Share

CHAPTER 5

Tumikhim lang si FRanco na parang walang nangyari at nagsabing: "Magpatuloy sa pagpupulong."

Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang unang pinsan, si Giovanni Montefalco na siyang pangalawang apo sa pamilyang Montefalco.

Sumandal si Giovanni at nagtanong sa isang mababang tinig: "Bro, narinig ko ang sinabi sa iyo ng lola, pinakasalan mo ba talaga ang Babaeng  iyon na nagngangalang Aurora?"

Kaya hindi maiwasang sinampal ni Franco ang kanyang pinsan sa pisngi nito.

Hinaplos naman ni Giovanni ang kanyang pisngi dahil kahit papaano ay masakit ang sampal ng pinsan niyang si Franco kaya umupo na lang ito ng diretso, at hindi nangahas na magtanong pa.

Subalit humirit pa ito ng  lubos na pakikiramay sa kanyang pinsan at ngumisi na parang nanga-aasar pa. Napa hugot na lang ng malalim na hininga si Franco.Hindi na rin ito pinansin ni Franco subalit makulit lang talaga at sadyang mapang-asar ang pinsan ng marinig niyang nagsaloita pa ito at humirit pa ng mensahe na ‘nakikiramay’. 

Sa kabilang banda ay nakarating na rin si Aurora sa palapag ng bago niyang tahanan.Matapos buksan ang pintuan, pumasok siya sa loob ng unit at namangha na ang unit ay medyo malaki, mas malaki kaysa sa bahay ng kanyang kapatid, at ang dekorasyon ay sobrang mamahalin at sosyal.

Matapos ibagsak ang maleta sa sahog ay nilibot muna ni Aurora ang buong parti ng unit. Dalawang sala, apat na silid-tulugan, isang kusina, dalawang banyo, at dalawang balkonahe, ang bawat puwang ay medyo malaki. 

Ang master room ay isang suite, na nahahati sa isang silid-tulugan, isang maliit na kasuutan, isang maliit na pag-aaral, banyo at isa pang banyo. Bagaman nahati ang ilang puwang, ang master room ay malaki pa rin, at maihahambing ito sa bulwagan.

Naisip ni Aurora na marahil ang kwartong iyong ang siyang kwarto ni Franco.

Pinili ni Aurora isang silid na may kama, sa tabi ng balkonahe, na may magandang refelection ng liwanag ng araw. Isa pa kahit na mag-asawa na sila ay hindi sila ang tipikal na mag-asawang kailangan matulog sa iisang kwarto.

Matapos hilahion n i Aurora ang maleta ay ;lumabas siya ng kwarto upang punta sa kusina. Pagka[pasok niya sa jusina ay napansin niya ang kakaunting kagamitan ngunit halatang hindi masyadong ginagamit ang kusina. 

Tila hindi karaniwang kumakain si Franco sa unit niya.

Ngayong nakalipat na siya sa unit na iyon ay alam nkyang kailangan niya pa ring umaktong maybahay ni Franco kaya kakailanganin niya ng mga kasangkapan sa pagluluto at mga pagkain na dapat lulutin rin. Nilista niya lahat ng mga dapat bilhin pagkatapos nun agad niyang kinuha ang susi at nagmamadaling bumaba ng unit.

Nang bumalik siya sa bookstore, ay saktong uwian na ng mga mag-aaral.

Sinalubong naman siya kaagad ng matalik niyang kaibigang si Sharon at nagtanong dito, “ Ano ba ang ginawa mo kaninang umaga? Saan ka ba nagpunta?”

"Lumipat ako." bigla niya namang sagot.

"Lumipat? Bakit ka lumipat? Hindi ka ba maayos doon sa bahay ng kapatod mo?”

Napasulyap si Aurora sa labas ng bookstore ng sandali at dahil sa wala namang masyadong mag-aaral na pumasok sa bookstorre ay nagsimula siyang magkwento sa kaibigan, "Ayaw ako ng aking bayaw na naninirahan sa kanyang bahay, at dahil dun ay palagi na lang silang nag-aaway ng aking Ate at ayaw ko naman na ganoon palagi kaya umalis na lang ako.”

“Ano? Ikaw na nga ang nagbibigay para sa pagkain at bayad sa upa, pagkatapos ayaw ka pa rin ng bayaw mo? Aba naman!”

Nainis tuloy si Sharon sa nalama niya mula sa kay Aurora at sa trato ng bayaw nito sa kaibigan niya.

Sandaling natahimik si Aurora dahil sa naging reaksyon ng kaibigan at sumagot din naman, "alam ko kaso sinasabihan ko si Ate na huwag sabihin ang totoong amount na binibigay ko sa kanya sa kanyang asawa dahil gusto ko naman na kahit papaano may naiitabi si Ate in case of emergency.”

Sang-ayon naman si Sharon sa ideya ng kanyang kaibigan, “ Tama nga naman kahit kailan talaga iyang mga lalaking iyan gusto nila sila na lang talaga masusunod akala mo naman kung sino! Hay naku!”

“Kaya nga Bes eh!” matamlay na sagot ni Aurora.

