Tanghaling tapat ay bigla na lang pumunta si Franco sa Bookstore ni Aurora.Nang makarating siya sa Bookstore, timing naman na tapos na ang trabaho nina Aurora at Sharon at nagre-ready na ang mga ito na kumain ng takeout nang pumasok si Franco.Nagulat si Aurora at tinitigan siyang naglakad na halatang nagtataka kung bakit bigla na lang siyang sumulpot sa bookstore nito na walang pasabi o ano man.Diretso lang si Franco sa kay Aurora, umiling ng bahagya, at itinanong siya, "Mukhang hindi natin kilala ang isa't isa ah?"Nakabawi si Aurora at ngumiti, "Sobrang biglaan naman, paano ka napadpad dito? Kumain ka na ba? Kung hindi pa, mag-oorder ako ng isa para sa'yo.”Binati naman ni Sharon si Franco, at may kanya-kanyang takeout na kinuha ito at nagtago sa likod ng malaking aparador para kumain, hindi ito sumabay sa kanila."Kumain na ako, ikaw ba?"Itinaas ni Franco ang kanyang kamay at tiningnan ang kanyang relos, halos ala-una na ng hapon, kumunot ang noo at sinabi kay Aurora, "Kumain k
Si Sharon ay napatili at nakaramdam naman ng hiya si Aurora sa ginawa ng kaibigan ng makita ang bago niyang kotse, naglakad-lakad ito sa paligid ng kanyang bagong kotse, at pinuri: "Hindi na masama ang ganda. Magkano?""Hmm.wag mo nang tanungin basta.." Naningkit ang mga mata ni Sharon sa sagot ni Aurora pero di na niya ipinilit kaso curious pa rin siya sa ibang bagay kaya nagtanong ulit."Full payment o down payment lang?" "Sa totoo lang.. Full payment ang binayad ni Franco." medyo alinlangan at nahihiya na sagot ni Aurora. Ngumiti si Sharon at hinaplos ang balikat ng kanyang kaibigan, "Ayang, okay lang 'yan, ang ginawa ni Franco ay nagpapakita lang na mabilis mo nakuha ang puso ni Mr. Montefalco, at pinagkalooban ka niya ng kotse nang maluwag sa kanyang puso."Napailing ng ulo si Aurora habang natatawa sa mga sinabi ni Sharon. “Tsss, akala mo lang iyon ano.” Napanguso naman si Sharon sa kaibigan, "Alam mo kahit na mabilis ang lahat sa inyo at ang kasal, malaki pa rin ang posibi
Matapos i-park ni Aurora ang bagong kotse at sumakay sa kotse ni Franco, mas malambot ang tono nito at tinanong siya: "Ito ang unang beses kong pupunta sa bahay ng kapatid mo para sa hapunan, kaya naisip ko na dapat bumili ako ng ilang bagay para dalhin sa kanila kaya ano ang gusto ng iyong kapatid at bayaw?" Binuckle ni Aurora ang kanyang seat belt, "Laruan para kay Boyet, naninigarilyo ang bayaw ko, kaya bilhan mo lang siya ng dalawang pakete ng sigarilyo, at saka bumili ng ilang prutas para kay Ate." Kumunot ang noo ni Franco dahil hindi niya alam kung saan pwede bumili ng mga sinabi nito.. Habang nasa daan sila ay muli niyang tinanong ang kanyang asawa, "Saan bibilhin ang mga iyon?" "May malaking mall malapit dito, i-park mo ang kotse mo doon, pagkatapos ay pumunta tayo roon at tingnan ang mga kailangan natin.” tapos biglang huminto si Aurora sa pagsasalita medyo nagtataka siya akjsi bakit hindi alam ni Franco kung saan pwede bumili kaya napatanong ito bigla, “ Mr. Franco , hi
INIS na inis si Aurora sa mga narinig. Isa pa malaki ang lungsod kaya hindi sila matutunton ng mga iyon. Iniisip niya pa lang kung paano maka demand ang lolo at ang half brother niya ay naha-highblood na siya. Samantalang si Franco naman ay mataimtim na nakikinig sa usapan ni Aurora at lolo nito at bawat usapan ay nakataktak sa kanyang isipan. Isa pa pinaimbestigahan niya na kung anong klaseng pamilya ang meron sina Aurora at kaya may tiwala siya na magkukuha niya ang report nito sa lalong madaling panahon. Nang dumating ang mag-asawa sa bahay nina Elsa ay siya namang lumabas ito para magtapon ng basura. "Ate." tawag ni Aurora sa kanyang Ate Elsa. Masaya si Aurora na makita ang kapatid niya kaya agad itong lumapit dito pagkalabas niya agad sa kotse. "Ayang, andito ka na pala." Niyakap ni Elsa si Ayang at ganun rin ang ginawa ni Ayang sa Ate niya. Habang yakap niya ito ay agad naman siyang napabitaw ng makita niya ang kanyang bayaw na lumabas sa kotse nito at may mga dala-dalang
