Si Franco ay halos, tulad ng kanyang lolo pagdating sa personalidad, isang seryoso at malamig na tao, at nang mahulog ang loob ni Gloria sa kanyang asawa noong kabataan niya, siya rin ay naghabol sa kanyang asawa sa loob ng ilang taon, na halos naubos na ang mga pamamaraan o ideya na ginagawa at ginagamit niya sa paghabol sa lolo ni Franco bago nakuha ang atensyon nito.Napansin naman ni Aurora ang pagseryoso ng mukha ni Lola Gloria.Lola Gloria : "...""Lola, huwag ka pong mag-alala tungkol sa amin ni FRanco, hayaan mo na lang po kami sa mga diskarte namin, isa pa po naisip ko na huwag masyadong madaliin ang mga bagay-bagay sa aming dalawa pero makakaasa po kayo na kahit papaano ay sinusubukan po naming magkasundo sa mga bagay-bagay."Sa narinig ni Lola Gloria sa mga sinabi ni Aurora ay kahit papaano ay umaliwalas ang kanyang mukha. Alam niya naman sa sarili na masyado siyang aggresibo sa bagay na hinihingi niya na gawin ni Aurora at ganun rin siya sa kay Franco. Pero kilala ni Lola
"Naku Grandma ano na naman iyang pina plano mo kay Kuya?” Napapailing si Felix habang iniisip ang kalokohan ng kanilang Grandma sa Kuya Franco niya. Napangiti lang na may kahulugan si Lola Gloria sa kanyang apo. "Grandma, inaasar mo na naman ang Kuya ano?" tanong ulit ni Felix. Tiningnan naman ni Lola Gloria ang apo at umirap ito sa kay Felix, "Magtanong ka pa ng isa pa at babatukan kitang bata ka!" Pailing-iling ng ulo na lang ang nagawa ni Felix sa mga pang-aasar ng Grandma nila sa Kuya nito at tumahimik na lang habang nagmamaneho. Minsan ay naaawa na lang siya sa Kuya niya, subalit wala rin siyang magawa kasi parehos silamng takot sa Grandma nila kaya kahit naaawa siya sa Kuya niya sa mga pinaggagawa ng Grandma nila dito ay mas pipiliin niya na lang na mapahamak ang Kuya niya kaysa siya. Ang Grandma nila ay isang matandang sobrang kulit, parang bata, at mahilig itong mang asar sa kanila na mga apo niya. ‘Good luck na lang Kuya sa binabalak ni Grandma sa iyo…’ nasa isip ni
Hindi maintindihan ni Aurora kung may mali ba sa siyang nagawa o may nasabi ba si Mr. Franco sa Lola Gloria nito o ang Lola Gloria nito sa kay Mr. Franco. Hindi niya mapigilang hindi mag overthink, kasi parang di naman ata nagkataon na nandun rin si Franco sa Coffee House na pinuntahan nila ni Sharon. Isang bagay rin kung bakit siya nag o-overthink dahil sa nakita ni Mr. Franco at nakaramdam siya kanina ng matinding takot na ma misunderstood nito ang nakita.Hindi niya makalimutan ang malamig na ekspresyon ni Franco, ito’y ibang-iba sa usual na malamig na ekspresyon nito sa kanya araw-araw, may kakaiba talaga kanina. Bakas sa mukha at kung gaano siya tingnan ni Mr.Franco na nag-isip ito ng masama sa kanya, sapagkat nagkataon na nakita siya na kasama si Mr. Ramos at silang dalawa lang dahil nagkataon na pumunta ng banyo si Sharon ng mga oras din na iyon.Sa kabutihang palad ay nagpasalamat siya at lumabas si Sharon mula sa banyo, at ipinaliwanag niya ito sa tamang oras, at dahil dun
MATAPOS nang kumain ni Aurora ay agad niyang nilinis na tulad ng dati ang kusina habang si Franco naman ay hindi pa tapos, ng matapos siya sa mga dapat linisin sa kusina ay agad itong lumabas na nagsabi kay Franco: "Muuna na po ako Mr. Franco, at bago po kayo umalis tandaan mong i-lock ang pinto paglabas mo ha… salamat."Tinignan lang ni Franco si Aurora nang dalawang beses, at saka bumaba ng tingin para ituloy ang pagkain."At saka pala, yung mga prutas sa fridge,dadalhin ko na rin yung iba para ibigay kina Ate, okay lang ba?"Marami silang binili na mga prutas noong araw na may family dinner sa kanila, at marami sa natira ay itinabi nila fridge, at hindi naman nila kayang ubusin ni Franco kaya naisipan ni Aurora na dalhin na lang sa Ate niya para mapakinabangan.Nag-salita si Franco, "Hindi muna naman kailangang ipagpaalam ang mga ganyang bagay sa akin, asawa kita at may karapatang kang magdesisyon na hindi na kinu konsulta sa akin maliban na lamang kung malaking bagay iyan.”Ngumit
