SCARLET’S POV “Ano bang sinasabi mo kanina? Anong divorce at si Isaac nag-aasikaso? Wala naman s’yang nabanggit sa ’kin e,” kanina ko pa kinukulit si Zeus na sabihin kung ano ’yong sinabi n’ya kanina dahil sobrang confused ang lola mo! Sarili kong divorce, wala akong nababalitaan? Pa’no naman ako pipirma? “Ask Isaac,” for the nth time, ’yang ang sagot n’ya! Bakit hindi na lang n’ya sabihin? Aba’y kung hindi s’ya magsasabi, mas hindi magsasabi ’yong sinasabi n’yang pagtanungan ko! Kahit umiyak pa ’ko ng dugo ro’n kay Isaac, hindi ’yon lalambot! “Zeeeeuuuusssss,” nagmamakaawang pagtawag ko sa pangalan n’ya pero umiling lang ito. Gano’n? Ako ang nililigawan pero hindi ma-expose si Isaac? Sino ba talaga nililigawan sa ’min. Narito pa rin kami ngayon sa bahay ng mga Collins at masasabi kong talaga namang sobrang swerte ko kung sina Tita Anji at Tito Benj ang byenan ko. Umalis sila ngayon dahil may business meeting pa silang pupuntahan. Nilibot ako ni Zeus sa bahay nila at tala
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any names, characters, places and events are part of the author's wide imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, and events are purely coincidental. ** SCARLET’S POV Hindi ko alam kung anong nangyari sa 'ming dalawa. Ang dating pagsasama na puno ng pagmamahalan ay tila biglang nagbago. “Ethan naman, hindi ka ba napapagod? Palagi nalang tayong nag-aaway. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko sa ’yo. Gusto ko lang magpahinga kasama ka, bakit parang napapagod ka sa ’kin?" I sound desperate. I just want us to be okay. “Scarlet, you understand me, right? You understand why I am doing this, right?” Nagpakawala ako ng pekeng tawa. “T*ngina naman, Ethan, sinong makakaintindi sa ’yo? Asawa mo ’ko pero nasa iba ang atensyon mo! Imbes na ako ang iniisip mo dahil nasasaktan din ako, t*ng*na nasaan ka? Nando'n ka sa ex-girlfriend mo na childhood friend mo rin! Ethan naman, ako ’yong asawa mo, oh?“ Hindi ko na
SCARLET'S POV Matapos kong libutin ang bahay ay kinuha ko ang susi ng aking kotse. Napagpasyahan kong magmaneho patungo sa bahay ng aking kaibigan. Bago iyon ay tinawagan ko muna siya. “Hello? Aba’t napatawag ka? Kumusta?“ Iyon ang bungad n’ya matapos sagutin ang tawag ko. “Isaac...“ naiiyak na sambit ko sa pangalan n’ya. Sinabi ko lahat sa kan’ya ang nangyari at nag-rant tungkol sa aking nararamdaman. He listened which gave me a comfort. Sinabi n’yang magkita muna kami sa coffee shop na madalas naming tambayan noong highschool pa lang kami at pumayag naman ako. Pinatay ko ang tawag pagtapos. “Wait...“ I feel like something's wrong with my car which I didn't notice a while ago because of the mixed emotions I feel. “D*mn,“ I uttered before everything went black. ** “Scarlet, kapit lang.” “Please, don’t leave us.” “CLEAR!” Maingay ngunit hindi malinaw ang naririnig kong mga salita sa paligid ko. Anong nangyayari? Nararamdaman ko na sobrang gulo ngunit madilim ang pa
