Share

CHAPTER 14

Halos ramdam na ni Sharon ang alak sa kanyang sistema at busog na busog rin siya sa mga pagkain na kanyang kinain kasama si Aurora ganun din si Aurora kaya’t napagpasyahan nilang dalawa na mauna ng umuwi.

“Dom, mauna na kami ni Aurora since tapos na rin kaming kumain ng masasarap na pagkain dito, isa pa di naman kami interasado talaga sa kung sino man ang mga nandito kaya pakisabi na lang sa kay Auntie na mauna na kaming umuwi.”

Dahil sa narinig ni Dominic sa pinsan niya ay nag poker face na lang ito sapagkat gusto niya pa sanang magkaroon ng sapat na oras upang makausap si Aurora kahit papaano.

Hindi nagpahalata si Dominic na medyo nalungkot siya dahil sa uuwi na nga sina Aurora at dahil dito ay nagkalakas rin siya ng loob upang makumbinsi sana ang pinsan niyang huwag munang umuwi , "Talaga bang aalis na kayo, Sha? Kasi hindi pa naman ganun kagabi at kahit na mamaya na lang kayo umalis, magsaya muna tayo dito." 

Sumagot naman si Aurora sa sinabi ni Dominic, Pasensya na talaga Dom, kailangan na naming umuwi kasi magbubukas pa kami ng bookstore namin bukas at ayaw din naman naming magpagabi sa daan.”

Biglang tumayo sina Aurora at Sharon , at walang nagawa si Domin kung di ang sumunod na lang sa dalawa.

"Baka pwede na lang kayo magbukas sa hapon, kasi sayang naman ang gabing ito at aalis na kaagad kayo."

Kasabay na naglalakad si Dominic sa kay Sharon at Aurora palabas ng Function hall at sinubukan pa ring kumbinsihin ang dalawa na sana’y manatili pa ng mas matagal.

"Naku Dom mas lalong hindi pupwede iyon kasi mas malaki ang kitaan sa umaga ano kaya sayang pag hapon na kami magbubukas."

Tinapik ni Sharon ang balikat ng kanyang pinsan, ngumiti at nagbiro, “Dom, pansin ko lang ang saya mo, tingnan ngayon ah, parang inspire ka, hmmm… may love life ka na ba?”

Dahil sa biro ni Sharon ay palihim na sinulyapan ni Dominic si Aurora. Hindi rin maiwasan na ang kanyang mukha ay namula at medyo nahihiya na sumagot sa pinsan nito habang napakamot ng ulo,  "Naku Sha, kaka graduate ko pa lang ano, isa pa kailangan ko munang makapag trabaho at magkaroon ng stable na buhay bago isipin iyang love life na iyan."

Napangiti naman si Aurora, ng makilala niya kasi si Dominic ay maliit pa ito, “ Huwag mo namang eh pressure si Dom, Bes namula tuloy ang pagmumukha o, pero kung sabagay nasa tamang edad ka na Dom, at ang laki mo na talaga.”

Paulit-ulit ang pagtango ni Dominic at hindi na alam ang isasagot pa ng si Aurora ang magsalita. Pasimple rin siyang ngumiti at napapakamot ng kanyang ulo dahil sa napansin ni Aurora ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

Sa kalaunan ay nabigo si Dominic na pigilan sina Sharon at Aurora na umalis ng party. Pagkalabas nila ng hotel ay nagtanong pa si Dominic sa kay Sharon dahil nagulat siyang dire-diretso lang ang dalawa sa paglakad paalis ng hotel.

"Sha, wala kang dalang sasakyan?"

"Wala kasi kanina inayos ni Auntie ang sasakyan na sinakyan namin papunta dito, alam mo naman iyon.”  sagot naman ni Sharon. 

Napa buga ng hangin si Dominic at gusto niya sanang mag-offer sa dalawa kaso alam niyang hindi siya papayagan ng Mama niya.

"Tatawag na lang kami ng taxi, kaya okay na kami dito, sige na bumalik ka na dun at pakisabi na lang sa kay Auntie na salamat at nauna na kami.” pagpapatuloy na sabi ni Sharon na walang pakialam kung may makarinig man o sa sinabi niya.

