INIS na inis si Aurora sa mga narinig. Isa pa malaki ang lungsod kaya hindi sila matutunton ng mga iyon. Iniisip niya pa lang kung paano maka demand ang lolo at ang half brother niya ay naha-highblood na siya. Samantalang si Franco naman ay mataimtim na nakikinig sa usapan ni Aurora at lolo nito at bawat usapan ay nakataktak sa kanyang isipan. Isa pa pinaimbestigahan niya na kung anong klaseng pamilya ang meron sina Aurora at kaya may tiwala siya na magkukuha niya ang report nito sa lalong madaling panahon. Nang dumating ang mag-asawa sa bahay nina Elsa ay siya namang lumabas ito para magtapon ng basura. "Ate." tawag ni Aurora sa kanyang Ate Elsa. Masaya si Aurora na makita ang kapatid niya kaya agad itong lumapit dito pagkalabas niya agad sa kotse. "Ayang, andito ka na pala." Niyakap ni Elsa si Ayang at ganun rin ang ginawa ni Ayang sa Ate niya. Habang yakap niya ito ay agad naman siyang napabitaw ng makita niya ang kanyang bayaw na lumabas sa kotse nito at may mga dala-dalang
SI Franco ay may kaunting kaartehan sa kalinisan. Iniisip niya na marumi ang kamay ng bata at sinisira ang mga bagong laruan, kaya nga niya pinabigay ang isa sa mga bagong set ng laruan sa pinsan ng pamangkin ni Aurora.Dahil na rin sa ginawa niya ay tumigil ang pag-aaway ng dalawang bata at medyo umayos ang tensyon sa paligid.Bagaman tahimik at kunti lang magsalita si Franco, pero ang mga tingin sa kanyang mga mata kanina at ang kanyang ekspresyon ay tama lang upang ipaalam sa pamilya Santos na hindi madaling kalabanin ang asawa ni Aurora.Si Mrs. Santos, ang nanay nina Anton at Luisa ay medyo napataas ang kilay sa kay Aurora at sa asawa nito. Sa isip nito ay nakahanap na si Aurora ng lalaki na hindi basta-basta. Alam niya na malalim ang samahan ng kanyang manugang at ni Aurora at kung anong uri ng tao ang kanyang anak, kaya't malinaw din sa kanyang puso sa kung ano ang dapat nilang gawin at pakikitungo pagdating sa kay Elsa ngayon.Kailangan niyang humanap ng pagkakataon na paalala
“Elsa, araw-araw ay pumapasok si Anton sa trabaho. Siya ay abala at pagod sa trabaho, kumikita ng pera para suportahan ang kanyang pamilya at itaguyod kayo ni Boyet. Ikaw ang asawa niya; dapat ay alagaan mo siya. Paano mo naman ipapagawa kay Anton ang gawaing-bahay?” Hindi umimik si Elsa at nasa loob pa rin siya ng kusina bagkos ay nagpatuloy ang Mama ni Anton sa pagsasalita. “Sinabi ni Anton na dapat pareho kayong may ambag sa responsibilidad sa bahay na ito dahil ayaw niyang sa kanya lahat manggaling ang lahat ng gastusin dito sa loob ng bahay at ikaw naman kung ganito ang gusto mo paano kayo mabubuhay nang magkasama nang ganyan? Bilisan mo na at linisin mo ang mesa. Huwag mo nang pakialaman si Anton. Pagod na sa mga bagay sa labas ang asawa mo. Dapat mong isaalang-alang ang kanyang nararamdaman!” Sumang-ayon si Luisa sa mga sinabi ng kanyang ina, “Ganun na nga, hindi ka nagtatrabaho, at nandiyan si Boyet, at ang lahat ng pangangailangan mo sa pagkain, damit, at tahanan ay galing
Si Luisa ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi kalayuan ang paaralan dito, at hindi labis sabihin na hindi magiging problema kung dito mananaitili ang mga bata pag lumipat sila dito sa syudad".Hindi nagsalita si Anton kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Luisa."Siguro ay okay lang naman kay Elsa ang pag-aalaga sa dalawang bata, maglaba at magluto lang naman ang hinihingi namin, at kung ang gastusin sa pagkain ay..."Pinutol ni Anton ang sasabihin pa ng Ate Luisa niya, "Ate, pamangkin ko 'yun; hindi na kailangan magbayad sa pagkain. Hahanap ako ng makakatulong sa dalawang bata sa proseso ng paglipat nila ng paaralan at si Elsa na lang ang mag-aalaga sa kanila araw-araw. Isa pa wala rin naman siyang ginagawa sa bahay."At dahil sa naging tugon ni Anton ay natuwa si Luisa at ang kanyang asawa. Akala pa nga ni Luisa ay baka hindi ito pumayag dahil natahimik ito.Agad namang sumabat ang Mama nila na si Dolores, "Anton, kailangan mong pag-usapan ito kay Elsa. At alalahanin mo may parte rin si
