MASYADONG particular at conscious si Franco pagdating sa katawan niya lalong-lalo na para sa kanya, It's too hard to lose weight.
Napangiti na lang si Aurora, "Okay po, sige babalik na lang po ako sa kwarto at matutulog ulit.”
Franco just snorted.
"Good night po Mr. Franco."
Aurora said goodnight to him, tapos naglakad na rin patungo sa kwarto niya. Bigla naman napahinto si Franco sa paglalakad patungo sa kwarto niya at tinawag si Aurora ng may mapansin siya dito.
"Aurora... sandali."
Napahinto naman kaagad si Aurora then turned her head towards Franco and ask him, "Bakit po?"
Tiningnan naman ni Franco si Aurora bago nagsalita, " Next time, huwag kang lumabas na naka ganyan lang…”
Tumikhim pa si Franco at biglang napaiwas ng tingin sa kay Aurora. Hindi siya makatingin ng diretso dito.
She was not wearing anything at tanging pantulog lang, see-through pa naman, and Franco’s eyes were sharp, and he saw everything that should not be seen.
Kahit na mag-asawa sila, pero hindi naman siya sanay na tingnan sa ganoong ayos ang asawa niya, isa pa paano na lang kung may ibang makakakita?
He didn't want his wife's body to be seen by other men.
Aurora blushed, then realized na wala nga siyang bra at dali-daling tumakbo papasok sa kwarto nito and just slammed the door.
Samantalang si Franco naman ay bahadyang nagulat at napailing na lang ng ulo but unconsciously he was smiling.
He finds the scenario so funny and he saw how Aurora was so embarrassed in front of him.
Finally, nakapasok na rin si Franco sa master’s bedroom, this house was bought temporarily, and he only needed to move in with his bag and a few things.
At dahil sa pamamadali ay hindi pa tuluyang maayos at nalinis ang kanyang kwarto pati na rin ang mga gamit niya.
But what made him quite satisfied was that Aurora was very considerate and did not even bother to sleep in the same room with him.
After all, he was not required to fulfill his responsibilities as a husband.
……
THE next day, Aurora got up at six o'clock in the morning na nakasanayan na niya.
Nang nakatira pa siya sa bahay ng kapatid niya, when she got up, she would prepare breakfast first, then clean up the house, and if she had enough time, she would help her sister dry her clothes… iyon ang naging routine niya.
Sa ilang taon na nakatira siya sa bahay ng Ate niya ay halos siya lahat ang gumagawa ng mga bagay na gawain ng isang katulong, ayaw niyang napapagod ang Ate niya at tulong niya na irn pero alam niya na sa mga mata ng bayaw niya ay ang trato nito sa kanya ay katulong sa loob ng bahay.
Pagmulat ng mga mata ni Aurora ay agad siyang naoangaon at tumayo ngunit natigilan rin sandali at napatingin sa kabuuan ng silid na kanyang kinaroroonan, medyo nagulat pa siya… halatang naninibago, "Akala ko talaga nasa bahay pa ako ni Ate." napasapo siya sa kanyang noo ng ma-realize niyang nasa bahay na siya ng asawa niya at maituturing sa kanya na rin ang bahay.
Kaya bumalik siya sa kama at naisipang bumalik sa pagtulog. Ngunit ng ipikit ni Aurora ulit ang kanyang mga mata ay hindi na siya makabalik sa pagtulog. Dahil sa nakasanayan na ng kanyang katawan ang magising sa umaga ay sadyang nagigising na lang ito sa oras na nakasanayan na. Kaya imbes na matulog ulit ay bumangon na lang si Aurora.
Isa pa nakaramdam na rin siya ng gutom kaya’t maghahanda na lang siya ng almusal.
Pagkatapos magpalit ng damit at maglaba, lumabas siya ng kwarto at sinilip ang kwarto ni Franco, nakasara pa rin ang pinto, at siguradong hindi pa ito bumabangon.
