Hindi naman ganun kalaki ang kinikita ni Aurora pero alam niyang sapat naman ito sa mga pangangailangan niya at sa kanila ni Franco. Isa pa padating sa financial ay nagpapasalamat siyang katuwang niya si Franco sa bagay na iyon. Kaya kahit papaano’y gusto ni Aurora na magbigay ng tulong sa Ate niya at sa pamangkin niya."Kumusta naman ang kain ni Boyet, Ate?"Tanong ni Aurora habang hinawakan ang noo ni Boyet gamit ang kanyang kamay, at kahit papaano ay normal na ang temperatura ng katawan nito."Pagkatapos uminom ng gatas ,ay kumain iyan ng arroz caldo, nagluto nga kasi ako kanina, at marami siyang nakain…ayos na rin ang kalagayan niya, salamat din sa tulong mo.”"Walang anuman iyon Ate, masaya ako at maayos na si Boyet kaya talagang walang rason na hindi kayo mapunta sa bahay sa darating na sabado.”“Oo na, syempre hindi ko palalagpasin na makilala ang aking bayaw ano, aba di ko pa siya nakikita kahit na kailan kasi nga pabigla-bigla ka.”Napangiti si Aurora sa sagot ng Ate niya, “A
MALALAPAD ang mga ngiti ni Dina sa kanyang labi. Sobra kasi siyang nagagalak sa mga bulaklak, pabango at mga mamahaling bagay na binibigay sa kanya ng kanyang boss na si Anton. Nag-e-enjoy siya sa atensyon na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit alam niyang may asawa ito at anak pero hindi niya naman kasalanan na maganda at sexy siya, makinis ang balat at kaaya-ayang tingnan samantalang ang asawa daw ng boss niya ay sobrang laki, mataba at losyang. Kaya napapangisi siya dahil advatange sa kanya ang bagay na iyon upang mapasakamay niya ang boss niya at iwanan nito ang pamilya niya. Lumaki siya sa hirap kaya naging puhunan niya ang magandang alindog at mukha upang makuha ang mga gusto niya at isa na nga ang boss niyang si Anton. Si Anton naman ay yamot na yamot ng araw na iyon dahil sa gumastos na naman ang ang asawa niyang si Elsa. Para sa kanya wala ng ibinigay si Elsa kung di sakit ng ulo. Buti na lang at napawi ang init ng ulo niya ng pumasok ang kanyang sexy at magandang secretary na
BAKAS sa pagmumukha ni Aurora ang sobrang pag-aalala sa nangyayari sa Ate niya, at kitang-kita iyon ni Franco, kahit pa sabihing ayaw niyang makialam pero sa ibang kadahilanan na hindi niya maintindihan ay nakakaramdam siya ng awa at pag-alala para kay Aurora. Ng marinig ni Freanco ang sinabi ni Aurora ay magsasalita pa sana siya ngunit naitikom niya ang kanyang bibig ng magsalita ulit si Aurora. “Pasensiya ka na Mr. Franco halos nakalimutan ko na po, gusto niyo po bang kumain? Ipagluluto ko po kayo!” biglaang sambit ni Aurora ng maalala na kahit papaano ay may obligasyon siya sa kanyang asawa kahit alam nila parehos kung ano ang dahilan ng kasal nila. “Naku huwag na, mukhang pagod na pagod ka kaya magpapadeliver na lang ako…” agad naman na sabi ni Franco. “P-Pero po sayang ang pera kaya magluluto na lang po ako, mada–”Franco cut-off Aurora mid sentence ng biglaan itong tumayo at lalabas na sana ng kwarto niya ngunit hinarangan siya ni Franco at pinutol ang mga susunod niya pang
KINAUMAGAHAN ay nagising si Aurora na hindi masyadong energetic. Mabigat ang kanyang mga kilos, hindi katulad ng mga nagdaang araw. Sobrang apektado kasi siya sa problema ng Ate niya. Masyadong nag-aalala. Mabilis siyang naligo at agad na lumabas upang maglaba ng mga gamit na niyang mga damit sa bago nilang washing machine ni Franco. Pagkatapos niya nilunod lahat ng damit ay sunod niyang pinutahan ang balkonahe nila, at doon niya napansin ang bagong railings ng bakal na pwedeng pagsampayan ng mga damit nila ni Franco tapos sa kabilang banda ay ang mga paso at mga namumulaklak na mga halaman. Sobra siyang namangha sa sonbang dami nun at ang gaganda pa. Agad niyang inayos ang mga halaman, hanggang sa naging busy na siya at hindi namalayan ang lumipas na oras. Napahinto lang siya sa pag-aayos ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Napaagat ng ulo si Aurora at agad niyang nakitang nakatayo at naka sandal sa may sliding door ng balkonahe nila si Franco while crossing his arms tow
