Share

I WANT TO DIVORCE MY HUSBAND: CRY OF THE UNWANTED DEAF WIFE
I WANT TO DIVORCE MY HUSBAND: CRY OF THE UNWANTED DEAF WIFE
Author: Beanie Gold

Kabanata 1

Sa maulang lungsod ng Maynila,

Sa entrada ng isang pribadong ospital, nakatayo ang isang payat at maputlang babae; si Ynnah, nanginginig ang mga kamay habang hawak ang resulta ng kaniyang pregnancy test result. Tila ba sampal sa pagkababae niya ang resultang nakasaad doon.

‘Not pregnant’

“This is ridiculous! Tatlong taon na kayong kasal pero hindi ka pa rin mabuntis-buntis?” singhal sa kaniya ng kaniyang ina si Claudia Cervantes. “Bakit ba napaka-walang silbi mo? Kung hindi ka mabubuntis ay ibabasura ka ng mga Alleje! Ano na lang ang mangyayari sa ating pamilya kapag nangyari ‘yon?”

Hindi pa nakuntento ang ina niyang nakasuot ng marangyang kasuotan, at dinuro siya kahit pa maraming tao ang nakamasid sa kanila mula sa lobby ng ospital. Ang mga mata nito ay puno ng disgusto at pagkadismaya. Ni walang makikitang pagmamahal.

Blangko ang mga mata ni Ynnah nang matitigan ang ina. Ang mga salitang kanina pang umiikot sa kaniyang isipan ay tuluyan nang kumawala sa kaniyang labi.

“P-Patawad po…” tanging wika niya.

“Hindi ko matatanggap ang paghingi mo ng tawad, Ynnah! Wala ka talagang kwenta sa pamilya natin! Ang gusto kong mangyari ay magkaroon ka ng anak kay Adrien Alleje! Naiintindihan mo ba ako ha? Gawin mo ang lahat para magkabata sa sinapupunan mo!”

Nanuyo ang lalamunan ni Ynnah sa narinig, hindi niya alam kung paano sasagutin ang ina. Ang totoo ay kahit pa tatlong taon na silang kasal ni Adrien ay ni minsan ay hindi siya sinipingan nito, ni tinabihan sa kama. Kaya paano sila magkakaroon ng anak?

Tiningnan siya ng ina mula ulo hanggang paa, at saka napailing na lamang bago nanunuyang nagsalita, “Kung talagang hindi mo kayang bigyan ng anak ang asawa mo, pwes humanap ka ng babaeng pwedeng gumawa niyon para sa kaniya. Baka pasalamatan ka pa ni Adrien kung gagawin mo ‘yon!”

Pagkasabi nito ay tinalikuran siya ng ina. Tulalang pinagmasdan lamang ni Ynnah ang papalayong ina, ang mga mata niya ay hindi makapaniwala.

Talaga bang sinuhestiyon ng sarili niyang ina na hanapan niya ng ibang babae ang kaniyang asawa?

Suminghap siya at nanginginig na napayuko.

Habang nakaupo sa kotse pauwi ng mansyon ay patuloy na sumasagi sa isipan ni Ynnah ang mga sinabi ng kaniyang ina, hanggang sa marinig niya ang nakaririndig tunog sa kaniyang mga tainga. Hindi lingid sa kaalaman niya na lumalala na ang kaniyang sakit.

Kasabay niyon ay nakatanggap siya ng text message.

Adrien:

I’m not going home tonight.

Tatlong taon na silang kasal, ngunit hindi umuuwi sa gabi ang asawa niya sa mansyon, dahilan kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magtabi sa kama.

Adrien didn’t like her at all. Tanda pa ni Ynnah ang mga salitang binitiwan ni Adrien matapos nilang magpakasal tatlong taon na ang nakalilipas.

“If your family dares to betray this business marriage, I won’t let you off the hook.”

Kinagat niya ang ibabang labi. Tatlong taon nang maikasal sila ay naging isa ang negosyo ng dalawang pamilya. Parehong nangako ang mga Alleje at mga Cervantes sa mga benepisyong makukuha sa alyansang dulot ng kasal nila ni Adrien. Sa mismong araw ng kanilang kasal, ay tuluyan nang kinamkam ng mga Cervantes ang lahat ng mga assets, pati na rin ang bilyon-bilyong pera na binigay sa kanya ng asawa.