Dumiretso si Aurora sa kusina at napatingin sa walang laman na kusina, napabuntong hininga na lang si Aurora at naisipang lumabas para makabili ng pang umagahan nila ni Franco. Hindi rin kasi siya makapag luto dahil sa wlaa siyang kagamitan na pwedeng magamit. Nag-order na rin siya kahapon para sa kagamitan sa kusina subalit di pa ito dumarating.
Isa pa naisipan niya rin na baka i-cancel niya na lang ang mga binili at sa mall na lang siya diretsong bumili ng mga kasangkapan sa loob ng kusina. Habang naglalakad palabas ay naalala ni Aurora na may maliliit na fast food na may breakfast meal malapit sa lugar sa Carmela valley Garden.
Mabilis naman nakarating si Aurora sa isa sa mga fast food at nag order ng mga breakfast meal kaso hindi niya alam kung ano ang gusto ni Franco at sana hindi ito maarte o sosyal sa pagpili ng pagkain na kakainin. Ayaw niya rin naman itong gisingin at istorbohin kanina kaya nagpasya na lang si Aurora na umorder ng mga pangkariniwang almusal na kinakain usually ng mga ordinaryong taong katulad niya.
Umorder si Aurora sa counter ng longsilog, tapsilog, bangsilog at tocilog. Halos lahat nalang ata kasi nga hindi niya sigurado kung ano ba ang kakainin at magugustuhan ni Franco. Nagbayad siya at nagpasalamat sa crew at bumalik kaagad sa condo nila.
Si Franco naman ay mahimbing na natutulog ngunit timing na nagising naman siya ng makalabas si Aurora upang bumili ng almusal nila.
Hindi siya sanay na may kasama sa bahay, at nakalimutan nito saglit na may asawa siya at kasama niya ito sa unit niya.Llumabas siyang naka topless lang sa kanyang kwarto habang naka boxers shorts lang. Dire-diretso si Franco sa kusina upang kumuha ng isang basong tubig upang uminom.
Habang papuntang kusina ay timing rin na bumukas ang pinto ng unit at tumabad sa mga mata ni Aurora ang naka topless na Si Franco. Nanlaki bigla ang mga mata nito at hindi nakapag react kaagad.
Bigla namang tinakpan ni Franco ang kanyang dibdib gamit ang dalawang kamay, tumalikod at tumakbo sa silid, tulad ng ginawa ni Aurora kagabi.
Natigilan si Aurora pansamantala dahil sa naging reaksyon ni Franco, at pagkatapos ay natawa.
Nainis naman si Franco nang marinig ang tawa ni Aurora, naisip niya…
‘Ano ba ang masama kung tinakpan niya ang kanyang dibdib?’
Pagkaraan ng ilang sandali, nang muling lumabas si Franco ay nakasuot na siya ng suit at leather, ngunit parang biyernes santo naman ang mukha nito.
Hindi lang mawala sa isipan niya ang insidenti kanina. Nasanay siya na nag-iisa sa kanyang Villa at walang paki kung halos hubo’t hubad na siyang palakad-lakad sa loob ng bahay niya.
"Mr. Franco, naihanda ko na ang almusal natin, halika at kumain na tayo." biglang bati sa kanya ni Aurora na nakangiti. Para wala lang may nangyaring kahihiyan kanina.
Saglit na umaliwalas ang mukha ni Franco pero sumeryoso rin ito pabalik, at lumakad pa rin papuntang kusina, ng makarating sa hapagkainan ay sinulyapan nito ang biniling almusal ni Aurora, at nagtanong sa mahinang boses: "Hindi ka marunong… magluto?”
Agad naman sumagot si Aurora sa tanong ni Franco na nakangiti pa rin, "Marunong at hindi sa pagmamalaki ay masarap akong magluto!”
"Eh kung ganoon bakit mukhang binili lang naman sa fast food itong mga pagkain na inihanda mo?” nakakunot noong tanong nito,” Isa pa hindi ko gusto na bumibili ka sa kung saan-saan lang ng pagkain dahil mukhang hindi ito malinis at baka mapano pa ako." litanya naman ni Franco na hindi gusto ang ideyang sa kung saan-saan lang binili ni Aurora ang siyang kakainin nila.
