Dahil sa kagipitan ay kumapit sa patalim si Sabrina upang maisalba ang buhay ng mga magulang. Tinanggap na ang kaniyang kapalaran at naniwalang wala na siyang karapatan maging masaya at magkaroon ng laya magmahal. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Xavier, ang mayabang na mayaman na magpapatibok ng kaniyang puso. Paano niyang ihahayag sa lalaki ang kaniyang tunay na nararamdaman kung isang madumi at bayarang babae lamang ang tingin nito sa kaniya? May pagkakataon pa kaya para sa isang Sabrina Pascual na makamit ang totoong kaligayahan? O maging sunud-sunuran sa ilalim ng madilim na kontratang magkukulong sa kaniya sa isang bangungot habang buhay.
View More“Sorry anak ha? Pareho pa kami ni Papa mo na naging pabigat sa’yo” malungkot na wika ni Lissa sa kanyang anak.
Natataranta siyang napasugod sa ospital ng makatanggap ng tawag mula sa ospital. Naaksidente ang magulang niya, bumangga ang kotse nila ng mawalan ng preno ang kotseng nakasalubong ng mga ito. “Ma, hindi po kayo pabigat ni Papa. Wala naman pong tao ang gugustuhin na maaksidente.” sinserong sagot nito sa ina. “Mabuti na lang din po at hindi grabe ang natamo ninyo” Pilit na pinananatili ni Sabrina ang ngiti sa kanyang mukha upang hindi maramdaman ng mga magulang ang bigat na dala dala niya sa kanilang sitwasyon. “Swerte na lamang tayo Mahal ko na si Sabrina ang naging anak natin. Kaya kahit mahirap ang ating sitwasyon ay patuloy akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa buhay ng ating anak.” sabat naman ng ama niyang si Renan. Hindi naitago ni Sabrina ang ngiti sa kaniyang mga labi sa tinuran ng ama. “Ngunit paano ang pag-aaral mo anak?” tanong ng ina. “Oo nga anak. Mahal pa naman ang tuition mo sa University. Hindi ko alam kung sasapat pa ang ipon namin ng Mama mo para matustusan ang lahat ng gastusin natin sa ngayon” sabat naman ulit ng ama. “Ako na po ang bahala duon Ma, Pa. Maghahanap po ako ng mapapasukan, willing po ako mag working student” nakangiti paring wika ni Sabrina. “Renan, bakit kaya hindi mo siya ipasok sa dati mong pinasukan. Diba at nabanggit mo na mababait naman ang mga nag renta ng opisina sa gusali na iyong binabantayan?” suhestiyon ni Lissa sa asawa. “Susubukan kong kontakin si Mr. Teng kung may maialok siyang trabaho kay Sabrina. Isa siya sa nakilala ko noon sa gusali at narinig kong marami siyang mga restaurant na hawak at nagpapasok siya ng mga waitress o kahera doon” Pagkasabi ay mabilis na dinampot ni Renan ang kanyag cellphone at may tinawagan. Nang siguro ay makuha na ni Renan ang pakay ay ibinaba na nito ang tawag. “Ito anak, puntahan mo ang opisina ni Mr. Teng. Sabihin mong ikaw ang aking anak na naitawag ko sa kaniya. Titignan daw niya kung ano ang pwede niyang maialok sa iyo.” paliwanag nito sa anak sabay abot ng isang papel. Kinuha naman ito ni Sabrina at itinago sa bag. “Sige Pa. Pupuntahan ko ito ngayong araw” Matapos makainom ng gamot ng mag-asawa ay nagpaalam na si Sabrina upang puntahan ang tinatawag na Mr. Teng ng ama. Desidido siya na makahanap kaagad ng trabaho dahil alam nito sa sarili na hindi na ganoon kalaki