“I don't want to disappear, I just want to be found, and understood. I don't know how to continue in life.” Save yourself from the pain other people might cause. ** Si Scarlet Shim at Ethan Evans ay mag-asawang naghahangad ng maayos na pamilya at magandang buhay. Hindi man perpekto ang kanilang pagsasama, nagagawa pa rin nilang piliin ang isa't isa sa gitna ng mga problemang kinahaharap. Ngunit isang araw, nagkaroon sila ng problemang hindi nila inaasahan na kanilang mararanasan. Isang problema na kaakibat ng buo nilang pagsasama. Ang problemang iyon ay ang nagdulot ng lamat sa kanilang relasyon, unti-unti nitong pinatay ang nabuo nilang pagmamahal. Si Scarlet ay naaksidente, at himalang nakaligtas ngunit ang tanging natatandaan lamang niya ay ang buhay n'ya 10 years ago. Lahat ng ala ala tungkol kay Ethan ay tila ba hindi nangyari. Makatutulong ba ito upang sila ay maging maayos? O lalo itong magdudulot ng lamat sa mag-asawa? Maaalala pa ba ni Scarlet ang lahat? Pipiliin pa ba nilang ayusin ang pagsasama nila na nawasak dahil sa problemang dulot ng mga taong nakapaligid sa kanila? ** “Ethan, I’m pregnant.” Those words shattered Scarlet's heart.What exactly happened inside their marriage?
View MoreSCARLET’S POV Hanggang sa makarating kami sa bahay namin ni Ethan ay wala akong narinig na sagot mula kay Zeus. Tignan mo ’to, tatanong tanong tapos s’ya ngayon ang hindi sasagot? Abnormal! Ang masaya naming mood ay biglang napalitan ng katahimikan. Wala kasi siya sa hulog! “Thank you, Collins. Pasensya ka na at kinailangan kong umuwi, pakisabi nalang din kina Tita kasi hindi na ako nakapagpaalam,” sabi ko kay Zeus nang makarating kami sa harapan ng bahay namin ni Ethan. “Nothing to worry about, Shim, basta maging okay ka--makakabalik pa naman tayo ro'n,” pang-aassure n’ya kaya naman napangiti ako. Ang titig n’ya sa mukha ko ay parang nagbibigay ng kaba sa dibdib ko. Butterflies in my stomach ba ’to or natatae lang ako? Marahan n’yang hinawakan ang aking mukha at hinaplos. “It’s not to see you happy again, Shim,” bulong nito pero rinig na rinig ko dahil sobrang lapit n’ya sa mukha ko. “I miss watching you this close,” dagdag n’ya at nag-init naman ang aking pisngi. Ibi
SCARLET’S POV “Ano bang sinasabi mo kanina? Anong divorce at si Isaac nag-aasikaso? Wala naman s’yang nabanggit sa ’kin e,” kanina ko pa kinukulit si Zeus na sabihin kung ano ’yong sinabi n’ya kanina dahil sobrang confused ang lola mo! Sarili kong divorce, wala akong nababalitaan? Pa’no naman ako pipirma? “Ask Isaac,” for the nth time, ’yang ang sagot n’ya! Bakit hindi na lang n’ya sabihin? Aba’y kung hindi s’ya magsasabi, mas hindi magsasabi ’yong sinasabi n’yang pagtanungan ko! Kahit umiyak pa ’ko ng dugo ro’n kay Isaac, hindi ’yon lalambot! “Zeeeeuuuusssss,” nagmamakaawang pagtawag ko sa pangalan n’ya pero umiling lang ito. Gano’n? Ako ang nililigawan pero hindi ma-expose si Isaac? Sino ba talaga nililigawan sa ’min. Narito pa rin kami ngayon sa bahay ng mga Collins at masasabi kong talaga namang sobrang swerte ko kung sina Tita Anji at Tito Benj ang byenan ko. Umalis sila ngayon dahil may business meeting pa silang pupuntahan. Nilibot ako ni Zeus sa bahay nila at tala
SCARLET’S POV Narito ako ngayon sa bahay ng mga Collins dahil hindi ako sumunod kay Ethan. Iniwan ko siya sa bahay at sumama kay Zeus. Nako, Scarlet Shim! Huli na para makonsensya! Nandito ka na kina Zeus oh. I-meet mo nalang si Tita Anji at Tito Benj! “Excited ako na kinakabahan,“ sabi ko kat Zeus habang nag-aantay kami. Hinawakan naman n’ya ang kamay ko para pakalmahin ako at ’wag na kabahan. Bakit ba ang sweet nitong lalaking ’to? Maya maya pa ay bumaba na sina Tita Anji at Tito Benj. Agad naman akong tumayo upang salubunhin sila at magmano. “Good morning po,“ bati ko sa mga ito. Hindi makapaniwalang nakatingin sa ’kin sina Tita at Tito at nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Tita Anji. “Scarlet! You look so beautiful, hija.” Agad naman akong kinilig sa papuri ni Tita. Enebe kasi naman ’yan. Close kami ni Tita Anji noon pa man dahil alam n’yang may gusto ako sa anak n’yang si Zeus. Dati nga ay nirereto pa n’ya ako sa Kuya ni Zeus na si Zeian pero sinabi ko sa kan’ya
