Share

CHAPTER 10

MASAYANG nagtungo si Aurora sa bahay ng kanyang Ate Elsa. Habang naglalakad patungo sa bahay ng kapatid ay hindi mawala sa isip ni Aurora ang sitwasyon ng Ate niya sapagkat matagal na panahon na rin na siya ang gumigising ng maaga at maghanda ng almusal ng pamilya ng Ate niya bago siya umalis patungong bookstore niya. 

Ngayon ay hindi maalis sa isipan niya kung nagawa ba ng Ate niyang bumangon ng maaga at nakapagluto ng almusal kaya bago dumiretso ng tuluyan sa bahay ng Ate Elsa niya si Aurora ay bumili siya ng  mga ulam para sa Ate niya at sa pamangkin niyang si Boyet  sa malapit na carinderia sa bahay ng Ate Elsa niya. 

Isa pa sa mga ganitong oras ay sigurado naman siyang nakaalis na ang bayaw niya at nagtrabaho. Kaya ang binili niyang ulam ay para lamang sa Ate niya at kay Boyet.

Dire-diretso siya sa pintuan ng Ate niya at binuksan ito, pagkabykas ng pintuan ay bumungad sa kanya ang Ate niyang abala sa kusina.

"Ate."  aniya.

"Ayang! Salamat naman at napadaan ka!."

Lumabas si Elsa mula sa kusina at tuwang-tuwa nang makita ang kanyang kapatid, "Kumain ka na ba?" Tanong niya sa kapatid.

"Salamat Ate, pero kumain na po ako, isa pa huwag ka nang magluto may dala akong almusal sa inyong dalawa ni Boyet.”

“Ay wow naman, tamang-tama dahil di pa ako nakapagluto dahil sa late na akong nagising,kaya yung Kuya mo sa labas nag-almusal, pinagalitan nga ako, wala daw akong ginagawa sa bahay maghapon.”

Malungkot na kwento ni Elsa sa kapatid.

“Pasensiya ka na Ate.” Tanging naging sagot ni Aurora sa Ate niya.

“Naku ano ka ba, wala ka namang kasalanan ano,” sabi ng Ate niya, tapos huminga ito ng malalim bago nagpatuloy sa sasabihin, “ Kagabi kasi may lagnat si Boyet kaya ayon magdamag akong gising para bantayan siya.” 

“Iyon naman pala dapat naiintindihan niya ang pagod mo, Ate.” inis na tugon ni Aurora, “Hindi niya alam ang pagod pag nagbabantay ng bata lalong-lalo na pag may sakit ito, hay naku try mo ngang iwan sa kanya si Boyet tingnan natin kung kaya niya!”

Halos bumuga ng apoy si Aurora sa nalaman. Kahit kailan talaga ay ni walang konsiderasyon ang Kuya niya sa Ate niya. Naiinis tuloy si Aurora at naaawa sa kapatid.

"Isa [pa Ate pwedeng-pwede talaga siyang bumangon ng maaga at maghanda ng almusal na hindi ka na hinihintay, wala namang batas na nagsasabing dapat babae talaga ang bumangon ano!”

Dire-diretso na litanya ni Aurora, hindi niya talaga mapigilan ang sarili niya, sa pagtatalak sa inis sa asawa ng Ate niya. Tapos bigla namang lumabot ang kanayng mukha ng maisip ang pamangkin.

"Kumusta si Boyet, Ate?" 

“Ayon kahit papaano ay humupa na ang lagnat ng madaling araw, at nakapagpahinga din siya at nakatulog ng maayos kaya hanggang ngayon tulog pa rin.” 

"Paano nagkaroon ng lagnat si Boyet, Ate?" nag-aalalang tanong ni Aurora.

Di rin nakasagot kaagad ang Ate niya. 

“Kahit na bumaba man ang lagnat ni Boyet, Ate, dadalhin mo pa rin siya sa doktor mamaya para sigurado tayo sa kalagayan niya,.”  sabi pa ni Aurora. 