Sa tanang buhay ni Franco ay hindi pa siya nakatikim ng mga pagkain na binili at inihanda sa kanya ni Aurora.
At dahil naman sa litanya ni Franco ay naningkit ang mga mata ni Aurora at tumaas ang sulok ng bibig nito, medyo naiirita sa mga sinabi ni Francop, kaya sinagot niya rin ito, “ May nakikita ka bang kasangkapan sa loob ng kusina ng unit na ito?” medyo sarkastiko nitong tanong, “Eh mas malinis pa sa mukha mo iyong kusina dahil ni isang gamit para sa pagluluto… wala. Kaya ko namang magluto kaso wala akong magamit alangan naman mag magic ako ng kasangkapan ano?”
Nang dahil sa mga sinabi ni Aurora ay hindi agad nakapagsalita si Franco, saglit siyang napatingin sa paligid at na noticed niya ngang tama si Aurora.
"Gusto mo bang kainin ito?" biglang tanong ni Aurora sa kay Franco na matagal na nanahimik.
Nagugutom din ang kanyang tiyan, kaya para hindi halata na napahiya siya ay umupo si Franco sa hapag-kainan at mahinang nagsabi, "Binili mo itong lahat? At kung sakaling ayaw ko itong kainin ay sadyang sayang lang ang mga ito… naisip mo ba na marami ang nagugutom at ikaw…”
“Alam ko.” biglang putol naman ni Aurora sa mga sasabihan pa ni Franco habang nilalagyan niya ito ng kalahati ng pagkain na kanyang binili.
Pagkatapos ay umupo ay umupo na irn ito sa harapan na upuan at nakaharap sa kanya, “ Pasensiya ka na at alam kong mangyayari talaga ito kaya kahapon ay nag order na ako ng mga gamit na gagamitin ko sa pagluluto dito sa kusina, kaya huwag kang mag-alala ito ang una at huling beses na kakain ka ng mga pagkaing binili sa isang fast food.”
Tuluyan na natahimik si Franco sa mga narinig niya mula kay Aurora kahit papaano ay hindi niya iyon inaasahan.
"Marami pa tayong kulang na gamit dito sa bahay, kaya pwede ko bang bilhin lahat ayon sa plano ko?" dugtong pa ni Aurora sa kay Franco.
Napatingin si Franco sa kanyang asawa na nakaupo sa harapan niya, habang sumusubo ng pagkain, naisip niya napaka-ordinaryong pagkain lang ang kinakain niya ngunit ang lasa ay masarap kahit papaano ay namangha siya.
Tapos ay nilulon muna ang kanyang nginunguya bago sumagot sa tanong ni Aurora, “ Mag-asawa na tayo kaya gawin mo kung anong gusto mo sa unit na ito, maliban lang sa aking kwarto, bawal mo iyong pakialaman.”
"Ayos po!"
At dahil sa pahintulot na binigay ni Franco sa kanya ay sobrang masaya si Aurora.
Marami siyang mga bagay at decoration na naisip na gawin sa loob ng bahay nila ni Franco at excited na rin siyang simulan iyon.
"Nga pala, sabi ni lola kahapon, pupunta raw tayo sa ancestral home ninyo para makilala ko raw iyong mga parents mo?"
Biglang naalala ni Aurora kaya naitanong niya kaagad kay Franco.
"Pwede bang pag-usapan natin ito sa katapusan ng linggo, kailangan kong tingnan muna kong may oras ako, at kung wala naman, hihilingin ko na lang sa aking Lola na kumain na lang kayo sa labas para doon mo ma meet ang aking mga magulang.”
Tumango-tango na lang si Aurora bilang pag sang-ayon after all wala naman siyang magagawa sa sitwasyon.
