Share

Kabanata 2

Sa taxi, papasok sa parking ng kumpanya.

Habang nasa byahe ay tahimik siyang nakatingin sa bintana. Patuloy ang malakas na pag-ulan at tila ba hindi hihinto anumang oras.

Ayaw na ayaw ni Adrien na bumibisita siya sa kumpanya. Kapag bumibisita siya rito ay inaabangan niya itong palagi sa exclusive elevator nito sa parking.

Nang makita siya ng personal assistant ni Adrien na si Lucas ay agad siya nitong tinawag.

“Ms. Cervantes!”

Ms. Cervantes… dahil walang nakakaalam sa kumpanya na siya ang nag-iisang misis ng lalaki.

Napadako ang tingin ni Adrien sa kaniya at nakita ang phone na hawak niya.

Agad na kumunot ang noo ng lalaki sa pag-iisip na palaging gano’n ang ginagawa niya. Sa tuwing may makakalimutan siya ay hinahatid ito ni Ynnah sa kumpanya na parang isang katulong.

“Didn’t I say you don’t have to come here to send my things?”

Napakurap si Ynnah at napayuko.

“I-I’m sorry. Nakalimutan ko.”

Ngunit ang totoo ay lubha lamang natakot si Ynnah dahil sa text message ni Monique. Natatakot siya na iiwan na siya ni Adrien dahil sa babaeng ito…

“Leave,” ani Adrien pagkatapos kunin ang phone sa kamay niya.

Ngunit bago pa man makaalis ang lalaki ay lakas-loob na nagtanong si Ynnah.

“Adrien, may gusto ka pa rin ba kay Monique?”

Napahinga nang malalim si Adrien at malamig na tiningnan ang asawa. Hindi niya maiwasang mapansin ang pag-iiba ng kilos ng babae nitong mga nakaraang araw. Hindi lang nito nakakalimutan ang mga bagay-bagay, ngayon nama’y nagtatanong mga walang kwentang tanong!

Paano bang naging karapat-dapat ang babaeng ito upang maging asawa niya?

“If you’re bored at home, go find something else to do. Stop pestering me, woman.”

Sa huli ay walang sagot na nakuha si Ynnah.

Noon, sinubukan ni Ynnah na maghanap ng trabaho, ngunit tumanggi ang pamilya Alleje na payagan siyang mamasukan, sinasabing ikahihiya ng pamilya kung siya'y makikita ng publiko. Naalala pa niya ang mga sinabi ng ina ni Adrien na si Carlotta Alleje:

"Gusto mo bang malaman ng lahat na ang napangasawa ng anak ko ay isang may kapansanan at may problema sa pandinig?!"

Isang may kapansanan na asawa...

Pag-uwi, patuloy na naging abala si Ynnah, kahit na malinis na malinis na ang mansyon ay naglinis pa rin siya. Patuloy siyang nagtrabaho nang walang tigil, para bang naghahanap ng huling patak ng halaga sa sarili.

Ngayong hapon, hindi siya nakatanggap ng text mula kay Adrien. Ibig sabihin nito, maaaring galit ito sa kaniya…

Madilim ang gabi at nahihirapang matulog si Ynnah. Ilang beses niyang pinikit ang mga mata hanggang sa biglang tumunog ang kaniyang phone sa bedside table. Kinuha niya ito, nagulat sa hindi inaasahang tawag.

Ang tumatawag ay isang babae na may matamis na boses na palaging nagbibigay ng kaba sa kaniya.

Si Monique…

“Hi! Ito ba si Ynnah? Lasing si Adrien at kasama ko siya ngayon,” mahinhing wika ng babae at mahinang tumawa.

Tila ba piniga ang puso ni Ynnah sa nalaman.

......

Manila Bachelor’s Clubhouse

Nakaupo si Adrien Alleje sa isang prominenteng puwesto, at tila nawawala ang kanyang atensyon habang umiinom. Si Monique, na nakaupo sa tabi niya, ay pinapaligiran ng grupo ng mga mayamang binata. Hinikayat nila siyang kumanta para sa kanila.

"Monique, hindi ba't bumalik ka para muling makuha si Adrien?" biro ng isa sa kanila.

"Sige na, kumanta ka at ipahayag ang nararamdaman mo kay Adrien," dagdag ng isa pa.

Si Monique, na lubhang malambing at  maganda, ang naging sentro ng atensyon. Dahil siya ang unang babaeng minahal ni Adrien, lalo siyang naging kaakit-akit, at sabik ang mga mayayamang binata na makita siyang kasama ng isang tanyag na si Adrien Alleje.

Walang pag-aalinlangang pumili si Monique ng isang kanta at nagsimulang kumanta. Ang kanyang boses ay malambing at nakahahalina, na nagpatigil sa lahat ng tao sa silid.

Pagkatapos kumanta ni Monique ay dumating si Ynnah sa pintuan ng pribadong silid na ‘yon. Narinig niya ang usapan sa loob, kung saan hinihimok ng mga kalalakihan si Adrien na kausapin si Monique, lalo na ang kanyang malapit na kaibigan na si Benjamin, na nangingibabaw ang boses.

"Adrien, tatlong taon mo nang hinihintay si Monique. Now that she’s back, dapat ay ayusin niyo na ang relasyon niyo!” sabi pa ni Benjamin.

"Siya ang unang nag-confess sa'yo ‘diba?," dagdag ng isa pang boses.

