Umupo si Aurora sa tapat ni Franco at ang kanyang maganda at bilugan na mga mata ay diretsong nakatingin sa kay Franco. Habang nakatitig si Aurora sa kay Franco at naghihintay ng sagot ay hindi niya maiwasang hindi mag admire sa ganda ng hugis ng mukha nito at maamong mukha, likas na magandang lalaki ang napangasawa niya at hindi niya maitatanggi iyon, pero alam niya ang limitasyon at boundary niya sa simula pa lang kaya bantay sarado rin ang bawat kilos niya sa harap nito.Katahimikan at hindi sumagot si Franco kaya napatikhim si Aurora at nagpatuloy sa pagsasalita."Ang pagtitipon na pinuntahan namin ng bff ko ngayong gabi ay ginanap sa Montefalco Hotel, at nalaman ko na pagmamay ari din pala iyon ng Montefalco Inc. at obvious naman dahil sa apelyido, siguro ay sadyang common na talaga ang apelyidong iya kasi Montefalco rin ang apelyido mo at magkapareho kayo ng pangalan ng CEO ng kumpanyang iyon… akalain mo ha kaya napaisip din ako na baka may kinalaman ka ba sa pamilya na iyon o w
Nang matapos sa pagkuha ng mga sinampay si Aurora ay dumiretso siya kaagad sa kwarto niya, pero habang patungo doon ay naisipan niyang kumatok muna sa pintuan ng kwarto ni Franco. Nakailang katok pa siya bago ito nabuksan, ng makita niya ang lalaki ay nakaligo na ito, at nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya nito, naka sando at naka pajama na rin, halatang ready na anytime na matulog. Nakakunot ang noo nitong tumingin sa kanya, marahil ay nagtataka kung ano ba ang sinadya niya. “Yes? May kailangan ka?” mahinang tugon nito pero halatang irritable ang tono. Ngumiti lang si Aurora at nagsalita. "Sa weekend pala , pagkatapos makipagkita sa iyong mga magulang, naisip kong bumalik sa probinsya namin para magpaputol ng dalawang kawayan at gawin nating sampayan para mabilis matuyo ang mga damit natin at may maayos na sampayan tayo." Mas lalong kumunot ang noo ni Franco ng marinig ang mga sinabi niya. ‘Ano ba ang naiisip ng babaeng ito?’ ‘Seryoso siya sa pagpunta lang sa probinsya nil
Alas sais kinaumagahan, nagising si Franco ng isang tawag sa kanyang cellphone.Kinuha niya ang cellphone at tiningnan, at nakita sa screen na si Aurora ang tumatawag sa kanya, medyo galit pa siya dahil nadistorbo ang kanyang tulog ngunit mas pinili niya na kang magtimpi ng inis at galit bago at sinagot ang tawag nito."Mr. Franco, gising ka na ba? Pasensya ka na sa istorbo ngunit need kasi nating umaga na pumunta dun para naman makabili tayo ng mga sariwang gulay at binhi na rin upang makapag tanim sa may balkonahe natin.”"Ito na babangon na." tamad na sagot habang pilit na pinabangon ang sarili nitong katawan."Then I'll wait for you, bilisan mo ha!""Okay."Napailing na lang si Franco sa at napahilit ng sentido niya. Naiinis man siya pero wala siyang magawa, nangako na kasi siya kay Aurora kagabi kaya heto siya at pilit na pinapabangon ang sarili tapos pinapatayo para maligo.Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ng kwarto niya si Franco. Naka simpleng gray shirt lang sya