Kalaunan ay nagtipon ang pamilya ni Anton upang kumain at ubusin ang pakwan na hiniwa niya kanina at nanood ng TV sandali, at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa kuwarto upang magpahinga. Mananatili sila dito ng ilang araw. Ngayon na lumipat na si Aurora, may isa pang kuwarto na bakante, sapat para sa pamilya ng ate niya sa oras na manirahan na sila sa bahay nila. Papasok na sana si Anton sa kwarto nila ni Elsa ng biglang bumulong si Luisa sa kanya, "Alam mo bang maraming binili si Aurora at ang kanyang asawa kanina. Tapos itong asawa mo galit na galit nang dalhin niya lahat ng mga iyon sa kuwarto niyo. tapos nakita ko puno ng magagandang bagay ang paperbags. May mga mamahaling sigarilyo at masarap na alak; bigyan mo ng konti ang iyong kuya ha. Isa pa hindi naman umiinom o naninigarilyo si Elsa kaya hindi niya iyon kailangan. At hindi pa nakakainom ng masarap na alak si Papa kaya bigyan mo rin siya." Ngumiti lang si Anton sa tinuran ng kanyang ate, "Ate, ano ba kung gusto mo ang
BAGO pa makapagsalita si Elsa ay nagsalita ulit si Anton na mas lalong ikinagalit nito. " Nagsabi rin sina Ate na kung pupwede sa kanila muna ipangalan ang titulo ng bahay dahil sa loan na plano nilang eh proseso at syempre may hati rin tayo doon dahil dito mag sta-stay ang mga pamangkin ko sa bahay natin."Nang marinig iyon ni Elsa ay tila umuusok na ang kanyang ilong at tenga sa sobrang gigil dahil sa mga pinagsasabi ni Anton.Sinabi ni Elsa nang malamig, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Anton? Akala mo ba nandito lang ako sa loob ng bahay at kumakain lang? Halos lahat ng mga gawain dito ay ako pati na rin ang pag-aalalaga kay Boyet, lahat ng iyon Anton tinitiis ko para sa anak natin at sa pamilyang ito pagakatapos may mga ganyan kang desisyon!?."Taas baba ang dibdib ni Elsa sa sobrang gigil na nararamdaman dahil sa mga naging desisyon at pag sang ayon ni Anton sa kapatid nito."Pero ang dalawang anak ng kapatid mo ay wala akong kinalaman; hindi ko sila responsibilidad, at hind
ALAM na alam ni Elsa na sobrang dehado siya sa sitwasyon kaya naniniguro lang din siya. Halata naman noon pa lang na ang pamilya ni Anton ay interesado sa kanilang bahay at lupa. Gusto nilang makihati. Kaya nga sobrang pagsisisi rin ang naramdaman ni Elsa dahil sa nagtiwala siya ng lubos kay Anton sapagkat ang bahay at lupa ay nakapangalan lamang kay Anton dahil ng binili ito ay di pa sila kasal. Itim ang mukha ni Anton sa mga narinig niya mula sa kay Elsa, "Ang isang bata ay 5,000 pesos; bakit hindi ka na lang magnakaw sa bangko? Maghiwalay? Akala mo ba ay bata ka pa rin at labing-walong taong gulang? Alalahanin mo ikaw ay kasal na, may anak na, walang trabaho, mataba na parang baboy, at sobrang pangit na kahit sino ay walang magkaka interest! At kaya mo bang supurtahan ang sarili mo!?"Nagpintig ang tenga ni Elsa ng marinig ang mga sinabi sa kanya ni Anton. Nasaktan siya at nainsulto. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa kay Anton. Mas lalong bumilis ang p
MGA ilang minuto pa lang nakalipas ng marealized ni Franco na hindi dapat siya ganito kay Aurora pero bago pa man ito makapag react ay bumangon si Aurora at humarap upang tingnan si Franco. Di naman sinasadya na timing rin ang pagtingin ni Franco sa kay Aurora.In that moment ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakaramdam ng tensyon si Franco ng mangyari iyon. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at nagsalita, "Tinitingnan mo ba ako ng ganyan dahil sa iniisip mo ba kung may katotohanan ang aking mga sinasabi?" Kahit na malamig ang personalidad ni Franco pero maayos ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Ang lalaki sa kanilang pamilya ay mapagmahal sa asawa at lumaki siyang inuulit iyon ng kanyang lolo sa kanila.Naalala niya pa na minsang sinabi ng kanyang ama na ang lalaking marunong lamang mang-abuso sa kanyang asawa ay hindi mabuti at hindi totoong lalaki!"Mr. Franco.""Hmm..." Sabi ni Aurora, "Maraming salamat at naniniwala ako sa iyo."Nag-atubiling