TOTOO nga ang kasabihan na hindi lahat ay magugustuhan ka sa unang beses na kayo ay magkakilala. Ganun ang sitwasyon ni Aurora ng dumating ang mga magulang ni Franco kung gaano ka warm ang pag welcome sa kanya ni Donya Gloria at Felix ay siya ring malamig na pakikitungo ng Mama ni Franco sa kanya. Dumating ang mga magulang ni Franco in sakto lang na halos lahat ng dapat lutuin ay naluto na, naka set na ang table sa tulong ni Felix at Donya Gloria at nilalagay naman ni Franco ang mga natapos ng lutuin ni Aurora sa dinner table na binili ni Aurora na may 12 seater halos tamang-tama lang sa kanilang lahat. “Maghanda ka na at ako na ang bahalang magligpit dito.” turan ni Aurora sa kay Franco habang naghuhugas ito ng mga ginamit na mga kitchenware sa pagluluto. Nakkahiya din naman kasi na makalat ang kitchen nila, kaya nag initiative na si Aurora na eh clear ang area para naman maaliwalas at walang sagabal sa paggamit ng kanilang mga bisita. “Si-Sigurado ka, medyo marami-rami rin iyang
LATE ng dumating sina Elsa at Anton kasama ang anak nilang si Boyet. Kahit naiirita sa kapalpakan na ginawa ng asawa ay naisip ni Boyet na mukhang di niya pwedeng eh underestimate ang asawa ng kanyang bayaw. Nalaman niya na malaking tulong ang nagawa ng asawa ni Aurora para pabayaran ng 5000 pesos na lang ang ginasgas nitong Maybach na sasakyan. “Ayang nandito na kami sa baba, pasensiya ka na at kararating lang namin.”Masiglang sabi ni Elsa sa kapatid habang kausap nito sa cellphone. “Okay lang Ate, ang importante ay nakarating kayo, sige at sasalubungin ko kayo diyan sa baba!” Kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ni Aurora sa pagdating ng Ate at pamilya nito. Kahit papaano ay may kasama siya sa presensya ng mga in laws niya, lalong-lalo na ang Mama ni Franco. Lumabas siya ng kawarto at timing naman na kakatok na sana si Franco para sunduin siya ng buksan niya naman ang pintuan. “Hmm, Mr. Franco kayo po pala!” medyo biglang bungad ni Aurora dito. “Ahh, kasi pinasundan ka na
HINATID ni Aurora ang kapatid niyang si Elsa, bayaw na si Anton at pamangkin na si Boyet sa ibaba ng magdesisyon na ang mga itong umuwi. Masayang kinakarga ni Aurora ang pamangkin na si Boyet habang nag kwe-kwentuhan sila ng Ate Elsa niya. Si Anton naman ay nauna na sa kanilang maglakad at dumiretso na rin sa sasakyan nito. “Salamat Ate sa pagpunta at masaya ako dahil nagkakilala na kayo ni Franco.”“Ako rin naman, maraming salamat sa pag imbenta sa amin kahit na nahuli pa kami, pasensiya ka na rin sa abala.” Umiling si Aurora sabay bigay sa kay Boyet dito. “ Maliit na bagay Ate, ang importante ay nakarating kayo, “ tapos pinisil sa pisngi si Boyet, “ kasama ang gwapo at cute bubwit na ito.” Ngumiti si Boyet sa ginawa ng Auntie Ayang niya. Naputol lang ang pag-uusap at hagikhik nina Aurora ng bumusina na si Anton. Nasa loob na ito ng sasakyan halatang naiinip. “O siya sige na Ate pumasok na kayo sa loob, at mag-ingat kayo sa byahe!” Inayos ni Elsa si Boyet sa likod ng sasakyan sa
MASAYANG binalik ni Aurora ang papel na pinirmahan niya para sa mga agreement na inilista ni Franco tungkol sa kanilang pagsasama. Dalawang papel ang pinirmahan niya ang isang papel ay ibinigay sa kanya ni Franco para parehos silang may kopya. Pagkatapos kunin ni Franco ang kopya niya at ang ballpen ay nagpaalam si Aurora na tatambay pansamantala sa balkonahe bago bumalik sa kwarto niya. Nakangiti siya sa kay Franco na bakas sa mukha ang pagtataka at inis, pero masyadong masaya si Aurora para mapansin iyon. Tumalikod siya at pumunta sa balkonahe at pinagmasdan ang mga halaman sa kanyang munting hardin. Samantalang si Franco naman ay parang natanga at naiinis sa naging reaction at response sa kanya ni Aurora. Hindi niya inaasahan ang magiging sagot nito at agad na pagpirma ng kasunduan na walang reklamo at bukal sa kalooban nito. For some unknown reason ay naiinis si Franco. Nagtataka siya na wala man lang halong pag aalinlangan ang pagpirma ni Aurora, ni hindi nga ito nag question o