Pagkatapos kumain ay uminom si Franco ng tubig tapos ay, kinuha nito ang kanyang pitaka mula sa kanyang bulsa. Tiningnan niya ito at napansin na wala siyang enough na cash kaya kinuha niya na lang ang kanyang bank card at inilagay ito sa harap ni Aurora.Nang makita ni Aurora ang ginawa ni Franco at madali niyang naintindihan ang gusto nitong mangyari. Di pa napigilan ni Aurora ang isang kilay niyang tumaas."Kung may gusto kang bilhin,obviously kailangan mo ng pera. Ang bank card na ito ang gagamitin monat ang password ay..."Naghanap pa si Franco ng papel at ballpen at doon niya isinulat ang password, nang matapos ay iniabot niya ito kay Aurora."Ang pera sa bank card na ito ay para sa iyong pamilya at sa mga gastusin mo dito sa bahay o sa sarili mo. Magde-deposit ako ng pera dito buwan-buwan mula sa aking sahod. At huwag kang mag-alala, hindi ako mangingialam sa iyong gastusin, pero gusto ko lamang malaman kung saan mo ito gagastusin."Noong araw ng kasal nila, ay naalala ni Franc
MASAYANG nagtungo si Aurora sa bahay ng kanyang Ate Elsa. Habang naglalakad patungo sa bahay ng kapatid ay hindi mawala sa isip ni Aurora ang sitwasyon ng Ate niya sapagkat matagal na panahon na rin na siya ang gumigising ng maaga at maghanda ng almusal ng pamilya ng Ate niya bago siya umalis patungong bookstore niya. Ngayon ay hindi maalis sa isipan niya kung nagawa ba ng Ate niyang bumangon ng maaga at nakapagluto ng almusal kaya bago dumiretso ng tuluyan sa bahay ng Ate Elsa niya si Aurora ay bumili siya ng mga ulam para sa Ate niya at sa pamangkin niyang si Boyet sa malapit na carinderia sa bahay ng Ate Elsa niya. Isa pa sa mga ganitong oras ay sigurado naman siyang nakaalis na ang bayaw niya at nagtrabaho. Kaya ang binili niyang ulam ay para lamang sa Ate niya at kay Boyet.Dire-diretso siya sa pintuan ng Ate niya at binuksan ito, pagkabykas ng pintuan ay bumungad sa kanya ang Ate niyang abala sa kusina."Ate." aniya."Ayang! Salamat naman at napadaan ka!."Lumabas si Elsa m
"Tara na." Malamig na turan ni Franco sa driver nito. Sa isip niya ay pinapagalitan niya si Aurora dahil sa katigasan ng ulo nito. Hindi na naglakas loob na magsalita pa ang driver at muling pinaandar ang sasakyan. Samantalang si Aurora ay dire-diretso sa bookstore niya pagkatapos ng insidente, namataan niya rin ang matalik niyang kaibigan na Sharon, mas nauuna ito sa kanya dahil sa mas malapit lang naman ang bahay nito sa kanilang bookstore. "Ayang!" bati sa kanya ni Sharon ng makita rin siya nito na paparating. Kasalukuyang nag-aalumusal si Sharon ng makita niya ang matalik na kaibigan na paparating at nakasakay sa scooter nito binati niya ito at tinanong, "Kumain ka na ba?" Tumango naman si Aurora matapos iparada ang kanyang scooter sa parking area sa labas ng bookstore nila, at sumagot sa tanong ni Sharon, "Kumain na ako, salamat." Ngumuso si Sharon at bumalik sa pagkain ng almusal na mag-isa, pero bigla rin itong tumigil sa pagkain at kinuha ang dalang pagkain para sa kai
