Share

Kabanata 12

Habang palinga-linga sa paligid, kakaiba ang naramdaman ni Ynnah. Nakalimutan na naman niya ang daan pabalik sa hotel. Inilabas niya ang kanyang phone at gustong mag-navigate pauwi, ngunit matagal niyang naalala ang pangalan ng hotel kung saan siya tumutuloy.

Samantala ay sinusundan pa rin siya ng lalaki sa bar. Nang makitang nakatayo lamang si Ynnah sa pwesto at hindi gumagalaw ay hindi niya maiwasang mag-alala.

"Ynnah."

Naisip ni Ynnah na bumalik na si Adrien. Isang kislap ng pag-asa ang sumilay sa kanyang mga mata, ngunit sa sandaling lumingon siya, napalitan iyon ng pagkabigo.

Lumapit ang lalaki sa kanya. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?”

Napatingin si Ynnah nang husto sa lalaki, hindi niya maalala kung sino ito…

“Ako ‘to si Taba, naaalala mo na ba?” paalala pa ng lalaki sa kanya.

Napasinghap siya nang maalala ni Ynnah kung sino ito. Noong bata pa siya at kasama ang kaniyang Yaya Dolores sa probinsya ay nagkaroon siya ng matalik na kaibigan na tinatawag niyang Taba—si Gino De Silva. Kumurap siya nang tingnan ang lalaki mula ulo hanggang paa. Hindi na ito mataba at hindi na kasing tangkad niya. Isa na itong matangkad na lalaki at may maamo at gwapong mukha.

“G-Gino! N-naku, sorry kung hindi kita nakilala. Ang laki ng pinagbago mo!”

Meeting an old friend brought her so much joy. Malapad na napangiti si Ynnah.

“I’m glad you finally remembered. So, let’s go. Ihahatid na kita pauwi.”

Nang makarating sa tinutuluyan niya, napagtanto ni Gino na sa isang mura at lumang hotel siya tumutuloy. Sa isip ng kaibigan, hindi dapat hinayaan ng isang mayamang pamilya na tulad ni Adrien na mahulog siya sa ganitong estado, kahit na hiwalay na sila.

Medyo nahiya si Ynnah. “Huwag mo nang ipaalam kay Yaya. B-Baka mag-alala lang ‘yon sa akin.”

Tumango lamang si Gino, hindi sigurado kung ano ang dapat sabihin sa sitwasyon ni Ynnah. Dahil malalim na ang gabi ay nagpaalam na siya sa kaibigan at sinabing bibisitahin ito bukas.

Paglabas ng hotel, hindi napansin ni Gino ang isang itim na kotse na nakaparada sa madilim na parking ng hotel.

Samantala, pagkaalis ng kaibigan ay nakaramdam ng matinding sakit ng tiyan si Ynnah marahil dahil sa maraming alak na nainom niya. Nakaramdam din siya ng pagkahilo, at ang mga salitang binitiwan ni Adrien ang umalingawngaw sa kaniyang isipan.

“What kind of man would like you?”

Masama man ang pakiramdam ay pinilit niyang punasan ang mukha upang maalis ang mga makeup at ang kaniyang lipstick. Nang mawala na ang koloreta ay nagmistulang maga at maputla ang kaniyang mukha.

Matapos malaman na mayroon siyang depresyon, naghanap siya ng impormasyon tungkol sa sakit. Ang depresyon ay maaaring makapinsala sa utak ng tao, na nagiging sanhi ng pagkawala ng memorya at cognitive dysfunction—na siyang nagdudulot ng matinding kalungkutan sa taong may depresyon.

*bang bang*

Nahinto ang pag-iisip ni Ynnah nang marinig ang malakas na katok sa pinto. Naisip niyang si Gino iyon kaya bumangon siya para pagbuksan ito. Ngunit nang tuluyang mabuksan ang pinto ay tumambad sa kaniya ang galit na mukha ni Adrien.

Gigil na hinablot ni Adrien ang braso niya, pinisil ito na para bang gusto nitong durugin ang buto niya.

“You’re unbelievable, Ynnah!”

Habang hawak siya sa braso ay pumasok si Adrien at padabog na sinara at ni-lock ang pinto bago siya kaladkarin papuntang sofa.

“Hindi pa man naproseso ang divorce natin ay nagpapakamot ka na sa ibang lalaki?!”

Napasinghap si Ynnah, nasaktan sa sinabi ni Adrien.

Doon niya napagtanto na nakita ni Adrien ang ginawang paghatid sa kaniya ni Gino, at nag-akala ito nang isang bagay na hindi niya kailanman magagawa.

Pero nakaramdam ng inis si Ynnah sa kanyang puso. Bakit gano’n na lang kung magalit si Adrien kung ito din naman ay harapang pinaparamdam sa kaniya na mas lamang ang first love nitong si Monique kaysa sa kanya? Pero kapag siya, bakit parang kasalanan na ang makipag-usap sa isang lalaking kaibigan?

Tumingin siya ng diretso sa galit na si Adrien, namumula ang mga mata.

“Pareho lang tayo,” matapang niyang sabi.