Sa pag-iisip nito, ay nakaramdam siya ng pagkakunsensya, at sinagot ang text message ng asawa sa masunuring tono.

Ynnah:

Okay.

Ang pregnancy test result na nasa kaniyang kamay ay tuluyan nang nagusot. Nang makauwi ay tahasan niya ‘yong tinapon sa basurahan.

Ramdam niya ang pagod kaya naman hindi na siya naghanda ng hapunan at dumiretso na sa couch nang makaramdam ng  antok. Rinig pa rin niya ang nakaririnding tunog sa kaniyang tainga… isa sa mga bagay na pinaka-ayaw sa kaniya ng asawang si Adrien. Mahina ang kaniyang pandinig. Isa sa mga disabilidad niya at kahihiyan ng kanilang pamilya.

Kung gano’n nga naman siya ay paano siya magugustuhan ng asawa?

Nang muling imulat ang mga mata’y napansin niya ang antigong orasan na nakasabit sa pader. Mag-a-alas singko na nang umaga. Isang oras pa’t uuwi na si Adrien! Doon lamang napagtanto ni Ynnah na nakatulog siya sa couch. Nagmamadali siyang bumangon upang ipaghanda ng almusal ang asawa, takot na baka mahuli siya sa pagpeprepara ng pagkain nito.

Istrikto si Adrien sa trabaho nito, kaya naman mas pinapahalagahan nito ang oras. Naalala pa niya nang magpunta siya sa libing ng kaniyang ama, nakalimutan niyang umuwi nang maaga upang ipaghanda ito ng pagkain. Dahil doon ay hindi siya kinausap nito nang halos isang buwan.

Sa pagsapit ng alas sais ng umaga ay dumating na nga ang kaniyang malamig na asawa.

Suot ang Italian suit sa matipuno nitong katawan at makikitaan ng malamig na ekspresyon, napaka-gwapo ng mukha nito at naghahatid ng misteryosong awra.

Ngunit sa mga mata ni Ynnah ay isa itong mailap at malamig na lalaki.  Ni hindi man lang ito tumingin sa kaniya, bagkus ay dumiretso ito sa mesa at naupo.

“You don’t need to prepare breakfast for me in the future,” anito.

Nagulat si Ynnah sa narinig. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ni Adrien sa mga salitang iyon.

“M-May nagawa ba akong mali?” nag-aalala niyang tanong.

Nag-angat ng ulo si Adrien at mataman na binuksan ang mga bibig upang magsalita.

“I want a wife, not a nanny.”

Sa isip ni Adrien, tatlong taon na ang lumipas, ngunit hindi nagbago ang babaeng kaniyang pinakasalan. Kung umasta ito’y parang katulong niya. She was too plain in her dull clothes. She was submissive like a slave! Kung hindi lamang dahil sa negosyo, at sa matatamis na mga salita ng mga Cervantes ay hinding-hindi niya pakakasalan ang babaeng nasa harapan niya ngayon!

Hindi niya deserve ang magkaroon ng asawang gaya ng isang Ynnah Cervantes.

Gusto niya ng totoong asawa, hindi isang katulong!

Samantala ay muling narinig ni Ynnah ang nakaririnding tunog sa kaniyang tainga. Tila ba mas malakas pa iyon ngayon kumpara noon.

Napapikit siya at napahawak sa kaniyang tainga bago sabihin ang katagang pinaka-ayaw na marinig ni Adrien mula sa kaniya.

“Okay…”

Tikom ang labi, tila ba nawalan ng gana si Adrien. Nawala rin ang interes niya sa masasarap na pagkaing hinanda ng asawa para sa kaniya. Tumayo siya at akmang aalis na.

“A-Adrien, may ibang babae ka bang nagugustuhan?”

Ang mga salitang ‘yon ang bigla na lamang nagpabago ng emosyon sa mga mata ni Adrien. Binalingan niya ito na may kunot na noo.

“What do you mean?”

Nag-angat ng mga mata si Ynnah upang tingnan ang lalaki sa kaniyang harapan. Sa isip niya, hindi lamang ang lalaking ito ang pinakasalan niya tatlong taon na ang nakalilipas,  bagkus ang nag-iisang lalaking pinakagusto niya sa loob ng labing-dalawang taon.