SCARLET’S POV “Leave us,” sabi ng lalaking Ethan ang pangalan. Nagpaalam naman sa ’kin ang mga kaibigan ko, maging ang doctor na lalabas muna. “Teka, iiwan n’yo ako rito sa lalaking ’to?” nagmamaktol na sabi ko. Paano kung may mangyaring masama sa ’kin dito? “I mean, no offense, Ethan, you look like kind naman na medyo pumapatay ng tao sa titig pero kasi we’re complete strangers, I’m not comfortable na maiwan tayo sa isang room, kahit pa hospital ’to,” I tried to explain it sa way na hindi s’ya ma-o-offend. Napakagat s’ya sa labi n’ya at makikita sa mukha n’ya ang inis. Lalo namang nag-alala ang mukha ng mga kaibigan ko--well except from Isaac. This man really knows me. Tuluyan na silang umalis atsaka ako nilapitan ni Ethan. “Stop this act right now. It’s not funny,” bulong nito pero mahahalata mo ang gigil sa boses n’ya. Ano raw? Ako, nagpapanggap? “Pardon me, but I don’t get what you’re saying.” I sighed. “Look, I don’t even know who you are and I don’t understand why you’
SCARLET’S POV Nagpapatawa ba s’ya? P’wes, hindi ako natutuwa sa kan’ya! “Alam mo, Alexander, tigilan mo nga kaka-bully mo sa ’kin,” sabi ko atsaka s’ya inirapan. Hmm... natawa ako, maybe this is one of their pranks and they even included other people for it! Bihasa sa pag-prank ’tong bwisit na ’to kaya hindi malabo. “Alright, natawa na ako, stop this prank na, I just want to go home para makapag-rest,” nakikiusap kong sabi. “People, please stop this, hindi na ako natutuwa.” Alexander is well known for being loko-loko sa klase, so maybe this is one of their skits! Ugh! I hate you all! “Naaksidente na ’yong tao, gaganituhin pa,” nagmamaktol kong bulong. “Hindi namin alam paano ipapaliwanag sa ’yo ang lahat dahil nga wala kang maalala, pero kung gusto mo, you can see everything for yourself para malaman mo ang totoo,” bakas ang pagiging seryoso ni Alex, bagay na nakakapanibago. “Alright,” suko ko nalang sa kanila dahil walang patutunguhan ang usapan na ’to sapagkat hindi na
ISAAC VILLAMORA'S POV “Hmm, bakit naman? Anong reason?” Hindi ako makasagot sa tanong n’ya. Hindi ko masabi sa kan’ya na mas gusto ko ang 18 years old na s’ya dahil hindi masaya ang buhay n’ya ngayong 28 years old s’ya. Hindi ko alam pero may parte sa ’kin na na-gi-guilty ako dahil kung hindi ako nagkakamali ay ako ang huling taong nakausap n’ya bago siya dalhin sa hospital. I remember how she cried to me over the phone, I remember the stories she told me, I remember how deep the pain she’s feeling, and I feel like I cannot do anything about it. Gusto kong magalit kay Ethan kanina na kung maka-asta ay akala mo hindi n’ya sinaktan si Scarlet. I know it sounds selfish, but parang pabor sa ’kin na hindi n’ya naaalala si Ethan. Ngayong hindi n’ya naaalala ang asawa, hindi n’ya rin naaalala ang sakit na nararamdaman n’ya. Para s'yang bumabalik sa dating Scarlet na masayahin, masigla, makulit, at matanong. Hindi katulad noong mga nakaraang araw na palagi s’yang umiiyak, walang imi
SCARLET’S POV Nang magising ako ay narito na sina Xette at Kyky. Dala nila ay puro masustansyang pagkain! Mamamatay ata ako dahil pinilit nila akong kainin ’yon. Buti sana kung fishball na lang, baka nag-enjoy pa ako. Sandali pa akong namalagi sa hospital hanggang sa dumating ang araw na p’wede na akong umuwi. “Have you informed Mom and Dad already?” tanong ko kina Isaac. Nagtinginan naman silang tatlo hanggang sa may kotseng pumarada sa aming harapan, si Ethan ang driver. “Shala, may driver pala tayo,” sabi ko atsaka nila ako inalalayan pumasok sa kotse at tinulungan kaming ilagay ang gamit. “Wait, Aren’t you coming with us?” nagtataka kong tanong sa mga kaibigan. Pagtapos kasi nilang ilagay ang mga gamit ay hindi naman sila sumakay. “We have our own service kasi, ingat kayo, dadalawin ka namin palagi,” sabi ni Xette atsaka humalik sa pisngi ko, gano’n din si Kyky. “Alagaan mo s’ya,” iyon lang ang sinabi ni Isaac, kay Ethan pa! Tumingin lang ito sa ’kin atsaka tumalikod
