Share

Kabanata 10

Nang buksan ni Ynnah ang balita, ang tumambad sa kanya ay ang anunsyo ng Alleje Group of Companies sa isang press conference na matagumpay na nakuha ni Adrien Alleje ang Cervantes Holdings. Wala na ang kumpanyang tinaguyod ng kaniyang ama…

Ang mga articles na naglitawan sa mga balita ay may larawan ni Adrien, ang kanyang gilid na profile ay natural na gwapo at masigla. Sa ibaba ng larawan, maraming mga komento:

“Adrien is so handsome. He’s young but he’s already running a huge company!”

“Balita ko ay may asawa na siya. Asawa niya raw ang panganay na anak ng mga Cervantes.”

“Isang business marriage. Hindi mo ba naaalala ang balita tatlong taon na ang nakalipas? Nang ikasal siya, iniwan ni Adrien ang bride at umalis nang galit...”

Mahaba ang mga komento sa article na ‘yon. Halos makalimutan na nga ni Ynnah na noong araw ng kanyang kasal tatlong taon na ang nakalipas, iniwan siya ni Adrien at umalis nang galit. Patuloy siyang nag-scroll pababa sa mga komento.

Sa nakaraang tatlong taon, matagal na niyang alam na babagsak ang kompanya ng pamilya niya. Hindi lang niya inasahan na mangyayari ito agad-agad.

***

Samantala ay labis na nasisiyahan si Adrien. Nakamit niya sa wakas ang Cervantes Holdings at nakapaghiganti sa pamilya ni Ynnah.

Ngumiti si Benjamin habang nakatingin sa kaniya. “It was three years ago when that family fooled you. Now, justice has been served.”

May multong ngiti sa labi ni Adrien habang iniisip ang marahil ay mga kawawang hitsura ng mga Cervantes.

“That deaf woman, didn’t he come to you to beg?”

Napahinto si Adrien sa pag-iisip. Sa hindi malamang dahilan, madalas niyang naririnig ang pangalan ni Ynnah sa mga taong nakapaligid sa kaniya. They have filed a divorce. Bakit pa kailangang banggitin ang babaeng ‘yon sa harapan niya?

“Hindi,” malamig na tugon niya.

Napataas ang kilay ni Benjamin. Sa isip nito, napakalaking problema ang nangyari sa pamilya Cervantes ngunit hindi gumawa ng paraan si Ynnah para masalba ang kumpanya ng mga ito?

“Did she already know about this?” dagdag pa ni Benjamin. “I heard her family is looking for her. Hindi nila alam kung saan ito nagtatago.”

Patuloy sa pagsasalita si Benjamin, at si Adrien ay kumunot ang noo, nagsisimulang maging iritable sa sitwasyon.

“Get out,” galit na sabi ni Adrien.

Nagulat si Benjamin sa inasta ng kaibigan. Nang mapagtanto niyang galit si Adrien, hindi na siya nangahas magsalita pa at agad na umalis sa opisina nito.

Pagkaalis ni Benjamin, walang kamalay-malay na kinuha ni Adrien ang kanyang phone at tiningnan ‘yon, ngunit walang mga text message o tawag mula sa babaeng ‘yon.

Ni hindi man lang ito pumunta sa kaniya upang magmakaawa!

Sa labas ng opisina nito, medyo nag-aalala si Benjamin. Bilang kaibigan, nakikita niyang nakakabahala ang kasalukuyang kilos ni Adrien. Bagaman pareho sila ni Adrien na may malamig na ekspresyon at kalmado, tila yata madaling mairita at magalit ang kaibigan ngayon kapag  nababanggit ang pangalan ni Ynnah.

Lumabas si Benjamin at tinawagan ang kanyang assistant, “Did you find her?”

“Yes, Sir. Kasalukuyan siyang naka-check in sa maliit na hotel sa Pasay.”

Inutusan ni Benjamin ang kanyang assistant na ipadala sa kanya ang lokasyon, pagkatapos ay nagmaneho patungo sa lugar kung saan naroon si Ynnah. Pinaglayo ng babaeng ‘to sina Adrien at Monique ng mahigit tatlong taon. Kahit na pumayag na siyang makipag-divorce kay Adrien ngayon, hindi ito maaaring maabswelto sa mga kasalanan nito nang ganoon na lang.

Samantala…

Umuulan sa labas pagkatapos ng volunteer work ni Ynnah. Naisipan niyang pumunta sa ospital upang kunin ang kanyang mga gamot, pagkatapos ay naglakad patungo sa hotel dala-dala ang kaniyang payong. Halos walang tao sa mga kalye ng mga oras na ‘yon.

Sa hindi kalayuan ay nagmaneho palapit si Benjamin, ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa pamilyar na payat na pigura ni Ynnah. Bigla niyang binilisan ang patakbo ng kotse, dumaan sa direksyon ni Ynnah at sinadyang mabasa ito ng mga putik sa daan.

