Share

Kabanata 13

Pinatunayan ni Ynnah sa lahat na kaya niyang gawin ang ginagawa ng iba kahit pa na may problema siya sa pandinig. Pinatunayan niya sa lahat na wala siyang ipinagkaiba sa ibang tao na kaya niya rin gawin ang ginagawa nila.

Nang makita ito ni Gino, nagbigay ito sa kanya ng pag-asa na makaahon sa kung ano man ang kanyang nararanasan. Habang pinapakinggan niya si Ynnah, hindi namalayan ni Gino na muntik niya na makalimutan ang pakay niya. Inalalayan niya si Ynnah papasok sa kanilang pinuntahan.

Ngumiti muna si Ynnah bago magsalita. “Maraming salamat at muntik ko na makalimutan ang sarili.”

Nagkaroon ulit ng pagkakataon si Gino na makasabay si Ynnah sa pagkain at sa buong araw na 'yon, hindi niya na sinubukan pang magtanong kay Ynnah tungkol sa buhay niya pagkatapos makasal.

Nanatili muna si Ynnah ng ilang sandali kasama si Gino hanggang sa bigla niyang naalala ang pinangako kay Claudia, sa ina niya.

Nagpunta siya ng sementeryo isang umaga upang tignan ang puntod ng kanyang namayapang ama. Hindi napigilan ni Ynnah na mapatitig sa picture frame ng kanyang butihing ama.

“Alam mo, Dad, miss na miss na kita,” bulong niya habang ang kanyang boses ay parang napapaos na.

Naramdaman ni Ynnah ang paghampas ng hangin sa kanyang mukha, at nakaramdam siya ng kaonting kilabot dahil sa lamig ng hangin na tumama sa kanyang ilong.

“Dad, magagalit ka ba kapag pinuntahan kita rito?” tanong niya sa puntod ng ama at gamit ang kanyang kamay, kinuha niya ang nahulog na dahon mula sa ibabaw ng puntod. “Alam ko gusto mo na dapat lagi akong magpalakas pero hindi ko alam kung paano. I'm so sorry...”

Nanatili munang nakatayo si Ynnah sa harap ng puntod ng ama hanggang sa nagdesisyon na siyang umalis.

Tumigil siya para bumili ng isang urn. Bukod doon ay pumasok din siya sa isang photo studio para bumili ng isang black-and-white photo frame. Pagkatapos niyang magawa ang mga ito, umuwi na siya.

Sakay ng sasakyan, hindi maiwasang mapatingin siya sa labas ng sasakyan at tila malalim ang iniisip.

Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tignan niya ito, si Yaya Dolores ang kanyang nakita. Sinagot ito ni Ynnah at ang boses kaagad ng yaya niya ang bumungad sa kanya sa kabilang linya.

“Kamusta ang lakad mo?” tanong ng kanyang yaya sa mahinahong tono.

Pinilit ni Ynnah ang ngumiti saka ito sinagot. “Mabuti naman po.”

Nang marinig ni Yaya Dolores ang sinabi niya, kumawala ito ng isang malalim na paghinga.

“Hindi ba sabi ko huwag mo na ako bigyan ng pera dahil hindi ko naman 'yon kailangan. Itago mo na 'yon dahil magagamit mo ito pagdating ng araw kung may gusto kang gawin sa pera mo,” sabi ni Yaya Dolores.

Ilang taon na rin ang nakalipas at palagi itong ginagawa ni Ynnah para kay Yaya Dolores. Patago niyang pinapadalhan ng pera ang kanyang yaya subalit ayaw niyang tanggapin. Walang pakialam ang yaya niya sa pera dahil mas sanay ito sa buhay probinsya at palaging sinasabi na dapat niyang itago ang binibigay na pera.

Nang maramdaman naman ni Ynnah ang pag-aalala sa boses ng kanyang yaya, hindi niya napigilan ang maluha. Sabay itong tumulo sa kanyang pisngi.

“P-Pwede mo ba ako dalhin sa lugar kung saan mo ako madalas dinadala noong ako ay bata pa, Yaya Dolores?” tanong niya at nagulat ang yaya niya. “S-Sa petsa kinse po, kunin niyo po ako at dalhin sa inyo.”

Nagtaka naman si Yaya Dolores sa sinabi ni Ynnah. Hindi niya alam kung bakit kailangang sa kinse pa siya magpakuha kung pwede naman ngayon.

“Sige, kukunin ka ni Yaya Dolores sa petsa kinse at dadalhin kita sa bahay ko, okay?”

Kamakailan lang din ay nakatanggap si Ynnah ng text message mula sa ospital para magpatingin ulit pero hindi na siya pumayag. Nagdesisyon siyang umalis dahil ayaw niya na magsayang pa ng pera para sa pagpapagamot. Isang daang libo na lang ang naiwan sa kanyang account. Pinangako niya na bago siya mawala ay mabigay niya muna ang pera sa yaya niya para may panggastos ito.

Ilang araw na rin sunod-sunod ang ulan sa maynila pero palagi pa rin siyang binibisita ni Gino. Palagi rin siyang naaabutan ni Gino na mag-isang nakaupo sa balkonahe ng bahay at wala sa sarili. Napansin din ni Gino na lalong lumalala ang kanyang sakit sa tainga dahil ilang ulit na ring hindi naririnig ni Ynnah ang kanyang mga pagkatok at kailangan pa nito titigan ang kanyang bibig upang maintindihan kung ano ang sinasabi ni Gino.

“Nalaman ko na mayroong fireworks display doon sa tabing ilog. Gusto mo bang makita 'yon?” tanong bigla ni Gino sa kanya.

Nagulat pa siya ng ilang segundo bago sumagot. “Sige.”

Nakasqnayan na rin sa kanilang lugar na magpa-fireworks display sa tabing ilog tuwing sabado kaya marami ang pumupunta doon lalo na ang mga magkasintahan dahil sa paniniwala na ang pumupunta roon ay hindi maghihiwalay. Sinubukan ni Ynnah na ayain si Adrien na magpunta pero ayaw nito. Marami naman silang pagkakataon na gawin 'yon pero hindi nangyari.

Sa araw din ng sabado ay nagtungo sila doon upang masaksihan ang fireworks display. Maaga silang dumating at pagdating ng alas osto ng gabi, isang napakagandang fireworks ang biglang sumabog sa kalangitan.

Napatitig sa taas si Ynnah at hindi niya napigilang maluha dahil naranasan niya ito.

“Maraming salamat dahil pinaranas mo sa akin ito ngayon, Gino,” naluluhang sabi niya sa kaibigan.

Napatitig naman si Gino kay Ynnah sa tabi at nakita itong ngumiti subalit alam niya na hindi ito masaya.

“Mananatili ako dito sa Pilipinas muna ng isang taon at palagi na tayong manonood ng fireworks display, okay?” ani Gino.

Hindi naipangako ni Ynnah kay Gino na gagawin nila ang sinabi nito dahil alam niyang hindi na pwede pa.

Pagkatapos ng halos kalahating oras tapos na rin ang palabas. Ihahatid sana ni Gino si Ynnah pauwi subalit tumanggi ito. Nagdesisyon si Ynnah na maglakad na lang pauwi dahil malapit lang naman at saka marami ding tao.

Habang na sa daan, inakala ni Ynnah na nakita niya si Adrien pero nagkamali siya. Ibang tao ang nakita niya at hindi ang asawa. Hindi lang ito ang unang beses na napagkamalan niyang si Adrien ang mga taong nakasalubong niya.

Habang naghihintay si Ynnah na magpalit sa green ang traffic light, napansin niya ang isang malaking screen. Nakita niya ang interview ng isang news reporter kay Monique.

Tinanong siya ng reporter. “Nabanggit mo na kaya ka bumalik ay para bawiin ang first love mo, so kamusta na ang tungkol diyan?”

Monique replied. “At eight o'clock in the evening, I am going to watch the fireworks display with him near the river.”

Hindi naman sinagot ni Monique ang tanong pero hindi rin naman naman niya itinanggi. Nang marinig 'yon ni Ynnah, isa lang sa isip niya. Isa itong anunsyo tungkol sa kanilang relasyon.

Isang kanta ang biglang umalingawngaw sa paligid nang maglakad na si Ynnah sa daan. Bigla niyang naalala si Adrien sa kantang “The Love of My Life” ni Monique dahil si Adrien ang lalaking tunay niyang minahal.

Naaalala niya bigla ang pangyayari noong nakalipas na mga taon kung saan si Adrien ay nakasuot ng isang puting damit, nakatayo sa kanyang pintuan. Iniligtas siya nito mula sa mga taong umaapi sa kanya at naalala niya rin kung paano sila biruin ng kanilang mga pamilya na ipapakasal pagdating ng takdang panahon. Maraming mga alaala sa isip ni Ynnah subalit hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ayaw sa kanya ni Adrien.

Samantala, walang kahit na anong balita na natanggap si Adrien. Tinignan niya ang kanyang cellphone subalit wala siyang natanggap na kahit anong text message mula kay Ynnah. Nandilim ang kanyang paningin kaya tinapon niya ang cellphone sa tabi.

Bigla naman niyang narinig ang katok sa pinto at iniluwa nito si Lucas na may dalang balita.

“Alam ko na kung anong pangalan ng lalaki. Gino ang pangalan niya, Sir Adrien. Mukhang kaibigan po siya ni Miss Cervantes,” sabi ni Lucas sa kanya.

Sa isip naman ni Adrien at dahil na rin sa kumakalat na mga balita, alam niyang kababata iyon ni Ynnah. Ipinaliwanag din sa kanya ni Lucas kung saan nakatira ang lalaki at nalaman niyang mas maraming alam ang Gino kaysa sa kanya.

“Naghihintay po pala si Sir Benjamin sa labas, Sir,” Lucas added.

“May gagawin pa ako ngayon at sabihin mo sa kanya.”

Nagulat naman si Lucas nang marinig niya 'yon mula kay Adrien. Palaging magkasama ang dalawa kasama ng kanilang mga mayaman ring kaibigan pero tila iba ngayong araw.

Umalis na si Adrien at ginamit niya ang exclusive elevator papuntang parking lot para puntahan si Ynnah sa tinitirhan niyang isang hotel.

Nang makarating ay nabigla si Adrien dahil nalaman niyang lumipat na pala ang asawa kaya naman sa inis ay hinanap niya ang numero ng asawa para tawagan ito subalit may biglang tumawag sa kanya.

Ang pangalan ni Monique ang kanyang nakita kaya naman ay sinagot niya ito.

“What's the problem?” tanong ni Adrien.

“Adrien, nalaman ko sa ina ni Ynnah na ikakasal na siya...”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status