Share

Kabanata 64

Walang ganang kumain ngayon si Benjamin at pagkatapos malaman ng kanyang ama ang ginawa niya kaninang umaga. Pinapapunta siya nito sa restaurant para dumalo sa isang dinner pero ang totoo, nagpunta siya para makipagkaibigan sa mga babaeng anak na dadalo ngayon.

Ilang sandali lang na makarating siya sa loob, agad naman siyang tinawag ng ama para paalalalahanan.

“This is the Alleje's celebration and you don't want to cause trouble here, do you?” tanong ni Gilbert.

Mabilis lamang nitong makitaan ng butas si Benjamin at dahil diyan, walang ibang nagawa si Benjamin kung hindi ang maupo sa isang sulok ng private restaurant.

Nababalot ng malamig na reaksyon ang mukha ni Benjamin ngayon at ramdam iyon ng iba. Kung sino ang magtatangkang lumapit sa kanya ay para na rin silang lumapit kay kamatayan dahil sa dilim ng awra niya.

Hindi naman napansin ni Benjamin na may nagmamasid sa kanya simula pa kanina.

Mayroong host sa dinner celebration na pinahanda ng pamilya Alleje at higit sa lahat, nandito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status