pinakamayamang tao sa syudad nila at ng pamilya Montefalco.

“Naku halika ka na nga Bes, bumalik na tayo dun sa table natin at ipagpatuloy ang pagkain, kasi wala naman chance na makasingit tayo diyan upang makita ang pagmumukha ng pinakamayamang tao sa suydad natin ano, isa pa di naman iyan importante.”

Paanyaya ni Aurora sa kay Sharon. Para sa kay Aurora ang pinunta niya sa party na iyon ay ang samahan ang kaibigan at kumain ng masarap na pagkain na ang iba ay first time niya pa lang matitikman.

"Ayang sandali, mauna ka na muna dun sa table natin at pupuntahan ko si Auntie Vilma para magtanong.” agad na sabi ni Sharon sa kay Aurora, sobrang curious niya lang kasi kung sino at ano ang mukha ng taong dumating na hindi siya mapakali.

Kaswal na suminghot si Aurora sa turan ng matalik na kaibigan. Bumalik siya sa table nila ni Sharon na mag-isa at si Sharon naman ay tumungo na sa Auntie Vilma nito.

Hindi napansin ni Aurora ang mga lumipas na sandali at naubos niya ang pagkain na nasa plato niya at ni Sharon. Kaya tumayo ito at pumunta sa mga nakahilerang tray ng mga pagkain na may dalang dalawang plato. Para sa kay Aurora ay isang magandang pagkakataong na rin na ang atensyon ng lahat ng tao ay nasa pinakamayamang tao na nasa syudad nila, at least hindi siya mag aalinlangan sa posibleng mga matang tumingin sa kanya habang kumukuha siya ng maraming pagkain.

Nang matapos sa pakipagkamay si Franco sa pinakamayaman na investor na dumaraos ng pagpupulong ngayong gabi ay ang mga body guard naman nito ay alerto at seryoso sa kanilang pagbabantay sa kanya. Alam nilang ayaw na ayaw nito sa mga babaeng umaaligid kaya’t sinisiguro nilang walang sino mang mangangahas ang lumapit dito. 

Isa pa maliban sa pagbabantay na walang makalapit na kung sino man sa kanya, ay parti rin ng gawain nila ang siguraduhin ring walang mangyari sa kanya at panatilihing ligtas siya sa ano mang banta at kapahamakan.

Ang pinaka lider at kanang kamay ni Franco na bodyguard ay nakapalibot ang mga mata sa kabuuan ng lugar. Matalim na nakatitig sa bawat taong naroroon. At halos nanlaki ang mga mata ng mamataan niya ang asawa ng Mr. M nila. Una ay hindi pa ito kumbinsido kaya simple niya itong nilapitan na hindi naman napapansin ni Aurora dahil busy ito sa paglagay ng mga pagkain sa dalawang plato.

Alam nila na itinago ng kanilang Mr. M ang tunay nitong katauhan sa asawa nito kaya maingat sila sa pagbabantay na hindi ito mabuko o makilala. 

Habang nakamasid ang punong bodyguard ni Franco sa kay Aurora ay si Aurora naman ay sadyang walang pakialam at hindi napapansin ang mga matang nakabantay sa kanya. Ng mapuno na nito ang dalawang plato ng mga pagkain ay dali-dali itong bumalik sa sulok  kung saan naroroon ang table nila ni Sharon at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos magsalita ni Franco at ng ilang pamilyar at kilalang personalidad sa mundo ng business ay kinuha ng punong bodyguard nito ang pagkakataon na lumapit sa kanya at bumulong, "Mr.M nandito din po ang asawa niyo." 

Pagkadinig nito, ay sumimangot at nagkasalubong ang dalawang kilay ni  Franco pagkatapos ay bumalik ang mukha sa normal, at malamig na sinabi: "Bakit siya nandito?"

"Hindi po namin alam, Mr. M."