Ang venue para sa handaan ay ang isa sa Montefalco Hotel, isang lugar kung saan karaniwang hindi pinupuntahan ni Aurora. Ang Montefalco Hotels ay isa sa mga pinaka-advanced na hotel sa lungsod, na kilala bilang 5 stars hotel. “Auntie!” bati kaagad ni Sharon ng makita ang Auntie Vilma na papasok sa loob ng Montefalco Hotel. Narinig naman ito ng Auntie Vilma ni Sharon at agad na lumingon sa direksyon ng kanyang pamangkin. Binati pa nito ang mga kaibigan ng kanyang asawa na siyang pumapasok din sa entrance ng hotel at matapos batiin ang mga kakilala ng kanyang asawa, ay pinakiusapan niya ang kanyang anak na mauna na sa loob ng hotel, at siya naman ay nanatili sa pintuan ng hotel upang salubungin ang kanyang pamangkin. Naglalakad si Sharon patungo sa Auntie Vilma niya samantalang si Aurora ay nakasunod sa likod nito. "Auntie Vilma, magandang gabi po." bati ulit ni Sharon sa Auntie niya at nagmano pa dito. Alam ni Vilma na dinala ng kanyang pamangkin si Aurora, at medyo nag-aalala si
Halos nilagpasan lang ni Franco ang kanyang asawa na nasa isang sulok lamang, diretso ang lakad niya at hindi nagbibigay ng atensyon sa mga taong nasa paligid niya maliban sa taong bumati sa kanya pagdating niya mismo.Si Aurora naman ay sinubukang makiusyoso sa kung sino talaga iyong dumating pero pareho sa kay Sharon ay bigo silang makita ang mukha ng pinakamayamang tao sa syudad nila at ng pamilya Montefalco.“Naku halika ka na nga Bes, bumalik na tayo dun sa table natin at ipagpatuloy ang pagkain, kasi wala naman chance na makasingit tayo diyan upang makita ang pagmumukha ng pinakamayamang tao sa suydad natin ano, isa pa di naman iyan importante.”Paanyaya ni Aurora sa kay Sharon. Para sa kay Aurora ang pinunta niya sa party na iyon ay ang samahan ang kaibigan at kumain ng masarap na pagkain na ang iba ay first time niya pa lang matitikman."Ayang sandali, mauna ka na muna dun sa table natin at pupuntahan ko si Auntie Vilma para magtanong.” agad na sabi ni Sharon sa kay Aurora, so
Halos ramdam na ni Sharon ang alak sa kanyang sistema at busog na busog rin siya sa mga pagkain na kanyang kinain kasama si Aurora ganun din si Aurora kaya’t napagpasyahan nilang dalawa na mauna ng umuwi.“Dom, mauna na kami ni Aurora since tapos na rin kaming kumain ng masasarap na pagkain dito, isa pa di naman kami interasado talaga sa kung sino man ang mga nandito kaya pakisabi na lang sa kay Auntie na mauna na kaming umuwi.”Dahil sa narinig ni Dominic sa pinsan niya ay nag poker face na lang ito sapagkat gusto niya pa sanang magkaroon ng sapat na oras upang makausap si Aurora kahit papaano.Hindi nagpahalata si Dominic na medyo nalungkot siya dahil sa uuwi na nga sina Aurora at dahil dito ay nagkalakas rin siya ng loob upang makumbinsi sana ang pinsan niyang huwag munang umuwi , "Talaga bang aalis na kayo, Sha? Kasi hindi pa naman ganun kagabi at kahit na mamaya na lang kayo umalis, magsaya muna tayo dito." Sumagot naman si Aurora sa sinabi ni Dominic, Pasensya na talaga Dom, ka
"Hmm."Ngumuso si Franco sa mahinang boses.Lumapit naman si Aurora na may hawak na maliit na transparent na plastic bag sa kamay."Bumili pala ako ng betamax diyan sa kanto, gusto mo bang kumain o kumakain ka ba nito?"Tinitigan siya ni Franco na may madilim na mukha, alam nito na sa pagtitipon ay marami na itong nakain at sa dami ng kinain nito dun ay hindi pa rin iyon sapat?‘Ang takaw naman pa la ng babaeng ito.’ sa isip ni Franco na halos di makapaniwala."Alam mo masarap ito lalong-lalo na pag bagong luto, pero kung ayaw mo naman ng betamax ay may may fishball ako dito, spicy iyong sauce, gusto mo?"Umupo si Aurora sa tabi ni Franco, binuksan ang plastic bag at inilabas ang styro cup na may lamang fishball at ang isang brown na supot na may inasal na betamax. Lumabas ang amoy ng pagkain, at sa kasamaang palad ay hindi gusto ni Franco ang amoy nito, gusto niya sanang lumipat ng upuan peor di niya nagawa, feeling niya ay nasasakal siya sa amoy ng pagkaing dala ni Aurora.Sarap na