Weekend, tahimik na tahimik ang area kung saan ang bookstore ni Aurora, at pag ganito ang sitwasyon ay okay lang kahit di magbukas dahil sa wala namang halos na tao na pumunta pag weekend.Pero si Aurora ay pumunta pa rin sa bookstore nila ni Sharon dahil tahimik doon at nakakagawa siya ng mga handiwork sa kanyang online store.Mga ilang minuto ay dumating din si Sharon.Nang makita nito si Aurora na nasa loob rin ay, bigla itong tinanong ni Sharon,"Ayang, bakit ka narito ngayon at Linggo? Karaniwan, pinapasyal mo ang pamangkin mo sa parke.""Alam ko pero kasi naisip ko na oras na para magkaroon ng mga bagong produkto sa aking online store."Habang inaayos ang mga produkto, tinitigan ni Aurora ang kanyang kaibigan at ngumiti, "Ikaw?""As usual, iniistorbo na naman ako ng nanay ko, hindi ko na kinaya, kaya't pumunta ako sa dito." "Bakit ano ba nangyari at ano na naman ang ginawa ni Tita?""Eh kasi naman iyong pinakilala nila sa akin ng mag hapunan tayo doon sa party ng nakaraan ay hin
Si Franco ay halos, tulad ng kanyang lolo pagdating sa personalidad, isang seryoso at malamig na tao, at nang mahulog ang loob ni Gloria sa kanyang asawa noong kabataan niya, siya rin ay naghabol sa kanyang asawa sa loob ng ilang taon, na halos naubos na ang mga pamamaraan o ideya na ginagawa at ginagamit niya sa paghabol sa lolo ni Franco bago nakuha ang atensyon nito.Napansin naman ni Aurora ang pagseryoso ng mukha ni Lola Gloria.Lola Gloria : "...""Lola, huwag ka pong mag-alala tungkol sa amin ni FRanco, hayaan mo na lang po kami sa mga diskarte namin, isa pa po naisip ko na huwag masyadong madaliin ang mga bagay-bagay sa aming dalawa pero makakaasa po kayo na kahit papaano ay sinusubukan po naming magkasundo sa mga bagay-bagay."Sa narinig ni Lola Gloria sa mga sinabi ni Aurora ay kahit papaano ay umaliwalas ang kanyang mukha. Alam niya naman sa sarili na masyado siyang aggresibo sa bagay na hinihingi niya na gawin ni Aurora at ganun rin siya sa kay Franco. Pero kilala ni Lola
"Naku Grandma ano na naman iyang pina plano mo kay Kuya?” Napapailing si Felix habang iniisip ang kalokohan ng kanilang Grandma sa Kuya Franco niya. Napangiti lang na may kahulugan si Lola Gloria sa kanyang apo. "Grandma, inaasar mo na naman ang Kuya ano?" tanong ulit ni Felix. Tiningnan naman ni Lola Gloria ang apo at umirap ito sa kay Felix, "Magtanong ka pa ng isa pa at babatukan kitang bata ka!" Pailing-iling ng ulo na lang ang nagawa ni Felix sa mga pang-aasar ng Grandma nila sa Kuya nito at tumahimik na lang habang nagmamaneho. Minsan ay naaawa na lang siya sa Kuya niya, subalit wala rin siyang magawa kasi parehos silamng takot sa Grandma nila kaya kahit naaawa siya sa Kuya niya sa mga pinaggagawa ng Grandma nila dito ay mas pipiliin niya na lang na mapahamak ang Kuya niya kaysa siya. Ang Grandma nila ay isang matandang sobrang kulit, parang bata, at mahilig itong mang asar sa kanila na mga apo niya. ‘Good luck na lang Kuya sa binabalak ni Grandma sa iyo…’ nasa isip ni
Hindi maintindihan ni Aurora kung may mali ba sa siyang nagawa o may nasabi ba si Mr. Franco sa Lola Gloria nito o ang Lola Gloria nito sa kay Mr. Franco. Hindi niya mapigilang hindi mag overthink, kasi parang di naman ata nagkataon na nandun rin si Franco sa Coffee House na pinuntahan nila ni Sharon. Isang bagay rin kung bakit siya nag o-overthink dahil sa nakita ni Mr. Franco at nakaramdam siya kanina ng matinding takot na ma misunderstood nito ang nakita.Hindi niya makalimutan ang malamig na ekspresyon ni Franco, ito’y ibang-iba sa usual na malamig na ekspresyon nito sa kanya araw-araw, may kakaiba talaga kanina. Bakas sa mukha at kung gaano siya tingnan ni Mr.Franco na nag-isip ito ng masama sa kanya, sapagkat nagkataon na nakita siya na kasama si Mr. Ramos at silang dalawa lang dahil nagkataon na pumunta ng banyo si Sharon ng mga oras din na iyon.Sa kabutihang palad ay nagpasalamat siya at lumabas si Sharon mula sa banyo, at ipinaliwanag niya ito sa tamang oras, at dahil dun