SCARLET’S POV Walang naka-imik sa ’min pagtapos no’n. I don’t know why I feel defeated. Maybe they’re saying the truth, hindi lang ako maka-relate dahil wala akong natatandaan. Nasa gano’n kaming posisyon nang biglang dumating si Isaac kasama si... “Zeus?” tawag ko rito. Bakas ang pag-aalala at saya sa kanyang mukha nang makita ako. “Scarlet,” mahinahon n’yang pagtawag sa ’kin at saka ako niyakap. Hindi ko alam pero napatingin ako kay Ethan na tahimik lang sa aking tabi at nakatingin lang sa ’min ni Zeus. Ako ang bumitaw sa pagkakayakap dahil ang mukha ng aking katabi ay hindi na matantya. “I’m glad you’re safe na, kumusta pakiramdam mo? May masakit pa ba sa ’yo?” sunod-sunod n'yang tanong. Napangiti naman ako bago sumagot. “Ayos lang ako, medyo masakit ang katawan dahil sa mga sugat at pasa pero alam kong magiging ayos din, thanks for asking,” malambing na sabi ko at saka s’ya pina-upo sa aking tabi. Nagulat naman kami nang biglang tumayo si Ethan at pumagitna sa ’min. Pi
SCARLET’S POV “Ano bang sinasabi mo kanina? Anong divorce at si Isaac nag-aasikaso? Wala naman s’yang nabanggit sa ’kin e,” kanina ko pa kinukulit si Zeus na sabihin kung ano ’yong sinabi n’ya kanina dahil sobrang confused ang lola mo! Sarili kong divorce, wala akong nababalitaan? Pa’no naman ako pipirma? “Ask Isaac,” for the nth time, ’yang ang sagot n’ya! Bakit hindi na lang n’ya sabihin? Aba’y kung hindi s’ya magsasabi, mas hindi magsasabi ’yong sinasabi n’yang pagtanungan ko! Kahit umiyak pa ’ko ng dugo ro’n kay Isaac, hindi ’yon lalambot! “Zeeeeuuuusssss,” nagmamakaawang pagtawag ko sa pangalan n’ya pero umiling lang ito. Gano’n? Ako ang nililigawan pero hindi ma-expose si Isaac? Sino ba talaga nililigawan sa ’min. Narito pa rin kami ngayon sa bahay ng mga Collins at masasabi kong talaga namang sobrang swerte ko kung sina Tita Anji at Tito Benj ang byenan ko. Umalis sila ngayon dahil may business meeting pa silang pupuntahan. Nilibot ako ni Zeus sa bahay nila at tala
SCARLET’S POV Narito ako ngayon sa bahay ng mga Collins dahil hindi ako sumunod kay Ethan. Iniwan ko siya sa bahay at sumama kay Zeus. Nako, Scarlet Shim! Huli na para makonsensya! Nandito ka na kina Zeus oh. I-meet mo nalang si Tita Anji at Tito Benj! “Excited ako na kinakabahan,“ sabi ko kat Zeus habang nag-aantay kami. Hinawakan naman n’ya ang kamay ko para pakalmahin ako at ’wag na kabahan. Bakit ba ang sweet nitong lalaking ’to? Maya maya pa ay bumaba na sina Tita Anji at Tito Benj. Agad naman akong tumayo upang salubunhin sila at magmano. “Good morning po,“ bati ko sa mga ito. Hindi makapaniwalang nakatingin sa ’kin sina Tita at Tito at nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Tita Anji. “Scarlet! You look so beautiful, hija.” Agad naman akong kinilig sa papuri ni Tita. Enebe kasi naman ’yan. Close kami ni Tita Anji noon pa man dahil alam n’yang may gusto ako sa anak n’yang si Zeus. Dati nga ay nirereto pa n’ya ako sa Kuya ni Zeus na si Zeian pero sinabi ko sa kan’ya