Umupo si Aurora sa tapat ni Franco at ang kanyang maganda at bilugan na mga mata ay diretsong nakatingin sa kay Franco. Habang nakatitig si Aurora sa kay Franco at naghihintay ng sagot ay hindi niya maiwasang hindi mag admire sa ganda ng hugis ng mukha nito at maamong mukha, likas na magandang lalaki ang napangasawa niya at hindi niya maitatanggi iyon, pero alam niya ang limitasyon at boundary niya sa simula pa lang kaya bantay sarado rin ang bawat kilos niya sa harap nito.Katahimikan at hindi sumagot si Franco kaya napatikhim si Aurora at nagpatuloy sa pagsasalita."Ang pagtitipon na pinuntahan namin ng bff ko ngayong gabi ay ginanap sa Montefalco Hotel, at nalaman ko na pagmamay ari din pala iyon ng Montefalco Inc. at obvious naman dahil sa apelyido, siguro ay sadyang common na talaga ang apelyidong iya kasi Montefalco rin ang apelyido mo at magkapareho kayo ng pangalan ng CEO ng kumpanyang iyon… akalain mo ha kaya napaisip din ako na baka may kinalaman ka ba sa pamilya na iyon o w
MAS lalong naramdaman ni Franco at pagsiksik ni Aurora sa kanya at humigpit ang yakap nito. Bigla niya tuloy naramdaman ang pagdikit ng dibdib nito sa braso niya that makes him feel awkward and stiff at the same time. Kaya naisip niya that he needs to do something para makaalis sa tabi ni Aurora dahil baka kung hindi ay di niya mapigilan ang sarili at bumigay siya. And he can't let that happen. "Tsk, bitawan mo na nga ako at pumasok ka na sa loob ng silid mo at doon matulog. Hindi unan ang balikat ko ano! " Pagkasabi ni Franco ng ganun ay agad itong tumayo at syempre nakita niya ang mga nabasag na piraso ng mga tasa at isa-isa niya itong pinulot. Tumayo naman kaagad si Aurora at naaalala ang mga nabasag na tasa at kumuha ng dustpan at walis. "Ito ilagay mo dito at ako na maglilinis niyan." sabi pa ni Aurora. Pero kinuha lang ni Franco sa kanya ang dust pan at walis, "ako na sige na bumalik ka na sa kwarto mo." Pero hindi sumunod si Aurora at hinintay niyang matapos si Franco. "
MGA ilang minuto pa lang nakalipas ng marealized ni Franco na hindi dapat siya ganito kay Aurora pero bago pa man ito makapag react ay bumangon si Aurora at humarap upang tingnan si Franco. Di naman sinasadya na timing rin ang pagtingin ni Franco sa kay Aurora.In that moment ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakaramdam ng tensyon si Franco ng mangyari iyon. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at nagsalita, "Tinitingnan mo ba ako ng ganyan dahil sa iniisip mo ba kung may katotohanan ang aking mga sinasabi?" Kahit na malamig ang personalidad ni Franco pero maayos ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Ang lalaki sa kanilang pamilya ay mapagmahal sa asawa at lumaki siyang inuulit iyon ng kanyang lolo sa kanila.Naalala niya pa na minsang sinabi ng kanyang ama na ang lalaking marunong lamang mang-abuso sa kanyang asawa ay hindi mabuti at hindi totoong lalaki!"Mr. Franco.""Hmm..." Sabi ni Aurora, "Maraming salamat at naniniwala ako sa iyo."Nag-atubiling