SI Franco ay may kaunting kaartehan sa kalinisan. Iniisip niya na marumi ang kamay ng bata at sinisira ang mga bagong laruan, kaya nga niya pinabigay ang isa sa mga bagong set ng laruan sa pinsan ng pamangkin ni Aurora.Dahil na rin sa ginawa niya ay tumigil ang pag-aaway ng dalawang bata at medyo umayos ang tensyon sa paligid.Bagaman tahimik at kunti lang magsalita si Franco, pero ang mga tingin sa kanyang mga mata kanina at ang kanyang ekspresyon ay tama lang upang ipaalam sa pamilya Santos na hindi madaling kalabanin ang asawa ni Aurora.Si Mrs. Santos, ang nanay nina Anton at Luisa ay medyo napataas ang kilay sa kay Aurora at sa asawa nito. Sa isip nito ay nakahanap na si Aurora ng lalaki na hindi basta-basta. Alam niya na malalim ang samahan ng kanyang manugang at ni Aurora at kung anong uri ng tao ang kanyang anak, kaya't malinaw din sa kanyang puso sa kung ano ang dapat nilang gawin at pakikitungo pagdating sa kay Elsa ngayon.Kailangan niyang humanap ng pagkakataon na paalala
“Elsa, araw-araw ay pumapasok si Anton sa trabaho. Siya ay abala at pagod sa trabaho, kumikita ng pera para suportahan ang kanyang pamilya at itaguyod kayo ni Boyet. Ikaw ang asawa niya; dapat ay alagaan mo siya. Paano mo naman ipapagawa kay Anton ang gawaing-bahay?” Hindi umimik si Elsa at nasa loob pa rin siya ng kusina bagkos ay nagpatuloy ang Mama ni Anton sa pagsasalita. “Sinabi ni Anton na dapat pareho kayong may ambag sa responsibilidad sa bahay na ito dahil ayaw niyang sa kanya lahat manggaling ang lahat ng gastusin dito sa loob ng bahay at ikaw naman kung ganito ang gusto mo paano kayo mabubuhay nang magkasama nang ganyan? Bilisan mo na at linisin mo ang mesa. Huwag mo nang pakialaman si Anton. Pagod na sa mga bagay sa labas ang asawa mo. Dapat mong isaalang-alang ang kanyang nararamdaman!” Sumang-ayon si Luisa sa mga sinabi ng kanyang ina, “Ganun na nga, hindi ka nagtatrabaho, at nandiyan si Boyet, at ang lahat ng pangangailangan mo sa pagkain, damit, at tahanan ay galing
Si Luisa ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi kalayuan ang paaralan dito, at hindi labis sabihin na hindi magiging problema kung dito mananaitili ang mga bata pag lumipat sila dito sa syudad".Hindi nagsalita si Anton kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Luisa."Siguro ay okay lang naman kay Elsa ang pag-aalaga sa dalawang bata, maglaba at magluto lang naman ang hinihingi namin, at kung ang gastusin sa pagkain ay..."Pinutol ni Anton ang sasabihin pa ng Ate Luisa niya, "Ate, pamangkin ko 'yun; hindi na kailangan magbayad sa pagkain. Hahanap ako ng makakatulong sa dalawang bata sa proseso ng paglipat nila ng paaralan at si Elsa na lang ang mag-aalaga sa kanila araw-araw. Isa pa wala rin naman siyang ginagawa sa bahay."At dahil sa naging tugon ni Anton ay natuwa si Luisa at ang kanyang asawa. Akala pa nga ni Luisa ay baka hindi ito pumayag dahil natahimik ito.Agad namang sumabat ang Mama nila na si Dolores, "Anton, kailangan mong pag-usapan ito kay Elsa. At alalahanin mo may parte rin si
Kalaunan ay nagtipon ang pamilya ni Anton upang kumain at ubusin ang pakwan na hiniwa niya kanina at nanood ng TV sandali, at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa kuwarto upang magpahinga. Mananatili sila dito ng ilang araw. Ngayon na lumipat na si Aurora, may isa pang kuwarto na bakante, sapat para sa pamilya ng ate niya sa oras na manirahan na sila sa bahay nila. Papasok na sana si Anton sa kwarto nila ni Elsa ng biglang bumulong si Luisa sa kanya, "Alam mo bang maraming binili si Aurora at ang kanyang asawa kanina. Tapos itong asawa mo galit na galit nang dalhin niya lahat ng mga iyon sa kuwarto niyo. tapos nakita ko puno ng magagandang bagay ang paperbags. May mga mamahaling sigarilyo at masarap na alak; bigyan mo ng konti ang iyong kuya ha. Isa pa hindi naman umiinom o naninigarilyo si Elsa kaya hindi niya iyon kailangan. At hindi pa nakakainom ng masarap na alak si Papa kaya bigyan mo rin siya." Ngumiti lang si Anton sa tinuran ng kanyang ate, "Ate, ano ba kung gusto mo ang