Share

Kabanata 18

Hindi na lamang iyon pinansin ni Adrien at tumahimik na lang habang ang kanyang mga mata ay nandilim na pero hindi niya iyon pinansin. Ang kaibigan niyang si Benjamin, ang mama niya, ang assistant niya, at kahit pa ang mga katulong sa mansyon ay hindi pinakisamahan si Ynnah. Hindi trinatong parang tao.

Bago pa niya masagot ang kaibigan, may biglang tumawag kay Benjamin at agad itong lumabas ng opisina. Kinuha ni Adrien ang kanyang cellphone para subukang tawagan ulit ang numero ni Ynnah subalit isang malamig na tono ng isang babae ang umalingawngaw.

“Sorry, your call is not connected at the moment, please try again later.”

Dahil sa inis, tinapon niya ang cellphone sa gilid. Nagdesisyon siyang tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa bintana ng kumpanya. Kinuha ang sigarilyo sa kanyang bulsa at sinindihan niya ito. Hanggang ngayon ay naririnig niya pa rin sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Ynnah.

Biglang nanuyot ang kanyang lalamunan at napaubo siya ng dalawang beses dahil doo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marina Enterina
pls. unlock
goodnovel comment avatar
Yenyen Beriarmente
please next
goodnovel comment avatar
Leny Bering
please ......... next
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status