Share

CHAPTER 2

Nang marinig ni Franco ang sinabi ni Aurora ay, hindi na nito kinumbinsi pa siya, kinuha na lang nito ang kanyang ID card, at nilagay sa harap ng staff.

Ganoon din ang ginawa ni Aurora.

Sa buong durasyon ng proseso ng mga papeles sa legalidad na bagay ng kanilang pagpapakasal, ay walang pag-uusap na naganap sa dalawa sa buong proseso. Ilang ulit din silang pinaalalahanan ng staff na hindi biro ang pagpapakasal at dapat ay pareho silang sigurado.

Ayaw naman talaga nilang maging mag-asawa kahit na pagkatapos matanggap ang marriage certificate nasa isip nina Aurora at Franco.

Subalit determinado ang dalawa, na gawin ang pagpapakasal . Matapos makatanggap ng dalawang sertipiko ng kasal mula sa staff, binuksan ito ni Franco at tiningnan ang mga ito pagkatapos ay ibinigay niya ang isa sa kay Aurora, at sinabi, “Ito ang sa iyo.”

“Ben, salamat.” sabi din nito sa staff na tumulong.

Pagkatapos ay sabay na lumabas sina Franco at Aurora.

Sa labas ng pinto, tumigil si Franco, at nang sumunod si Aurora, ay inilabas niya ang isang bungkos ng mga susi na inihanda niya kanina mula sa bulsa ng kanyang pantalon, ibinigay niya ito kay Aurora, at sinabing, “Ang bahay na binili ko ay nasa Carmela Valley Garden. Malapit lang ito sa bookstore mo na nasa harap ng Paaralan ng Lungsod ng Maynila. Hindi ito kalayuan at kung sasakay ka ng bus, makakarating ka doon sa loob ng sampung minuto.”

“May driver’s license ka ba? Kung may driver’s license ka, pwede kang bumili ng sasakyan. Matutulungan kitang magbayad ng paunang bayad, maaari mong bayaran ang utang sa kotse bawat buwan, para naman magkaroon ka ng kotse, at mas madali at mabilis sa iyo ay byahe mula sa bahay at sa bookstore mo.” suhestiyon ni Franco kay Aurora.

“I am very busy with work, I go out early and return late, and sometimes I go business trips. Just take care of yourself and don’t worry about me. Sa bahay naman ay ililipat ko ito sa iyo since na fully paid ko na ito.” dagdag pang paalala ni Franco.

“At saka, para iwas gulo, pansamantala nating itatago ang tungkol sa ating kasal.” huling sinabi nito.

Maaaring nakasanayan na ni Franco ang pag-utos sa mga tao sa kumpanya, at hindi na niya hinintay na makapag salita pa si Aurora at magtanong pa ng kung ano-ano.

Payag si Aurora na magpakasal sa ura-urada dahil ayaw niyang nag aaway ang kapatid at ang kanyang bayaw ng dahil sa kanya. Kailangan niyang magpakasal at umalis sa bahay ng kanyang kapatid, upang ang kanyang kapatid ay maging komportable at mamuhay ng matiwasay.

Si Franco na rin ang nagkusa na ibigay sa kanya ang susi ng bahay, at kinuha niya ang susi kaagad.

“Mayroon akong lisensya sa pagmamaneho, at hindi ko na kailangan pang bumili ng kotse. Isa pa meron akong scooter na aking ginagamit papunta at pauwi mula sa trabaho. Isa pa sayang naman kung hindi ko na iyon gagamitin pa.” sagot naman ni Aurora.

“Well, Mr. Franco Montefalco, meron ba tayong systema pagdating sa loob ng bahay?” Tanong ni Aurora dito.

Naisip kasi ni Aurora na baka ganoon rin si Franco gaya ng ate at bayaw ni Aurora, ay may batayan ang kanilang relasyon, may systema ito na pinapatupad lalong-lalo na pagdating sa finances, sa pag-aakalang sinamantala ito ng Ate niya.

Samantalang siya at si Franco ay ikinasal sa isang iglap, at ngayon lang nga sila nagkita at nagkakilala kaya hindi siya sigurado kung applicable ba sa kanila na may sistema sa pagsasama o wala.