“Bantayan niyo siya ng maigi at hindi niya dapat ako makita. At bantayan niyo rin at alamin kung sino ang kasama niya ngayong gabi at kunan niyo ng litrato kung maaari.”

Sa isip ni Franco sa mga sandaling iyon ay ang kanyang pagdududa sa katauhan ni Aurora, para sa kanya ay isang mapanlinlang na babae ito at habol lamang ang intensyon na tumaas ang estado sa buhay sa pamamagitan ng pag-aasawa ng mayaman na tao sa suydad nila, kagaya niya.

Dahil sa itinago niya ang kanyang pagkakakilanlan, siguro’y naisip ni Aurora na isa lamang siyang ordinaryong manggagawa at empleyado ng isang kompanya.

Nagpatuloy si Franco na nakikipag-usap at tumatawa pa kasama ang mga investors na siyang palagi niya rin namang ka meeting at kasosyo sa iba pang mga proyekto na pinangungunahan ng Montefalco Incorporated.

Si Aurora naman ay walang kamalay-malay na nakatutok sa kanya ang mga paningin ng iilang guard ni Franco upang bantayan siya.

Ilang sandali ay bumalik naman si Sharon sa kanilang table at agad naman siyang tinanong ni Aurora, “ O, ano na nalaman mo ba kung sino iyong dumating kanina?”

Nakangising turan ni Aurora, binibiro niya si Sharon dahil sa halos atat na atat itong makita at makilala kung sino ang dumating na tao kanina.

"Yes Bes!” nanlaki ang mga matang sagot si Sharon sa kay Aurora, “ang sabi ni Auntie Vilma si Mr. M daw iyong dumating.”

“Huh? Mr. M?” 

“Oo Bes! Siya ang pinakamayamang tao sa syudad natin at kilala siya at karaniwang tinatawag na Mr. M, siya rin ang may ari nitong hotel at CEO siya ng Montefalco Incorporated.”

Ngumuso na lang si Aurora, at halatang wala talagang siyang pakialam. Hindi na rin siya sumagot at nagpatuloy sa pagkain pero bigla na lang siyang kinabig ng kaibigan na hindi mapakali.

"Ayang, sigurado ka ba na yang Franco Montefalco na asawa mo ay hindi kamag-anak ng Mr. M na iyan?”

Tanong ni Sharon sa kay Aurora at saka kumuha ng isang baso ng red wine at ininom nito.

"Tumigil ka nga Bes!” agad namang sagot ni Aurora, “ impossible iyang pinagsasabi mo ano, at hindi porke’t magkaparehos ng apelyedo eh magkamag-anak na kagaad!”

Ngumiti si Sharon, "Eh malay mo naman ano baka may possibility na magkamag anak sila."

Napailing na lang ng ulo si Aurora sa kung ano-anong mga bagay na pumapasok sa isipan ng kanyang kaibigan tungkol sa asawa niya.

"Naku Bes, sinasabi ko sa iyo na isang simpleng empleyado lang ang asawa ko at nagmamaneho siya ng isang simpleng sasakyan rin, at basi na rin sa mga kinukwento mo at sa dating ng Mr.M na iyon, ay impossibleng magmaneho iyon ng isang cheap na klase ng sasakyan ano, kaya tigilan mo na iyang mga assumptions mo.”

Para sa kay Aurora ay okay lang namang mangarap, pero wag kang mangarap na hiwalay na sa realidad. Kaya kahit na kailan ay hindi siya umasa, naghinala o nagtanong. Para sa kanya ay okay na siya sa kung ano si Franco at siya sa isa’t-isa. Para sa kanya ay sapat na iyon.

"Grabe ang dami niyang bodyguard na nakapalibot sa kanya, talagang sinusiguro niyang walang sino mang makakalapit sa kanya lalong-lalo na ang mga kababaihan dito.” dagdag na turan ni Sharon, “ may asawa na ba siya bakit ayaw niyang may lumapit sa kanya?”