ang ipon ng mga magulang. Sa mga gamot at bill ng ospital sa araw-araw ay di magtatagal at mauubos na ito. “Magandang araw po. Ako po si Sabrina, anak po ni Renan Pascual.” Pakilala nito sa sarili nang matunton ang opisina ng taong pakay. Masusi siyang tinitigan ni Mr. Teng na para bang sinisipat ang kanyang kabuuan. “Ikaw pala ang anak ni Renan” patango-tango ito at hindi parin nawawala ang malagkit na tingin kay Sabrina. “Napakaganda mo hija. Mabango. Mukhang alam ko na kung ano ang bagay na trabaho sa iyo” Batid kay Sabrina ang pagkailang sa kausap ngunit kailangan niya itong patuloy na kausapin dahil interesado siya sa kung ano mang trabaho ang ialok nito. “Talaga po? Maaari po ba natin pagusapan?” ngiting tanong nito kay Mr. Teng. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Ako ang may-ari ng isang sikat na night club dito sa Makati. Ipapasok kita bilang dancer. Tiyak ako malaki ang kikitain mo, sa ganda mong yan ay marami ang magkakandarapa at mag-aagawan sa’yo” “Ho?!” bakas ang pagkabigla sa mukha ni Sabrina sa sinabi ni Mr. Teng. “Pasensya na po, pero marangal na trabaho po ang kailangan ko. Hindi ko po kaya itong inaalok ninyo.” “Malaki ang kitaan sa club iha. Sasayaw ka lang, makikipagkwentuhan sa mga customer at pag natuwa sayo ang mga tao ay paniguradong malaking tip ang makukuha mo” nakangisi nitong paliwanag kay Sabrina. “Pasensya na po. Hindi po! Aalis na po ako” mabilis na tumayo si Sabrna at nagmamadaling lumabas ng opisina ni Mr. Teng. Sinubukan pa siyang habulin ni Mr. Teng at naglatag ng mga offer ngunit walang interes si Sabrina na makinig pa rito. “Nakakakilabot! Ano bang pumasok sa utak niya?” Kausap ni Sabrina sa sarili. Minabuti ng dalagang bumalik muna sa hospital at ikinwento sa mga magulang ang nangyare. “Naku pasensya ka na anak. Hindi ko alam na ganon pala ang trabahong inaalok ni Mr. Teng. Kaya pala puro babae lamang ang nakikita kong pumapasok sa opisina niya at ni minsan ay wala akong nakitang lalaki.” nahihiyang paliwanag ni Renan sa anak. Kita din dito ang pag-aalala lalo na at muntikan na pala nitong maipahamak ang anak. “Okay lang Pa. Hindi mo naman po alam” “Mabuti at dika niya pinilit at nakaalis ka pa sa opisina” sabat naman ni Lissa. “Takot lang niya Ma. Paduduguin ko mukha niya” Nameywang pa ito sa harapan ng magulang para ipakitang okay na okay siya at walang dapat ipagalala ang mga ito sa kaniya. Ilang sandali pa ay minabuti na nila ang magpahinga dahil makasasama sa magulang ang mapuyat. Sinabayan na din ni Sabrina ang pagtulog ng mga magulang dahil nabuo na sa kanyang isipan ang ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho kinabukasan pagtapos ng kaniyang klase. Nagising si Sabrina sa gitna ng gabi sa sa iyak at sigaw ng ina. Napabalikwas siya ng bangon ng makita ang mga doctor at nurses na nagkakagulo sa kaniyang ama. Mabilis siyang lumapit at yumakap sa ina. “M-ma, anong n-nangyayare?” Kinakabahan nitong tanong sa ina. “H-hindi ko din a-alam anak. B-bigla na lang nagseizure ang papa mo” sagot ng kanyang ina sa pagitan ng mga hikbi nito. Nang sawakas ay natapos ang mg doctor sa pag revive sa ama ay hinarap na sila nito. “Ililipat po muna namen ang pasyente sa ICU” panimula ng doctor. Naintindihan naman nila ito dahil kinailangan ng lagyan ng tubo ang kaniyang ama. “Base sa mga ginawang tests, ay mayroon siyang blood clot sa utak dahilan ng seizure niya kanina” dugtong pa ng doctor.