Hindi man lang ito inisip ni Franco, at sinagot siya sa malalim na boses: “Don’t worry I have enough money to meet the needs of my family and yours, so I don’t need to be too much keen when it comes to the finances stuff.”

Ngumiti si Aurora dahil sa narinig mula sa kay Franco, “Kung gayon, ay walang problema.”

Lihim na nagpasalamat si Aurora kaya iniisip niya na lang na hindi niya dapat pagsamantalahan ang prebilihiyo na binigay sa kanya.

Isa pa naisip niya din na kahit na nakatira siya sa bahay ni Franco, at kung ano ang kailangan ng pamilya, ay pangangailangan sa loob ng bahay ay gagastos siya mula sa sarili niyang bulsa.

Pagkatapos ng lahat, Nakatipid na rin siya pagdating sa pagbabayad ng upa dahil hindi na niya kailangan pag nakalipat na siya sa bahay ni Franco.

Hangga’t maaari lagi niyang sinasaisip na magbigay ng konsiderasyon sa kung sino man at maging katuwang dahil pag gayon ay walang magiging problema sa buhay.

Muling itinaas ni Franco ang kanyang kanang kamay upang tingnan ang oras, at pagkatapos ay sinabi kay Aurora ,“O siya kailangan ko munang bumalik sa kumpanya, masyado akong busy ngayon kaya maaari mong hiramin ang aking sasakyan para pansamantalang makauwi ka, o maaari ka ring sumakay ng taxi, at babayaran na lang kita sa naging pamasahe mo, Si lola naman ay ipapahatid ko sa bahay ng kapatid ko.”

“Nga pala, i-add natin ang numero ng isa’t isa at ang messenger na rin natin para madali nating ma-contact ang isa’t isa.” sabi pa nito.

Inilabas naman ni Aurora ang kanyang mobile phone, idinagdag niya ang numero at messenger ni Franco, at sinabing, “Magta-taxi na lang ako , at ikaw umalis ka na at gawin mo na ang iyong trabaho.”

“Okay, I’ll contact you if ever I need something.”

Bago umalis si Franco ay binigyan pa niya si Aurora ng isang libong piso para pamasahe sa taxi, ayaw sana ito tanggapin ni Aurora, ngunit ang pinalakihan siya ng mata ni Franco ay agad niyang kinuha ang isang libong peso na pera.

Nang tuluyan na silang lumabas sa City Civil Registry Department ay unang lumabas si Franco at sumunod naman si Aurora.

Pagkalabas ni Franco ay dire-diretsong itong bumalik sa kanyang sasakyan at sumakay.

“Nasaan ang aking apo?” bungad na tanong naman sa kanya ng Lola niya.

Nakita ni Lola Gloria si Franco lang ang lumabas kaya na patanong ito agad, “Magkasabay kayong pumasok ni Aurora kanina tapos ngayon bakit hindi kayo sabay na lumabas? Nagsisisi ka ba? O baka si Aurora?”

Matapos ikabit ni Franco ang kanyang seat belt, ay kinuha niya ang kanyang Marriage certificate, hinarap ang kanyang Lola at ibinigay ito, “Ito na po ang marriage certificate ko, at kailangan ko na ring umalis dahil ang daming trabaho sa kumpanya na dapat asikasuhin, kailangan kong bumalik kaagad dahil may meeting pa ako, isa pa binigyan ko na siya ng isang libong piso para pamasahe sakay ng taxi. " mahabang paliwanag nito sa Lola niya.

“Lola, ihahatid na kita sa intersection sa unahan, at hayaang iuwi ka ng mga bodyguard.”giit niya dito.

“Kahit gaano ka ka-busy, hindi mo pwedeng iwan si Aurora mag-isa. Huwag kang umalis, hintayin mong lumabas si Aurora at saka ka umalis pabalik ng kumpanya.”

Sabi ni Lola Gloria kay Franco at lalabas na sana ito ng sasakyan, pero naka-lock ang pinto.

“Lola, nangako na po ako sa inyo na papakasalan ko siya. Huwag na po kayong mag-alala sa ibang bagay.Pinakasalan ko na siya at isa pa, I will have the final say in the future. Then, kailangan ko ring dahan-dahang imbestigahan ang pagkatao niya. Hangga’t hindi ko alam ay hindi ako magiging totoong asawa sa kanya.”