SCARLET’S POV Here he is! Bakit ba palagi nalang s’yang hadlang sa love story namin ni Zeus? Nakakairita s’ya! Madilim ang mukha n’yang lumapit sa ’min at agad ako nitong inakbayan. “What are you doing here? Didn’t I talk to you last time? And you’re here again?” sarkastikong tanong ni Ethan kay Zeus. Inalis ko naman ang pagkakaakbay n’ya sa ’kin kaya lalong nag igting ang kan’yang panga. “Don’t be stubborn, Baby, please?” pinipilit n’yamg kumalma upang papasukin ako pero hindi ako nagpatinag! “Ethan naman, diba nag-usap na tayo? Alam mo ang nararamdaman ko, p’wede 'wag ka ng umepal? Please???” Pinanlakihan ko s’ya ng mata na agad naman n’yang na-gets pero ang mata n’ya ay sobrang nakaka-bother. “Palalampasin ko ’tong ngayon pero sana huli na ’to,” madiin na sabi nito kay Zeus at saka bumaling sa ’kin. “We’ll talk later,” baling nito sa ’kin at saka pumasok sa loob. Galit naman nitong isinarado ang gate. Inirapan ko naman ang daan kung saan s’ya pumasok at saka muling bumal
SCARLET’S POV “WHAT DO YOU MEAN BY THAT?” Mataas ang boses na tanong n’ya sa ’kin. Ang emosyon sa kan’yang mga mata ay magkahalong gulat, inis, at sakit. Tama ba ’tong ginagawa ko? “You know what I mean, Ethan,” mahinahong sabi ko, nagpapaintindi. Umiling ito at saka ako niyakap nang mahigpit. “No! We're not going to end this! We’re not separating our ways! We’re not f*cking breaking up! We will fix this, right? Let’s help each other with this, please,” nanginginig ang kan’yang boses, talagang nagmamakaawa ito na hindi ko ito iwan pero paano naman ang tunay kong nararamdaman? Sa totoo lang, naaawa ako sa kan’ya pero sapat ba ’yon para manatili ako? “Ethan, I don’t want to hurt you--I’m not selfish. I don’t love you, you know I love someone else,” si Zeus ang aking tinutukoy sa aking tinuran. “Baby, please, don’t scare the hell out of me. Hindi mo lang maramdaman na mahal mo ako dahil hindi mo naaalala ang pinagsamahan natin. Give it a chance,” talagang nagmamakaawa s’ya.
SCARLET’S POV Napakahigpit ng yakap sa ’kin ni Ethan habang hinahaplos n’ya ang aking buhok. “Shh, I am here, don’t be scared na,” pagpapatahan nito sa ’kin ngunit sadyang nanginginabaw ang takot na nararamdaman ko. Aaminin ko naman na medyo gumaan na ang pakiramdam ko ngayong nandito s’ya sa tabi ko. “Sorry for leaving you alone here, Baby,” dagdag pa nito at saka ako hinahalikan sa noo. “M-may baby,” umiiyak na sumbong ko sa kanya at mas lalo akong naiiyak kapag naaalala ko yung itsura. “Shh, it’s just a dream,” pagpapaalala nito sa ’kin at saka ako inabutan ng inumin. “Here, drink ka muna and if you want to go back to sleep, babantayan kita,” nagpapakalma sa ’kin ang boses n’ya. Nang matapos akong uminom ay muli akong nahiga ngunit tulala lamang ako. Bigla ay naalala ko lahat ng napanaginipan ko. Mula sa aking nakita hanggang sa aking mga narinig. Humiga siya sa tabi ko at bahagya akong niyakap. Hinayaan ko na muna ito at hindi inalis dahil nakapagpapakalma ito sa nara
SCARLET’S POV Naging masaya ang gabing ’yon kasama ang mga kaibigan ko. Wala akong maramdaman na iba kundi saya lang--hindi ko alam pero sobrang ginhawa ng aking puso. Sa hindi malamang dahilan ay parang may tinik na nakabara sa puso ko na natanggal noong gabing ’yon. Dito rin sila natulog no’n dahil hindi na naman umuwi si Ethan. Ayaw sana nilang umalis ngunit pinaalala ko sa kanila na may kailangan pa silang gawin sa buhay nila. Willing naman silang mag-stay pero hindi ako willing i-consume ang mahalaga nilang oras. Mag-isa ako ngayon at nakahiga sa kwarto, hindi ko alam ngunit sobrang sakit ng puso ko. Ano bang problema nito? Kusang tumutulo ang mga luha ko, bagay na hindi ko maipaliwanag sa sarili ko. Alam mo iyong sakit ng dibdib dahil sa sobrang kaba? Gano’n ang nararamdaman ko at hindi ako mapakali. Something doesn’t feel right, but I cannot seem to determine what is wrong. Normal pa ba ako? Maya maya lang ay may kusang pumatak na luha sa mga mata ko, tuloy tuloy ang ago
