Hindi inaasahan ni Tristan na nakatayo pala si Casper sa likuran at kalmadong nakatingin lamang sa kanya.Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Tristan at diretsahang nagsalita kay Casper.“I don't like you in this school. This will be your last here, so tell your parents to find another school,” sabi ni Tristan sa kanya.Nang marinig iyon ni Casper, nanatiling kalmado ang kanyang mukha, at naglakad siya patungo sa lababo upang hugasan nang maigi ang kanyang kamay.“For what reason?” tanong ni Casper sa kanya.“It's because I came from Alleje family and would become the future heir of the our company!” sigaw ni Tristan sa kanya, ang mukha ay nababalutan ng pagkamayabang.Kilala ang Alleje's Group dito sa Pilipinas at walang sinuman ang hindi nakakakilala sa kanila.“Kapag magkamali kang kalabanin ako, hinding-hindi na makakaapak ang mga magulang mo dito dahil ang paaralang ito ay suportado ng pamilya namin!” sigaw ni Tristan sa kanya. “Kung sinabi kong umalis ka, umalis ka na!”Napataas nama
Biglang naalala ni Ynnah na maaaring natatandaan ni Adrien ang lugar na ito at baka gagamitin niya ito upang pilitin siyang paaminin na wala talaga siyang amnesia pero hindi...Hindi siya aamin.Gamit ang malapad na kamay ni Adrien, agad niyang hinawakan ang steering wheel nang mahigpit na parang may alanganin na reaksyon.“How's the baby, Ynnah?” tanong ni Adrien sa kanya.Biglang naalala ni Adrien na noong ibinigay ni Benjamin ang medical file about kay Ynnah, nakalagay doon na dalawang linggo na siyang buntis.Hindi siya nagtanong dahil hinihintay niyang magkusa sa pagsasabi sa kanya si Ynnah.“A-Anong baby?” nauutal na tanong ni Ynnah. Hindi niya inaasahan na marinig ito mula kay Adrien.Itinigil ni Adrien ang sasakyan at tinitigan si Ynnah na ngayon ay tila depressed na.“Alam ko na buntis ka, Ynnah,” sambit ni Adrien.Napatutok lamang ang kanyang mga mata sa direksyon ni Ynnah at tila ba parang gusto niyang makita pati ang buong pagkatao ni Ynnah.Bigla namang kinabahan si Ynnah
Sa maulang lungsod ng Maynila, Sa entrada ng isang pribadong ospital, nakatayo ang isang payat at maputlang babae; si Ynnah, nanginginig ang mga kamay habang hawak ang resulta ng kaniyang pregnancy test result. Tila ba sampal sa pagkababae niya ang resultang nakasaad doon.‘Not pregnant’ “This is ridiculous! Tatlong taon na kayong kasal pero hindi ka pa rin mabuntis-buntis?” singhal sa kaniya ng kaniyang ina si Claudia Cervantes. “Bakit ba napaka-walang silbi mo? Kung hindi ka mabubuntis ay ibabasura ka ng mga Alleje! Ano na lang ang mangyayari sa ating pamilya kapag nangyari ‘yon?”Hindi pa nakuntento ang ina niyang nakasuot ng marangyang kasuotan, at dinuro siya kahit pa maraming tao ang nakamasid sa kanila mula sa lobby ng ospital. Ang mga mata nito ay puno ng disgusto at pagkadismaya. Ni walang makikitang pagmamahal.Blangko ang mga mata ni Ynnah nang matitigan ang ina. Ang mga salitang kanina pang umiikot sa kaniyang isipan ay tuluyan nang kumawala sa kaniyang labi. “P-Patawad
Sa taxi, papasok sa parking ng kumpanya. Habang nasa byahe ay tahimik siyang nakatingin sa bintana. Patuloy ang malakas na pag-ulan at tila ba hindi hihinto anumang oras. Ayaw na ayaw ni Adrien na bumibisita siya sa kumpanya. Kapag bumibisita siya rito ay inaabangan niya itong palagi sa exclusive elevator nito sa parking. Nang makita siya ng personal assistant ni Adrien na si Lucas ay agad siya nitong tinawag. “Ms. Cervantes!” Ms. Cervantes… dahil walang nakakaalam sa kumpanya na siya ang nag-iisang misis ng lalaki. Napadako ang tingin ni Adrien sa kaniya at nakita ang phone na hawak niya. Agad na kumunot ang noo ng lalaki sa pag-iisip na palaging gano’n ang ginagawa niya. Sa tuwing may makakalimutan siya ay hinahatid ito ni Ynnah sa kumpanya na parang isang katulong. “Didn’t I say you don’t have to come here to send my things?” Napakurap si Ynnah at napayuko. “I-I’m sorry. Nakalimutan ko.” Ngunit ang totoo ay lubha lamang natakot si Ynnah dahil sa text message ni Monique. N
