Share

Kabanata 8

Umalingawngaw ang boses ni Yaya Dolores mula sa pintuan.

“Ynnah, gising ka na? Nakapagluto na ako ng paborito mong pakbet. Halika at kumain ka na habang mainit pa.”

Ang kanyang mga salita ay dahan-dahang nagpabalik kay Ynnah sa realidad. Iniwan niya nga pala si Adrien at pumunta sa ospital para magpatingin sa doktor, at ngayo’y narito siya sa tahanan ng kaniyang Yaya. Napakamot sa ulo si Ynnah, medyo nakaramdam ng gulat. Bakit napakahina ng kanyang memorya?

Akmang tatayo na siya nang napansin niya ang mantsang dugo sa kumot na ginamit niya sa pagtulog. Hinawakan ni Ynnah ang kanang tenga niya at naramdamang malagkit ito. Tiningnan niya ang kamay at nakita na puno ito ng dugo. Nabahiran na rin ng dugo ang kanyang hearing aid.

Namilog ang kanyang mga mata, at nagmamadaling pinunasan ng tissue ang kanyang tenga, saka mabilis na nagpalit ng kumot.

Si Dolores, nang mapansing hindi pa siya bumababa, ay namataan si Ynnah na naglalaba ng kumot sa balkonahe.

“Oh, bakit naman ginagawa mo ‘yan?”

“Ah Yaya, natagusan ko po kasi iyong kumot,” nakangiting paliwanag niya.

Pagkatapos maglaba, nag-almusal siya kasama si Dolores at nasiyahan sa sandali ng kapayapaan. Ang boses ni Dolores ay malinaw at kung minsan naman ay parang napakahina sa pandinig niya. Natakot si Ynnah na baka hindi na niya marinig ang boses na iyon ng kaniyang Yaya, at natatakot din siya kung gaano malulungkot ito kapag nalaman nito ang kalagayan niya.

Pagkaraan ng ilang sandali, si Ynnah ay maingat na nag-iwan ng ilan sa kanyang ipon sa bedside table at nagpaalam na kay Dolores. Pag-alis niya, pa siya ni Dolores sa istasyon at atubiling nagpaalam. Hindi lumingon si Ynnah hanggang sa makaalis siya.

Hindi mapakali si Dolores. Hindi niya maiwasang mag-alala para sa alaga niya kaya naman tinawagan niya ang internal phone ng Alleje Group of Companies. Ang sekretarya ni Adrien ang nakasagot ng tawag na ‘yon, at nagpakilala siya bilang Yaya ni Ynnah.

Samantala ay sumapit naman ang ikatlong araw mula nang umalis si Ynnah sa mansyon, at ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng balita si Adrien tungkol sa asawa. Umupo siya sa kanyang office chair na may multong ngiti sa kaniyang labi. Gaya ng nahulaan niya, hindi makakatagal si Ynnah…

Narinig niya ang magalang na boses ng Yaya nitong si Dolores mula sa kabilang linya.

“S-Sir Adrien… ako ho ang Yaya ni Ynnah, ang nag-alaga sa kaniya mula pa noong bata siya. Nakikiusap ako sa iyo… maaari bang tratuhin mo nang maayos ang alaga ko at huwag mo na siyang sasaktan pa?”

Nagulat si Adrien sa narinig.

Nagsimulang suminghot ang ginang mula sa kabilang linya. “Higit sa lahat, ako ang lubos na nakakakilala kay Ynnah. Hindi siya matatag kagaya ng pinapakita niya sa mga taong kaharap niya… Simula nang maipanganak siya, kinamumuhian na siya ng ina niya dahil sa kapansanan niya, kaya binigay siya sa akin upang alagaan. Ibinalik ko siya sa Maynila dahil nasa wastong gulang na siya para mag-aral… pero kahit na mayaman sila, tinatrato siyang parang katulong ng sarili niyang ina. Hindi siya minahal nito at ng kapatid niya. Laging tumatawag sa akin si Ynnah noon, umiiyak, sinasabi na ayaw niyang maging Cervantes…”

Nagpatuloy pa si Dolores. “A-Alam kong wala lamang ako upang hingiin sa iyo ‘to, pero magbabakasali pa rin ako… sana ay pakitunguhan mo nang maayos ang alaga ko. Wala siyang ginawa kung hindi magpakumbaba at maging mabuti simula pa lang noong bata siya…”

Naningkit ang mga mata ni Adrien nang marinig ang tuluyang pag-iyak ng ginang sa kabilang linya, dahilan para bumigat ang kaniyang kalooban.

“Why, after humiliating me with money yesterday, she's starting to play the victim again?”

“S-Sir—”

“How Ynnah lives and what what happened to her in the past has nothing to do with me. Dapat lang sa kaniya ‘yon!”

Pagkasabi niyon ay ibinaba niya ang telepono.

***

Pabalik sa syudad, naupo si Ynnah sa likuran ng kotse. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga nadadaanang kalye nang biglang nag-vibrate ang kaniyang phone. Nang tingnan ang text message ay nakita niyang galing ito kay Adrien.

From: Adrien

You want a divorce, right? Then see you tomorrow at 10 o’clock.

