** Sab Seryoso kong binasa ang bawat pahina ng manual na ibinigay sa akin ni Sir Xavier. Hanggat maaari nais kong magamay kaaagad ang trabaho ko dito. Ayaw kong bigyan ang mayabang na lalaking yon ng dahilan upang mapaalis ako sa trabaho. Pagpatak ng alas singko ay naisipan kong ipagtimpla ng kape si Sir Xavier, kung kaya't dali akong tumayo sa mesa ko at pumasok sa office niya. "Sir, gusto niyo po ba--" naputol ang sasabihin ko ng tapunan niya ako ng masamang tingin. Nakakatakot ang tingin niya, para bang nakitako na ang mga matang iyon. "Simpleng pagkatok ba ay hindi mo alam? Kailangan ko pa bang ituro sa iyo 'yon?" hindi naman siya nakasigaw, ngunit mararamdaman mo ang maawtoridad niyang tono sa pagbitaw ng bawat salita. "S-sorry po" akma akong lalabas ulit ng opisina ng pigilan niya ako. "At saan ka pupunta?" "Lalabas po sana, at kakatok po bago pumasok" napakamot na ako ng ulo. Hindi ko na alam kung anong mga nasasabi ko. "Mukha ba akong nakikipaglokohan sa'yo Ms
Huling Na-update : 2025-03-04 Magbasa pa