“Charie teka lang, ano ba?” habol habol ni Sabrina sa kaibigan dahil napansin niyang galit ito.
“Sabrina ano bang ginawa mo?” Inis na hinarap ni Charie ang kaibigan ng makalabas na sila sa bar. “Oh bakit ako?” “Oh e sino? Ikaw itong nanggulo sa party. Alam mo ba kung anong pwedeng gawin nila sa atin mula ngayon?” “Ah, at talagang ako pa ang sinisisi mo? Tinulungan lang kita, pinagtutulungan ka na ng mga mayayabang na yon” “Pero dapat hindi mo na sila pinatulan, kaya ko naman na ang sarili ko” “Kaya? Oo. Kaya mong ilubog ang sarili mo mapalapit lang sa mga yon” naiinis na din si Sabrina sa kaibigan, kahit kailan ay hindi niya gugustuhin na may mang-api sa kanila ng kaibigan niya. “Walang masama kung gustuhin ko yun, Sab” gumaralgal ang boses nito. “Walang masama na pangarapin ko na mapabilang sa kanila, hindi ko man mapantayan, ay ang maramdaman man lang na magkaroon ng kaibigan na kagaya nila” “Ch-Charie” bulong nito. “Hindi masama ang gusto mo” bumuntong hininga si Sabrina, tila kinakapa sa kaloob-looban niya ang tamang mga salita na gagamitin para maipaunawa sa kaibigan, na mali ang ginugusto niyang maging kaibigan. “Ipapahamak ka lang nila Charie” “Huh, paano mo nasabi? Ay oo, kinalaban mo kase sila, kaya malamang talaga mapapahamak lang ako sa kanila ngayon dahil pati sa akin magagalit na sila” “Charie!” Saway nito sa kausap, nararamdaman niya na nami-misinterpet siya ng kaibigan. “Kung hindi ka nakialam, mapapatawad naman nila ako e. Ano bang feeling mo? Na alam mo ang lahat?” tuluyan ng tumulo ang mga luha nito pero mabilis ding pinahid. “Kaso wala na, sinira mo na. Masaya ka na?” Pagkasabi ay tumalikod na ito at pumara ng taxi. Minabuti ni Sabrina na huwag na muna itong sundan, hahayaan niya itong magpalipas na lang muna ng sama ng loob. Sumakay na rin siya ng taxi at nagpahatid sa ospital. Dumiretso siya sa ICU kung saan ay nananatili ang kaniyang ina. “Hi Ma, kamusta ka na?” Bati niya sa walang malay na ina habang chinecheck niya ang mga aparatong nakakabit dito. Gaya ng nakaugalian, ay ikinwento niya sa ina ang mga ganap niya sa maghapon. Alam niyang hindi makakasagot ang ina dahil sa kalagayan nito. Pero umaasa siya na naririnig siya nito at tutulungan nito ang sarili upang magising na at madamayan na siya sa lahat ng pinagdadaanan niya. “Hi Sabrina” ng lingunin ay si Joy ito. Schoolmate niya ito, nursing student at dito nag iintern. “Uy Joy. Kakapasok mo lang?” “Oo. Sa kabilang room ako mag round, dumaan lang ako dahil nakita kita. Nakadaan ka na ba sa Accounting Department?” ngunit ng mapansin ni Joy ang sobre sa side table ng kama ay alam na niya ang sagot sa kaniyang tanong. “Tss. Hindi ka dumaan dito kanina? Kagabe ko pa iniwan yang sobre diyan e” turo nito sa sobre. “Ah oo, dami kasing ganap sa school kanina. After school e pumasok naman ako sa trabaho” “Hmm, kaya pala. Bago ka umuwi dumaan ka na ha? Urgent yan ang alam ko. Baka ipa stop nanaman nila medication ni Mama mo” tumango na lamang si Sabrina sa kausap. Matapos masigurong okay ang ina ay pumunta na ito sa Accounting Department. “Sabrina, isang taon na ang Mama mo dito, alam na alam mo na ang sagot sa tanong mo” sabi ng staff matapos tumawad ni Sab sa hinihinging bayad ng ospital. “Hmm, kulang pa kasi ang pera ko e. 30k pa lang itong hawak ko, habol ko na lang yung 20k bukas, gawan ko paraan pls?” Patuloy na pakikiusap ni Sab. “Haaay, tatanggapin