PAGKADATING ni Aurora mula sa binilhan niya ng pagkain para sa almusal nila ni Franco ay siyang paglabas rin ni Franco sa kwarto niya na nakabihis na para pumunta sa trabaho. Marami pa siyang aasikasuhin sa opisina at halos puni ang scheduled recently. Kaya magiging busy siya sa ngayon at sa mga darating pang mga araw. Inilapag ni Aurora ang mga binili niyang ulam. Bumili siya ng pancit at mainit na pandesal. Bumili rin siya ng molo in case na gusto ni Franco humigop ng mainit na sabaw. Napatingin naman si Aurora sa direksyon ni Franco ng papalapit na ito sa kanya. “Halika na Mr. Franco, kumain na po kayo bago ka umalis sa trabaho.” paanyaya ni Aurora sa kanya. Nang makita ni Franco ang mga nilapag na pagkain ni Aurora ay umiling lang ng ulo si Franco at sumagot, “ huwag na siguro sa opisina na lang ako kakain.” Sa isip ni Franco ang hirap talaga ng sitwasyon niya di naman sa ayaw niya sa pagkain pero di siya sanay sa mga ganoong klase ng pagkain, di niya sigurado kung malinis ba
INABOT ng tatlong oras ang pamamalengke nina Aurora at Franco. Si Franco naman ay magkabilang puno ang kamay ng mga ego bags na may laman ng mga pinamili nila. Sa tanang buhay niya ay ito ang unang beses rin na nakapasok siya sa isang wet market. Nakita niya ang mga malalansang isda, karne at kung ano pa na ngayon niya lang naranasan at nakita s actual. Kahit naman na physically fit siya dahil sanag wo-workout siya, nagbubuhat ng mga equipment sa gym ay hindi naman sanay ang katawan niya sa halos tatlong oras na nakabuntot sa asawa niya. Masasakit na ang kanyang mga binti sa kakalakad at wala pang upo. Kahit mga braso niya ay nangangalay na sa kakabitbit ng mga pinamili ng asawa niya. Sa isip ni Franco ay mas gugustuhin niya pang buong araw nakasubsob sa mga maraming mga papeles sa opisina kaysa sa kasalukuyan niyang ginagawa. “Ano sa tingin mo okay na siguro ito, ano?” biglang tanong no Aurora sa kanya, tinuturo ni Aurora ang isang malaking isda. Kasalukuyan silang nasa lugar kung
TOTOO nga ang kasabihan na hindi lahat ay magugustuhan ka sa unang beses na kayo ay magkakilala. Ganun ang sitwasyon ni Aurora ng dumating ang mga magulang ni Franco kung gaano ka warm ang pag welcome sa kanya ni Donya Gloria at Felix ay siya ring malamig na pakikitungo ng Mama ni Franco sa kanya. Dumating ang mga magulang ni Franco in sakto lang na halos lahat ng dapat lutuin ay naluto na, naka set na ang table sa tulong ni Felix at Donya Gloria at nilalagay naman ni Franco ang mga natapos ng lutuin ni Aurora sa dinner table na binili ni Aurora na may 12 seater halos tamang-tama lang sa kanilang lahat. “Maghanda ka na at ako na ang bahalang magligpit dito.” turan ni Aurora sa kay Franco habang naghuhugas ito ng mga ginamit na mga kitchenware sa pagluluto. Nakkahiya din naman kasi na makalat ang kitchen nila, kaya nag initiative na si Aurora na eh clear ang area para naman maaliwalas at walang sagabal sa paggamit ng kanilang mga bisita. “Si-Sigurado ka, medyo marami-rami rin iyang
LATE ng dumating sina Elsa at Anton kasama ang anak nilang si Boyet. Kahit naiirita sa kapalpakan na ginawa ng asawa ay naisip ni Boyet na mukhang di niya pwedeng eh underestimate ang asawa ng kanyang bayaw. Nalaman niya na malaking tulong ang nagawa ng asawa ni Aurora para pabayaran ng 5000 pesos na lang ang ginasgas nitong Maybach na sasakyan. “Ayang nandito na kami sa baba, pasensiya ka na at kararating lang namin.”Masiglang sabi ni Elsa sa kapatid habang kausap nito sa cellphone. “Okay lang Ate, ang importante ay nakarating kayo, sige at sasalubungin ko kayo diyan sa baba!” Kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ni Aurora sa pagdating ng Ate at pamilya nito. Kahit papaano ay may kasama siya sa presensya ng mga in laws niya, lalong-lalo na ang Mama ni Franco. Lumabas siya ng kawarto at timing naman na kakatok na sana si Franco para sunduin siya ng buksan niya naman ang pintuan. “Hmm, Mr. Franco kayo po pala!” medyo biglang bungad ni Aurora dito. “Ahh, kasi pinasundan ka na