Napatingin naman si Ynnah sa magarang kulay abong Bugatti na dumaan. Tahimik niyang iniwas ang kanyang tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Ayaw ni Benjamin na palampasin iyon. Pinabagal niya ang kotse at sinundan siya nang malapit.

“Hey, deaf! Naiirita ka na ba? Nakita mo ako pero wala kang sinasabi? Aren’t you even going to greet me? Hindi ba’t mahilig ka magbida-bida?”

Nakinig siya sa mga pang-aasar ni Benjamin nang walang reaksyon.

Dahil mahal niya si Adrien, sinubukan niyang pasayahin ang lahat ng tao sa paligid nito, kabilang na ang kaibigan nitong si Benjamin. Sa simula, hindi niya napagtanto kung gaano siya kinasusuklaman ni Benjamin, kaya napakabait niya rito, umaasang balang araw ay tatanggapin siya ng pamilya at mga kaibigan ni Adrien. Ngunit masyado siyang naging optimistiko.

Naalala pa niya noon, sa isang party, tahasang sinabi ni Benjamin kay Ynnah na kaibigan siya ni Monique. Upang suportahan si Monique, isinantabi niya ang paggalang at malupit na pinagsabihan si Ynnah, tinawag siyang walang hiya bago siya itulak sa isang pool at iwan siyang mag-isa. Mula noon, iniiwasan na ni Ynnah si Benjamin.

Dahil napansin na hindi tumugon si Ynnah, hininto si Benjamin sa sasakyan, bumaba, at nilapitan siya, hinawakan ang kanyang braso.

“What are you planning this time?” tanong ni Benjamin.

Masakit ang braso ni Ynnah, at tumingala siya sa lalaki. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.”

Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay, ngunit itinapon ito ni Benjamin.

“Don’t touch me with your filthy hand!”

Napaatras si Ynnah at bumagsak ng malakas sa lupa.

Nakatayo si Benjamin doon, hindi makapaniwala. Nagkunwari ba ito? Bahagya lang naman niyang itinutulak ang babae; bakit siya bumagsak ng ganun? Nang makitang may mga taong tumitingin sa gawi nila ay pumasok siya sa sasakyan. Bago umalis ay binantaan niya si Ynnah.

“Don’t ever try to bully Monique just because you have a disability. Iba siya sa iyo. Nasa lugar na siya kung saan siya nararapat, kaya itigil mo na ang panggugulo sa kanya at kay Adrien.”

Pagkasabi nito ay pinaandar palayo ni Benjamin ang sasakyan at ipinagbigay-alam sa pamilya ni Ynnah ang lokasyon nito.

Nakahiga si Ynnah sa lupa, ang kanyang mga kamay at tuhod ay nakagasgas, hindi makatayo ng ilang sandali dahil sa sakit. Hindi niya maintindihan kung bakit napakasama ng ugali ni Benjamin pagdating sa kaniya.

Maliwanag na naaalala niya na iniligtas niya si Benjamin mula sa isang car accident apat na taon na ang nakalipas. She could clearly remember despite the danger that moment, Benjamin’s face was full of blood and calmly thanked her. Sinabi pa nito na babawi ito sa kabutihan niya.

Ganito ba ang pagbawi na sinabi ng lalaki? Hindi kailanman inaasahan ni Ynnah ang anumang kapalit, ngunit hindi rin niya inaasahan na pagmamalupitan siya ng kaibigan ni Adrien.

Sa kabutihang palad, may ilang mga dumaan na tumulong sa kanya na tumayo.

“Miss, sino ang taong iyon? Dapat ba nating tawagan ang pulis?” tanong nila, nag-aalala.

Nangangatog ang mga tainga ni Ynnah, na pumipigil sa kanya na marinig ang kanilang sinasabi.

Nararamdaman niya ang kanilang pag-aalala at umiling, “Okay lang ako, salamat...”

Matapos magpagpag ng mga kamay ay naglakad siya palayo. Ramdam niya ang mga mata ng mga taong naroon, tila ba  nakikisimpatya para sa kaniya.

Pagbalik sa kanyang hotel, naligo si Ynnah at naglagay ng gamot sa kanyang mga sugat. Pagod na pagod, nahiga siya at nakatulog, ang kanyang desisyon na iwan si Adrien ay mas lalo pang tumitibay.

Umaga na nang magising siya. Nang magtungo sa sala, nakita niya ang kanyang Mama na nakaupo sa sofa na nakasuot ng magarang damit.

“Oh, buti naman at gising ka na. Talagang pinahirapan mo akong hanapin ka,” sabi nito na puno ng panunuya.

“M-Mama…” Hindi malaman ni Ynnah kung ano ang sasabihin.

Galit ang mukha ng kaniyang ina nang tumayo ito at naglakad palapit sa kaniya at malakas siyang sinampal sa kanang pisngi.
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fatimah Rega
bkt myron ina na ganyan...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status