SCARLET’S POV Pilit kong ibinabaling ang atensyon ko sa mga kasama ko ngayon sa bahay at nagtagumpay naman ako. Meron nga lang 10% sa utak ko na iniisip pa rin ang tampo kay Ethan pero ayos lang, nandito naman itong mga ’to para pasayahin ako. Nagkukwentuhan kami ng kahayupan namin noong highschool kami, para naman daw maka-relate ako sabi ni Isaac. Hindi ko alam kung nang-aasar ba s’ya o concern s’ya sa ’kin. Katabi ko siya ngayon at kasalukuyang nakasandal ang ulo ko sa balikat n’ya. I feel comfortable with this man. Hindi nakakatakas sa ’kin ang palihim na tingin ni Zeus, mag-iiwas naman ito kapag titingin ako. Hay nako, Zeus, umamin ka na at may pag-asa ka naman sa ’kin. Ligawan mo ’ko at sasagutin naman kita e! Ang usapan naming matino ay napunta sa asaran hanggang sa napunta sila sa panlalait! Ilayo n’yo ako sa mga ’to. “Makapagloko akala mo gwapo, mas gwapo pa nga ako ro’n,” sabi ni Isaac, patukoy doon sa nanligaw sa ’kin noon at nagustuhan ko rin pero niloko naman
SCARLET’S POV “Hala, bakit n’yo lang ako dinalaw?” nag-iinarteng tanong ko sa mga kaibigan ko. Nandito ngayon sa bahay sina Isaac, Xette, Ky, at may bonus pang si Zeus! “Hindi ba dapat ikaw ma-miss namin? Bakit parang ikaw ang miss na miss kami?” nakangiwing tanong ni Isaac na akala mo ay hindi ako na-miss! Narito kami ngayon sa sala at ipinaghanda ko sila ng meryenda na sabay-sabay naming pinagsaluhan. Maya maya pa ay lumapit sa ’kin si Ethan at in-excuse ako sa mga kaibigan ko. “Scarlet, I need to go, have fun with your friends, okay? Ask them to stay here first. If you want them to stay here for a while, the guest rooms are available, they can sleep here,” sabi nito at talaga namang agad akong na-excite. Pero teka? Bakit parang tunog hindi s’ya uuwi? Saan ba punta n’ya? Gusto ko s’yang tanungin pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. “Okay sige, ingat ka,” malamig kong sabi at hindi ko maintindihan bakit malamig kong sinabi ’yon? Nag-alala naman ang itsura ni Etha
SCARLET’S POV. Kung hindi lang umawat si Ethan ay talagang mag-aaway kami ng babaeng ’yon. Ang bait bait ko tapos gaganunin n’ya ako? Tanga ba s’ya? I’m so proud of myself dahil hindi s’ya nakahawak sa ’kin maski isa! Tinanggap tanggap ko s’ya rito para ganunin ako? “Hey,” kanina pa ’yan si Ethan nagpapapansin sa 'kin. Hindi ko s’ya pinapansin dahil nakakainis ’yong bisita n'ya. “Iyon pinalit mo sa ’kin? Ang chaka ng ugali!” naiinis na sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga na naman s’ya dahil alam kong magpapaliwanag s’ya na hindi naman n’ya ’yon bago at hindi n'ya ako papalitan dahil hindi naman n'ya gusto ’yon. Sus? Tinawag nga s’yang love at namimiss daw s'ya, may pa-i love you pa ang kingina. Ano bang dapat kong isipin do’n? Ilang minuto kaming hindi nagkibuan hanggang sa inaya n’ya akong mag-date daw at kumain ng paborito kong ice cream para mabawasan ang init ng ulo ko. Pumunta kami sa mall at pumunta sa isang ice cream parlor. “What flavor do you want to have?” tanong