Share

Kabanata 7

Karaniwan na para kay Ynnah na makarinig pa rin ng mumunti at banayad na tunog kahit walang suot na hearing aid. Pinilit niya ang katawan na bumangon, kinuha ang gamot mula sa bedside table, at ininom ang mga ito sa kabila ng mapait at maasim na lasa ng mga ito.

Matapos umalis sa tahanan nila ni Adrien, kung saan siya nanirahan nang tatlong taon ay pinili muna niyang umuwi sa villa ng mga Cervantes dahil wala na siyang ibang mapupuntahan.

Ngunit pagtapak pa lamang sa pintuan, narinig niya ang pag-uusap ng kanyang ina at nakababatang kapatid na si Yvo.

“Hindi ko talaga maintindihan kung bakit minalas ako at nagkaanak ng walang kwenta! Tatlong taon na pero hindi pa rin nagagawa ni Ynnah ang gusto ko. Adrien hadn’t touched her ever since! Paano sila magkakanak?!”

“Ano pa ba ang aasahan natin kay Ynnah, Ma? Matigas ang ulo at ngayo’y gusto pang makipag-divorce sa asawa niya. She’s crazy!”

Ang galit na mga salita ni Yvo ay parang matalim na kutsilyong tumusok sa puso ni Ynnah. Hindi niya maintindihan—ano ba talaga ang halaga niya sa pamilya niya. Ano ba ang kulang sa kaniya at kailangan pa niyang patunayan ang sarili niya para tanggapin ng mga ito?

“Parang hindi nag-iisip si Ynnah. Kung umasta ay akala mo hindi Cervantes. I heard from outside that Adrien’s first love has come back. Kahit hindi pa makipag-divorce si Ynnah sa asawa niya, mapapalayas din siya dahil sa kakitiran ng utak niya.”

“In this case, I guess what we need to do is to plan for our future. Hindi ba’t kamamatay lang ng asawa ni Mr. Santos? Kahit may problema sa pandinig si Ynnah, sa tingin ko naman ay maaari siyang mapangasawa ng isang matandang nasa otsenta anyos na…” dagdag pa Yvo.

Blangko ang mukha ni Ynnah habang patuloy na pinapakinggan ang mga masasakit na salita ng kaniyang ina at kapatid. Sinusubukan niyang huwag dibdibin ang mga ito. She took her phone and saw the text message notification that popped up on her screen. Awtomatikong naisip niyang si Adrien ang nag-text sa kaniya, ngunit nang buksan niya ito, doon niya lamang natanto na ang text ay galing sa kaniyang abogado.

‘Ynnah, naipadala ko na ang kasunduan sa paglipat ng ari-arian kay Adrien, pero hindi niya ‘yon nagustuhan. It’s better to just think of yourself in the future.’

Suminghap siya bago nagtipa ng sagot sa text na ‘yon.

‘I’m sorry about that, Attorney. I’ll keep that in mind.’

Kinagat niya ang ibabang labi. Naisip niya na ang paglilipat ng mga assets niya kay Adrien ay ang tamang gawin. Ayaw niyang mabaon sa utang kay Adrien dahil sa ginawa ng pamilya niya rito. It was a pity that her assets were only a little compared to what his family had given them before marriage. Naisip niyang baka kailangan niya dalhin habambuhay ang pagkakunsensya dala ng kung paano niloko ng ina at kapatid niya si Adrien.

Hindi kumain si Ynnah ng anuman sa loob ng dalawang araw, at hindi siya nakaramdam ng kahit katiting gutom. Hanggang sa maramdaman niyang ang katahimikan sa paligid niya ay nakakakilabot.

Nagsuot siya ng hearing aid at uminom ng gamot, ngunit wala pa rin siyang marinig na kahit ano… Natatakot siya na kapag tumawag si Adrien para asikasuhin ang kanilang divorce ay hindi niya ito maririnig.

Nagpasya si Ynnah na pumunta sa malapit na ospital para magpatingin.

Sa ospital, sinuri ng doktor si Ynnah  at nakita ang tuyong dugo sa kanyang tainga. Sa parehong araw, nakainom si Ynnah ng mga gamot at bahagyang bumalik ang kanyang pandinig.

“May I know what happened? How long have you been sick?” pormal na tanong ng doktor.

“Mahina na po talaga ang pandinig ko simula nang ipanganak ako,” sagot niya.

Nagtataka siyang inobserbahan ng doktor. Sa isip nito, mukha pa siyang bata at hindi mahahalatang nasa early 20’s na. Nang dumating siya roon sa opisina nito, hindi rin halata na may ganoon siyang kalalang kondisyon. The doctor couldn’t help but pity her.

“Hija, sa totoo lang, kung magpapatuloy ang kondisyong ito ay maaari kang tuluyang mawalan ng pandinig. In the future, even hearing aids will no longer work.”

Nawala ang pag-asa sa mga mata ni Ynnah, at parang may nakabara sa kanyang lalamunan, hindi siya makapagsalita.

Bumaling ang doktor sa pintuan. “Mag-isa ka lang ba dito? Nasaan ang pamilya mo?”

Pamilya?