Nakatayo si Franco sa gilid ng tindahan ng mga gulay habang si Aurora ay busy sa pamimili at pakikipag tawaran pa ng presyo ng mga ito. Nanonood na naaaliw si Franco sa ginagawa ni Aurora. Hindi niya rin mapigilan ang hindi matawa ng palihim habang naririnig niyang hindi nito titigilan ang tindera hangga’t di napapayag sa presyo na tinatawad nito. Magkabilang may hawak siya ng mga supot ng mga sariwang gulay, isda at karne silang pinamili sa. Akala niya nga gulay lang talaga at mga binhi nito ang bibilhin pero nagulat siyang marami pa pala. Bago sila tuluyang umalis ng palengke ay nagtungi nga si Aurora sa isa estante na nagtitinda ng mga samo’t saring halaman kabilang na rin ang mga binhi ng mga gulay. Bumili ito kasi sabi nito ay aggawa siya ng maliit na greenhouse para sa mga tanim na gulay para hindi na raw bili ng bili.Pero hindi lang iyon ang ipinamili. Bumili rin si Aurora ng mga mesetera para sampo para sa mga gulay na parang hugis parihaba at sampo para rin sa mga bulaklak
Hindi nagtagal, ay bumaba rin naman sila sa sasakyan kahit medyo awkward dahil sa biglaang pagiging emotional ni AUrora ay nagawa pa rin ni Franco na ma maintain ang seryoso nitong mukha. Pagkababa ni Aurora ay diretso siya kaagad sa hood ng sasakyan at nagsimulang magbuhat ng mga pinamili nila papasok sa elevator ngunit bago pa tuluyang makaalis ni Aurora papunta sa unit nila ay tinawag ni Franco ang mga security guard na sa building na iyon at binayaran ng malaki ang mga ito at hiniling sa kanila na tulungan silang dalhin ang mga nakapasong mga bulaklak sa itaas sa kanilang unit.Napansin naman ni Aurora ang ginawa ni Franco, at mag pro-protesta pa sana siya sa pagbibigay nito suhol sa mga security guard na pinakiusapan na tumulong sa pagbitbit paakyat ng mga pinamili nila ngunit na realized niya ring nagmamalasakit lang sa kanya si Franco kaya kahit napagastos pa ito sa pagbibigay suhol sa mga inutusang security guard ay naging okay na rin siya. Lihim na rin siyang nagpapasalamat
Hindi naman ganun kalaki ang kinikita ni Aurora pero alam niyang sapat naman ito sa mga pangangailangan niya at sa kanila ni Franco. Isa pa padating sa financial ay nagpapasalamat siyang katuwang niya si Franco sa bagay na iyon. Kaya kahit papaano’y gusto ni Aurora na magbigay ng tulong sa Ate niya at sa pamangkin niya."Kumusta naman ang kain ni Boyet, Ate?"Tanong ni Aurora habang hinawakan ang noo ni Boyet gamit ang kanyang kamay, at kahit papaano ay normal na ang temperatura ng katawan nito."Pagkatapos uminom ng gatas ,ay kumain iyan ng arroz caldo, nagluto nga kasi ako kanina, at marami siyang nakain…ayos na rin ang kalagayan niya, salamat din sa tulong mo.”"Walang anuman iyon Ate, masaya ako at maayos na si Boyet kaya talagang walang rason na hindi kayo mapunta sa bahay sa darating na sabado.”“Oo na, syempre hindi ko palalagpasin na makilala ang aking bayaw ano, aba di ko pa siya nakikita kahit na kailan kasi nga pabigla-bigla ka.”Napangiti si Aurora sa sagot ng Ate niya, “A
MALALAPAD ang mga ngiti ni Dina sa kanyang labi. Sobra kasi siyang nagagalak sa mga bulaklak, pabango at mga mamahaling bagay na binibigay sa kanya ng kanyang boss na si Anton. Nag-e-enjoy siya sa atensyon na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit alam niyang may asawa ito at anak pero hindi niya naman kasalanan na maganda at sexy siya, makinis ang balat at kaaya-ayang tingnan samantalang ang asawa daw ng boss niya ay sobrang laki, mataba at losyang. Kaya napapangisi siya dahil advatange sa kanya ang bagay na iyon upang mapasakamay niya ang boss niya at iwanan nito ang pamilya niya. Lumaki siya sa hirap kaya naging puhunan niya ang magandang alindog at mukha upang makuha ang mga gusto niya at isa na nga ang boss niyang si Anton. Si Anton naman ay yamot na yamot ng araw na iyon dahil sa gumastos na naman ang ang asawa niyang si Elsa. Para sa kanya wala ng ibinigay si Elsa kung di sakit ng ulo. Buti na lang at napawi ang init ng ulo niya ng pumasok ang kanyang sexy at magandang secretary na