Tila ba natuod si Ynnah sa kinatatayuan, lubhang nabigla. Nakuyom niya nang mariin ang mga palad habang nararamdaman ang halu-halong emosyon sa kaniyang dibdib.

Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng pribadong silid, isang lalaki ang palabas sana pero natigilan nang makita siyang nakatayo roon.

“Ynnah?” gulat na tawag sa kaniya ng lalaki.

Lahat ng tao sa loob ng silid ay napatingin sa pintuan. Sa sandaling iyon, bumalot ang katahimikan sa loob.

Kaagad na dumako ang mga mata ni Ynnah kay Adrien na nakaupo sa prominenteng puwesto. Malinaw ang kanyang mga mata, senyales na hindi siya lasing. Doon lamang niya napagtanto na niloko siya ni Monique!

Samantala, nang makita ni Adrien ang asawa ay bahagyang lumamlam ang kanyang mga itim na mata, tanda ng pagkagulat. Ang iba naman, pati si Benjamin na kanina’y inuudyukan siyang lapitan si Monique ay tila ba nagmukhang alangan.

Nagtagis ang bagang ni Adrien sa katahimikang bumalot sa silid na ‘yon. His wife should have not come there!

“Ynnah, please don’t get us wrong,” agad na sabi ni Monique upang putulin ang katahimikan. “Adrien and I are just… close friends.”

Close friends?

Nanginig ang ibabang labi ni Ynnah, magsasalita na sana ngunit biglang tumayo si Adrien.

“You don’t need to explain to her,” ani Adrien kay Monique sa malamig na boses at saka diretsong lumapit sa kaniya. “What the hell are you doing here?”

Tiningnan ni Ynnah si Monique na ngayo’y mukhang mahinhin, bago bumaling sa asawa. “Akala ko’y lasing ka, kaya nagpunta ako rito para sana… para sana sunduin ka.”

Sarkastikong ngumisi si Adrien. “Looks like you already forgot what I told you this morning.”

“C-Concern lang—”

“Do you really think I have forgotten what your family did to me three years ago? Your family scammed me. And now you’re here, reminding everyone of a pretentious woman like you…”

Hindi nakapagsalita si Ynnah, labis na natigilan sa sinabi ni Adrien.

Malamig ang mga mata ng kaniyang asawa nang muli itong magsalita, “Stop trying to act like you’re a woman worthy to be my wife. You’re only making me despise you even more.”

Pagkatapos sabihin ‘yon ay tinalikuran siya nito at umalis. Habang pinagmamasdan niya ang asawang naglalakad palayo, ay napasinghap na lamang siya. Ngayong araw marahil ang pinakamaraming beses na kinausap siya ni Adrien, ngunit ito rin ang araw na sinaktan siya nito nang husto.

Ang mga mayayamang bachelors sa pribadong silid ay walang kahit kaunting simpatya para kay Ynnah. Si Benjamin na walang pakundangan ay lumapit kay Monique at nagsalita.

“You are so kind, Monique. Ikaw na nga ang inagawan, ikaw pa ang magpapaliwanag? Kung hindi dahil sa mapanlinlang na pamilya ni Ynnah, ikaw sana ang naging asawa ng kaibigan kong si Adrien. Hindi mo na sana kailangang umalis pa ng bansa.”

Bagaman puno ng nakaririnding tunog ang mga tainga ni Ynnah ay narinig niya ang bawat salita ng lalaki nang malinaw.

Ngunit mali si Benjamin sa sinabi nito. Alam niyang higit kaninuman na, kahit hindi siya ang mapangasawa ni Adrien, hindi rin nito papakasalan si Monique na walang mayamang pamilya o reputasyon. Alam din ni Monique ito, kaya't nagpasya ang babae na makipaghiwalay at lumipat sa ibang bansa.

Pero bakit sa huli’y naging kasalanan niya ang lahat?

Pagdating niya sa mansyon ay madilim at tahimik pa rin ito tulad ng dati. Walang nagbago mula nang umalis siya hanggang sa makauwi.

Ni hindi man lang umuwi si Adrien…

Napaupo si Ynnah sa harap ng pintuan, hawak ang isang payong. She could feel the emptiness lingering in her heart. Ayaw niyang pumasok sa mansyon na ito. Palagi siyang nag-iisa… Kaya mas pinili niyang maupo sa harapan ng pintuan at pinanood ang malungkot na ulan.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naroon bago lumapit sa kanya ang isang pamilyar na pigura.

Si Monique…

Taas-noo itong lumapit sa direksyon niya habang nakapayong. The woman was stunningly beautiful in her luxurious clothes and stilettos.

“Anong pakiramdam na pinagtabuyan ka ng sarili mong asawa?” tanong ni Monique na may halong panunuya ang boses.

Hindi siya sumagot bagkus ay nag-iwas lamang ng tingin.

Napangiti si Monique.

"Alam mo, noong una, naiinggit ako sa'yo. Mayroon kang mayamang pamilya, mapagmahal na ama, at isang buhay na walang alalahaning kahit anong hirap. Pero ngayon, naaawa na ako sa'yo. Alam mo kung bakit? Kasi mahigit sampung taon mo nang minamahal si Adrien pero hinding-hindi ka niya mamahalin.”

Parang punyal ang bawat salitang binitiwan ni Monique. 
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rosalie Natan
yes I really love it
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status