Share

Kabanata 9

Sa labas ng korte, tumingin si Adrien sa oras; eksaktong alas-diyes na.

Tatawagan na sana niya si Ynnah para itanong kung dumating na ba ito nang makita niya itong nakatayo sa ilalim ng isang malaking puno sa hindi kalayuan, nakasuot ng itim na bestida.

Hindi maganda ang panahon ng umagang ‘yon. Umaambon na tila ba hindi alintana ni Ynnah. Pinakatitigan ni Adrien ang babaeng nakasama niya ng tatlong taon. Payat na payat ito, na wari ba’y anumang oras ay maaaring liparin ng hangin.

Naalala ni Adrien kung paano si Ynnah noong bagong kasal pa lamang sila. She was so young and energetic, unlike now that she looked very pale, thin and unhappy. Nagtiim bagang siya at kinuha ang paying sa kabilang upuan bago lumabas ng kotse at diretsong naglakad sa direksyon ni Ynnah. Ni hindi siya napansin ng babae hanggang sa makalapit siya rito.

Sa nakalipas na tatlong taon, hindi nagbago nang husto si Adrien. Gwapo at masigla pa rin siya tulad ng dati, mas matured at mas capable pa nga ngayon. Pakiramdam ni Ynnah ay mabilis lumipas ang tatlong taon, at pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya.

Lumapit si Adrien kay Ynnah, malamig ang mga mata at naghihintay ng paghingi ng tawad mula sa kanya.

Sa isip ni Adrien, masyado nang matagal ang laro ni Ynnah.

“Let’s get inside. I know you still need to go to work,” wika niya.

Nanigas naman ang mukha ni Adrien at tiningnan nang malamig si Ynnah.

“Just make sure you won’t regret this,” ani Adrien bago naunang maglakad papasok ng korte.

Pinanood lamang ni Ynnah ang lalaki, nakakaramdam ng matinding lungkot.

Magsisisi? Hindi niya alam. Alam lang niya na pagod na siya. Kapag nagpasya ang isang tao na umalis, marahil dahil nawalan na ito ng pag-asa, at ang naipong mga pagkabigo ay hindi na kayang pigilin pa.

Sa divorce window, nang tanungin ng tauhan kung talaga bang napagdesisyunan na nilang maghiwalay, matatag na sumagot si Ynnah, “Oo.”

Ang determinadong tingin niya ay nagpahinto kay Adrien.

Pagkatapos makumpleto ang mga pormalidad, sinabi sa kanila ang tungkol sa cooling-off period. Kailangan nilang bumalik makalipas ang isang buwan upang gawing pinal ang kanilang divorce. Kung hindi sila babalik pagkatapos ng isang buwan, ang paghain ng divorce ay kusang mawawalan ng bisa.

Habang palabas ng korte ay tiningnan ni Ynnah si Adrien.

“Kita na lang tayo sa susunod na buwan. Mag-ingat ka,” kalmado niyang sabi bago lagpasan ito at nagpara ng taxi upang makaalis na roon.

Samantala, nakatayo lamang si Adrien at pinapanood si Ynnah hanggang makalayo na ang taxi na sinakyan nito. Hindi niya maunawaan ang dapat maramdaman sa pagkakataong ‘yon. Pinaghalong ginhawa at kung ano na hindi niya malaman.

But he should be happy, right? Hindi na siya magiging konektado sa babaeng ‘yon at hindi na rin siya iinsultuhin ng mga kamag-anak niya dahil may asawa siyang may kapansanan.

Nahinto siya sa pag-iisip kay Ynnah nang makatanggap ng tawag mula kay Benjamin.

“Man, is it done?”

“Hmm…” walang lakas niyang sagot.

“You’ll be under cooling-off period now that you filed a divorce. Huwag ka na sanang lumambot pa sa babaeng ‘yon. I’m sure she’s up to something and it won’t be good,” sabi ni Benjamin.

Naisip din ni Adrien ‘yon. Kilala niya si Ynnah. She was trying to pursue him for more than a decade. Kaya para bumitaw ito nang gano’n-gano’n na lamang ay hindi kapani-paniwala. Maging siya ay hindi ito pinaniniwalaan.

***

Sa loob ng taksi, sumandal si Ynnah sa bintana habang pinapanood ang mga patak ng ulan na dumadausdos sa salamin. Siya ay nawawala sa pag-iisip. Nagulat ang drayber nang makita ang dugo na tumutulo mula sa kanyang mga tainga sa rearview mirror.

"Miss, Miss!!" sigaw ng drayber nang ilang beses, ngunit hindi tumugon si Ynnah.

Agad na huminto ang drayber sa sasakyan dahilan para magtaka si Ynnah. Bakit sila huminto gayong hindi pa sila nakarating sa pupuntahan? Tiningnan niya ang drayber, pinanood ang bibig nitong bumubukas at sumasara, at saka napagtanto niyang hindi niya ito marinig.

“Ano pong sinasabi niyo? Hindi ko po kayo marinig…”

Nagtipa ng mensahe ang drayber sa kanyang phone upang ipaliwanag ang kanyang sitwasyon. Nang mabasa ito, mabagal na inabot ni Ynnah ang kanyang tainga, naramdaman ang mainit at basang dugo sa kanyang mga daliri.

Huminga siya nang malalim, lubhang sanay na sa sitwasyon na ‘yon.

“Huwag po kayong mag-alala. Ayos lang ako. Wala lang ito…”

Ang pagkawala ng pandinig niya ay hindi palaging sinasamahan ng pagdurugo. Dalawang taon na ang nakararaan, sa isang party, itinulak siya ni Benjamin sa isang pool. Hindi siya marunong lumangoy dahilan para mamaga ang kanyang mga eardrums mula sa muntik na pagkalunod. Halos mamatay siya noong gabing iyon. Pagkatapos siyang dalhin sa ospital, nagkaroon siya ng ganitong problema. Dati ay minsan-minsan lamang ito nangyayari, ngunit kamakailan, mas madalas na ito.