BAKAS sa pagmumukha ni Aurora ang sobrang pag-aalala sa nangyayari sa Ate niya, at kitang-kita iyon ni Franco, kahit pa sabihing ayaw niyang makialam pero sa ibang kadahilanan na hindi niya maintindihan ay nakakaramdam siya ng awa at pag-alala para kay Aurora. Ng marinig ni Freanco ang sinabi ni Aurora ay magsasalita pa sana siya ngunit naitikom niya ang kanyang bibig ng magsalita ulit si Aurora. “Pasensiya ka na Mr. Franco halos nakalimutan ko na po, gusto niyo po bang kumain? Ipagluluto ko po kayo!” biglaang sambit ni Aurora ng maalala na kahit papaano ay may obligasyon siya sa kanyang asawa kahit alam nila parehos kung ano ang dahilan ng kasal nila. “Naku huwag na, mukhang pagod na pagod ka kaya magpapadeliver na lang ako…” agad naman na sabi ni Franco. “P-Pero po sayang ang pera kaya magluluto na lang po ako, mada–”Franco cut-off Aurora mid sentence ng biglaan itong tumayo at lalabas na sana ng kwarto niya ngunit hinarangan siya ni Franco at pinutol ang mga susunod niya pang
MAS lalong naramdaman ni Franco at pagsiksik ni Aurora sa kanya at humigpit ang yakap nito. Bigla niya tuloy naramdaman ang pagdikit ng dibdib nito sa braso niya that makes him feel awkward and stiff at the same time. Kaya naisip niya that he needs to do something para makaalis sa tabi ni Aurora dahil baka kung hindi ay di niya mapigilan ang sarili at bumigay siya. And he can't let that happen. "Tsk, bitawan mo na nga ako at pumasok ka na sa loob ng silid mo at doon matulog. Hindi unan ang balikat ko ano! " Pagkasabi ni Franco ng ganun ay agad itong tumayo at syempre nakita niya ang mga nabasag na piraso ng mga tasa at isa-isa niya itong pinulot. Tumayo naman kaagad si Aurora at naaalala ang mga nabasag na tasa at kumuha ng dustpan at walis. "Ito ilagay mo dito at ako na maglilinis niyan." sabi pa ni Aurora. Pero kinuha lang ni Franco sa kanya ang dust pan at walis, "ako na sige na bumalik ka na sa kwarto mo." Pero hindi sumunod si Aurora at hinintay niyang matapos si Franco. "
MGA ilang minuto pa lang nakalipas ng marealized ni Franco na hindi dapat siya ganito kay Aurora pero bago pa man ito makapag react ay bumangon si Aurora at humarap upang tingnan si Franco. Di naman sinasadya na timing rin ang pagtingin ni Franco sa kay Aurora.In that moment ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakaramdam ng tensyon si Franco ng mangyari iyon. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at nagsalita, "Tinitingnan mo ba ako ng ganyan dahil sa iniisip mo ba kung may katotohanan ang aking mga sinasabi?" Kahit na malamig ang personalidad ni Franco pero maayos ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Ang lalaki sa kanilang pamilya ay mapagmahal sa asawa at lumaki siyang inuulit iyon ng kanyang lolo sa kanila.Naalala niya pa na minsang sinabi ng kanyang ama na ang lalaking marunong lamang mang-abuso sa kanyang asawa ay hindi mabuti at hindi totoong lalaki!"Mr. Franco.""Hmm..." Sabi ni Aurora, "Maraming salamat at naniniwala ako sa iyo."Nag-atubiling