Blangko ang mukha ni Ynnah nang tingnang maigi ang text message, at saka ni-reply-an lamang ito ng, ‘Okay.’

Samantala ay nagtagis naman ang bagang ni Adrien nang mabasa ang normal na reply ni Ynnah sa kaniya sa tuwing iti-text niya ito. His eyes darkened because of his irritation.

“Let’s see how long you can pretend…”

Dahil na rin sa inis kay Ynnah ay tuluyan nang nawalan ng pokus si Adrien sa trabaho at nagpasyang lumabas at umiinom. In the clubhouse where he and Benjamin usually drink, Monique also came.

“Walang uuwi hangga’t walang nalalasing, ha,” malambing na saad ni Monique at kinindatan siya.

Umupo naman si Benjamin sa tabi ni Adrien at hindi maiwasang magtanong tungkol kay Ynnah.

“How’s that little deaf?”

Nagtaas ng kilay si Adrian. “Don't mention her anymore. Magdi-divorce na kami bukas.”

Malapad na ngumiti si Monique nang marinig iyon, at hindi napigilang lamnan ng alak ang baso niya.

“That’s good to hear, Adrien. We should celebrate your new beginning.”

Maging ang ibang mga manginginom na naroon ay masiglang naghiyawan. Ang lahat ng inumin ay sagot ni Benjamin na siya namang lumapit kay Monique at bumulong.

“I can sense that Adrien is still in love with you. Dapat ay maging masaya ka na.”

Nakangiting tumango si Monique.

“Thank you, Benj. Kung hindi dahil sa iyo, baka hindi ko nakilala si Adrien…”

That was the truth. Ang dahilan kung bakit nakilala ni Monique si Adrien ay dahil sponsored siya ng pamilya ni Ynnah. Nang bumisita siya sa pamilya nito upang magpasalamat, doon niya nakilala si Adrien.

Naningkit ang kaniyang mga mata nang maalala niya ang aksidenteng nangyari kay Adrien apat na taon na ang nakalilipas. Kasama sa car accident si Benjamin at ang ina ni Adrien na si Carlotta Alleje. Nasaksihan ni Ynnah ang aksidente at nailigtas nito ang ina ni Adrien at si Benjamin.

Ginamit niya ang pagkakataon na ‘yon upang nakawin ang pagiging tagapagligtas ni Ynnah. Ang alam ni Adrien at Benjamin ay siya ang nagligtas sa mga ito noong aksidente, dahilan kung bakit sa kabila ng maraming babaeng humahabol kay Adrien, ay pinili siya nito bilang maging girlfriend.

Kahit si Ynnah ay hindi iyon alam. Laging iniisip ni Ynnah na si Monique ang pinili ni Adrien dahil mahal na mahal siya nito.

“Kung makapagsalita ka naman, magkaibigan kasi tayo ‘di ba?”

Tumingin si Benjamin sa kanya, puno ng pagmamahal ang mga mata nito. Nagkunwaring walang alam si Monique kahit pa nararamdaman niyang may gusto sa kaniya ang kaibigan ni Adrien.

Sunod-sunod naman ang pag-ubos ni Adrien ng bote ng alak, hanggang sa makarami siya dahilan para gustuhin ni Monique na makauwi na ‘to at makapagpahinga. Adrien used to stay in a hotel, the company, or his private villa at night, but for some reason he remembered Ynnah and wanted to go home.

“Gusto mo bang mag-check in tayo sa malapit na hotel?” mungkahi ni Monique.

“No, I don’t want to,” sabi ni Adrien.

Bahagyang nasaktan si Monique nang tanggihan ng lalaki. “Why? Maghihiwalay naman na kayo ni Ynnah. Natatakot ka bang malaman niya ang tungkol sa atin?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Adrien.

Tungkol sa kanila?

“Aren’t you overthinking?” tanong niya.

“P-Pero—”

“I’ll call someone to take you home,” pinal niyang wika at saka tinawagan si Dino.

Habang pauwi, paulit-ulit na chineck ni Adrien ang kaniyang phone kung nag-text na ba si Ynnah o tumawag. Pero wala kahit ano…

And when he got home, he was welcomed by the cold, dark mansion. Bumigat ang kaniyang dibdib kasabay ng pagtulak niya sa pinto, binuksan ang ilaw… ngunit wala pa rin si Ynnah.

She didn’t come back at all.

Walang pinagbago ang bahay. Kung paano niya ito iniwan ay ganito pa rin iyon sa pagbalik niya. Malakas nga yata ang epekto ng alak sa wisyo niya nang mga oras na ‘yon dahil nararamdaman niya ang kakaibang lungkot. He went to the living room and slept on the couch.

Then he had a nightmare.

Sa panaginip niyang ‘yon, napuno ng dugo si Ynnah pero ngumiti sa kanya…

“Adrien, hindi na kita mahal…”

Nang magising si Adrien, madaling araw pa lang sa labas.

He couldn’t get back to sleep so he got up and prepared. Naligo siya’t nagsuot ng mamahaling suit. He made sure he look decent and totally unbothered about the divorce.

Nang sumilay ang araw sa labas ay umalis na rin siya upang magtungo sa korte para ihain ang divorce nila ni Ynnah.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status