SCARLET’S POV Here he is! Bakit ba palagi nalang s’yang hadlang sa love story namin ni Zeus? Nakakairita s’ya! Madilim ang mukha n’yang lumapit sa ’min at agad ako nitong inakbayan. “What are you doing here? Didn’t I talk to you last time? And you’re here again?” sarkastikong tanong ni Ethan kay Zeus. Inalis ko naman ang pagkakaakbay n’ya sa ’kin kaya lalong nag igting ang kan’yang panga. “Don’t be stubborn, Baby, please?” pinipilit n’yamg kumalma upang papasukin ako pero hindi ako nagpatinag! “Ethan naman, diba nag-usap na tayo? Alam mo ang nararamdaman ko, p’wede 'wag ka ng umepal? Please???” Pinanlakihan ko s’ya ng mata na agad naman n’yang na-gets pero ang mata n’ya ay sobrang nakaka-bother. “Palalampasin ko ’tong ngayon pero sana huli na ’to,” madiin na sabi nito kay Zeus at saka bumaling sa ’kin. “We’ll talk later,” baling nito sa ’kin at saka pumasok sa loob. Galit naman nitong isinarado ang gate. Inirapan ko naman ang daan kung saan s’ya pumasok at saka muling bumal
SCARLET’S POV “WHAT DO YOU MEAN BY THAT?” Mataas ang boses na tanong n’ya sa ’kin. Ang emosyon sa kan’yang mga mata ay magkahalong gulat, inis, at sakit. Tama ba ’tong ginagawa ko? “You know what I mean, Ethan,” mahinahong sabi ko, nagpapaintindi. Umiling ito at saka ako niyakap nang mahigpit. “No! We're not going to end this! We’re not separating our ways! We’re not f*cking breaking up! We will fix this, right? Let’s help each other with this, please,” nanginginig ang kan’yang boses, talagang nagmamakaawa ito na hindi ko ito iwan pero paano naman ang tunay kong nararamdaman? Sa totoo lang, naaawa ako sa kan’ya pero sapat ba ’yon para manatili ako? “Ethan, I don’t want to hurt you--I’m not selfish. I don’t love you, you know I love someone else,” si Zeus ang aking tinutukoy sa aking tinuran. “Baby, please, don’t scare the hell out of me. Hindi mo lang maramdaman na mahal mo ako dahil hindi mo naaalala ang pinagsamahan natin. Give it a chance,” talagang nagmamakaawa s’ya.
SCARLET’S POV Napakahigpit ng yakap sa ’kin ni Ethan habang hinahaplos n’ya ang aking buhok. “Shh, I am here, don’t be scared na,” pagpapatahan nito sa ’kin ngunit sadyang nanginginabaw ang takot na nararamdaman ko. Aaminin ko naman na medyo gumaan na ang pakiramdam ko ngayong nandito s’ya sa tabi ko. “Sorry for leaving you alone here, Baby,” dagdag pa nito at saka ako hinahalikan sa noo. “M-may baby,” umiiyak na sumbong ko sa kanya at mas lalo akong naiiyak kapag naaalala ko yung itsura. “Shh, it’s just a dream,” pagpapaalala nito sa ’kin at saka ako inabutan ng inumin. “Here, drink ka muna and if you want to go back to sleep, babantayan kita,” nagpapakalma sa ’kin ang boses n’ya. Nang matapos akong uminom ay muli akong nahiga ngunit tulala lamang ako. Bigla ay naalala ko lahat ng napanaginipan ko. Mula sa aking nakita hanggang sa aking mga narinig. Humiga siya sa tabi ko at bahagya akong niyakap. Hinayaan ko na muna ito at hindi inalis dahil nakapagpapakalma ito sa nara