ko yang 30k, pero isure mo ang kulang bukas. Ang laki na ng balanse niyo dito, halos wala pa nga sa kalahati yang hinihingi sayo” “Opo, maraming salamat” iniabot na ni Sab ang perang kawiwithdraw niya lang sa atm machine bago pumunta sa Accounting Dept. at lumabas na. “Haaay! Buti na lang at nakaipon ako ng 30k sa mga raket ko. Kung nagkataon mababawasan ko pa ang iniipon kong pambayad utang kay Mr. Teng” kausap ni Sabrina sa sarili. ********** "Bree!” mabilis na napalingon si Sabrina dahil sa ginawang pagtawag sa kaniya ni Mamu. “Ano na?! Tapos ka na bang mag-ayos?” mabilis na sabi nito. “Oo tapos na!” Tipid na sagot ni Sabrina. “Bilisan mo ang kilos! Babagal-bagal” papala-palakpak pa ito habang sinusundan siya palabas ng dressing room. Umakyat na si Sabrina sa stage at lumapit sa pole at nagrready na sa pagsayaw anumang oras. Nang marinig na ang musikang nakatoka sa kanya ay sinimulan na nitong igalaw ang katawan ayon sa tugtog ng musika. Mabuti na lamang at may suot siyang maskara, kung kayat hindi nakikita ang karamihan na sa likod ng maskara ng isang babaeng sexyng sumasayaw, ay mga luha na gustong kumalawa dahil sa paggawa ng isang bagay na labag sa kaniyang kalooban. Tuloy lang ito sa pagsayaw sa harapan ng mga mayayaman at matatandag lalaki sa loob ng night club. Hanggang sa napukaw ang kaniyang pansin ng isang lalaki sa di kalayuan. Nakatitig lang ito sa kanya. Malalim ang mga tingin nito na nagdulot ng kaba kay Sabrina. Pakiramdam nito ay anumang oras ay maari siya nitong kainin ng buhay. Sa dilim ng pagilid, ay hindi niya maaninang ang mukha ng lalaki ngunit kapansin-pansin parin ang mga mata nito na hindi mawala ang tingin sa kaniya. Kamuntikan pang matapid si Sabrina nang sa kaniyang pagtingin muli sa direksyon ng lalaki ay napansin niyang palapit na ito sa kaniya. Halos manikip ang kaniyang dibdib ng tuluyan na itong makalapit sa kaniya at bumulong “See you later”. Ang malamig na boses nito at mainit na hiningang dumampi sa kaniyang tainga ay nagdulot ng bulta-bultaheng kilabot sa kanya. Kung kaya’t ng matapos ang kanyang sayaw ay halos takbuhin na niya ang pabalik sa dressing room. Pilit niyang pinakakalma ang sarili habang pinupunasan ang butil-butil na pawis sa noo. Pakiramdam niya ay nakaharap na niya ang lalaki. Hindi lang niya makumpirma kung saan o kailan dahil di na niya nagawang tignan ang mukha nito sa sobrang kaba kanina.“Bree, ipinatatawag ka ni Mamu” maarte at may pagsusungit na tawag sa kaniya ni Stacey. Dancer din ito dito sa club na malaki ang inis sa kaniya. Dahil ang tingin sa kaniya nito ay kakumpitensya. “Bakit daw?” simpleng tanong ni Sabrina sa kausap. “Aba ewan ko! Edi puntahan mo ng malaman mo!” inirapan siya nito at mabilis na lumabas na ng dressing room. Hinanap kaagad ni Sabrina si Mamu at mabilis na nilapitan. “Mamu tawag mo daw ako” malapad ang naman ang ngiti na sinalubong siya ni Mamu. “Oo Bree, may nagrequest kase sayo ngayon sa vip room! Ang gwapo. Masyado mo kasing ginalingan” halos kiligin pa si mamu habang sinasabi ang balita kay Sabrina. Nagulat si Sabrina. “Vip room?? Napilitan lang akong pumasok dito para sa nanay ko at dahil isa ito sa kondisyon ni Mr. Teng, pero hindi para ibenta ang katawan ko” nasabi ni Sabrina sa kanyang isip. “Vip room?” bakas ang pagtataka sa itsura ni Sabrina. Tumango lang si Mamu at ngumiti. “Mamu, nalimutan mo na ba? May usapan kami ni Mr.