Wala talagang pakialam si Aurora sa sa kung ano man ang mukha o personalidad ng Mr. M na iyon. Pero tama si Sharon halatang ayaw nitong lapitan siya ng kung sinong babae regardless sa kung ano ang estado nito sa buhay ay halatang wala itong interest o pakialam.

"Pero wala naman akong narinig na ikinasal iyan eh, kasi kung nagkataon natural magiging international news iyon ano!" pagpapatuloy ni Sharon.

Tapos ay Ibinaba nito ang baso ng alak, "At isa pa naiisip ko rin na baka may problema ang lalaking iyan kais tingnan mo ha, ang yaman niya, matalino at didnig ko nga ubod ng gwapo pero ni hindi pa napapa balitang may girlfriend iyan."

Nagbuga naman ng hangin si Aurora sa mga turan ng kaibigan niya, “Alam mo kasi huwag mo nang isipin ang mga bagay-bagay na hindi mo kayang maintindihan sa mga mayayaman na iyan.”

Ngumuso si Sharon, at sa kalaunan ay sumang ayon sa sinabi ni Aurora, kaya imbes na mag-isip tungkol sa Mr. M na iyon ay nag patuloy na lang silang kumain at uminom ng wine.

At dahil sa ginawa nila ay may iilang nakapansin at tinitingnan silang dalawa ni Sharon na nag e-enjoy sa pagkain at pag inom ng wine. Wala namang silang pakialam na dalawa dahil sinusulit lang nila ang pagkakataong kumain ng masasarap na pagkain. 

Sa madaling salita, ay motto talaga nina Aurora at Sharon ang ‘food is life!’

"Ate Sha!"

Biglang dumating ang anak ni Auntie Vilma na si Dominic Lacson, mas bata siya ng isang taon kay Sharon,at close silang magpinsan. Pinuntahan niya ang kanyang pinsan dahil sa pinatingnan ito ng kanyang ina sa kanya. 

"Oh Dom, ikaw pala, halika ka at, maupo ka dito!" Sabay hila ni Sharon nang isang upuan para maupo ang kanyang pinsan.

Ngumiti naman si Aurora sa kay Dominic, at dahil dun sa ginawa ni Aurora ay namula naman ang mukha nito. Tapos nagtaas ng baso si Dominic upang anyayahan si Aurora na uminom. 

Pero tumanggi si Aurora kaya napatanong si Dominic dito, “ hindi ka umiinom Ayang?”

"Bihira lang akong uminom Dom, kaya maraming salamat na lang."

Umiinom si Aurora pero palagi niya ring sinasainip na ang maraming alak ay nakakasama rin kaya moderate lang siya kung umiinom at ang kaya niya lang. Isa pa nakainom na siya ng kunti at ayaw niya namang malasing sa party na iyon at nakakahiya. 

“Ahh, ganun ba sige kukuha na lang ako ng juice para sa iyo.” biglang sabi ni Dominic at tatayo na sana ito pero pinigilan rin siya ni Aurora kaagad. 

“Naku Dom, huwag ka nang mag-abala, okay na ako, pramis.” 

“Pagkain baka nagugutom ka pa?”giit nito s akay Aurora.

Napangiti na lang si Aurora sa pagiging maalalahanin ng pinsan ni Sharon pero umiling rin siya ng ulo. Samakatuwid ay busog na busog na siya. 

“Salamat Dom, Na a-appreciate ko iyong ginagawa mo pero busog na rin ako.”

“Ah, okay, sige, pasensya ka na.” 

“O-okay lang.”

Palihim na napangiti si Dominic sa pagkakataong nakaharpa muli si Aurora mas nanaisin niyang nandito kaysa sa tabi ng ina niya na puro paghahanap ng asawa para sa pinsan niyang si Sharon ang inaatupag.

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Lhynrence Burac
can't wait sa update ...️......
goodnovel comment avatar
Sally Placer Saculo
ganda ng story ..
goodnovel comment avatar
Sally Placer Saculo
update please author..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status