"Siguraduhin niyong hindi malalaman ni Grandma ang mga pangyayaring naganap ngayon," paalala ni Franco sa mga tao sa paligid niya.Nandoon ang mga bodyguard niya na nakasunod sa kanya pati na rin ang kanyang secretary.Dahil sa ginawang pag-amin ni Georgina sa nararamdaman nito sa kanya sa publiko ay dapat lang na di ito malaman ng Grandma niya dahil sa kasal na nga siya sa pamamagitan rin ng Grandma niya at ayaw niyang maging source ito ng komplikasyon.Marami ang nakarinig, at halos lahat na nandun sa kumpanya ng mga oras na iyon ay saksi sa nakakahiyang ginawa ni Georgina. Hindi nakaligtas sa kay Franco ang mga matang nakatingin sa kanya, nagtatanong, nagulat at nagtataka.Pero gaya ng nakaugalian niyang personalidad, wala siyang pakialam. Walang anong expression sa kanyang mukha maliban sa, malamig na mga mata, seryoso habang pantay na pantay ang mga labi nito na tila hindi marunong ngumiti. Pero sa kabila ng ganito niyang expression sa mga empleyado at sa mga taong nasa paligid
NAKARATING si Elise sa M Corporation para sunduin si Georgina, samantalang ang sports car nito ay pina tow na lang nila para di na makasagabal pa sa daanan.Nagsusumbong na parang bata si Georgina sa kanyang Ate Elise, sinabi nito sa kanya na, "Sinira ni Franco ang kotse ko, pero ang hindi niya alam ay binigyan niya lang ako ng dahilan para umasa sa kanya… hmp!" pagmamaktol nito, “ halos limang taon akong naghanda para sa araw na ito tapos ganun lang ang ginawa niya! Hindi ko ito palalampasin!” Napa buga na lang ng hangin si Elise ng marinig ang kanyang sister-in-law sa pagmamaktol nito sa tabi niya habang nasa loob sila ng sasakyan papunta sa Mall. "Ate Elise,tulungan mo naman akong kumbinsihin si Kuya na sana naman pag ayusin kami ni Franco, please?” pakiusap nito na nag pa-puppy eyes pa, “sigurado kasi ako pag ikaw ang nakiusap kay Kuya, pakikinggan ka nun kasi di iyon makatanggi sa iyo, kaya sana naman Ate, matulungan mo ako dito.” Nakabunsangos ang mukha ni Georgina, while sl
Ng tuluyan ng lumagpas ang sasakyan ni Franco ay napansin naman ito ni Dominic. Nakilala niya ang convoy na dumaan. "Alam mo bang espesyal ang taong nakasakay sa convoy na iyon?”."Hmmm.. talaga at bakit naman? At kanino ba iyon?" inosenteng tanong ni Aurora."Naku iyon ang convoy ng panganay na anak ng pinakamayamang pamilya Montefalco, at pati na rin ang punong presidente ng M Corporation.”Napatango ng ulo si Aurora, "Ahh, okay, hindi ko naman kasi alam ang mga ganyan, isa pa malayo ako sa mundong ginagalawan niyo at wala naman akong interest sa mga ganyan, kaya di ko rin pinag aaksayahan ng panahon.”Napangisi na lang si Dominic sa naging tugon ni Aurora. "Hmmm, Dom, nakita mo na ba iyang si Mr. M? May tatlong ulo't anim na braso ba siya?"Humalakhak naman si Dominic sa sinabi ni Aurora kahit alam niya namang biro lang nito ang sinabi pero sumagot pa rin ito sa tanong ng babae, "Sa totoo lang oo, nakita ko na siya at wala naman siyang tatlong ulo at anim na braso, gaya rin siya
HINDI umimik si Aurora bagkos nag-iisip ito ng malalim bakit biglang nag-iba ang asal at pakikitungo sa kanya ni Franco, sanay naman siyang malamig itong tao pero ngayon ay kakaiba. "Aurora, pumirma tayo ng kasunduan, isang taon lang naman at pagkatapos at pagkatapos ay pwede na tayong maghiwalay… hindi mo ba kayang maghintay? Kasi sa ginagawa mo ngayon na pagsama sa kung sino man ay isang panloloko para sa akin ngayong legal pa tayong mag-asawa!”Ng marinig ni Aurora ang mga tinuran ni Franco ay laking gulat nito. Hindi niya akalain na ganoon kababa ang tingin nito sa kanya. Napakagat siya ng labi sa pagtitimpi dahil biglang uminit ang kanyang ulo at kumulo ang dugo sa mga pinagsasabi ni Franco."Bagamat hindi kita gusto at hindi kita kayang mahalin, ngunit ang mga lalaki at bilang isang normal na lalaki, ang ayaw na ayaw nila sa lahat ay ang niloloko!" dagdag na sabi pa ni Franco sa kay Aurora.Pero ang totoo ay hindi lang talaga gustong makita ni Franco na magkasama si Dominic at