Hindi na niya pinansin pa ang paghahamon nito sa kaniya. “Hindi porke dancer ako dito ay may karapatan ka ng bastusin ako. Wala kang alam kung bakit at paano ako napunta dito kaya please lang bitiwan mo ako nasasaktan na ako” nasabi ito ni Sabrina sa gitna ng mga hikbi. Mukhang natauhan naman ang lalaki at binitiwan na siya nito. Uminom muli ito ng alak bago ulit nagsalita. “Wow!!” tumawa pa ito ng mahina. “Linyahan yan ng mga babaeng gusto magpadagdag ng bayad bago ibigay ang sarili” Hinanap niyang muli ang tapang niyang saglit na nawala bago ulit hinarap ang lalaki. “Wala kang alam sa buhay ko. Masyado kang mayabang porke mayaman at may pera ka?!” Sigaw ni Sabrina sa kaniya. “Wag mo akong huhusgahan dahil hindi mo ako kilala tandaan mo iyan!” tumalima na si Sabrina at dali-daling lumabas sa vip room. Pero bago siya tuluyang lumabas sa vip room nilingon pa niya ito sa huling pagkakataon. “Nakalimutan ko nga palang sabihin” tumikhim pa siya bago nagsalita “GAGO!” ********** Nagi
Nakuha naman ito agad ni Sabrina, nakita siya nito sa club, ano pa nga ba ang iisipin nito sa kaniya? “Oo eh, puro matatanda at mga ‘bastos’ kasi ang nasa club” kesa makipagtalo, ay naisipan na lang nitong sakyan ang iniisip sa kaniya ng lalaki. Binigyang diin din niya ang salitang bastos para patamaan ang lalaki. “As expected” tipid na sagot ulit nito at sinabayan pa ng pag iling. “Anong order mo, bilis?” naiinis man si Sabrina sa kausap, kailangan parin niya itong pagsilbihan. “Bakit nagmamadali ka, Bree!!” nabigla si Sabrina sa narinig, alam niyang nananadya ito dahil binigyang diin pa nito ang pagkakabanggit sa pangalan niya sa club. “Huy! Huwag mo akong tawagin ng ganiyan dito” naiinis niyang bulong dito. “Why? Kanina lang ang yabang ng sagutan mo, tapos ngayon wag kitang tawaging Bree” pero walang plano si Xavier ang pakinggan ito. Desidido siyang asarin ito, makabawi man lang siya sa babae. “Huy, wag kang ganiyan. Ito pangalan ko oh, Sabrina” tinuro pa nito ang nametag sa
“Diwag kung ayaw mo! Order order ka wala ka naman pala pambayad!!” Natawa si Xavier. “Wala ka ng ibang maisagot? I guess tapos na ang usapan” pero nainis siya ng sabayan nito ang pagsasalita niya. “Blah! Blah! Blah! Wala akong naririnig” at iniwan na siya ng babae. “Tss, isip bata!” inis na sigaw ni Xavier kay Sabrina ngunit hindi na siya pinansin pa nito. Kaya lumakad na rin siya papunta kay Paulo. “Bro, inom tayo ha? Pampaantok lang” sabi niya dito ng walang sabi-sabi siyang pumasok at umupo sa couch. Napaangat naman ng ulo si Paulo at napailing ng makita siya. “Sige lang, drink all you want. May tinatapos pa ako” pagkasabi ay binalik na nito ang atensiyon sa ginagawa. “Nakakairita yung empleyado mo, napakadaldal” inis na sabi ni Xavier. “Bakit, anong ginawa nanaman sayo ni Sab?” Natatawa pang tanong nito sa kaibigan. Ikinwento naman niya ang nangyare sa coffee shop at kanina ng salubungin siya ng babae pagdating niya dito sa bar. “I see, kaya pala siya nag cash advance ng
“O, ano? Ininom na ba ng pasaway mong lolo ang gamot nya?” sa tono ng kanyang ama ay tila kanina pa ito nagpapasensya sa matanda. Naisipan niyang lumabas muna ng kwarto at puntahan ang ama habang hinihintay ang taong hinahanap ng kaniyang lolo. Umiling lamang si Xavier sa ama. “He wants someone to take care of him” sabi ko dito. “Tsk! Pasaway talaga. Fix this Xavier!” tila nauubusan na talaga ng pasensiya ang kaniyang ama. “I already contacted her, Pa. She’s on her way” sagot niya sa ama. “Yun naman pala, Tito. Kumalma na po kayo baka kung mapano pa po kayo” singit ni Jackie habang inaalalayan si Lyndon makaupo sa sofa. “Drink this, Tito. Para kumalma kayo” inabutan ito ni Jackie ng isang basong tubig. “Salamat hija” tipid namang sagot ni Lyndon sa dalaga. “Ganun po talaga kase Tito ang tao pag umeedad na po, nagiging pasaway na po talaga. Ganyan din po ang lola ko noon” sabi pa ni Jackie. “Ibig mo bang sabihin hija ay magiging pasaway din ako pag lolo na ako?” natatawa pang