“Xavier, napansin ko napapadalas ka dito. Is something bothering you?” tanong ni Paulo nang walang sabi-sabi ay lumitaw nanaman ang kaibigan sa bar. Tumayo ito sa kanyang office table at lumipat sa couch katabi ng kaibigan. Tiningnan lang sya ni Xavier, nag-iisip kung sasabihin ba sa kaibigan ang problema o hindi. Pero naisip nya na baka sakaling may maipayo itong maayos sa kanya.“Si Papa, gusto na nya talagang hayaan sa akin ang kompanya” nagsimulang magsalita si Xavier habang si Paulo ay seryosong nakikinig. “And?” sagot ni Paulo.“Ililipat na din ito sa pangalan ko” sabi ulit ni Xavier.“Oh, congrats! Matagal mo na din naman yan pinatatakbo, ngayon magiging sa’yo na talaga” sinalinan pa nito ng alak ang kanilang mga baso. Iinumin na sana nya ang kanya nang mapansin seryoso ang mukha ng kaibigan.“Bakit parang hindi ka masaya?” takang tanong ni Paulo. “Hindi mo ba gustong mapa sa’yo ang kompanya?”“Gusto syempre. Matagal ko na yang inaasam, alam mo yan”“Yun naman pala e! Bakit ga
“Bree, request ka don sa table na yon” Sinundan ng tingin ni Sabrina ang direksyon na tinuturo ni Mamu. Napailing sya ng makita ito.“Tss. Mamu baka pwedeng iba na lang?” “Wag ka ngang maarte. Pumunta ka na don, bilisan mo” halos ipagtulakan na sya ni Mamu pumunta lang sa table ni Xavier.“Ano nanaman kailangan mo saken?” naiinis na tanong ni Sabrina dito.“Akala mo ba gusto kong makita ka?” masungit na sagot nito.“Yun naman pala e, alis na ako ha?”“We have to talk” walang emosyong sabi nito. Umupo na sya sa upuan kahit hindi pa sya pinapaupo ng lalaki.“Tungkol san?” masungit paring sagot ni Sabrina.“How much?” “Anong how much pinagsasasabi mo?” nagtatakang tanong ni Sabrina sa lalaki.“This is f*c*ing sh*t!” napasabunot pa si Xavier sa sariling buhok.“Yes, it is. Labo mo kausap. Dyan ka na nga!” tumayo na si Sabrina, aalis na sana sya ng muling magsalit si Xavier. “Be my wife!”Gulat na gulat si Sabrina sa sinabi nito. Ilang beses syang ininsulto ng lalaki tapos ngayon aaluk
“Jackie!” Masayang sinalubong ni Myka si Jackie sa kanyang coffee shop.Magbubukas ng panibagong branch si Myka at plano nyang gawing investor si Jackie.Napagkasunduan nila na dito sa coffeeshop na magkita at mag-usap para maobserbahan na din ni Jackie kung good investment ba ang kanyang coffee shop.“Akala ko dika na darating e” sabi nito kay Jackie.“Daming pinagawa ni Xavier sa office, ngayon lang ako nakatakas, tss!” sagot nito. Ang totoo ay wala naman masyado trabaho sa opisina, ayaw lang sana nyang umalis dahil naroon si Xavier sa opisina. Kung hindi lang sana sya interesado sa proposal ni Myka ay hindi na sana nya ito sinipot.“Ow, speaking of Xavier, nabanggit ng manager ko na madalas daw dito si Xavier” excited na kwento ni Myka. Nakikita kase nya ‘to as advantage para lalong magkainteres si Jackie sa business nya.“I see. Maybe doing his meetings, to be honest naman kasi very nice ang ambiance shop mo ha?” sincere na puri nito sa shop ni Myka.“Hmm, thank you. Anyway, madal