"Siguro, hindi ka pa nakaranas ng tunay na pag-ibig hanggang ngayon, tama ba ako, Ynnah? Alam mo ba na kapag kasama ko si Adrien, siya mismo ang nagluluto para sa akin? He would come to me immediately whenever I am sick. He always wants to make me feel happy…” Tumawa si Monique at humalukipkip. “Ni minsan ba ay sinabi niyang mahal ka niya? Kasi ako, ilang beses kong narinig sa kaniya na mahal niya ako. He’s very sincere to me…” Tahimik lamang na nakinig si Ynnah, iniisip ang mga nagdaang tatlong taon na kasama niya si Adrien. Ni minsan ay hindi siya nito pinagluto. Kapag siya'y may sakit, hindi rin ito nagpapakita ng kahit anong malasakit. Ni hindi nito kailanmang sinabing mahal siya nito. “Tapos ka na ba?” kalmado niyang wika at bumaling sa babae. Natigilan si Monique, hindi alam kung dahil ba ito sa pagiging kalmado ni Ynnah o dahil sa hindi niya mabasa ang mga damdamin nito sa mga mata nito. Nang hindi magsalita ay tumayo si Ynnah at iniwan ang babae sa harap ng mansyon. Nanggi
Saka lamang napagtanto ni Ynnah na matagal nang alam ng kaniyang ama na hindi siya mahal ni Adrien. Gayunpaman, pinirmahan pa rin nito ang kontrata ng business marriage para sa kaniyang kaligayahan, upang maikasal siya kay Adrien gaya ng kaniyang kagustuhan. Walang nag-akala na bago pa siya maikasal kay Adrien ay magkakaroon ng aksidente ang kaniyang ama. Kung hindi lang sana namatay ang kaniyang ama… hindi sana napilitang tuparin ng kaniyang kapatid at ina ang nakapaloob sa kontratang ‘yon.Pagkatapos ibigay ni Ynnah sa kaniyang abogado ang lahat ng dokumentong kailangan para sa paglilipat ng ari-arian, napansin niya ang malaking billboard ni Monique sa tabi ng kalsada habang pauwi. Napakaganda ng babae sa billboard na ‘yon, nagniningning ang mga mata sa kasiyahan. Alam ni Ynnah sa sarili niya na panahon na para magpalaya… palayain si Adrien at ang sarili niya sa malungkot niyang sitwasyon. Pagdating sa mansyon ay agad siyang nag-impake. Sa loob ng tatlong taon, ang tanging pag-aa
Nagmamadaling nagtungo si Ynnah sa kaniyang kuwarto. Mabilis niyang binuksan ang cabinet sa banyo at inabot ang mga gamot niya. Pagkakuha ng ilang piraso nito ay pilit niyang nilunok ang mga ‘yon. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kaniyang mga tainga, at naramdaman ang pulang likidong bumabasa sa kaniyang mga daliri. Nag-aalala niyang inalala ang payo ng kaniyang doktor, “Miss Ynnah, para mabawasan ang paglala ng sakit mo ay dapat umiwas ka sa kahit anong stress. You have to be strong and remain positive. It’s also important that you take your medicines regularly.”Nanginig ang ibaba niyang labi. Madaling sabihin na magpaka-positibo sa buhay ngunit napakahirap niyon gawin.Sinikap ni Ynnah na isantabi ang mga masasakit na sinabi ni Adrien. She went to bed and tried to close her eyes but she could hardly get herself to sleep. Binuksan niya ang mga mata at napatingin na lamang sa kisame. Ilang saglit pa ay naramdaman na niya ang pagkawala ng sakit ng kaniyang mga tainga, indikasyon na
Pinakatitigan ni Adrien ang numero ni Ynnah , at sa huli’y nagpasya na huwag itong tawagan. Ni hindi pa tumatawag o nagti-text si Ynnah sa kaniya upang humingi ng tawad sa araw na ‘yon, dahilan para umusbong ang iritasyon sa kaniyang dibdib. “Let’s see how long you can endure this crap,” bulong niya. Ibinaba ni Adrien ang kanyang phone at naglakad patungo sa kusina. Nang buksan niya ang refrigerator, siya ay natulala. Makikita sa loob nito ang ilang mga pagkain at kung anu-anong herbal medicine. Kinuha niya ang isang ng herbal drink at binasa ang nakalagay sa label nito. Ang herbal drink ay para gamutin ang pagiging infertile ng isang babae…Napasimangot si Adrien sa hindi kaaya-ayang amoy ng niyon. Naalala niya ang amoy ni Ynnah nitong mga nakaraang linggo, at mukhang ‘yon ang pinagmulan niyon. He couldn’t help but smirk a bit. Nababaliw na nga talaga si Ynnah para isipin na mabubuntis ito sa pamamagitan ng mga gamot na ‘yon. Ni hindi nga niya ito tinatabihgan sa kama kaya’t napaka