“Si Cassandra Alvarez ay anak ng isang Alvarez at si Ynnah Cervantes ay magkaklase sa kolehiyo. Pagkatapos niyang maka-graduate nagpunta agad ito ng ibang bansa. Bumalik lamang ito nang umuwi rin si Ynnah mula sa United States.”Huminga muna nang malalamin ang assistant ni Benjamin bago ito magpatuloy sa pagsasalita.“Base sa mga nakalap kong impormasyon, may isang lalaki lamang sa buhay ni Cassandra na kaklase din nila noon na nagngangalang Sebastian Alejandro,” sambit ng assistant at saka nagpatuloy, “Sa tingin ko ang dahilan kung bakit si Ynnah ang pinapunta niya sa blind date ay dahil diyan sa lalaking si Sebastian, Sir Benjamin.”Sinabi na lahat ng assistant kay Benjamin ang kailangan niyang impormasyon kaya naman ay napatango si Benjamin.Nagpalit ulit siya ng damit at saka bumaba kung saan nakita niya sa baba sina Adrien at Monique na magkasama. Kung titignan ay parang napakagandang pares ng dalawa.Tila nagdalawang-isip ng ilang sandali si Benjamin ngunit nagdesisyon siyang hin
Isa lang ang sigurado si Casper tungkol sa nangyari. Mabilis lamang para sa mga mayayaman ang lahat gamit ang pera.“I will let you go as of now,” aniya sa mahinang tono. Kinusot muna ni Casper ang kanyang inaantok na mga mata at saka binuksan ang pinto ng kwarto para lumabas.“Good morning, Mommy and Tita Cassandra!” bati ni Casper sa dalawa nang makita niya ang mga ito.“Good morning to you as well, Little One,” sagot naman ni Cassandra kay Casper.Nasa kusina naman si Ynnah at naghahanda na ng kanilang umagahan.“Kailangan mo na maligo agad para makakain na, Casper,” sabi ng mommy niya sa kanya at saka nagpatuloy, “Oo nga pala, Casper, tinulungan tayo ng tita Cassandra mo na makahanap ng kindergarten school at kailangan na natin mag-register ngayong araw.”Ngayong buwan na ito ay bakasyon na pero dahil international kindergarten naman ang ipinakilala ni Cassandra, bukas ito buong taon.Hindi na mag-aalala si Ynnah na maiiwang mag-isa si Casper buong araw dahil mag-aaral na ang anak
Sabay na nag-shopping si Ynnah at Cassandra pagkatapos nilang maihatid sa paaralan si Casper.Nang dahil sa problema tungkol kay Sebastian, nagdesisyon si Cassandra na manatili na muna dito sa Pilipinas at para na rin maalagaan niya si Casper.“Cass, maraming salamat talaga,” taos-pusong sabi ni Ynnah kay Cassandra.“Ano ka ba hindi mo na kailangan pang magpasalamat dahil tayo-tayo lang din naman ang nagtutulungan,” paliwanag naman ni Cassandra kay Ynnah.Sa kindergarten school sa kasalukuyan...Nang lumitaw si Casper sa loob ng klase, ang kanyang magandang mukha ay agad na nakapansin sa atensyon ng mga batang babae sa loob ng kanilang classroom.Ipinakilala naman si Casper ng guro na kakauwi lang galing ibang bansa at pinaalalahanan ang mga bata na maging mabuti sa kanya.Ang pamangkin ni Cassandra na si Miguel ay nakatanggap ng tawag galing sa kanyang tita kagabi at ipinaalam na may isang bagong transferee student ngayong araw. Sinabihan siya na kailangan niyang makipagkaibigan doon
Hindi inaasahan ni Tristan na nakatayo pala si Casper sa likuran at kalmadong nakatingin lamang sa kanya.Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Tristan at diretsahang nagsalita kay Casper.“I don't like you in this school. This will be your last here, so tell your parents to find another school,” sabi ni Tristan sa kanya.Nang marinig iyon ni Casper, nanatiling kalmado ang kanyang mukha, at naglakad siya patungo sa lababo upang hugasan nang maigi ang kanyang kamay.“For what reason?” tanong ni Casper sa kanya.“It's because I came from Alleje family and would become the future heir of the our company!” sigaw ni Tristan sa kanya, ang mukha ay nababalutan ng pagkamayabang.Kilala ang Alleje's Group dito sa Pilipinas at walang sinuman ang hindi nakakakilala sa kanila.“Kapag magkamali kang kalabanin ako, hinding-hindi na makakaapak ang mga magulang mo dito dahil ang paaralang ito ay suportado ng pamilya namin!” sigaw ni Tristan sa kanya. “Kung sinabi kong umalis ka, umalis ka na!”Napataas nama