Naalala ni Ynnah ang kanyang ina na lubha siyang kinamumuhian, pagkatapos ang kanyang kapatid na gusto siyang ipakasal sa matandang lalaki, at ang kanyang asawa na si Adrien, na tatlong taon nang nandidiri sa kanya. Sa huli, ang tanging naisip niya lamang na tunay niyang pamilya ay ang yumao niyang Daddy.

Napagtanto niyang wala na siyang pamilya simula nang linisan nito ang mundo.

Pinipigilan ni Ynnah ang pait sa kanyang lalamunan at sa wakas sinabi sa doktor, “Wala na ho akong pamilya, dok…”

***

Umaambon na sa labas nang makalabas siya ng ospital. Hindi niya mawari ang sunod-sunod na pag-ulan sa Maynila nitong mga nakaraang araw. Nagmamadali ang mga tao sa paglalakad, ang iba ay may kasama habang nakapayong, may kakwentuhan sa daan, habang siya ay nag-iisa.

 Walked under the rain. Hindi niya alam kung saan pupunta. Natatakot siya sa pag-iisip na hindi na siya makakarinig pa sa hinaharap. Bago pa niya matanto, napabili siya ng ticket palabas ng Maynila at pinili na lamang pumunta ng probinsya upang bisitahin ang kaniyang yaya, si Dolores.

Gabi na nang makarating siya sa tahanan nito. Nakatayo si Ynnah sa harap ng lumang bahay na gawa sa ladrilyo, nag-aalangan kung kakatok sa pinto. Sa mga nagdaang taon, dahil naging busy siya sa pagiging asawa kay Adrien, ay hindi na niya nabigyan pa ng oras ang yaya niya na nag-aruga sa kaniya noong bata pa siya.

Habang nag-aalangan siyang kumatok, biglang bumukas ang pinto mula sa loob at sumambulat sa mga mata niya ang munting liwanag mula sa sala. Tuwang-tuwa naman si Dolores nang makita siya.

“Ynnah!”

Malapad ang ngiti ng ginang, halos mangilid ang luha nang higitin siya para sa isang mahigpit at mainit na yakap.

“Y-Yaya…”

Ang kaniyang Dolores ay hindi nagkaroon ng asawa o maging ng sariling mga anak. Para kay Ynnah, mas malapit pa siya sa yaya niya kaysa sa kanyang tunay na ina. Napansin ni Yaya Dolores ang kalungkutan niya, at marahang hinaplos ang kanyang balikat.

“May problema ba, palangga? Bakit naman malungkot ang alaga ko?”

Nanginig ang labi ni Ynnah. She never let anyone see her weaknesses until now. Noong huli niyang hinayaang maging mahina ang sarili ay ang mismong araw na namatay ang kaniyang ama.

“W-Wala po, Ya. N-Na-miss ko lang po kayo. I missed you so much po…” naiiyak niyang sabi.

Hinaplos ng Yaya Dolores niya ang kaniyang pisngi. Makikita sa mga mata nito na sinusuri nito ang emosyon sa kaniyang mga mata, ngunit hindi na ito nag-usisa pa.

“Namiss din kita, palangga ko… Ynnah …”

Agad siyang pinapasok ng Yaya Dolores niya sa loob ng tahanan nito nang mapansin na basing-basa na siya ng ulan. Sa gabing ‘yon, walang ibang ginawa si Ynnah kung hindi ang yumakap sa kaniyang Yaya. She felt like she was back to being a child again. Mahigpit din naman siyang niyakap nito, hindi maiwasang malungkot dahil sa kaniyang katakut-takot na payat na katawan, halos walang laman.

“Tinatrato ka ba nang maayos ni Adrien, palangga?” maingat na tanong ni Dolores.

Nag-init ang lalamunan ni Ynnah nang marinig ang pangalan ng lalaki. Naisip niyang sabihin sa Yaya niya na maayos naman ang trato sa kaniya ni Adrien, pero alam niyang hindi niya maloloko ang ginang na nag-aruga sa kaniya.

“Bumalik na po ang babaeng mahal niya, ‘Ya. I should let him go. Magdi-divorce na po kami,” sagot niya sa malungkot na boses.

Nagulat naman si Dolores sa nalaman. Noon kasi ay palaging sinasabi ni Ynnah na gusto nitong tumanda kasama ang asawang si Adrien.

Nang mapansin na tumahimik ang kaniyang yaya at bumuntonghininga, mahigpit niya itong niyakap.

“Ya, pwede bang maging katulad mo na lang ako? Hindi na ako mag-aasawa. Magiging mag-isa at independent habambuhay.”

“Nababaliw ka ng bata ka. Huwag kang magsalita ng ganiyan, okay? Mahaba pa ang buhay mo. Kahit iwanan mo si Adrien, may iba pang magmamahal at mag-aalaga sa iyo.”

Tahimik na umo-oo si Ynnah, ang kanyang isipan ay natabunan ng mga ugong sa kanyang tainga. After more than a decade of one-sided effort, she knew better than anyone how hard it was to love someone. Now, in her current state, how could she be worthy of anyone's love?

Ang mga luha ay dumaloy sa kanyang pisngi, bumabasa ng damit ni Dolores.

Kinabukasan, nagising si  Ynnah nang nag-iisa… naguluhan kung paano siya napunta roon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status