Pinilit ni Ynnah na kontrolin ang panunuyo ng kaniyang lalamunan habang inaalala ang mga salitang binitiwan sa kaniya ng kaniyang ina sa ospital.

Mahina niyang sinabing, “Adrien, kung may nagugustuhan kang ibang babae, a-ayos lang sa akin. You can be with her—”

“That’s pathetic,” wika ni Adrien bago pa niya matapos ang nais sabihin.

Malamig siyang tiningnan ng lalaki bago ito tuluyang umalis sa kaniyang harapan.

Pagkaalis ni Adrien ay mag-isang naupo si Ynnah sa balcony, pinapanood ang malakas na ulan sa labas ng mansyon.

Mabigat man sa loob niya ay aminado siyang kahit labing-dalawang taon na niyang gusto ang lalaki ay hindi pa rin niya maintindihan ang takbo ng isip nito.

Ang malakas na ulan ang tanging nagpapakalma sa kaniyang isipan.

Hindi niya mapigilang alalahanin ang mga sinabi sa kaniya ng doktor isang buwan na ang nakalilipas.

“Ms. Cervantes, ang iyong auditory nerve ay sira na nang husto, kaya naman mas nagiging mabilis ang pagkawala ng iyong pandinig.”

“Wala na po bang lunas, dok?”

Malungkot na iniling ng doktor ang ulo.

“This is a long-term neuropathic hearing loss we’re  talking about, Ms. Cervantes. Walang gamot o surgery na kayang magpagaling ng sakit na ito. Ang tanging mairerekomenda ko ay ang pagsusuot ng hearing aid upang makatulong sa pandinig mo.”

Agad na naintindihan ni Ynnah ang pahayag ng doktor. Wala na talagang pag-asa na gumaling pa ang sakit niya. Dahil doon ay hinayaan niya na lamang ang kaniyang tainga. Madalas ay hinuhubad niya ang hearing aid niya dahil mas kumakalma siya kapag tahimik ang paligid niya.

Ngunit nang hindi na niya nagustuhan ang katahimikan sa balcony ay pinili niyang pumasok sa sala at binuksan ang telebisyon. Nilakasan niya ang volume nito ngunit mahina pa rin ang naririnig niya mula rito…

Suminghap siya nang mapansin ang babaeng bigla na lamang lumitaw sa telebisyon. Walang iba kung hindi si Monique Limson, ang pinakatanyag na mang-aawit sa buong Pilipinas.

Nanginig ang kamay niya habang hawak ang remote control. Hindi dahil sa kung anuman, ngunit dahil kay Monique na siyang first love ng kaniyang asawa.

Matagal niya itong hindi nakita, pero tila ba mas gumanda pa ito ngayon.

Hinarap ni Monique ang camera. Kalmado ang mukha at hindi na mahiyain at ang babaeng inaapi ng pamilya Cervantes noon.

Ngayon, mukha nang matapang ang babaeng unang minahal ni Adrien at walang katakot-takot na sinagot ang tanong kung bakit siya bumalik ng bansa.

“Bumalik ako para bawiin ang lalaking mahal ko.”

Nabitiwan niya ang remote at nahulog ‘yon sa sahig.

Kasabay niyon ay tila ba nahulog din ang puso niya…

Binalot ng kaba ang katawan niya, natatakot na baka tuluyan na ngang makuha ni Monique si Adrien mula sa kaniya.

Nanginginig niyang pinatay ang telebisyon at piniling imisin ang mga pagkain na hindi nakain sa hapag. Nang dalhin niya ang mga ‘yon sa kusina ay nakita niya ang phone ni Adrien na nasa countertop table.

Kinuha niya iyon at aksidenteng nabuksan, saka niya nabasa ang text message mula sa screen nito.

‘Adrien, alam kong hindi ka naging masaya nitong mga nakaraang taon. I know you don’t love her. Magkita tayo ngayong gabi. I miss you so much.’

Natuod sa kinatatayuan si Ynnah, hindi alam kung ano ang gagawin. 
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rose Nadera
nice story want more about it
goodnovel comment avatar
Jocelyn Combis
maganda ang kwento Simula plng next pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status