“Naku, sobra sobra naman po yata ito” nahihiyang sabi ni Sabrina matapos tanggapin ang pera. Habang si Jackie ay nakaismid sa kanya. Kung ano ang tumtakabo sa isip nito ay wala na syang pakialam. “Okay lang yan hija. Para sa abala sa importanteng lakad mo ngayong araw. Naabala ka namin, pasaway kase ang papa ko” natatawa pang sabi nito. “Naabala sya? Sa grocery?” Natigilan si Sabrina nang marealized nyang nakita pala siya nito. Napaisip tuloy siya kung nakita rin kaya nito si Mr. Teng na kasama nya kanina? “Labas na po kayo kung ano man ang lakad ko kanina. Basta ang masasabi ko lang po, importante po yun” paliwanag niya dito. “Sa tingin mo maniniwala ako?” inis na sagot ni Xavier. “Sa tingim mo din ba may pake ako?” Bwelta naman ni Sabrina. “Huh? Squatter talaga ugali mo huh?” Singit nanaman ni Jackie. “O sya, sya! Tama na yan” saway sa kanila ni Lyndon. “Sabrina, siya nga pala ang anak ko, at ito naman si Jackie ang mamanugangin ko” pakilala ni Lyndon sa dalawa. “Mga anak, siy
Naabutan nyang nirerevive ng mga doctor ang kanyang ama. “A-ano pong nangyayare? N-nasaan si Mama?” natatarantang tanong nya sa isang nurse na lumabas sa kwarto. “Nasa operating pa po ang mama nyo” yun lang ang sabi ng nurse at nagmamadaling umalis. Umiiyak na nakatingin si Sabrina sa ginagawa ng mga doctor sa kanyang ama. Ngunit binigo sya ng kanyang pag-asa na maliligtas ang ama, nakita nya kung paanong tinigilan na ng mga doctor ang pagrevive sa ama at napapailing na nagsalita ang isa sa mga ito. “Time of death, 9:35pm” Halos mabingi si Sabrina sa sobrang kabog ng kanyang dibdib. “H-hindi. H-hindi pwede” para syang kandilang nauupos ng mga sandaling iyon. Natataranta syang pumasok sa loob ng icu at nakiusap sa mga doctor. “Hija, successful naman ang operation sa kanya. Pero mukhang ang katawan na nya talaga ang bumigay. Sorry hija.” paliwanag ng doctor. “Pakiusap, dala ko naman na po ang pera. Iligtas nyo po ang papa ko” dumiretso sya sa ama at niyakap ito. “P-pa! Gumisin
“I just hate that woman!” inis na sagot ni Xavier. “Woah! You hate her but you keep on coming to see her” mapang-asar na sagot ni Paulo. “I came to see you, bro. Not her!” depensa naman ni Xavier. “Okay, sabi mo e. Pero bakit ka ba galit na galit don sa tao? Mabait naman si Sabrina” “Bait-baitan, bro” “I don’t think so. Matagal na syang nagtatrabaho dito, ni minsan wala akong nakitang mali sa kanya” napailing naman si Xavier sa pagtatanggol ng kaibigan sa babaeng kinaiinisan nya. Wala naman sana syang pakialam dito kung hindi sana sya nag-aalala na mabiktima ni Sabrina ang kanyang lolo at kaibigang si Paulo. “I don’t trust her. Tapos!” pagkasabi ay nilagok muli ni Xavier ang alak. Nagtuloy-tuloy ang pag-inom nya hanggang sa maramdaman nyang tinatamaan na sya ng alak. Nagpaalam na sya sa kaibigan at dire-diretsong lumabas papunta sa kanyang sasakyan. Ngunit bago pa man sya makalapit sa sasakyan ay nawalan na sya ng balanse sa sobrang hilo at natumba sa sahig. “Sh*t!” inis na