“Franco, tandaan mo sa pamilya natin na Montefalco ay walang sino man ang naghihiwalay pa!” madiin na saad ng Lola niya sa kanya.

“Depende po iyan kung worth it sa buong buhay ko ang asawang pinili ng lola ko.”

Sagot naman ni Franco dito at sinimulan ng paandarin ang sasakyan nito.

“Bastardo ka talaga naku, sino pa ba ang magtitiis sa iyo at magka kainterest na maging asawa ka?! Kakakuha mo nga lang ng marriage certificate ay agad mo ng nilayasan ang asawa mo at iniwan mo pa sa loob!”

Alam naman ni Lola Gloria na ang kaya niya lang kontrolin ay ang pilitin ang apo nito na pakasalan si Aurora sa legal na paraan at makakuha ng marriage certificate other than that hindi na niya kontrolado ang mga bagay na gustong gawin nito.

Hinayaan naman ni Franco na pagalitan siya ng kanyang lola, wala naman siyang magagawa sa bagay na iyan.

Naisip niya rin naman na kung talagang mabuting tao si Aurora ay bibigyan niya ito ng kaligayahan. Kung niloloko niya lang ang lola niya, magpapanggap siya na mabait. Pagkatapos ng kalahating taon, hihiwalayan niya ito. Anyway, hindi naman ito gagalawin, at lihim silang ikinasal, kaya mas madali ang pakikipaghiwalay dito.

Matapos magmaneho ng halos sampung minutoni Franco ay huminto ang sasakyan niya sa isang intersection. Mayroong ilang mga luxury cars na nakaparada doon, isa na rito ang Rolls Royce.

Ipinarada ni Franco ang kotse sa gilid ng kalsada, tapos bumaba ito, inihagis ang susi ng kotse sa naghihintay na bodyguard, at nag-utos: “Pakibalik sa kay Lola.”

“Hindi ako babalik! At gusto kong tumira, kasama ang aking apo na si Aurora!”protesta ni Lola Gloria.

Subalit ang kanyang mahal na apo na si Franco ay nasa Rolls Royce na at nakasakay, nagbibingi-bingihan ito sa kanyang mga protesta.

Pinagmasdan na lang niya ang kanyang panganay na apo na nagmamaneho palayo sa isang marangyang sasakyan.

Si Franco naman talaga ang hari ng business community sa buong Maynila, at ang nangunguna sa pinakamayamang tao sa buong syudad, na may net worth na daan-daang bilyon!

“Napakatigas talaga ng ulo ng bastardong iyon!”galit na turan ni Lola Gloria.

Galit na galit si Lola Gloria sa kay Franco habang bumubulong sa sarili nito, “Sinisiguro ko na darating ang araw na mamahalin mo ng sobra-sobra si Aurora. Hihintayin ko talaga ang araw na iyon na maisampal sa pagmumukha mo ang lahat ng mga sinabi mo!”

Pagkatapos ay nagmamadaling tinawagan ni Lola Gloria si Aurora, na kasalukuyang pauwi na sakay ng taxi.

“Aurora,pasensya ka na at masyadong abala si Franco sa trabaho, sana ay maintindihan mo at huwag ka sanang makipag away sa kanya.”

Hinawakan ni Aurora ang marriage certificate nito na nilagay niya sa bulsa ng pantalon, at sinabing, “Lola Gloria, naiintindihan ko po, isa pa wala po akong pakialam, at hindi mo po kailangan makonsensya, binayaran niya ako ng pamasahe sa taxi, at nakasakay na po ako pauwi.”

“Tinatawag mo pa rin akong Lola Gloria pagkatapos kang ikasal sa aking sa aking apo.”

Bahagyang natigilan si Aurora, saka ngumiti at tinawag na Lola ito.

Masayang sumang-ayon si Lola Gloria sa narinig mula kay Aurora.

“Aurora, magiging pamilya na tayo mula ngayon. Kung naglakas-loob si Franco na i-bully ka, sabihin mo kay lola ha, at tuturuan ka ni lola kung paano labanan iyang asawa mo.”

Pagkatapos ng kanyang ginawa para lang matuloy ang kasal ng apo niya at ni Aurora ay sinisiguro niya, at hindi papayag na i-bully ng apo niyang si Franco si Aurora. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Juanmarcuz Padilla
astig po author. as in more in tagalog ang kuwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status