ALAM na alam ni Elsa na sobrang dehado siya sa sitwasyon kaya naniniguro lang din siya. Halata naman noon pa lang na ang pamilya ni Anton ay interesado sa kanilang bahay at lupa. Gusto nilang makihati. Kaya nga sobrang pagsisisi rin ang naramdaman ni Elsa dahil sa nagtiwala siya ng lubos kay Anton sapagkat ang bahay at lupa ay nakapangalan lamang kay Anton dahil ng binili ito ay di pa sila kasal. Itim ang mukha ni Anton sa mga narinig niya mula sa kay Elsa, "Ang isang bata ay 5,000 pesos; bakit hindi ka na lang magnakaw sa bangko? Maghiwalay? Akala mo ba ay bata ka pa rin at labing-walong taong gulang? Alalahanin mo ikaw ay kasal na, may anak na, walang trabaho, mataba na parang baboy, at sobrang pangit na kahit sino ay walang magkaka interest! At kaya mo bang supurtahan ang sarili mo!?"Nagpintig ang tenga ni Elsa ng marinig ang mga sinabi sa kanya ni Anton. Nasaktan siya at nainsulto. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa kay Anton. Mas lalong bumilis ang p
BAGO pa makapagsalita si Elsa ay nagsalita ulit si Anton na mas lalong ikinagalit nito. " Nagsabi rin sina Ate na kung pupwede sa kanila muna ipangalan ang titulo ng bahay dahil sa loan na plano nilang eh proseso at syempre may hati rin tayo doon dahil dito mag sta-stay ang mga pamangkin ko sa bahay natin."Nang marinig iyon ni Elsa ay tila umuusok na ang kanyang ilong at tenga sa sobrang gigil dahil sa mga pinagsasabi ni Anton.Sinabi ni Elsa nang malamig, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Anton? Akala mo ba nandito lang ako sa loob ng bahay at kumakain lang? Halos lahat ng mga gawain dito ay ako pati na rin ang pag-aalalaga kay Boyet, lahat ng iyon Anton tinitiis ko para sa anak natin at sa pamilyang ito pagakatapos may mga ganyan kang desisyon!?."Taas baba ang dibdib ni Elsa sa sobrang gigil na nararamdaman dahil sa mga naging desisyon at pag sang ayon ni Anton sa kapatid nito."Pero ang dalawang anak ng kapatid mo ay wala akong kinalaman; hindi ko sila responsibilidad, at hind
Kalaunan ay nagtipon ang pamilya ni Anton upang kumain at ubusin ang pakwan na hiniwa niya kanina at nanood ng TV sandali, at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa kuwarto upang magpahinga. Mananatili sila dito ng ilang araw. Ngayon na lumipat na si Aurora, may isa pang kuwarto na bakante, sapat para sa pamilya ng ate niya sa oras na manirahan na sila sa bahay nila. Papasok na sana si Anton sa kwarto nila ni Elsa ng biglang bumulong si Luisa sa kanya, "Alam mo bang maraming binili si Aurora at ang kanyang asawa kanina. Tapos itong asawa mo galit na galit nang dalhin niya lahat ng mga iyon sa kuwarto niyo. tapos nakita ko puno ng magagandang bagay ang paperbags. May mga mamahaling sigarilyo at masarap na alak; bigyan mo ng konti ang iyong kuya ha. Isa pa hindi naman umiinom o naninigarilyo si Elsa kaya hindi niya iyon kailangan. At hindi pa nakakainom ng masarap na alak si Papa kaya bigyan mo rin siya." Ngumiti lang si Anton sa tinuran ng kanyang ate, "Ate, ano ba kung gusto mo ang
Si Luisa ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi kalayuan ang paaralan dito, at hindi labis sabihin na hindi magiging problema kung dito mananaitili ang mga bata pag lumipat sila dito sa syudad".Hindi nagsalita si Anton kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Luisa."Siguro ay okay lang naman kay Elsa ang pag-aalaga sa dalawang bata, maglaba at magluto lang naman ang hinihingi namin, at kung ang gastusin sa pagkain ay..."Pinutol ni Anton ang sasabihin pa ng Ate Luisa niya, "Ate, pamangkin ko 'yun; hindi na kailangan magbayad sa pagkain. Hahanap ako ng makakatulong sa dalawang bata sa proseso ng paglipat nila ng paaralan at si Elsa na lang ang mag-aalaga sa kanila araw-araw. Isa pa wala rin naman siyang ginagawa sa bahay."At dahil sa naging tugon ni Anton ay natuwa si Luisa at ang kanyang asawa. Akala pa nga ni Luisa ay baka hindi ito pumayag dahil natahimik ito.Agad namang sumabat ang Mama nila na si Dolores, "Anton, kailangan mong pag-usapan ito kay Elsa. At alalahanin mo may parte rin si