“Bree, request ka don sa table na yon” Sinundan ng tingin ni Sabrina ang direksyon na tinuturo ni Mamu. Napailing sya ng makita ito.“Tss. Mamu baka pwedeng iba na lang?” “Wag ka ngang maarte. Pumunta ka na don, bilisan mo” halos ipagtulakan na sya ni Mamu pumunta lang sa table ni Xavier.“Ano nanaman kailangan mo saken?” naiinis na tanong ni Sabrina dito.“Akala mo ba gusto kong makita ka?” masungit na sagot nito.“Yun naman pala e, alis na ako ha?”“We have to talk” walang emosyong sabi nito. Umupo na sya sa upuan kahit hindi pa sya pinapaupo ng lalaki.“Tungkol san?” masungit paring sagot ni Sabrina.“How much?” “Anong how much pinagsasasabi mo?” nagtatakang tanong ni Sabrina sa lalaki.“This is f*c*ing sh*t!” napasabunot pa si Xavier sa sariling buhok.“Yes, it is. Labo mo kausap. Dyan ka na nga!” tumayo na si Sabrina, aalis na sana sya ng muling magsalit si Xavier. “Be my wife!”Gulat na gulat si Sabrina sa sinabi nito. Ilang beses syang ininsulto ng lalaki tapos ngayon aaluk
“Jackie!” Masayang sinalubong ni Myka si Jackie sa kanyang coffee shop.Magbubukas ng panibagong branch si Myka at plano nyang gawing investor si Jackie.Napagkasunduan nila na dito sa coffeeshop na magkita at mag-usap para maobserbahan na din ni Jackie kung good investment ba ang kanyang coffee shop.“Akala ko dika na darating e” sabi nito kay Jackie.“Daming pinagawa ni Xavier sa office, ngayon lang ako nakatakas, tss!” sagot nito. Ang totoo ay wala naman masyado trabaho sa opisina, ayaw lang sana nyang umalis dahil naroon si Xavier sa opisina. Kung hindi lang sana sya interesado sa proposal ni Myka ay hindi na sana nya ito sinipot.“Ow, speaking of Xavier, nabanggit ng manager ko na madalas daw dito si Xavier” excited na kwento ni Myka. Nakikita kase nya ‘to as advantage para lalong magkainteres si Jackie sa business nya.“I see. Maybe doing his meetings, to be honest naman kasi very nice ang ambiance shop mo ha?” sincere na puri nito sa shop ni Myka.“Hmm, thank you. Anyway, madal
“What?!” inis na sagot ni Xavier sa nagtatantrums nyang kausap.“Umamin ka, pinagpapantasyahan mo ba ang squatter girl na ‘yon?” “My God, Jackie! Are you crazy?” napipikon na si Xavier sa inaasal ni Jackie. “Bakit hindi mo masagot? Tama ako ‘no?” napatigil si Xavier sa sinabi na iyon ni Jackie. At napatanong sa sarili “Bakit nga hindi ko masagot? Tama nga kaya sya?” nasabi nya sa isip. Napasabunot si Xavier sa sariling buhok sa di malaman na dahilan. Naiinis ba sya sa inaasal ni Jackie o naiinis sya na may katotohanan sa mga sinasabi nito?“Ano Xavier? Answer me!” Hinampas ng malakas ni Xavier ang desk nya dahilan para magulat at mapatigil si Jackie sa pagiingay nito.“You know how much I hate that woman, Jack” galit na sigaw nya sa babae. “W-well. I hate that woman too, lalo ngayon na sya ang dahilan kung bakit naudlot ang ginawa natin” mabilis na nagbago ang mood ni Jackie, mula sa pagtatantrums ngayon ay nagmistulang maamong pusa na naglalambing mula sa kanya.Ngunit wala na sa
Saglit na nawala sa sarili si Sabrina at tila nadala ng sensasyong dala ng halik ng binata na bumalot sa kanyang katauhan. Ngunit napabalikwas sya ng may maramdaman syang kakaiba sa katawan ng lalaki na hindi naman nya nararamdaman kanina. Sa kaba ay buong lakas syang kumawala sa yakap nito at bumangon. Nang makawala at pasimple syang tumingin sa parte ng katawan ng lalaki na naramdaman nya kanina, hindi nga sya nagkamali. “What?” nagulat sya ng magsalita ang lalaki. Nahuli sya nitong nakatingin doon at ngayon ay nakangisi ang lalaki sa kanya. “Uuwi na ako” pero bago pa man sya makalakad ay nahawakan na ulit sya nito. “Ano ba?! Hobby mo ba ang manghawak ng kamay?” inis na sabi nya sa lalaki. “Hmm, hindi naman” sagot nito. “Dito ka muna.” Inis nyang hinarap ang lalaki “Bakit ba? Kailangan ko ng umuwi.” Natahimik naman si Xavier. “Bakit nga ba?” tanong nya sa sarili, bakit nga ba ayaw nyang paalisin ang babae? “O dika makasagot? So pwede na ko umalis diba?” pagkasabi ay pata