Ang drayber na patuloy na nag-aalala, ay dinala siya sa pinakamalapit na ospital. Nagpasalamat si Ynnah sa kanya at pumunta sa doktor mag-isa. Sa pagkakataong ito, ang kanyang doktor ang tumingin sa kanya.

“Dok, napapansin ko po na humihina na ang memorya ko nitong mga nakaraang araw. Minsan ay nakakalimutan ko kung ano ang ginagawa ko,” paliwanag ni Ynnah.

Nang magising siya sa hotel noong umaga na iyon, inabot siya ng mahabang oras bago maalala na dapat i-divorce si Adrien sa araw na iyon. Kaya pumunta siya ng maaga sa korte upang hintayin ang asawa.

Natatakot siyang makalimutan ‘yon kaya patuloy niyang tinitingnan ang mga text message mula kay Adrien upang ipapaalala ang dapat gawin sa sarili.

Nag-aalala naman ang mukha ng doktor habang nire-review ang kamakailan lamang na resulta ng mga tests ni Ynnah.

“Ms. Cervantes, I would recommend that you undergo a different test this time, a psychological assessment.”

Psychological assessment...?

Sinunod ni Ynnah ang payo ng doktor at sumailalim sa isang psychological examination. Doon ay na-diagnose ang sakit niya bilang depression. Ang mga pasyente na may major depressive disorder ay maaaring makaranas ng pagkawala ng memorya.

Bago bumalik sa hotel, bumili si Ynnah ng notebook at bolpen, at isinulat niya ang lahat ng mga nangyari kamakailan. Inilagay niya ang notebook sa tabi ng kanyang kama upang makita niya agad ito pagkagising niya.

Habang nakahiga para magpahinga, binuksan ni Ynnah ang kaniyang phone at nag-research ng mga paraan kung paano gamutin ang depression hanggang sa nakita niya ang quote na:

“Sana magamot mo ang iyong sarili hangga't maaari, at huwag umasa na may isang tao sa mundong ito na magliligtas sa iyo…”

Tahimik na tinapos ni Ynnah ang pagbabasa, pinatay ang kanyang phone, at pumikit. Ang pakikipag-divorce niya kay Adrien ay nagdulot ng malaking kapaguran sa isip niya.

Nang gabing iyon, maraming beses siyang tinawagan ng kanyang ina, ngunit hindi niya narinig ang mga tawag. Pagkagising niya kinabukasan, nakita niya na inulan siya ng text messages nito.

“Where are you right now?”

“Sino ka ba sa tingin mo? Ang kapal ng mukha mong hiwalayan si Adrien!”

“Malas ka! Nang ikasal ka, naaksidente ang Papa mo at ngayon ay ganito lang ang igaganti mo? Sisirain mo talaga ang negosyo ng pamilya natin!”

Tinitigan ni Ynnah ang mga mensahe, walang maramdaman dahil sanay na siya rito. Ilang saglit pa ay nag-type siya ng sagot sa kaniyang ina.

“Ma, kailangan nating tumayo sa sarili nating mga paa at huwag masyadong umasa sa iba.”

Makalipas ang ilang sandali, dumating ang mensahe muli ng kanyang ina.

“Wala kang karapatang pagsabihan ako nang ganiyan! Wala kang utang na loob na anak! Hindi na kita dapat ipinanganak pa!”

Tumigil si Ynnah sa pag-reply at inilapag ang kanyang phone sa tabi. Inisip niya na pagkatapos ng isang buwan ay ma-a-approve na ang divorce nila ni Adrien, at makakaalis na siya sa Manila upang magsimulang muli.

Sa mga sumunod na araw, mas lalo pang lumala ang kalagayan ni Ynnah. Ang mga episode ng pagkawala ng kanyang pandinig ay naging mas madalas at mas matagal bago bumalik. Bumaba rin ang kanyang memorya. Kahapon, nakalimutan niya ang daan pabalik sa hotel pagkatapos kumain sa labas. Sa kabutihang-palad, dala niya ang kanyang phone na may navigation app.

Hindi na raw magagamot ang kanyang pandinig, ngunit ang kanyang depresyon ay maaring magamot. Sinubukan niyang pasayahin at gawing abala ang sarili kaya nag-sign up siya online para mag-volunteer sa pag-aalaga ng matatanda at mga ulilang bata. Ang makita silang makatanggap ng tulong ay nagbigay sa kanya ng bagong layunin sa buhay.

Isang umaga ay nagising si Ynnah, binasa ang mga nakasulat sa kanyang notebook gaya ng nakagawian, at naghanda upang pumunta sa ampunan. Ngunit nang kinuha niya ang kanyang phone, nakita niyang may mga hindi pa siya nababasang text messages.

Ang mga text messages ay mula sa kanyang ina, nakababatang kapatid, at kay Monique. Binuksan niya ito isa-isa.

Mama:

You already got what you want. Bumagsak na ang pamilya natin!!

Yvo:

You should hide better. Napakaduwag mong kapatid! You’re heartless and unreliable!

Monique:

Magiging maayos ang negosyo niyo sa mga kamay ni Adrien.

Ang pamilya mo ang tumulong sa akin noon. Kung kailangan mo ng tulong ay sabihin mo lang.

Hindi alam ni Ynnah kung ano ang nangyayari. Umalis siya sa inbox app at nag-browse sa internet. Doon nakita niya ang nasa headline ng most hot topic sa internet.

‘The Cervantes Holdings went bankrupt overnight!’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status