SCARLET’S POV Naging masaya ang gabing ’yon kasama ang mga kaibigan ko. Wala akong maramdaman na iba kundi saya lang--hindi ko alam pero sobrang ginhawa ng aking puso. Sa hindi malamang dahilan ay parang may tinik na nakabara sa puso ko na natanggal noong gabing ’yon. Dito rin sila natulog no’n dahil hindi na naman umuwi si Ethan. Ayaw sana nilang umalis ngunit pinaalala ko sa kanila na may kailangan pa silang gawin sa buhay nila. Willing naman silang mag-stay pero hindi ako willing i-consume ang mahalaga nilang oras. Mag-isa ako ngayon at nakahiga sa kwarto, hindi ko alam ngunit sobrang sakit ng puso ko. Ano bang problema nito? Kusang tumutulo ang mga luha ko, bagay na hindi ko maipaliwanag sa sarili ko. Alam mo iyong sakit ng dibdib dahil sa sobrang kaba? Gano’n ang nararamdaman ko at hindi ako mapakali. Something doesn’t feel right, but I cannot seem to determine what is wrong. Normal pa ba ako? Maya maya lang ay may kusang pumatak na luha sa mga mata ko, tuloy tuloy ang ago
SCARLET’S POV Pilit kong ibinabaling ang atensyon ko sa mga kasama ko ngayon sa bahay at nagtagumpay naman ako. Meron nga lang 10% sa utak ko na iniisip pa rin ang tampo kay Ethan pero ayos lang, nandito naman itong mga ’to para pasayahin ako. Nagkukwentuhan kami ng kahayupan namin noong highschool kami, para naman daw maka-relate ako sabi ni Isaac. Hindi ko alam kung nang-aasar ba s’ya o concern s’ya sa ’kin. Katabi ko siya ngayon at kasalukuyang nakasandal ang ulo ko sa balikat n’ya. I feel comfortable with this man. Hindi nakakatakas sa ’kin ang palihim na tingin ni Zeus, mag-iiwas naman ito kapag titingin ako. Hay nako, Zeus, umamin ka na at may pag-asa ka naman sa ’kin. Ligawan mo ’ko at sasagutin naman kita e! Ang usapan naming matino ay napunta sa asaran hanggang sa napunta sila sa panlalait! Ilayo n’yo ako sa mga ’to. “Makapagloko akala mo gwapo, mas gwapo pa nga ako ro’n,” sabi ni Isaac, patukoy doon sa nanligaw sa ’kin noon at nagustuhan ko rin pero niloko naman
SCARLET’S POV “Hala, bakit n’yo lang ako dinalaw?” nag-iinarteng tanong ko sa mga kaibigan ko. Nandito ngayon sa bahay sina Isaac, Xette, Ky, at may bonus pang si Zeus! “Hindi ba dapat ikaw ma-miss namin? Bakit parang ikaw ang miss na miss kami?” nakangiwing tanong ni Isaac na akala mo ay hindi ako na-miss! Narito kami ngayon sa sala at ipinaghanda ko sila ng meryenda na sabay-sabay naming pinagsaluhan. Maya maya pa ay lumapit sa ’kin si Ethan at in-excuse ako sa mga kaibigan ko. “Scarlet, I need to go, have fun with your friends, okay? Ask them to stay here first. If you want them to stay here for a while, the guest rooms are available, they can sleep here,” sabi nito at talaga namang agad akong na-excite. Pero teka? Bakit parang tunog hindi s’ya uuwi? Saan ba punta n’ya? Gusto ko s’yang tanungin pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. “Okay sige, ingat ka,” malamig kong sabi at hindi ko maintindihan bakit malamig kong sinabi ’yon? Nag-alala naman ang itsura ni Etha
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any names, characters, places and events are part of the author's wide imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, and events are purely coincidental. ** SCARLET’S POV Hindi ko alam kung anong nangyari sa 'ming dalawa. Ang dating pagsasama na puno ng pagmamahalan ay tila biglang nagbago. “Ethan naman, hindi ka ba napapagod? Palagi nalang tayong nag-aaway. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko sa ’yo. Gusto ko lang magpahinga kasama ka, bakit parang napapagod ka sa ’kin?" I sound desperate. I just want us to be okay. “Scarlet, you understand me, right? You understand why I am doing this, right?” Nagpakawala ako ng pekeng tawa. “T*ngina naman, Ethan, sinong makakaintindi sa ’yo? Asawa mo ’ko pero nasa iba ang atensyon mo! Imbes na ako ang iniisip mo dahil nasasaktan din ako, t*ng*na nasaan ka? Nando'n ka sa ex-girlfriend mo na childhood friend mo rin! Ethan naman, ako ’yong asawa mo, oh?“ Hindi ko na ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments