Share

CHAPTER 6

 "ALAM ko at sana ilihim mo na ito para sa akin, huwag mo sanang ipaalam sa kapatid ko ang totoo, alam natin na malulungkot ito."

matamlay pero nakangiting pakiusap ni Aurora sa kay Sharon.

Nag poker face naman si Sharon at naiiling-iling ng ulo. 

Ang lakas talaga ng loob nitong kaibigan niyang ito at ano pa ba ang kanyang magagawa? 

Palagi niyang iniisip na sa telenovela lang nangyayari ang contract marriage sa mga estranghero, at hindi niya inaasahan na mangyayari ito mismo sa kaibigan niya.

"Hindi ako makapaniwala na mangyayari iyang contract marriage na iyan sa iyo, grabe." halos di makapaniwalang turan ni Sharon sa kaibigan, “:At di ba ang mga ganyang bagay usually mayayaman at bilyonaryo ang mga nag-o-offer niyan?Hala! Bilyonaryo yung napangasawa mo Bes?”

Nanlaki ang mga mata ni Sharon habang nag si-sink in sa isipan niya na tama ang mga iniisip niya sa kaibigan at napangasawa nito.

Nang marinig ni Aurora ang mga pinagsasabi nga kaibigan niya ay agad niyang binatukan ang ulo nito para naman mahimasmasan ito sa mga pinagsasabi.

“Sira ka talaga! Nangangarap ng gising, Bes?” turan nito habang natatawa, “ impossible iyang sinasabi mo at isa pa hindi ibig sabihin na kayang gawin ang isang contract marriage ay bilyonaryo na agad, di ba pwedeng may kaya lang sa buhay?”

Napahawak naman sa ulo si Sharon sa parte na kung saan siya binatukan ng kaibigan, “ Eh malay mo ba? Isa pa wala namang masama sa pagiging bilyonaryo ano?”

Kung sabagay may punto naman si Sharon. Nakikita rin kasi ni Aurora na ang pamilya ni Sharon ay isang patunay, meron ang mga ito ng mga gusali na pinapaupahan, kalahating kalye ng mga tindahan, at kung tutuusin hindi na nito kailangang lumabas para magtrabaho, ngunit hindi ito mahilig gumawa ng mga gawain sa pagkolekta ng upa, kaya nakipagsosyo ito sa kanya upang buksan ang bookstore na ito, kung saan nagpapalipas lang sila ng oras at kumikita ng kaunting pera kahit papaano.

"Ayang, kilala mo ba kung sino ang bilyonaryo sa ating lugar?" Tanong ni Sharon sa kanya.

Bago pa makasagot si Aurora ay nagkataon namang dumating ang order food delivery na in-order nila ni Sharon. Lumabas si Aurora at kinuha ang pagkain na dinilever at pumasok pabalik sa bookstore at ibinigay ang parte ni Sharon.

Umupo si Aurora sa tapat ng kanyang kaibigan, binuksan ang takip ng fast food box, at sinabing: "Ang pinakamayamang taong kilala ko ay ang pamilya  mo, Bes, at kung mayroon mang mas mayayaman na tao dito sa lugar natin ay iyon ang hindi ko alam at kilala?"

"Pero alam mo parang nabalitaan ko na at narinig kung sino iyong pinakamayamang tao dito sa lugar natin kaso sa kabilang banda ay naisip ko na wala namang pagkakataon na magkaroon tayo ng ugnayan sa mga katulad nila kaya di na rin ako nag abalang alalahanin ang apelyido ng bilyonaryong iyon."

Sumubo muna si Aurora ng  kanyang pagkain bago sumagot sa kaibigan, "Tumigil ka nga Bes! Anong hindi ka magkakaroon ng pagkakataong makipag ugnayan sa pinakamayamang tao dito sa atin? Eh isa ang pamilya mo na kilala sa pagiging milyonaryo ano." protesta nito sa kaibigan, “ Isa pa kung meron mang tao na walang pagkakataon na makasalamuha ang mga mayayaman ay ako iyon dahil isang hamak na nagtitinda lang naman ako ng libro, yun lang.”

Tama naman siya sa iniisip niya kasi kung titingnan kailangan niya pang magpakasal para lamang magkaroon ng matitirhan ngunit hindi pa nakapangalan sa kanya iyon kaya kung mangyaring paalisin siya ni Franco sa bahay nito ay mapipilitan siyang maghanap ng mauupuhan.

Natawa na rin lang si Sharon sa tinuran ng kaibigan niya habang patuloy sa pagsubo ng pagkain nito. 

"Hmmm… ano ba ang maganda ang mangupahan o  bumili ng bahay? Iyong paunang bayad para sa pag-upa ay sapat na ba para makabili ng bahay kahit maliit lang?” 

Biglang tanong ni Aurora sa kay Sharon. Naisip niya lang kasi ang posibilidad na kung sakaling paalisin siya ni Franco sa bahay nito ay may back up plan naman siya kahit papaano. Pero bago pa makasagot si Sharon ay nagsalitang muli si Aurora.

"Ang pagbili ng mas maliit na bahay marahil ay sapat na para sa paunang bayad, ngunit gusto kong bumili ng mas malaki, iniisip ko kasi pag bumisita ang aking Ate at kasama niya si Boyet may sarili silang mga kwarto."

Medyo malungkot na sabi ni Aurora , aware naman kasi siya na ang lahat ng bagay sa lugar nila ay pataas na ng pataas ang presyo, lalong-lalo na ang mga pangunahing mga bilihin kaya ang ordinaryong katulad niya na may sapat lang na kinikita ay impossibleng magkaroon ng malaking bahay.

"Naku naman huwag  mo ngang problemahin iyan, kung kulang man iyong pera mo, nandito naman ako para pahiramin ka at walang interest iyon ha." sagot naman ni Sharon at kinindatan pa ang kaibigan niyang si Aurora.

Kumuha si Aurora ng kapirasong karne at inilagay sa fast food box ng kanyang kaibigan, "Alam mo ang sarap nito, ayan tikman mo." pag-iiba niya ng usapan. 

Sa totoo lang kasi ay nahihiya na rin siya sa kaibigan niyang si Sharon. Ang laki ng tulong nito sa kanya. Isa pa may asawa na siyang tao at kahit papaano may bahay siya sa ngayon. Napansin naman ni Sharon iyon kaya ikinibit balikat niya na lang ang mga sasabihin pa sana, pero curious pa rin siya sa kung saan nakatira ang bff niya at sino ang napangasawa nito.

"Ayang, nasaan ba ang bahay na binili ng asawa mo?" 

"Nasa Carmela Valley Garden iyon."

"Wow! Ang galing naman kasi maganda ang environment doon, convenient ang transportasyon, hindi naman kalayuan sa bookstore natin, at saang kumpanya ba nagtatrabaho ang asawa mo?” nakakamanghang sabi at tanong ni Sharon, “ At Ayang dahil sa nakabili iyang asawa mo diyan sa isa sa mga high-end community like Carmela valley Garden , ay siguro naman mataas ang sweldo ng asawa mo o baka naman need niyo ng tulong sa pagbabayad ng mortgage?”

Sasagot na sana si Aurora pero masyadong maraming sinasabi ang kaibigan niya at dire-diretso pa ito magsalita na hindi siya kaagad na nakasingit.

"Naku Ayang, tandaan mo kung sakaling hihilingin niya sa iyo na tumulong sa pagbabayad ng mortgage, kailangan mo talagang i-insist sa kanya na isama ang pangalan mo sa titulo ng bahay at lupa ha, hindi pwede na wala ang pangalan mo, isa pa mabuti na rin na sigurado ka kasi in case na maghiwalay kayo at least may parti ka sa property na iyon.”