Biglang naalala ni Ynnah na maaaring natatandaan ni Adrien ang lugar na ito at baka gagamitin niya ito upang pilitin siyang paaminin na wala talaga siyang amnesia pero hindi...Hindi siya aamin.Gamit ang malapad na kamay ni Adrien, agad niyang hinawakan ang steering wheel nang mahigpit na parang may alanganin na reaksyon.“How's the baby, Ynnah?” tanong ni Adrien sa kanya.Biglang naalala ni Adrien na noong ibinigay ni Benjamin ang medical file about kay Ynnah, nakalagay doon na dalawang linggo na siyang buntis.Hindi siya nagtanong dahil hinihintay niyang magkusa sa pagsasabi sa kanya si Ynnah.“A-Anong baby?” nauutal na tanong ni Ynnah. Hindi niya inaasahan na marinig ito mula kay Adrien.Itinigil ni Adrien ang sasakyan at tinitigan si Ynnah na ngayon ay tila depressed na.“Alam ko na buntis ka, Ynnah,” sambit ni Adrien.Napatutok lamang ang kanyang mga mata sa direksyon ni Ynnah at tila ba parang gusto niyang makita pati ang buong pagkatao ni Ynnah.Bigla namang kinabahan si Ynnah
Sa maulang lungsod ng Maynila, Sa entrada ng isang pribadong ospital, nakatayo ang isang payat at maputlang babae; si Ynnah, nanginginig ang mga kamay habang hawak ang resulta ng kaniyang pregnancy test result. Tila ba sampal sa pagkababae niya ang resultang nakasaad doon.‘Not pregnant’ “This is ridiculous! Tatlong taon na kayong kasal pero hindi ka pa rin mabuntis-buntis?” singhal sa kaniya ng kaniyang ina si Claudia Cervantes. “Bakit ba napaka-walang silbi mo? Kung hindi ka mabubuntis ay ibabasura ka ng mga Alleje! Ano na lang ang mangyayari sa ating pamilya kapag nangyari ‘yon?”Hindi pa nakuntento ang ina niyang nakasuot ng marangyang kasuotan, at dinuro siya kahit pa maraming tao ang nakamasid sa kanila mula sa lobby ng ospital. Ang mga mata nito ay puno ng disgusto at pagkadismaya. Ni walang makikitang pagmamahal.Blangko ang mga mata ni Ynnah nang matitigan ang ina. Ang mga salitang kanina pang umiikot sa kaniyang isipan ay tuluyan nang kumawala sa kaniyang labi. “P-Patawad
Sa taxi, papasok sa parking ng kumpanya. Habang nasa byahe ay tahimik siyang nakatingin sa bintana. Patuloy ang malakas na pag-ulan at tila ba hindi hihinto anumang oras. Ayaw na ayaw ni Adrien na bumibisita siya sa kumpanya. Kapag bumibisita siya rito ay inaabangan niya itong palagi sa exclusive elevator nito sa parking. Nang makita siya ng personal assistant ni Adrien na si Lucas ay agad siya nitong tinawag. “Ms. Cervantes!” Ms. Cervantes… dahil walang nakakaalam sa kumpanya na siya ang nag-iisang misis ng lalaki. Napadako ang tingin ni Adrien sa kaniya at nakita ang phone na hawak niya. Agad na kumunot ang noo ng lalaki sa pag-iisip na palaging gano’n ang ginagawa niya. Sa tuwing may makakalimutan siya ay hinahatid ito ni Ynnah sa kumpanya na parang isang katulong. “Didn’t I say you don’t have to come here to send my things?” Napakurap si Ynnah at napayuko. “I-I’m sorry. Nakalimutan ko.” Ngunit ang totoo ay lubha lamang natakot si Ynnah dahil sa text message ni Monique. N
"Siguro, hindi ka pa nakaranas ng tunay na pag-ibig hanggang ngayon, tama ba ako, Ynnah? Alam mo ba na kapag kasama ko si Adrien, siya mismo ang nagluluto para sa akin? He would come to me immediately whenever I am sick. He always wants to make me feel happy…” Tumawa si Monique at humalukipkip. “Ni minsan ba ay sinabi niyang mahal ka niya? Kasi ako, ilang beses kong narinig sa kaniya na mahal niya ako. He’s very sincere to me…” Tahimik lamang na nakinig si Ynnah, iniisip ang mga nagdaang tatlong taon na kasama niya si Adrien. Ni minsan ay hindi siya nito pinagluto. Kapag siya'y may sakit, hindi rin ito nagpapakita ng kahit anong malasakit. Ni hindi nito kailanmang sinabing mahal siya nito. “Tapos ka na ba?” kalmado niyang wika at bumaling sa babae. Natigilan si Monique, hindi alam kung dahil ba ito sa pagiging kalmado ni Ynnah o dahil sa hindi niya mabasa ang mga damdamin nito sa mga mata nito. Nang hindi magsalita ay tumayo si Ynnah at iniwan ang babae sa harap ng mansyon. Nanggi