KINABUKASAN, pagkatapos bumangon ni Aurora, siya'y agad na pumunta sa balkonahe upang diligan ang kanyang mga bulaklak at halaman, at saka tinitigan ang mga bulaklak na iyon.“Mukhang kailangan ko atang tumambay dito araw-araw after kong bumangon dahil kapag tinitingnan ko itong maliit na hardin, nagiging maganda ang aking mood, at ang kaunting di-pagkakasundo na meron ako kay Franco ay nawawala, isa pa dahil rin naman kay Franco kung bakit maganda at maayos tingnan ang hardin na ito, salamat sa mga binili nitong bulaklak.” sabi ni Aurora sa sarili habang patuloy sa pagdidilig ng mga halaman niya.Pagkatapos niyang asikasuhin ang mga halaman niya ay pumasok si Aurora sa kusina upang ihanda ang almusal nilang mag-asawa. Sa kabilang banda ay agad namang bumangon si Franco, lumakad siya patungo sa pinto ng kusina, tinitingnan ang masigla at abalang anyo ni Aurora, at ang dalawang mahigpit na nakasara niyang mga labi ay bumati sa kay Aurora, " Ma-Magandang umaga."Tumango naman si Aurora
"NAGKASAKIT si Lola at may liver cancer, ngunit swerte na nasa early stage pa ito," sabi ni Philip sa telepono. "Ang doktor ay nagmungkahi na dalhin si Lola sa ospital sa siyudad para sa hospitalisasyon. At dahil nakatira na kayo ni Elsa , sa sentro ng siyudad, at alam n'yo ang sitwasyon doon… kung pupwede na kayo na ang mag-asikaso sa pagaayos para kay Lola, at kami'y aalis na rin sa sandaling ito para dalhin si Lola sa ospital sa siyudad."Mahabang saad ng Philip. Naaalala na niya ito, ito ang anak ng kanyang ama sa unang asawa niya, kung baga step brother niya lang. At ang Lola na sinasabi nito ay sa side ng Papa niya. "Ang sabi pa pagdating ni Lola, diyan sa syudad ay agad siyang maadmit dapat sa ospital. Narinig ko na kailangan bayaran ng deposito nang maaga, tandaan mong bayaran ang deposito. Bagamat wala na ang iyong mga magulang, may bahagi ka pa rin sa responsibilidad sa kay Lola, sa mga nagdaang taon, hindi ka nagbigay ng sustento. Ngayon na may sakit si Lola, kayo ni Elsa
“FREE si Franco, Ate kaya pupunta kaming dalawa sa hapunan sa bahay niyo, salamat.” agad na sabi ni Aurora sa Ate Elsa niya, pagkatapos ay pinutol na ni Aurora a ng tawag sa kapatid. Matapos magtapos ang tawagan ng mga kapatid, tinanong ni Franco si Aurora, "Hindi ba maganda ang relasyon mo sa mga kamag-anak mo sa probinsiya niyo?""Hindi." matipid at agad na sagot ni Aurora.Para kay Aurora walang rason na itago sa kay Franco ang totoong nararamdaman niya sa mga kapailya niya sa probinsiya, "Alam mo kasi nang ako'y sampung taong gulang, parehong nasawi ang mga magulang ko sa isang aksidente at wala ni isa sa pamilya ng tatay at kamag-anak ng nanay ko ang nag-isip na alagaan o kupkupin kami ni Ate.”Nagsimulang magkwento si Aurora, ngumiti ito ng mapait habang patuloy sa pagkukwento kay Franco."Pero alam mo kung ano yung masaklap at masakit? Nang makuha ang perang galing sa kumpensasyon ng mga magulang ko, dumating sila isa-isa para hatiin ang pera, at ang kapatid kong lalaki at mga
PAGKATAPOS ihatid ni Franco si Aurora ay dumiretso kaagad ito sa kumpanya, nagbigay siya ng instruksyon sa sekretarya bago siya pumasok sa kanyang opisina: "Pakitawag nga ang Chief Assistant security department, pakisabi na pumunta sa aking opisina, asap."Ang sekretarya naman ni Franco ay nagmamadaling tinawagan ang chief assistant na si Miguel Sandoval "Sir Sandoval, pinapatawag po kayo ni Mr. M, urgent po sa kanyang opisina.”{agkarinig ni Miguel ay hindi na ito nagtanongkung bakit agad niyang ibiniba ibinaba ang telepono at nagtungo kaagad sa opisina ni Mr. M.Ilang minuto pa ay kumatok si Miguel sa opisina ng presidente at pumasok.Si Franco ay kasalukuyang nagpoproseso ng mga papeles, at nang makita niyang pumasok si Miguel ay ibinaba niya ang sign pen nito at inanyayahan si Miguel na maupo."Anong kailangan mo at pinatawag mo ako… urgent pa daw?" nakataas ang kilay ni Miguel habang papunta sa mahabang sofa na kaharap lang ng table office ni Franco.Si MIguel Sandoval at si Fran