ALAM na alam ni Elsa na sobrang dehado siya sa sitwasyon kaya naniniguro lang din siya. Halata naman noon pa lang na ang pamilya ni Anton ay interesado sa kanilang bahay at lupa. Gusto nilang makihati. Kaya nga sobrang pagsisisi rin ang naramdaman ni Elsa dahil sa nagtiwala siya ng lubos kay Anton sapagkat ang bahay at lupa ay nakapangalan lamang kay Anton dahil ng binili ito ay di pa sila kasal. Itim ang mukha ni Anton sa mga narinig niya mula sa kay Elsa, "Ang isang bata ay 5,000 pesos; bakit hindi ka na lang magnakaw sa bangko? Maghiwalay? Akala mo ba ay bata ka pa rin at labing-walong taong gulang? Alalahanin mo ikaw ay kasal na, may anak na, walang trabaho, mataba na parang baboy, at sobrang pangit na kahit sino ay walang magkaka interest! At kaya mo bang supurtahan ang sarili mo!?"Nagpintig ang tenga ni Elsa ng marinig ang mga sinabi sa kanya ni Anton. Nasaktan siya at nainsulto. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa kay Anton. Mas lalong bumilis ang p
BAGO pa makapagsalita si Elsa ay nagsalita ulit si Anton na mas lalong ikinagalit nito. " Nagsabi rin sina Ate na kung pupwede sa kanila muna ipangalan ang titulo ng bahay dahil sa loan na plano nilang eh proseso at syempre may hati rin tayo doon dahil dito mag sta-stay ang mga pamangkin ko sa bahay natin."Nang marinig iyon ni Elsa ay tila umuusok na ang kanyang ilong at tenga sa sobrang gigil dahil sa mga pinagsasabi ni Anton.Sinabi ni Elsa nang malamig, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Anton? Akala mo ba nandito lang ako sa loob ng bahay at kumakain lang? Halos lahat ng mga gawain dito ay ako pati na rin ang pag-aalalaga kay Boyet, lahat ng iyon Anton tinitiis ko para sa anak natin at sa pamilyang ito pagakatapos may mga ganyan kang desisyon!?."Taas baba ang dibdib ni Elsa sa sobrang gigil na nararamdaman dahil sa mga naging desisyon at pag sang ayon ni Anton sa kapatid nito."Pero ang dalawang anak ng kapatid mo ay wala akong kinalaman; hindi ko sila responsibilidad, at hind
Kalaunan ay nagtipon ang pamilya ni Anton upang kumain at ubusin ang pakwan na hiniwa niya kanina at nanood ng TV sandali, at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa kuwarto upang magpahinga. Mananatili sila dito ng ilang araw. Ngayon na lumipat na si Aurora, may isa pang kuwarto na bakante, sapat para sa pamilya ng ate niya sa oras na manirahan na sila sa bahay nila. Papasok na sana si Anton sa kwarto nila ni Elsa ng biglang bumulong si Luisa sa kanya, "Alam mo bang maraming binili si Aurora at ang kanyang asawa kanina. Tapos itong asawa mo galit na galit nang dalhin niya lahat ng mga iyon sa kuwarto niyo. tapos nakita ko puno ng magagandang bagay ang paperbags. May mga mamahaling sigarilyo at masarap na alak; bigyan mo ng konti ang iyong kuya ha. Isa pa hindi naman umiinom o naninigarilyo si Elsa kaya hindi niya iyon kailangan. At hindi pa nakakainom ng masarap na alak si Papa kaya bigyan mo rin siya." Ngumiti lang si Anton sa tinuran ng kanyang ate, "Ate, ano ba kung gusto mo ang
Si Luisa ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi kalayuan ang paaralan dito, at hindi labis sabihin na hindi magiging problema kung dito mananaitili ang mga bata pag lumipat sila dito sa syudad".Hindi nagsalita si Anton kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Luisa."Siguro ay okay lang naman kay Elsa ang pag-aalaga sa dalawang bata, maglaba at magluto lang naman ang hinihingi namin, at kung ang gastusin sa pagkain ay..."Pinutol ni Anton ang sasabihin pa ng Ate Luisa niya, "Ate, pamangkin ko 'yun; hindi na kailangan magbayad sa pagkain. Hahanap ako ng makakatulong sa dalawang bata sa proseso ng paglipat nila ng paaralan at si Elsa na lang ang mag-aalaga sa kanila araw-araw. Isa pa wala rin naman siyang ginagawa sa bahay."At dahil sa naging tugon ni Anton ay natuwa si Luisa at ang kanyang asawa. Akala pa nga ni Luisa ay baka hindi ito pumayag dahil natahimik ito.Agad namang sumabat ang Mama nila na si Dolores, "Anton, kailangan mong pag-usapan ito kay Elsa. At alalahanin mo may parte rin si