Sa mga oras na ‘yon ay nakainom na rin ng maraming alak si Adrien, kaya naman naaamoy ni Ynnah ang alak sa mabangong hininga nito. Adrien grabbed Ynnah’s chin angrily.

“Who is he? When did you meet him?”

Unang beses na makita ni Ynnah na nagkakaganito si Adrien, dahilan para bahagya siyang mapangiti.

“Nagseselos ka ba?”

Naningkit ang mga mata ni Adrien, at saka siya ngumisi. “Are you even worth it?”

Tila ba nagbara ang lalamunan ni Ynnah. Inilapit pa ni Adrien ang mukha hanggang sa maramdaman niya ang labi nito sa kaniyang tainga.

Did he touch you, hmm?”

“Ano sa tingin mo?” balik niyang tanong sa lalaki.

Mas lalong nagliyab ang galit ni Adrien, dahilan para lumandas ang kamay nito sa kaniyang katawan. Naestatwa at nanlamig si Ynnah sa kinatatayuan,hindi siya makapaniwala sa mga sunod na nangyari.

Gusto niyang tumanggi, lumaban, ngunit hindi niya magawa.

Hanggang sa matapos sila ay doon lamang tuluyang kumalma si Adrien. Sa labas, nagsisimula nang magliwanag ang kalangitan. Napatingin si Adrien sa kahubdan ni Ynnah at saka sa matingkad na pulang mantsa sa bedsheet.

He didn’t say a word.

Galit na bumangon si Ynnah at itinaas ang kamay. Sinampal niya sa mukha si Adrien, dahilan para mabasag lalo ang lahat ng ilusyon niya tungkol sa pag-ibig. Nagsimulang umugong ang kanyang tainga kaya hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki at pinutol na lamang ito.

“Umalis ka na!” Singhal niya.

Hindi alam ni Adrian kung paano siya nakaalis sa lugar na ‘yon. Ang nasa isip lang niya ay ang nangyari sa pagitan nila ni Ynnah kagabi.

Habang nakaupo sa kotse, tinawag niya ang kanyang assistant.

“Alamin mo kung sinu-sinong lalaki ang kilala at nakakasama ni Ynnah.”

***

Pagkalabas ni Adrien sa hotel, agad na naligo si Ynnah.

Hindi niya maiwasang maawa sa sarili. Maghihiwalay na sila. Hindi na dapat niya hinayaang mangyari ang nangyari sa pagitan nila kagabi.

Mag-a-alas nuebe ng umaga nang dumating si Gino na may dalang almusal. Hindi nito napansin na may kakaiba sa aura ni Ynnah.

“I left too quickly last night and forgot to tell you that my family has a separate vacant house you can stay in," maingat na wika ni Gino. “Hindi ligtas para sa mag-isa na babae na kagaya mo na dito tumutuloy, Ynnah.”

“Hindi na, Gino. Okay lang ako,” tanggi ni Ynnah.

Natutunan niyang ang mga pabor ay ang pinakamahirap bayaran, at ayaw niyang magkaroon ng utang kaninuman.

Inasahan na ni Gino ang kanyang pagtanggi. “Are you sure? It’s empty, anyway. Maaari kang manatili doon, at hindi kita sisingilin ng renta. You can stay there for a month. It's better to have someone living there for a month than to leave it empty.”

Sa huli ay pumayag si Ynnah. Tutal ay isang buwan lang naman at mukhang may plano si Gino sa bahay na sinasabi nito.

Makalipas ang ilang minuto ay inihatid na siya ni Gino sa bakanteng bahay kung saan siya maaaring tumira pansamantala. Simpleng maleta lang ang dala ni Ynnah at walang ibang bagahe.

Pagkasakay sa kotse, nagkwentuhan sila tungkol sa kanilang pagkabata, at si Gino ang nagkusa na sabihin sa kanya ang tungkol sa ginawa nito sa mga nakaraang taon. Pagkatapos ng high school, pumunta ito sa ibang bansa, nagtrabaho, at nagsimula ng kanyang sariling kumpanya sa edad na bente anyos. Ngayon, isa na siyang matagumpay na negosyante.

Pinakinggan ni Ynnah ang kanyang kahanga-hangang achievements at inisip ang sarili. Pagkatapos ng graduation, pinakasalan niya si Adrien at naging housewife.

Tumingin siya kay Gino nang may paghanga.

“Ang dami mo nang nagawa sa buhay.”

“Ikaw din naman. Noong umalis ka ng probinsya, nakibalita ako kay Aling Dolores tungkol sa iyo. Nakita kita sa TV nung nanalo ka sa youth piano competition... At yung pagkanta mo rin. Alam mo ba? Idol kita noon, tapos...”

Hindi sinabi ni Gino kay Ynnah ang lahat. Noong mag-isa siyang nag-aaral sa ibang bansa, hindi maganda ang buhay niya noong una. Marami siyang natutunan na masasamang bagay at halos sumuko na sa buhay. Hanggang sa nakakita siya ng balita tungkol kay Ynnah sa kanyang pag-uwi ay nagkaroon siya ng inspirasyon.

Para sa isang ipinanganak na mahina ang pandinig na pinagsarhan ng mga pinto ng oportunidad, ang mga nagawa ni Ynnah ang nagbigay sa kanya ng pag-asa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status