“Aurora…”

"Ate, lumipat na nga ako kasi iniisip ko titigilan niya ang pang-aaway sa iyo pag wala na ako dito tapos ngayon, ganyan na ang nangyari sa kay Boyet, tapos ikaw pagod ka pa ngunit ni wala man lang siyang malasakit  at siya pa talaga may ganang magalit!”

Napaupo si Elsa sa isa sa mga stool sa dining table nila sa kusina, tapos sumunod din si Aurora at bago naupo at kumuha siya ng bowl para lagyan ng molo soup para sa Ate niya. Dinig na dinig niya rin kasi ang tiyan nitong kumakalam na. Habang kumakain ang Ate niya ay nagsimula itong magsalita, na parang naiiyak.

“Salamat Aurora ha, kasi malakas talaga kutob ko na may kinalaman dito ang Ate ng Kuya mo eh, hindi naman siya ganun noon, nito lang talaga, palaging ginigiit na wala akong trabaho at walang akong alam na gawin, paano naman kasi maliit pa si Boyet at sino naman magbabantay sa pamangkin mo pag nagtrabaho ako?” 

“Wala iyon Ate, ang akin lang sana ay mapansin naman ni Kuya at ma-realized na hindi tama ang ginagawa niya sa iyo. Asawa kanya at dapat nagtutulungan kayo di iyong pini pressure kanya dahil sa sulsol ng Ate niya, nakakainis! Tsss!”

Sobrang nalulungkot si Aurora sa mga nalaman sa Ate niya. Noong una nakikita niyang gusto ng biyenan ng Ate niya ito pati na rin ang mga kapatid ng Kuya niya kasi siguro nakita nilang maganda ang estado at position ng Ate niya noon sa kompanya na pinag tra-trabahuan nito noon.

Pero ngayon ay naiinis siya sa panlalait ng pamilya ng Bayaw niya sa Ate niya. Siya ang naiinis at nasasaktan para sa Ate niya. Halos napabayaan na nga ng Ate niya ang sarili nito para lang maasikaso ang pamilya nito at pamangkin niya ngunit hindi pa talaga sapat sa para sa bayaw niya at sa pamilya nito. Nag-aalala rin siya  tuloy kung makakapasok ba si Boyet sa paaralan sa kindergarten.

"Ate, papasok ba si Boyet sa susunod na pasukan?” curious niyang tanong, “ kasi kung hindi, tapos ikaw babalik sa trabaho para lang sa demand ng Kuya at nang pamilya nito, eh paano na lang iyon?” 

Napa buntong hininga na lang si Elsa sa narinig sa kapatid bago ito tumayo upang dalhin ang bowl na pinagkainan sa lababo. Nilagay niya ito sa sink at nag bukas ng gripo upang maghugas ng kamay. Tapos ay napatingin siya sa direksyon ni Aurora na siya namang nakatingin sa kanya. Bakas ang pag-aalala nito.  

“Huwag kang mag-alala kakayanin ko ito, isa pa may ipon naman ako na bigay mo kaya magiging okay si Boyet at makakapasok siya sa kindergarten. Umaasa rin akong makakahanap kaagad ako ng trabaho para naman maiwasan na ang away at kung ano pa. “

"Ate, naman, kung gagawin mo iyon sino ang aasikaso kay Boyet?"

“Sa ngayon pinag-iisipan ko pa talaga, and hoping na ma figure out ko ang dapat na gawin, gulong-gulo ang isipan ko ngayon Ayang at pagod na pagod na ako.”

Napatayo naman si Aurora upang lapitan ang kanyang Ate, na kasalukuyang nakasandal ang likod sa countertop ng lababo, tumabi siya dito at niyakap niya ito ng mahigpit. Isang gabi lang siyang di na umuwi dito sa bahay ng Ate niya ay na miss niya ito ng sobra. KUng may magagawa lang sana siya sa ngayon. Kaya nag-iisip din siya ng solusyon na matulungan ang Ate niya at pamangkin na si Boyet.