“Elsa, araw-araw ay pumapasok si Anton sa trabaho. Siya ay abala at pagod sa trabaho, kumikita ng pera para suportahan ang kanyang pamilya at itaguyod kayo ni Boyet. Ikaw ang asawa niya; dapat ay alagaan mo siya. Paano mo naman ipapagawa kay Anton ang gawaing-bahay?” Hindi umimik si Elsa at nasa loob pa rin siya ng kusina bagkos ay nagpatuloy ang Mama ni Anton sa pagsasalita. “Sinabi ni Anton na dapat pareho kayong may ambag sa responsibilidad sa bahay na ito dahil ayaw niyang sa kanya lahat manggaling ang lahat ng gastusin dito sa loob ng bahay at ikaw naman kung ganito ang gusto mo paano kayo mabubuhay nang magkasama nang ganyan? Bilisan mo na at linisin mo ang mesa. Huwag mo nang pakialaman si Anton. Pagod na sa mga bagay sa labas ang asawa mo. Dapat mong isaalang-alang ang kanyang nararamdaman!” Sumang-ayon si Luisa sa mga sinabi ng kanyang ina, “Ganun na nga, hindi ka nagtatrabaho, at nandiyan si Boyet, at ang lahat ng pangangailangan mo sa pagkain, damit, at tahanan ay galing
SI Franco ay may kaunting kaartehan sa kalinisan. Iniisip niya na marumi ang kamay ng bata at sinisira ang mga bagong laruan, kaya nga niya pinabigay ang isa sa mga bagong set ng laruan sa pinsan ng pamangkin ni Aurora.Dahil na rin sa ginawa niya ay tumigil ang pag-aaway ng dalawang bata at medyo umayos ang tensyon sa paligid.Bagaman tahimik at kunti lang magsalita si Franco, pero ang mga tingin sa kanyang mga mata kanina at ang kanyang ekspresyon ay tama lang upang ipaalam sa pamilya Santos na hindi madaling kalabanin ang asawa ni Aurora.Si Mrs. Santos, ang nanay nina Anton at Luisa ay medyo napataas ang kilay sa kay Aurora at sa asawa nito. Sa isip nito ay nakahanap na si Aurora ng lalaki na hindi basta-basta. Alam niya na malalim ang samahan ng kanyang manugang at ni Aurora at kung anong uri ng tao ang kanyang anak, kaya't malinaw din sa kanyang puso sa kung ano ang dapat nilang gawin at pakikitungo pagdating sa kay Elsa ngayon.Kailangan niyang humanap ng pagkakataon na paalala
INIS na inis si Aurora sa mga narinig. Isa pa malaki ang lungsod kaya hindi sila matutunton ng mga iyon. Iniisip niya pa lang kung paano maka demand ang lolo at ang half brother niya ay naha-highblood na siya. Samantalang si Franco naman ay mataimtim na nakikinig sa usapan ni Aurora at lolo nito at bawat usapan ay nakataktak sa kanyang isipan. Isa pa pinaimbestigahan niya na kung anong klaseng pamilya ang meron sina Aurora at kaya may tiwala siya na magkukuha niya ang report nito sa lalong madaling panahon. Nang dumating ang mag-asawa sa bahay nina Elsa ay siya namang lumabas ito para magtapon ng basura. "Ate." tawag ni Aurora sa kanyang Ate Elsa. Masaya si Aurora na makita ang kapatid niya kaya agad itong lumapit dito pagkalabas niya agad sa kotse. "Ayang, andito ka na pala." Niyakap ni Elsa si Ayang at ganun rin ang ginawa ni Ayang sa Ate niya. Habang yakap niya ito ay agad naman siyang napabitaw ng makita niya ang kanyang bayaw na lumabas sa kotse nito at may mga dala-dalang