“Huwag kang mag-alala dahil pag nakatungtong na sa kindergarten si Boyet, yayayain ko yang si Ate mo na maghanap ng trabaho para naman maramdaman niya sa sarili niya na hindi lang diyan sa pag-aasikaso sa damuho niyang asawa at pagbabantay sa pamangkin mo natatapos ang buhay niya.” 

“Kaso pag naghahanap ng trabaho ang Ate wala namang maiiwan kay Boyet.” 

“Naku ako na ang bahala dun sa pamangkin mo, isa pa nasa tapat lang naman ng eskwelahan itong bookstore natin kaya magagawa kong silipin at bantayan iyang pamangkin mo.” 

Naantig naman ang puso ni Aurora sa sinabi ng matalik na kaibigan, kaya nagpasalamat siya dito at nayakap niya ito. 

"Pero Bes, Okay lang ba sa Ate mo na umalis ka?”

Nag-aalalang tanong ni Sharon. Alam kasi nito na ang sobrang malapit silang magkapatid sa isa’t-isa ang hindi basta-bastang nagpapalayo at hindi talaga papayag ang Ate Elsa nito na bumukod si Ayang. 

Matagal na katahimikan at napahugot ng malalim na buntimnghuninga si Aurora bago sumagot kay Sharon, "May asawa na ako."

"Oh ano? May asawa ka na? Wala kang kasintahan, sinong lalaki iyang pinakasalan mo?” ha;os gulat na reaksyon ni Sharon sa sinabi niya.

Subalit ng makita ni Aurora na maraming mag-aaral na ang papunta sa bookstore nila ay agad niyang sinabihan ang kaibagan, “ sasabihin ko rin sa iyo at ipapaliwanag Bes pero sa ngayon magtrabaho muna tayo nandiyan na yung mga estudyante o!”

Sandali silamng naging abala ni Sharon sa pag-aasikaso ng mga estudyanteng bumili at ang iba ang nag lay away ng mga libro sa bookstore nila.Nang humupa na ang mga estudyante at naiwan silamng muli ng kaibigan ay biglang tinanong na naman siya nitong muli.

"Hoy Ayang ano na?, Sino ang pinakasalan mo? At bakit ka pabigla bigla? Sigurado ka bang hindi ka mapapahamak diyan? Naku baka mamamatay tao iyan ha!?” 

Sunod-sunod ang naging mga tanong ni Sharon kay Aurora at may bahoid rin itong pag-aalala. Kaya minabuti niyang sabihin ang tunay na dahilan niya sa pagpapakasal kaagad. Isa pa matalik niya itong kaibigan at malaki ang kanyang tiwala dito.

Matapos makinig, tinitigan siya ni Sharon. Maya-maya, ay biglang lumapit si Sharon sa sa kaibigan at hinarap ito, noo sa noo at sinabing,  "Matapang ka talaga Ayang! Grabe as in hindi ka natakot magpaksal sa isang estranghero na hindi mo man lang kilala?” bakas ang pag-aalala sa boses nito, “ Pwede ka naman lumipat sa bahay kung talagang nahihirapan ka na doon sa Ate mo eh, at hindi mo naman dapat magpakasal kung kanino diyan.”

Kung tutuusin tama naman ang kaibigan niya. Kahit papaano ay maganda ang estado ng pamumuhay ng pamilya nito subaliot ayaw niya ring maging pasanin dito kaya hindi na siya nag abala pang sabihin dito ang naging desisyon niyang pagpapakasal kaagad.

"Kung nais mo lang naman na makahanap ng taong pakakasalan meron naman akong pinsan na pwede at bagay sa iyo. May trabaho iyon at maganda rin naman ang estado ng pamumuhay kaya pwedeng-pwede kayo.” sabi pa ni Sharon sa kanya.”Isa pa nagdududa ako sa matandang ginang na tinulungan mo eh, kasi naiisip ko na baka somnadya niya talaga na muntik nang matumba kasi may planop talaga siya sa iyo?” 

Natawa naman si Aurora sa mga nabubuong ideya sa utak ng kaibigan at sinabi: "Sharon una sa lahat ay, may kasintahan ang pinsan mo. At hindi ganyang tao si Lola Gloria gaya ng inaakala mo. Bagaman hindi ako pamilyar kay Mr. Franco Montefalco… pero masasabi ko na mabuti siyang tao at mapagkakatiwalaan.”

“Hay ewan ko nga sa iyo, sa totoo lang hindi pabor ang tiyahin ko diyan sa kasintahan ng pinsan ko at isa pa naiinis ako sa iyo kasi paano mo nagawang magpakasal sa isang taong ni hindi mo nga kilala at wala kang kaalam-alam? Hindi mo ba naiisip na pag nalaman ni Ate Elsa itong pinaggagawa mo at ang tunay na dahilan ay masasaktan at mag-aalala iyon ng sobra sa iyo?” inis na tugon ni Sharon sa kay Aurora, “ Ayang naman tandaan mo na ang pagpapakasal ay hindi isang laro at biro sana naisipan mo iyan bago nilagay sa ganyang sitwasyon ang sarili mo!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status