Isang sandaling katahimikan sa pagitan ni Aurora at Ate Elsa niya tapos nagsimulang magsalita si Elsa, "Huwag kang mag-alala Ayang, kayang-kaya ni ate ang sarili niya, tingnan mo, “ sabi nito sabay yakap pabalik din kay Aurora. 

Humugot ng malalim na hininga si Elsa bago magsalita ulit, “ Siyanga pa la kumusta ka dun sa bahay niyo? Iyong asawa mo… nakauwi na ba mula sa isang business trip?” 

Biglang tanong naman ni Elsa sa kapatid niya upang ma divert lang ang usapan dito since nagiging emotional na silang dalawa isa pa, curious din siya sa sitwasyon ni Aurora at may pag-aalala since hindi pa niya nakikilala ang naging asawa nito. 

Bumitaw sa pagkakayap si Aurora at hinarap ang Ate Elsa niya bago sumagot sa tanong nito, “ Sa katunayan po ay dumating na po siya Ate at sinabihan ko na rin siya na gusto mo siyang makilala iyan ay kung hindi siya busy.”

Maingat na tinanong ni Elsa ang sitwasyon ng kanyang kapatid sa kanyang bagong tahanan, at tiniyak na maayos ang kalagayan ng kanyang kapatid kung maayos ba o hindi. At nang ma kompirma na mukhang maayos naman base sa mga sagot nito ay tumigil na rin siya sa pagtatanong. 

Makaraan ang ilan pang minutos ay kinakailangan na ni Aurora na pumunta sa bookstore niya pero bago iyon ay kinamusta niya muna ang pamangkin niyang si Boyet na nasa kwarto nito. AT dahil tulog pa rin ang bata ay hindi na rin siya nagtagal. 

Matapos makapag paalam ay sumakay na si Aurora sa kanyang scooter papunta sa bookstore, pero habang nasa daan ay iniisip niya pa rin ang buhay ng kapatid niya at dahil doon ay nawala ang atensyon niya sa kalsada. Hindi niya napansin na may nakaharang pala sa dadaanan niya dahilan na muntik na siyang mabundol ng sasakyan, sa sobrang gulat ay mabilis siyang lumingon sa gilid, mabilis naman na umiwas ang sasakyan, na bigla ring nag preno at huminto.

Napatingin si Aurora sa kotse, Rolls-Royce pala, isang luxury car!

Ang Rolls-Royce ay sinusundan ng ilang mga kotse din, at tinatayang ang mga tao sa loob ng kotse ay ang mga bodyguard ng mga may-ari ng mga mamahaling sasakyan.

Agad namang humingi ng tawad si Aurora sa driver, pagkatapos ay mabilis na pinaandar muli ang scooter nito at umalis dahil sa takot itong mapagalitan sa kung sino man ang may-ari ng mamahaling sasakyan na muntik ng makabundol sa kanya.

Pagkaalis ni Aurora ay nilingon ng driver ang lalaking nakaitim sa likurang upuan ng kotse at sinabing, "Sir , okay lang po ba kayo?”

Madilim ang mukha ni Franco at kitang-kita sa mukha nito ang sobrang inis at kaba, si Aurora ay halos muntikan nang mabangga sa sasakyan nila, halatang nadidistract ito habang nagmamaneho.

‘Gusto ba ng babaeng iyon ang magpakamatay?’ biglang sumagi sa isip ni Franco. Naalala niya rin tuloy ang sabi niya dito kaninang umaga. 

Franco’s lips formed a thin line, nagngingitngitan rin ang kanyang mga ngipin sa sobrang pagpigil ng galit at inis sa katigasan ng ulo ni Aurora. 

‘Kung nakinig na lang sana siya sa ideya ko kanina eh di sana di pa siya muntik ng mapahamak!’

‘Kainis talaga ang babaeng iyon!’

‘Tigas ng ulo! Tss!’

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lhynrence Burac
thanks author sana tuloy tuloy update .........️
goodnovel comment avatar
Marissa Atos Fajardo
bkt ayaw mg play
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status