Sinulyapan ni Aurora ang kaibigan at sinabing, "Katulad ka rin ng inaakala ng kapatid ko, fyi Bes ang bahay ay binili niya nang buo, as in full payment iyon at ni hindi ako gumastos ng kahit isang sentimo, kaya naisip ko na hindi magandang tanungin siya o pakiusapan na idagdag ang aking pangalan sa titulo ng bahay at lupa."

 "Kung sabagay pero iyan ay kung may mabuti kayong relasyon sa isa’t-isa… pero kasi kahit na.” giit naman ni Sharon. 

Kahit papaano ay naiintindihan naman ni Aurora ang pahiwatig ng kaibigan at bigla niyang naalala ang sitwasyon ng kanyang Ate. Ang bahay nito ay binabayaran pa ng hulugan ng kanyang asawa kahit na ang mga gamit nila sa loob ng bahay ay ang Ate niya naman ang gumastos subalit sa pagkakaalam niya wala ang pangalan ng Ate niya sa tutulo ng bahay at nakapangalan lang ito sa bayaw niya.

Kaya naisip niya na sa oras magkaroon sila ng pagkakataong magkausap muli ng Ate niya ay kailangan niyang paalalahanan ito.

…..

Kinagabihan, abala na naman ang mga tindahan sa harap ng paaralan kabilang na ang bookstore nina Aurora at Sharon. Nanatili silang naka open hanggang alas onse ng gabi. Pero pinauna na ni Aurora si Sharon na umuwi dahil sa naayayahan ito ng kamag-anak na maghapunan. 

Nang mag alas onse na ay nagsimula ng magsara si Aurora. Pagsara ng pinto ng bookstore, kinuha nito ang susi ng scooter mula sa bulsa ng pantalon niya at naglakad papunta sa kung saan ito nakaparada.

"Uuwi ka na ba Aurora?"

Nakangiting bati ng ginang sa katabing grocery store.

"Opo Tita , ikaw po hindi ka pa po magsasara?"

"Hija sa grocery store na ako nakatira, kaya wala ring pinagkaiba kung magsasara ako ng dis-oras na ng gabi. Pero ikaw, gabi na,kaya  mag-iingat ka sa daan. Nakapakaganda mong dalaga, kaya dapat mag-boyfriend ka ng maaga, at hayaan mong sunduin ka ng boyfriend mo sa gabi para mas ligtas.”

Sumakay si Haitong sa scooter nito at nakangiting tumugon: "Okay lang po ako Tita, salamat po sa paalala.”

Sa ilang taon na palaging nag-iisang umuwi si Aurora ay nakasanayan na niya ang mga basagulerong ta,mbay sa daan kung meron man. Naranasan niya rin na madiskitahan ng mga ito ngunit dahil siya ang tipo ng babaeng walang kinikilingan at kayang lumaban at natuto ang mga tambay ng kanilang mga leksyon.

Pagkatapos noon, ay natakot at natuto na ang mga tambay na iwasan siya, at wala nang nangahas na guluhin siya pag umuwi siya ng dis oras na ng gabi.

Si Aurora ay sumakay na sa kanyang scooter, pinaandar nkya na ito at umalis. Makalipas ang dalawampung minuto ay hindi niya napansin na ang daang tinatahak niya ay pabalik sa bahay ng kanyang kapatid, ipinarada niya ang scooter niya at pagkatapos ay naalala na lumipat na pala siya.

Tumingala sa palapag ng gusali kung saan matatagpuan ang apartment ng kanyang kapatid, at nakitang nakapatay na ang mga ilaw sa bahay nito. Biglang nakaramdam ng kaunting sakit at pangungulila kanyang puso si Aurora. Pinaandar uli ni Aurora ang scooter niya at umalis sa lugar na iyon na may mabigat na kalooban, at ang nakakalungkot lang ay wala siyang magagawa dito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status