Share

Kabanata 6 

Pinakatitigan ni Adrien ang numero ni Ynnah , at sa huli’y nagpasya na huwag itong tawagan. Ni hindi pa tumatawag o nagti-text si Ynnah sa kaniya upang humingi ng tawad sa araw na ‘yon, dahilan para umusbong ang iritasyon sa kaniyang dibdib.

“Let’s see how long you can endure this crap,” bulong niya.

Ibinaba ni Adrien ang kanyang phone at naglakad patungo sa kusina. Nang buksan niya ang refrigerator, siya ay natulala. Makikita sa loob nito ang ilang mga pagkain at kung anu-anong herbal medicine. Kinuha niya ang isang ng herbal drink at binasa ang nakalagay sa label nito.

Ang herbal drink ay para gamutin ang pagiging infertile ng isang babae…

Napasimangot si Adrien sa hindi kaaya-ayang amoy ng niyon. Naalala niya ang amoy ni Ynnah nitong mga nakaraang linggo, at mukhang ‘yon ang pinagmulan niyon. He couldn’t help but smirk a bit. Nababaliw na nga talaga si Ynnah para isipin na mabubuntis ito sa pamamagitan ng mga gamot na ‘yon. Ni hindi nga niya ito tinatabihgan sa kama kaya’t napaka-imposible na magdalang-tao ito.

Umiling siya at binalik ang herbal drink sa loob ng refrigerator.

Sa isip ni Adrien, mukhang alam na niya kung bakit palaging wala sa sarili ang kaniyang asawa na si Ynnah. Kung hindi bad mood, tuliro ito. He couldn’t help but be proud of how Ynnah was trying everything just to get pregnant, but damn he wouldn’t even dare to touch her. Never!

Bumalik siya sa master bedroom para magpahinga. Habang wala si Ynnah, pwede na siyang umuwi kahit kailan niya gusto at hindi na kailangang umiwas pa sa babaeng ‘yon. Wala nang manggugulo pa sa kaniya! Sa pag-iisip niyon ay mahimbing na nakatulog si Adrien.

Kinabukasan ay maaga siyang nag-asikaso upang makipaglaro ng golf sa matalik na kaibigang si Benjamin. He wore luxurious sportswear that fit his agenda for the day. Pagkatapos magbihis, naglakad siya patungo sa sala. Nakasanayan na niyang ipaalam kay Ynnah  na hindi siya uuwi kaya naman bago pa man niya mapigilan ang sarili ay nakapagsalita siya.

“Don’t wait for me. I won’t come home”

Napatigil siya sa kalagitnaan ng pagsasalita nang maalala niyang hindi na niya ito kailangang ipaalam pa.

Wala na nga pala si.

“F*ck…” aniya at napatawa na lamang.

Nang makarating sa golf course kung saan sila maglalaro ay napakagaan ng pakiramdam ni Adrien. Ang puting sportswear na suot niya ay mas lalong nagpabuhay sa karaniwan niyang gwapo ngunit malamig na mukha. Tumayo siya sa pitch ng tuwid ang tindig, na parang isang movie star. He then swung his golf club and then hit the golf ball. Mabilis na dumiretso ang bola sa butas.

Malakas na pumalakpak ang kaibigan niyang si Benjamin.

“Wow, bro. Ganda yata ng mood mo ngayon. Kitang-kita sa paglalaro mo. Seems like something is making you happy, huh.”

Nagtaas ng kilay si Adrien, may multong ngiti sa labi. He knew his best friend had already figured out what was making him happy. Si Benjamin pa ba?

Ngingisi-ngisi lamang si Benjamin habang hinihintay na magsalita ang kaibigan. Sa totoo lamang ay tinawagan niya si Monique upang magpunta sa golf course na ‘yon at kasalukuyang naghihintay sa labas. He wanted them to talk and reconcile.

“So, ano nga?”

Uminom ng tubig si Adrien at walang pakialam na sumagot, “Wala lang, hindi na bumalik sa mansyon si Ynnah. She’s serious about the divorce.”

Nang marinig iyon ay mas lumapad pa ang ngisi ni Benjamin. Bilang kaibigan ni Adrien, kilala niya si  nang mabuti—she was very manipulative and clingy. Lagi itong nakabuntot sa kaibigan niya at hindi ito binibigyan ng katahimikan!

“Sa wakas at naisipan mo na ring hiwalayan ang babaeng ‘yon. You should’ve done that sooner, hindi ‘yong hinayaan mo siyang kontrolin ka ng tatlong taon,” komento ni Benjamin.

Nagdilim ang mga mata ni Adrien. “As if that’s just so easy to do.”

“Nakakaawa rin ang isang ‘yon. Masyadong ilusyunada.” Tumawa si Benjamin. “Anyway, we shouldn’t talk about her. I have a surprise for you, bro.”

Kumunot naman ang noo ni Adrien sa narinig. Benjamin gestured for him to look at the other side, which he did. Napakurap siya nang makita si Monique hindi kalayuan. Nakasuot ito ng pulang sportswear. Napakaganda nito at sexy habang kumakaway sa kaniya.

Makalipas ang ilang sandali, lumapit ang babae sa kanilang dalawa.

Tumikhim si Benjamin at hinawakan ang balikat niya.