Kasalukuyang maraming tao rin ang nasa pintuan ng hotel kaya napatingin at ang iba ay napataas ang kilay ng marinig ang sinabi Sharon. Sa mga mayayaman at may mataas na estado sa buhay ang hindi pagkakaroon ng sariling sasakyan ay pawang malaking kakulangan at kasalanan para sa kanila, ngunit si Sharon, wala siyang pakialam, para sa kanya bahala silang mag-isip ng kung ano.

Nagsimulang maglakad sina Aurora at Sharon hanggang sa marating nila ang gilid ng daan at pumara ng taxi. Si Dominic naman ay nakasunod pa rin sa kanila. “Dom sige na bumalik ka na dun sa loob, okay na kami ni Ayang.”

Bago sumakay ang dalawa ay atubili oang kumaway ng kamay si Dominic sa pinsan niya lalong-lalo na sa kay Aurora. Nang tuluyan ng makasakay ang dalawa at nakaalis ang taxi na sinakyan ng mga ito ay nagsimula na siyang maglakad pabalik sa hotel.

Matagal siyang nakatayo sa gilid ng kalsada bago tumalikod at naglakad pabalik.

Pagdating mismo sa pintuan ng hotel, nakasalubong ni Dominic si Franco Montefalco, na kalalabas lang rin ng hotel, ast nakasunod ang mga bodyguard nito na mahigpit ang pagbabantay sa kanya. 

Malakas ang dating at napaka seryosong mukha ni Franco, nakapaskil sa mukha niya ang matinding confidence na parang hari na nakakataas sa lahat.

Nang makita naman siya ni Dominic ay tumigil ito sa paglalakad at nagbigay daan sa kanya, bigla naman siyang tumigil at sumilip sa gilid, upang pansinin ang tagapagmana ng mga Lacson.

"Mr. Dominic Lacson.”

Ng tumigil si Franco sa harap ni Dominic ay magalang niya itong binati.

Si Dominic naman ay nagulat at kabado, “ Good Evening po Mr. Montefalco.”

Marami ang nagulat sa ginawa ni Franco sapagkat hindi ito karaniwang kumakausap sa kung sino man lang maliban kung may transaction siya dito. Kaya hindi unusual ay ginawa niyang pagbati sa kay Dominic. Kahit na si Dominic ang tagapagmana ng mga Lacson ay malayo pa rin ang pagkakahalintulad nito sa lahat ng bagay ikumpara sa kay Franco Montefalco.

Si Mr. Ferdinand Lacson at Mrs. Vilma Lacson naman ay gulat na gulat sa kanilang nakita ng lumabas silang pareho ng hotel. Nadatnan nilang kinakausap ni Franco ang anak nilang si Dominic, isang bagay na nakakapanibago Kaya sobrang saya ng mag-asawa.

Sa komunidad ng negosyo sa kanilang Syudad ay isang malaking oportunidad na maituturing pag nakuha mo ang pansin ng isang Franco Montefalco.

"Mr. Lacson ba–"

Pero bagio pa matapos ni Franco ang sasabihin ay bigla ng sumagot si Dominic dahilan na naputol ang iba pa sana nitong sasabihin.

 "Pinasakay ko lang po ang pinsan ko at kaibigan niya sa taxi, “ nauutal na sabi nito, “at  kababalik ko lang din po, pasensya na po kayo.”

Ngumuso lang si Franco Montefalco, at naglakad sa harap ni Dominic , mas malapit at , ngumiti ng tipid, he was being polite and thankful sa ginawa nito.

Hindi pa alam ni Dominic at hindi man niya maintindihan kung bakit nagawa siyang batiin ng isnag Franco Montefalco pero masaya siya at isang malaking karangalan iyon para sa kanya. 

Kapag nakikilahok kasi si Franco Montefalco sa mga pagtitipon, kadalasan ay umaalis kaagad ito pagkatapos magpakita lang sa lahat at nasanay na silang lahat dito.

Hindi nagtagal, ang Rolls-Royce, ni Franco ay pumarada na sa harap ng hotel at agad itong nagpaalam sa kay Dominic at dire-diretso sa pagpasok sa loob ng sasakyan nito.