PIGIL na pigil si Franco sa pagsasalita pa ng masama kay Miguel, halatang napipikon na ito kasi alam niya sa sarili niya na tama ang hinala at sinasabi nito.Pero itong so Miguel ay nangibabaw ang kuryusidad sa ginawa ni Franco sa asawa nito kaya ito ngayon ay desperado malaman kung ano ang dapat gawin para suyuin ang babaeng nasaktan mo. Naningkit ang mga mata ni Migul na nakatingin sa kay Franco."Ano, ba ginawa mo sa iyong asawa?” “Sa totoo lang, gusto ko lang magbigay ng regalo at humingi ng paumanhin.” walang ganang sagot ni Franco kay Miguel.Tapos mas lalong pang lumapit si Miguel sa kay Franco, “ Sa maniwala ako sa iyo eh, iyong totoo?”"Haist! Wala kang pakialam, bumalik ka na nga sa trabaho, at huwag mong kalimutan makipag kita at makipag-usap kay Mr. Morales tungkol sa kooperasyon mamaya sa dahil wala akong oras para pumunta!" sabi Franco kay Miguel na parang tinataboy na ito na umalis. ‘Gusto kong samahan si Aurora mamaya sa bahay ng kanyang kapatid para sa hapunan.’ n
Tanghaling tapat ay bigla na lang pumunta si Franco sa Bookstore ni Aurora.Nang makarating siya sa Bookstore, timing naman na tapos na ang trabaho nina Aurora at Sharon at nagre-ready na ang mga ito na kumain ng takeout nang pumasok si Franco.Nagulat si Aurora at tinitigan siyang naglakad na halatang nagtataka kung bakit bigla na lang siyang sumulpot sa bookstore nito na walang pasabi o ano man.Diretso lang si Franco sa kay Aurora, umiling ng bahagya, at itinanong siya, "Mukhang hindi natin kilala ang isa't isa ah?"Nakabawi si Aurora at ngumiti, "Sobrang biglaan naman, paano ka napadpad dito? Kumain ka na ba? Kung hindi pa, mag-oorder ako ng isa para sa'yo.”Binati naman ni Sharon si Franco, at may kanya-kanyang takeout na kinuha ito at nagtago sa likod ng malaking aparador para kumain, hindi ito sumabay sa kanila."Kumain na ako, ikaw ba?"Itinaas ni Franco ang kanyang kamay at tiningnan ang kanyang relos, halos ala-una na ng hapon, kumunot ang noo at sinabi kay Aurora, "Kumain k
Si Sharon ay napatili at nakaramdam naman ng hiya si Aurora sa ginawa ng kaibigan ng makita ang bago niyang kotse, naglakad-lakad ito sa paligid ng kanyang bagong kotse, at pinuri: "Hindi na masama ang ganda. Magkano?""Hmm.wag mo nang tanungin basta.." Naningkit ang mga mata ni Sharon sa sagot ni Aurora pero di na niya ipinilit kaso curious pa rin siya sa ibang bagay kaya nagtanong ulit."Full payment o down payment lang?" "Sa totoo lang.. Full payment ang binayad ni Franco." medyo alinlangan at nahihiya na sagot ni Aurora. Ngumiti si Sharon at hinaplos ang balikat ng kanyang kaibigan, "Ayang, okay lang 'yan, ang ginawa ni Franco ay nagpapakita lang na mabilis mo nakuha ang puso ni Mr. Montefalco, at pinagkalooban ka niya ng kotse nang maluwag sa kanyang puso."Napailing ng ulo si Aurora habang natatawa sa mga sinabi ni Sharon. “Tsss, akala mo lang iyon ano.” Napanguso naman si Sharon sa kaibigan, "Alam mo kahit na mabilis ang lahat sa inyo at ang kasal, malaki pa rin ang posibi
Matapos i-park ni Aurora ang bagong kotse at sumakay sa kotse ni Franco, mas malambot ang tono nito at tinanong siya: "Ito ang unang beses kong pupunta sa bahay ng kapatid mo para sa hapunan, kaya naisip ko na dapat bumili ako ng ilang bagay para dalhin sa kanila kaya ano ang gusto ng iyong kapatid at bayaw?" Binuckle ni Aurora ang kanyang seat belt, "Laruan para kay Boyet, naninigarilyo ang bayaw ko, kaya bilhan mo lang siya ng dalawang pakete ng sigarilyo, at saka bumili ng ilang prutas para kay Ate." Kumunot ang noo ni Franco dahil hindi niya alam kung saan pwede bumili ng mga sinabi nito.. Habang nasa daan sila ay muli niyang tinanong ang kanyang asawa, "Saan bibilhin ang mga iyon?" "May malaking mall malapit dito, i-park mo ang kotse mo doon, pagkatapos ay pumunta tayo roon at tingnan ang mga kailangan natin.” tapos biglang huminto si Aurora sa pagsasalita medyo nagtataka siya akjsi bakit hindi alam ni Franco kung saan pwede bumili kaya napatanong ito bigla, “ Mr. Franco , hi