“You guys must talk. Iwan ko muna kayo.”

Pagkaalis ni Benjamin ay niyaya siya ni Monique na maglakad-lakad sa labas ng golf course. Pagkalabas sa lugar na ‘yon ay napagpad sila sa malapit na unibersidad na dati nilang pinapasukan. Monique understood him very well, so instead of mentioning ’s name, she brought up their past instead.

“Do you remember this street, Adrien?” tanong ni Monique. “Dito tayo noon nagdi-date. Naglalakad tayo rito at mahigpit mong hawak ang kamay ko. You even promised that we’ll always be together.”

Huminto si Monique sandali, saka sinubukang abutin ang kamay niya.

“Adrien, I want us to be together again.”

Pero bago pa man magdampi ang mga kamay nila ay agad na iniwas ni Adrien ang kamay niya. Nagulat si Monique sa ginawa niya, pero nanatili lamang na blangko ang mukha niya.

“I don’t remember that,” ani Adrien.

Para sa kaniya, ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan niya—pag-aaral, pag-aasawa o maging ang pagtatrabaho ay bahagi lamang ng buhay, walang pagkakaiba sa pagtupad ng mga gawain. Kahit ang kanyang unang pag-ibig ay bahagi lamang ng rutang ito.

“A-Are you still angry at me?” Namula ang mga mata ni Monique dahil sa nagbabadyang mga luha nito. “Look, Adrien. I was forced to leave you. Alam mong mahal na mahal kita. Masakit sa akin ang nangyari sa ating dalawa. Do you know how I lived for the past few years? I worked so hard because I wanted to be someone worthy to be with you. Gusto kong maging karapat-dapat sa ‘yo, Adrien…”

Kumunot ang mga kilay ni Adrien sa narinig at saka lumunok.

“I have a wife, Monique.”

“Alam ko, pero maghihiwalay na kayo, ‘di ba?” sagot ni Monique. “At pasasalamatan ko siya dahil ibabalik ka na niya sa akin.”

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Monique. Hindi nito napigilang yakapin siya sa baywang.

“Galit na galit ako kay Ynnah. Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo magkakalayo nang ganito katagal.”

Mabigat ang dibdib ni Adrien habang pinapakinggan si Monique na sinisisi sa lahat ng nangyari. Nakalimutan yata nito na ito ang unang nakipaghiwalay sa kaniya nang malaman nito na mai-engage siya kay Ynnah.

Hindi niya alam kung bakit wala siyang ibang maisip kung hindi ang asawa niya.

Nanumbalik sa alaala niya ang lumuluhang mukha ni Ynnah noong mamatay ang Daddy nito. She was looking at him with tears brimming down her cheeks.

‘Adrien, pwede mo ba akong yakapin…?’

Kung hindi lamang kinamkam ng kapatid na lalaki nito ang perang binigay ng pamilya niya, baka naiba pa ang sitwasyon nilang dalawang mag-asawa. Her family broke his trust, and he had to admit he took out his wrath to Ynnah.

Nanatili sa isipan niya ang malungkot na mukha ni Ynnah, dahilan para bahagya niyang itulak si Monique mula sa pagkakayakap nito sa kaniya.

Ilang saglit pa ay dumating si Benjamin at iniabot ang isang dokumento sa kaniya.

“Man, you should see this,” ani Benjamin.

Kinuha ni Adrien ang dokumento at binuksan ito. Natigilan siya nang Mabasa ang nilalaman ng dokumento—it was about Transfer of Assets.

“Pinadala ng abogado ni Ynnah. He said it's compensation for your three-year marriage”

“Compensation?” bulong ni Adrien.

Tumango naman si Benjamin. Naisip nito na gusto ni Ynnah na pagbayarin si Adrien, kaya't nagmamadali nitong pinuntahan ang kaibigan.

Pero nang suriin ni Adrien ang dokumento, natuklasan niyang si Ynnah ang naglilipat ng mga ari-arian sa kanya. Puno ng pagdududa ang kanyang mga mata. Ngunit nang makita niya ang 100 milyong pesos na kasama sa mga ari-arian, tila ba ay nainsulto siya.

“100 million pesos? She wants me to let go of the Cervantes and forgive her by using this money?” sarkastiko niyang sabi at hinarap sina Benjamin at Monique.

Nanlaki ang mga mata ni Benjamin at nang makabawi ay natawa.

“Damn. That woman, who pretends to be innocents, turns out she hid a huge amount of money and some assets, huh? Alam ba ng walang hiyang pamilya niya ang ginagawa niya?” dagdag pa ni Benjamin.

Samantala, noong una ay naisip ni Monique na may nararamdaman na si Adrien para kay Ynnah dahil tatlong taon din silang nagsama. Pero habang pinapanood ni Monique sina Adrien at Benjamin na nilalait si Ynnah, napagtanto niya kung gaano kalaki ang galit ni Adrien sa asawa nito.

A small smile escaped her lips. Hindi karapat-dapat si Ynnah na maging karibal niya.

...

Sa kabilang banda,

Sa isang madilim na hotel, dahan-dahang iminulat ni Ynnah ang kanyang mga mata, nararamdaman ang sakit sa kanyang ulo.

Ang katahimikan sa paligid ay lubos na nagpapabahala sa kaniya.

At that point, she knew her condition worsened.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status