“Elsa, araw-araw ay pumapasok si Anton sa trabaho. Siya ay abala at pagod sa trabaho, kumikita ng pera para suportahan ang kanyang pamilya at itaguyod kayo ni Boyet. Ikaw ang asawa niya; dapat ay alagaan mo siya. Paano mo naman ipapagawa kay Anton ang gawaing-bahay?” Hindi umimik si Elsa at nasa loob pa rin siya ng kusina bagkos ay nagpatuloy ang Mama ni Anton sa pagsasalita. “Sinabi ni Anton na dapat pareho kayong may ambag sa responsibilidad sa bahay na ito dahil ayaw niyang sa kanya lahat manggaling ang lahat ng gastusin dito sa loob ng bahay at ikaw naman kung ganito ang gusto mo paano kayo mabubuhay nang magkasama nang ganyan? Bilisan mo na at linisin mo ang mesa. Huwag mo nang pakialaman si Anton. Pagod na sa mga bagay sa labas ang asawa mo. Dapat mong isaalang-alang ang kanyang nararamdaman!” Sumang-ayon si Luisa sa mga sinabi ng kanyang ina, “Ganun na nga, hindi ka nagtatrabaho, at nandiyan si Boyet, at ang lahat ng pangangailangan mo sa pagkain, damit, at tahanan ay galing
SI Franco ay may kaunting kaartehan sa kalinisan. Iniisip niya na marumi ang kamay ng bata at sinisira ang mga bagong laruan, kaya nga niya pinabigay ang isa sa mga bagong set ng laruan sa pinsan ng pamangkin ni Aurora.Dahil na rin sa ginawa niya ay tumigil ang pag-aaway ng dalawang bata at medyo umayos ang tensyon sa paligid.Bagaman tahimik at kunti lang magsalita si Franco, pero ang mga tingin sa kanyang mga mata kanina at ang kanyang ekspresyon ay tama lang upang ipaalam sa pamilya Santos na hindi madaling kalabanin ang asawa ni Aurora.Si Mrs. Santos, ang nanay nina Anton at Luisa ay medyo napataas ang kilay sa kay Aurora at sa asawa nito. Sa isip nito ay nakahanap na si Aurora ng lalaki na hindi basta-basta. Alam niya na malalim ang samahan ng kanyang manugang at ni Aurora at kung anong uri ng tao ang kanyang anak, kaya't malinaw din sa kanyang puso sa kung ano ang dapat nilang gawin at pakikitungo pagdating sa kay Elsa ngayon.Kailangan niyang humanap ng pagkakataon na paalala
INIS na inis si Aurora sa mga narinig. Isa pa malaki ang lungsod kaya hindi sila matutunton ng mga iyon. Iniisip niya pa lang kung paano maka demand ang lolo at ang half brother niya ay naha-highblood na siya. Samantalang si Franco naman ay mataimtim na nakikinig sa usapan ni Aurora at lolo nito at bawat usapan ay nakataktak sa kanyang isipan. Isa pa pinaimbestigahan niya na kung anong klaseng pamilya ang meron sina Aurora at kaya may tiwala siya na magkukuha niya ang report nito sa lalong madaling panahon. Nang dumating ang mag-asawa sa bahay nina Elsa ay siya namang lumabas ito para magtapon ng basura. "Ate." tawag ni Aurora sa kanyang Ate Elsa. Masaya si Aurora na makita ang kapatid niya kaya agad itong lumapit dito pagkalabas niya agad sa kotse. "Ayang, andito ka na pala." Niyakap ni Elsa si Ayang at ganun rin ang ginawa ni Ayang sa Ate niya. Habang yakap niya ito ay agad naman siyang napabitaw ng makita niya ang kanyang bayaw na lumabas sa kotse nito at may mga dala-dalang