Isang malakas na paghinga ang pinakawalan ni Ynnah nang mahulog ang cellphone dahilan para masira ang screen nito ng mabasa sa ulan. Yakap ang inukit na puppet ng ama, Isinandal ni Ynnah ang kanyang ulo sa puntod ng ama.Napatitig siya sa ulan na tila ba ay nandoon ang ama niya, nakangiting naglalakad sa kanyang direksyon.Para kay Ynnah, kahit pa ang mapagmahal na tao ay hindi magpakatotoo at ang mga walang damdamin ay magpakatotoo, sa huli ay pagsisisi pa rin ang mananalo. Wala kang mapipilian dahil lahat ay may pagsisisi pa rin pagdating ng araw......Sa mansyon ng mga Alleje.Kanina pa tinitigan ni Andrei ang cellphone at tawag nang tawag kay Ynnah. Nagsimula na siyang kabahan dahil hindi niya na makontak ulit si Ynnah.Napahilamos siya ng mukha dahil ang recorded na boses ng customer service ang nagsasalita sa kabilang linya.“The number you have dialed is unattended, please dial again later...”Inis niyang hinablot ang coat sa tabi para suotin ito bago tumayo. Akmang lalabas na
Pagkatapos buksan ni Gino ang sulat ni Ynnah para kay Yaya Dolores at makita ang address na nilagay nito sa baba, agad siyang umalis para puntahan ito.Nalaman niya na nasa sementeryo ang kaibigan at kahit pa beinte minuto mahigit bago marating 'yon, wala siyang pakialam.Hindi maintindihan ni Gino kung bakit ang isang dating maaliwalas at masayahing tao na si Ynnah ay bakit sa daang ito napadpad. Subalit hindi niya na 'yon inisip pa at nagpatuloy sa kanyang pag-alis.Bukod naman kay Gino, papunta na rin sa sementeryo ang ina ni Ynnah na si Claudia subalit iba naman ang pakay niya. Nagpunta ito roon para kunin si Ynnah para ipakasal kapalit ng tatlong daang milyon.Sa Maynila North Cemetery, malakas ang buhos ng ulan.Sa puntod ng ama, bumigay ang katawan ni Ynnah. Basang-basa na ang kanyang katawan, maging ang suot niyang damit ay basa na rin. Halos hindi na siya makilala at sa isang malakas na hangin, alam niyang liliparin na siya palayo.Sa kabila ng malakas na ulan, sinuong iyon ni
Gamit ang paa ni Gino, sinipa niya nang pagkalakas si Yvo at halos lumipad ito palayo. Sinubukan ng lalaki na kunin si Ynnah sa kanya kaya kailangan niya itong protektahan.Dahil sa malakas na pagkasipa ni Gino, tumilapon si Yvo palayo. Napaigik pa ito sa sakit ng katawan habang napapahawak sa kanyang dibdib. Hindi siya nakapagsalita at nang makita ni Claudia ang nangyari, nilapitan niya si Yvo upang tulungang makatayo.Tinignan ni Claudia si Gino nang may halong pagbabanta. “Did you just kick my son!?”Marahas na nagbuntong hininga si Gino saka niyakap nang mahigpit si Ynnah at ang mga mata niya'y nababalot ng yelo. Hindi niya alintana ang ulan na ngayon ay tumutulo sa dulo ng kaniyang buhok patungo sa kanyang mukha.Walang bakas ng kahit anong takot sa mukha ni Gino nang maglakad siya patungo sa ina at kapatid ni Ynnah.Sa harap nila, isang nakakapangilabot na tanong ang lumabas sa mga labi niya. “Siguro gusto niyong mamatay?”Natahimik sina Claudia at Yvo dahil sa takot sa lalaking
Hindi na lamang iyon pinansin ni Adrien at tumahimik na lang habang ang kanyang mga mata ay nandilim na pero hindi niya iyon pinansin. Ang kaibigan niyang si Benjamin, ang mama niya, ang assistant niya, at kahit pa ang mga katulong sa mansyon ay hindi pinakisamahan si Ynnah. Hindi trinatong parang tao.Bago pa niya masagot ang kaibigan, may biglang tumawag kay Benjamin at agad itong lumabas ng opisina. Kinuha ni Adrien ang kanyang cellphone para subukang tawagan ulit ang numero ni Ynnah subalit isang malamig na tono ng isang babae ang umalingawngaw.“Sorry, your call is not connected at the moment, please try again later.”Dahil sa inis, tinapon niya ang cellphone sa gilid. Nagdesisyon siyang tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa bintana ng kumpanya. Kinuha ang sigarilyo sa kanyang bulsa at sinindihan niya ito. Hanggang ngayon ay naririnig niya pa rin sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Ynnah.Biglang nanuyot ang kanyang lalamunan at napaubo siya ng dalawang beses dahil doo