“What?!” inis na sagot ni Xavier sa nagtatantrums nyang kausap.“Umamin ka, pinagpapantasyahan mo ba ang squatter girl na ‘yon?” “My God, Jackie! Are you crazy?” napipikon na si Xavier sa inaasal ni Jackie. “Bakit hindi mo masagot? Tama ako ‘no?” napatigil si Xavier sa sinabi na iyon ni Jackie. At napatanong sa sarili “Bakit nga hindi ko masagot? Tama nga kaya sya?” nasabi nya sa isip. Napasabunot si Xavier sa sariling buhok sa di malaman na dahilan. Naiinis ba sya sa inaasal ni Jackie o naiinis sya na may katotohanan sa mga sinasabi nito?“Ano Xavier? Answer me!” Hinampas ng malakas ni Xavier ang desk nya dahilan para magulat at mapatigil si Jackie sa pagiingay nito.“You know how much I hate that woman, Jack” galit na sigaw nya sa babae. “W-well. I hate that woman too, lalo ngayon na sya ang dahilan kung bakit naudlot ang ginawa natin” mabilis na nagbago ang mood ni Jackie, mula sa pagtatantrums ngayon ay nagmistulang maamong pusa na naglalambing mula sa kanya.Ngunit wala na sa
Saglit na nawala sa sarili si Sabrina at tila nadala ng sensasyong dala ng halik ng binata na bumalot sa kanyang katauhan. Ngunit napabalikwas sya ng may maramdaman syang kakaiba sa katawan ng lalaki na hindi naman nya nararamdaman kanina. Sa kaba ay buong lakas syang kumawala sa yakap nito at bumangon. Nang makawala at pasimple syang tumingin sa parte ng katawan ng lalaki na naramdaman nya kanina, hindi nga sya nagkamali. “What?” nagulat sya ng magsalita ang lalaki. Nahuli sya nitong nakatingin doon at ngayon ay nakangisi ang lalaki sa kanya. “Uuwi na ako” pero bago pa man sya makalakad ay nahawakan na ulit sya nito. “Ano ba?! Hobby mo ba ang manghawak ng kamay?” inis na sabi nya sa lalaki. “Hmm, hindi naman” sagot nito. “Dito ka muna.” Inis nyang hinarap ang lalaki “Bakit ba? Kailangan ko ng umuwi.” Natahimik naman si Xavier. “Bakit nga ba?” tanong nya sa sarili, bakit nga ba ayaw nyang paalisin ang babae? “O dika makasagot? So pwede na ko umalis diba?” pagkasabi ay pata
“I just hate that woman!” inis na sagot ni Xavier. “Woah! You hate her but you keep on coming to see her” mapang-asar na sagot ni Paulo. “I came to see you, bro. Not her!” depensa naman ni Xavier. “Okay, sabi mo e. Pero bakit ka ba galit na galit don sa tao? Mabait naman si Sabrina” “Bait-baitan, bro” “I don’t think so. Matagal na syang nagtatrabaho dito, ni minsan wala akong nakitang mali sa kanya” napailing naman si Xavier sa pagtatanggol ng kaibigan sa babaeng kinaiinisan nya. Wala naman sana syang pakialam dito kung hindi sana sya nag-aalala na mabiktima ni Sabrina ang kanyang lolo at kaibigang si Paulo. “I don’t trust her. Tapos!” pagkasabi ay nilagok muli ni Xavier ang alak. Nagtuloy-tuloy ang pag-inom nya hanggang sa maramdaman nyang tinatamaan na sya ng alak. Nagpaalam na sya sa kaibigan at dire-diretsong lumabas papunta sa kanyang sasakyan. Ngunit bago pa man sya makalapit sa sasakyan ay nawalan na sya ng balanse sa sobrang hilo at natumba sa sahig. “Sh*t!” inis na