"Mr. M, saan po ba tayo?"

Tanong ng driver nito habang nagmamaneho.

Itinaas ni Franco ang kanyang kamay at tumingin sa kanyang relo, alas nuwebe y medya pa lang ng gabi, napakaaga pa kaya naisip niya ang umuwi sa Condo nito,  “ Sa Carmella Valley Garden tayo. “ 

Mabilis na nakarating ang sasakyan ni Franco sa Carmella Valley Garden na building at agad naman itong lumabas at dire-diretso sa floor ng unti niya. Pagkarating ay nagtataka si Franco dahil sa mas nauna pa siyang nakauwi sa asawa niya. 

Sa hindi malamang dahilan ay may naramdaman si Franco, ang bungad ng katahimikan sa kanya ay nagparamdam sa kanya ng pagkainip at inis kaya umupo siya sa sofa, pinaandar ang TV at bored na nanonood sa kung ano ang palabas dito, habang naghihintay sa asawa na mas nauna pa sa kanya na umalis ng hotel pero hindi pa umuuwi.

Gaya ng utos nito kanina sa bodyguard niya ay kinunan ng bodyguard niya ang bawat galaw ni Aurora sa handaan at ipinadala ito sa kanyang cellphone.

Isa-isang tiningnan ni Franco ang mga larawan, napangisi siya at napailing ng ulo dahil sa bawat litrato ay ang mga kuha ni Aurora na kumain na parang hindi siya nakakain ng masasarap na pagkain sa tanang buhay nito.

Gayunpaman, okay rin sa kay Franco na mas mabuting nagtago ito sa isang sulok at kumain ng kumain kaysa makipag usap sa kung sino mang lalaki na nadun sa pagtitipon.

Napansin rin ni Franco ang damit nito at sumimangot ito kaagad.

“Ni hindi man lang siya nagdamit ng maayos na damit na babagay sa pagtitipon na iyon?”

Tanong ni Franco sa sarili niya na nakakunot ang noo.

“Pero kung sabagay mabuti na rin na simple at pangit na damit ang suot nito kasi kung nagkataong nagdamit ito ng maganda ay siguradong pagkakaguluhan ito ng mga kalalakihan dun.” 

Napabuga ng hangin si Franco at napapikit ng mga mata, kung ganun ang nangyari siguradong kakaladkarin niya si Aurora palabas ng hotel ay iuuwi at e-lo-lock sa loob ng kwarto nito,

Maliban kay Dominic Lacson, ay hindi nakikipag-usap sa ibang taong nandun si Aurora. Isa pa si Dominic ay pinsan ng matalik na kaibigan nito, at posibleng matagal na ang mga itong magkakilala.

Sa wakas, tinitigan ni Franco ang isang larawan, napansin niya  ang dalawang manipis na labi na mahigpit na nakalapat, at hindi nito napapansin na ang kanyang mga mata ay unti-unting naging malalim at nanlamig.

May napansin si Franco sa larawan na iyon, naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa larawan na iyon. Napansin niya ang mga titig ni Dominic sa kay Aurora, malagkit at may ibig sabihin ang mga ito. 

Bumilis ang tibok ng kanyang puso at humigpit ang hawak nito sa cellphone niya ng mapagtano niya ang ibig sabihin ng mga titig ni Dominic sa kay Aurora.

“Halatang may gusto si Dominic sa kay Aurora!”

He smirked and let out a deep breath at niluwagan ang kurbata ng suit niya. Pagklatapos ay biglang tumunog ang lock ng pinto.

Agad na ibinalik ni Franco ang cellphone nito sa bulsa ng pantalon niya.

Binuksan ni Aurora ang pinto at pumasok, at laking gulat niya ng madatnan si Franco na nakaupo sa sofa na nanonood ng TV, hindi niya inaasahan, at habang isinasara ang pinto at ni-lock ito, ay binati niya ito at nagtanong.

 “ Magandang gabi Mr. Franco, maaga po kayong nakauwi, wala po ba kayong overtime ngayon?” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status