Sa labas ng bintana, sa kwartong kinalalagyan ni Ynnah ay nakahiga pa rin siya sa kama para magpahinga.Malakas ang ihip ng hangin at halos natatanaw niya ito mula sa kanyang hinihigaan. Ang mga kamay niya ay nasa ibabaw ng kanyang tiyan at mulat ang kanyang mga mata.Bumalik si Gino sa loob upang sabihin kay Ynnah ang sinabi ng doctor. Buntis siya at ayaw pa rin mag-sink in sa utak niya ang nalaman. Hindi ito ang tamang oras para kay Ynnah na lumabas ang bata at hindi niya alam ang gagawin.Nakatingin lamang si Yaya Dolores kay Ynnah na walang kabuhay-buhay ang mga mata at para bang nawawalan na ito ng pag-asa.“Ynnah,” tawag niya.Lumingon naman si Ynnah sa direksyon ni Yaya Dolores saka nagsalita. “Yaya Dolores...”Namula ang mga mata ni Yaya Dolores nang hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang pisngi.“Mag-isa lang ako sa buhay at wala akong mga anak. Nang makilala kita, itinuring na rin kita na para kong tunay na anak,” ani Yaya Dolores at nagpatuloy. “Hindi ko hinang
May bagong bagyong nakapasok sa Pilipinas kaya naman ay malakas pa rin ang ulan. Mabuti na lang ay nakalabas na si Ynnah ng hospital at simula sa araw na 'yon, hindi siya hinayaang mag-isa ni Gino.Nanatili ang lalaki sa tabi niya lalo na ngayong mas lumala ang kalagayan ni Ynnah dahil sa epekto ng kanyang pagpapagamot noong nakaraan. Sa kabila no'n ay nilakasan ni Ynnah ang kanyang sarili. Kahit walang ganang kumain ay pinilit niya ang sarili para gumaling siya.Nagpapasalamat si Ynnah dahil simula no'ng magkasama sila ni Gino, hindi na nito binanggit ang pangalan ni Adrien. Hindi niya rin gustong marinig ang tungkol sa lalaki sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya at iniiwasan niyang makaabala sa mga kaibigan niya.Minsan na rin siyang napapatitig sa picture ni Adrien, nag-iisip kung paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang paghihiwalay pero hinayaan niya na lang muna iyon.Nagpunta siya ng palengke upang mamili ng mga gulay. Pabalik na sana si Ynnah sa bahay nang biglang may
Nang marinig ni Ynnah ang sinabi ni Adrien, ngayon alam niya na kung ano ang tinutukoy ni Monique. Magsasalita na sana siya para ipaliwanag dito pero inunahan na siya ni Adrien.“Our separation is between the two of us. Monique has nothing to do about it and now she's in the hospital.”Halos mapanganga sa gulat si Ynnah ng ilang segundo. Nagulat siya dahil hindi aakalaing magagawa ni Monique ang mga bagay na 'yon.Hindi niya akalain na ilalagay ni Monique sa kapahamakan ang sarili para lang mapaniwala si Adrien at sa tingin ni Ynnah ay naniwala naman ito.Huminga nang malalim si Ynnah bago ito sagutin. “Wala akong ginawa sa kanya at isang beses lang kaming nagkita, maniwala ka man o hindi sa 'kin.”Pinatay niya na ang cellphone pagkatapos sabihin 'yon at hindi na hinintay pang makapagsalita si Adrien.Sa hospital naman ay hindi maipaliwanag ang mukha ni Adrien dahil nakaratay pa rin si Monique sa kama habang may nakapalibot na bandage sa noo. Iniuntog ni Monique ang kanyang noo pagkata
Lahat ng tao ay gustong pangaralan si Ynnah. Ang pamilya ni Adrien, ang personal niyang assistant, ang secretary nito, at pati na rin ng mga katulong ay walang ibang ginawa kung hindi pangaralan siya.Palagi na lang siyang nakangiti at maging mabait sa kanila dahil 'yon ang sinasabi sa kanya pero ngayon hindi niya na papayagan na mangyayari pa 'yon.Ang kanyang nakababang kamay ay biglang napakuyom. Malamig niyang tinitigan si Lucas na para bang gusto niya itong lamunin.“Galit siya sa akin? Ano naman ang kinalaman ko diyan?” tanong niya rito. “Kung wala kang ganap sa buhay ay wala akong pakialam. Hindi ako sasama sa 'yo.”Dahil sa sama ng pagkatitig ni Ynnah sa kanya, pakiramdam ni Lucas ay kumabog ang dibdib niya. Hindi niya inaasahang titigan siya nang gano'n ni Ynnah. Nang magsasalita na sana siya ay biglang sinara ni Ynnah ang pinto sa harapan niya.Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan dahil hindi siya makapaniwala. Ito ang unang beses na sinaraduhan siya ng pinto. Kung noon ay si