Naabutan nyang nirerevive ng mga doctor ang kanyang ama. “A-ano pong nangyayare? N-nasaan si Mama?” natatarantang tanong nya sa isang nurse na lumabas sa kwarto. “Nasa operating pa po ang mama nyo” yun lang ang sabi ng nurse at nagmamadaling umalis. Umiiyak na nakatingin si Sabrina sa ginagawa ng mga doctor sa kanyang ama. Ngunit binigo sya ng kanyang pag-asa na maliligtas ang ama, nakita nya kung paanong tinigilan na ng mga doctor ang pagrevive sa ama at napapailing na nagsalita ang isa sa mga ito. “Time of death, 9:35pm” Halos mabingi si Sabrina sa sobrang kabog ng kanyang dibdib. “H-hindi. H-hindi pwede” para syang kandilang nauupos ng mga sandaling iyon. Natataranta syang pumasok sa loob ng icu at nakiusap sa mga doctor. “Hija, successful naman ang operation sa kanya. Pero mukhang ang katawan na nya talaga ang bumigay. Sorry hija.” paliwanag ng doctor. “Pakiusap, dala ko naman na po ang pera. Iligtas nyo po ang papa ko” dumiretso sya sa ama at niyakap ito. “P-pa! Gumisin
“Naku, sobra sobra naman po yata ito” nahihiyang sabi ni Sabrina matapos tanggapin ang pera. Habang si Jackie ay nakaismid sa kanya. Kung ano ang tumtakabo sa isip nito ay wala na syang pakialam. “Okay lang yan hija. Para sa abala sa importanteng lakad mo ngayong araw. Naabala ka namin, pasaway kase ang papa ko” natatawa pang sabi nito. “Naabala sya? Sa grocery?” Natigilan si Sabrina nang marealized nyang nakita pala siya nito. Napaisip tuloy siya kung nakita rin kaya nito si Mr. Teng na kasama nya kanina? “Labas na po kayo kung ano man ang lakad ko kanina. Basta ang masasabi ko lang po, importante po yun” paliwanag niya dito. “Sa tingin mo maniniwala ako?” inis na sagot ni Xavier. “Sa tingim mo din ba may pake ako?” Bwelta naman ni Sabrina. “Huh? Squatter talaga ugali mo huh?” Singit nanaman ni Jackie. “O sya, sya! Tama na yan” saway sa kanila ni Lyndon. “Sabrina, siya nga pala ang anak ko, at ito naman si Jackie ang mamanugangin ko” pakilala ni Lyndon sa dalawa. “Mga anak, siy
“O, ano? Ininom na ba ng pasaway mong lolo ang gamot nya?” sa tono ng kanyang ama ay tila kanina pa ito nagpapasensya sa matanda. Naisipan niyang lumabas muna ng kwarto at puntahan ang ama habang hinihintay ang taong hinahanap ng kaniyang lolo. Umiling lamang si Xavier sa ama. “He wants someone to take care of him” sabi ko dito. “Tsk! Pasaway talaga. Fix this Xavier!” tila nauubusan na talaga ng pasensiya ang kaniyang ama. “I already contacted her, Pa. She’s on her way” sagot niya sa ama. “Yun naman pala, Tito. Kumalma na po kayo baka kung mapano pa po kayo” singit ni Jackie habang inaalalayan si Lyndon makaupo sa sofa. “Drink this, Tito. Para kumalma kayo” inabutan ito ni Jackie ng isang basong tubig. “Salamat hija” tipid namang sagot ni Lyndon sa dalaga. “Ganun po talaga kase Tito ang tao pag umeedad na po, nagiging pasaway na po talaga. Ganyan din po ang lola ko noon” sabi pa ni Jackie. “Ibig mo bang sabihin hija ay magiging pasaway din ako pag lolo na ako?” natatawa pang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments