Hindi na lamang iyon pinansin ni Adrien at tumahimik na lang habang ang kanyang mga mata ay nandilim na pero hindi niya iyon pinansin. Ang kaibigan niyang si Benjamin, ang mama niya, ang assistant niya, at kahit pa ang mga katulong sa mansyon ay hindi pinakisamahan si Ynnah. Hindi trinatong parang tao.Bago pa niya masagot ang kaibigan, may biglang tumawag kay Benjamin at agad itong lumabas ng opisina. Kinuha ni Adrien ang kanyang cellphone para subukang tawagan ulit ang numero ni Ynnah subalit isang malamig na tono ng isang babae ang umalingawngaw.“Sorry, your call is not connected at the moment, please try again later.”Dahil sa inis, tinapon niya ang cellphone sa gilid. Nagdesisyon siyang tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa bintana ng kumpanya. Kinuha ang sigarilyo sa kanyang bulsa at sinindihan niya ito. Hanggang ngayon ay naririnig niya pa rin sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Ynnah.Biglang nanuyot ang kanyang lalamunan at napaubo siya ng dalawang beses dahil doo
Sa labas ng bintana, sa kwartong kinalalagyan ni Ynnah ay nakahiga pa rin siya sa kama para magpahinga.Malakas ang ihip ng hangin at halos natatanaw niya ito mula sa kanyang hinihigaan. Ang mga kamay niya ay nasa ibabaw ng kanyang tiyan at mulat ang kanyang mga mata.Bumalik si Gino sa loob upang sabihin kay Ynnah ang sinabi ng doctor. Buntis siya at ayaw pa rin mag-sink in sa utak niya ang nalaman. Hindi ito ang tamang oras para kay Ynnah na lumabas ang bata at hindi niya alam ang gagawin.Nakatingin lamang si Yaya Dolores kay Ynnah na walang kabuhay-buhay ang mga mata at para bang nawawalan na ito ng pag-asa.“Ynnah,” tawag niya.Lumingon naman si Ynnah sa direksyon ni Yaya Dolores saka nagsalita. “Yaya Dolores...”Namula ang mga mata ni Yaya Dolores nang hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang pisngi.“Mag-isa lang ako sa buhay at wala akong mga anak. Nang makilala kita, itinuring na rin kita na para kong tunay na anak,” ani Yaya Dolores at nagpatuloy. “Hindi ko hinang
May bagong bagyong nakapasok sa Pilipinas kaya naman ay malakas pa rin ang ulan. Mabuti na lang ay nakalabas na si Ynnah ng hospital at simula sa araw na 'yon, hindi siya hinayaang mag-isa ni Gino.Nanatili ang lalaki sa tabi niya lalo na ngayong mas lumala ang kalagayan ni Ynnah dahil sa epekto ng kanyang pagpapagamot noong nakaraan. Sa kabila no'n ay nilakasan ni Ynnah ang kanyang sarili. Kahit walang ganang kumain ay pinilit niya ang sarili para gumaling siya.Nagpapasalamat si Ynnah dahil simula no'ng magkasama sila ni Gino, hindi na nito binanggit ang pangalan ni Adrien. Hindi niya rin gustong marinig ang tungkol sa lalaki sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya at iniiwasan niyang makaabala sa mga kaibigan niya.Minsan na rin siyang napapatitig sa picture ni Adrien, nag-iisip kung paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang paghihiwalay pero hinayaan niya na lang muna iyon.Nagpunta siya ng palengke upang mamili ng mga gulay. Pabalik na sana si Ynnah sa bahay nang biglang may
Nang marinig ni Ynnah ang sinabi ni Adrien, ngayon alam niya na kung ano ang tinutukoy ni Monique. Magsasalita na sana siya para ipaliwanag dito pero inunahan na siya ni Adrien.“Our separation is between the two of us. Monique has nothing to do about it and now she's in the hospital.”Halos mapanganga sa gulat si Ynnah ng ilang segundo. Nagulat siya dahil hindi aakalaing magagawa ni Monique ang mga bagay na 'yon.Hindi niya akalain na ilalagay ni Monique sa kapahamakan ang sarili para lang mapaniwala si Adrien at sa tingin ni Ynnah ay naniwala naman ito.Huminga nang malalim si Ynnah bago ito sagutin. “Wala akong ginawa sa kanya at isang beses lang kaming nagkita, maniwala ka man o hindi sa 'kin.”Pinatay niya na ang cellphone pagkatapos sabihin 'yon at hindi na hinintay pang makapagsalita si Adrien.Sa hospital naman ay hindi maipaliwanag ang mukha ni Adrien dahil nakaratay pa rin si Monique sa kama habang may nakapalibot na bandage sa noo. Iniuntog ni Monique ang kanyang noo pagkata
Lahat ng tao ay gustong pangaralan si Ynnah. Ang pamilya ni Adrien, ang personal niyang assistant, ang secretary nito, at pati na rin ng mga katulong ay walang ibang ginawa kung hindi pangaralan siya.Palagi na lang siyang nakangiti at maging mabait sa kanila dahil 'yon ang sinasabi sa kanya pero ngayon hindi niya na papayagan na mangyayari pa 'yon.Ang kanyang nakababang kamay ay biglang napakuyom. Malamig niyang tinitigan si Lucas na para bang gusto niya itong lamunin.“Galit siya sa akin? Ano naman ang kinalaman ko diyan?” tanong niya rito. “Kung wala kang ganap sa buhay ay wala akong pakialam. Hindi ako sasama sa 'yo.”Dahil sa sama ng pagkatitig ni Ynnah sa kanya, pakiramdam ni Lucas ay kumabog ang dibdib niya. Hindi niya inaasahang titigan siya nang gano'n ni Ynnah. Nang magsasalita na sana siya ay biglang sinara ni Ynnah ang pinto sa harapan niya.Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan dahil hindi siya makapaniwala. Ito ang unang beses na sinaraduhan siya ng pinto. Kung noon ay si
Takot ang nararamdaman ni Ynnah sa mga panahong ito. Ang ginawa niya ay ang protektahan ang kanyang tiyan sa kabila pa man ng takot na nararamdaman niya.Dahil sa naramdaman, hindi siya makapag-isip ng maayos kung paano niya ipahinto ang ginagawa ni Adrien.“Don't make me mad, Ynnah!”Hindi niya masyadong marinig ang sinabi ni Adrien dahil naririnig niya ang bigat ng paghinga ni Adrien.“H-Hindi ba ikaw ang nagsabi na hindi mo na ako gagalawin?” tanong ni Ynnah sa kinakabahang tono habang ang kanyang mga mata'y nababalot ng luha. “O, ano na?”Ibinaon ni Ynnah ang kanyang mukha sa unan upang iwasan si Adrien ng tingin. Wala namang kaalam-alam si Adrien na namumutla na pala si Ynnah.“A-Alam ba ng babae mo itong ginagawa mo ngayon?” pagpapatuloy ni Ynnah. “Kapag nalaman niya ito siguradong magagalit 'yon.”Nang malaman ni Ynnah na walang damdamin si Adrien, alam niyang hindi ito mabuting tao kaya hindi na siya magtataka pa.Napakunot ang noo ni Adrien pero alam niyang si Monique ang tinu
Mahalagang bilin ni Benjamin sa isang staff ng hospital na kapag nagpunta si Ynnah sa hospital ay kailangang sabihin sa kanya. Kailangan niyang malaman kung ano ang sitwasyon ni Ynnah lalo na at buntis ito.Subalit nang makatanggap siya ng balita ay sobrang pag-aalala niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.“I have no idea what just happened. It was the doctor who told me that Ynnah had died.”Ang mga salitang 'yon ay parang tumarak sa puso ni Adrien ng sobrang bilis. Hindi niya inaasahang marinig 'yon. Maraming tanong sa isipan ni Adrien at tila ba nawalan siya ng lakas na banggitin iyon.‘Patay na siya? Paano nangyari 'yon? We are so fine last night!’“P-Paanong nangyari 'yon?”Nanginig ang boses ni Adrien at pakiramdam niya ay mahihilo siya dahil sa kanyang nalaman.“Dinala siya kagabi dito sa hospital. Sinubukan siyang i-revive pero namatay pa rin siya,” sabi ni Benjamin sa kanya.Pagkatapos niyang marinig 'yon ay hinablot niya ang kanyang jacket at umalis ng walang pasabi. Kai
Hindi pa rin makapaniwala si Benjamin sa kanyang nalaman. Tila parang imposible ang lahat at kung si Ynnah nga ang nagligtas sa kanya, nagtataka siya kung bakit hindi man lang nito nasabi sa kanya.‘Kung si Ynnah man ang nagligtas sa buhay ko... Ano ang nagawa ko sa kanya sa buong taon na 'yon?’Ito na lamang ang nasabi ni Benjamin sa kanyang isip. Sinara niya na ang mga report na 'yon saka bumalik sa kanyang opisina. Buong gabi siyang binulabog ng kanyang mga nalaman.Hindi siya makapaniwala na malaman na si Ynnah ang nagligtas sa buhay niya. Kailanman ay hindi niya naisip na maaaring ito ang nagligtas sa kanya.Pero isa lang ang alam niyang paraan. Isang tao lang ang makakapatunay na si Ynnah nga talaga ang babaeng nagligtas sa kanya noon.Kinabukasan ay kaagad niyang binulabog si Monique sa pamamagitan ng isang text message.“I have something important to discuss with you. Let's meet, Monique.”Agad namang naghanda si Benjamin para kitain si Monique. Sa isang kainan, pumasok sila sa