Share

Kabanata 11

Pakiramdam ni Ynnah ay parang may umaagos na dugo sa kanang tenga niya. Nanlamig siya sa kinatatayuan, hindi gumagalaw. Tiningnan ni Claudia ang kanyang duwag at walang kakayahan na anak at napailing na lamang. Kinuha niya ang dokumento sa coffee table at iniabot kay Ynnah.

“Take a good look. I already chose a back up plan for you.”

Kinuha ni Ynnah ang dokumento at nakita ang mga salitang "Prenuptial Agreement" na nakasulat dito. Binuksan niya ito at binasa…

‘Miss Ynnah Cervantes voluntarily marries Mr. Emilio Santos, and vows to take care of him for the rest of his life... Mr.  Santos should protect Miss Ynnah's maiden family, the Cervantes’, and provide 300 million funds to the family…’

Si Emilio Santos, isang entrepreneur at businessman, ay 78 taong gulang na ngayon. Napatagis ang bagang ni Ynnah sa mga nabasa. Narinig niyang nagpatuloy ang kanyang ina.

“Ang sabi ni Mr. Santos ay hindi niya naisip na magpakasal muli. Pero kailangan niya ng asawang mag-aalaga sa kaniya. Basta't pakasalan mo siya, tutulungan niya ang pamilya natin na makabalik sa rurok ng tagumpay,” ani Claudia at napahalukipkip habang nakatingin kay Ynnah nang puno ng pag-asa. She then patted Ynnah’s shoulder.

“Hindi mo naman bibiguin ang Mama mo, hindi ba?”

Namutla ang mukha ni Ynnah. Nagusot ang dokumento sa kaniyang kamay nang ikuyom niya ito.

“Hindi pa kami ganap na hiwalay ni Adrien, Ma.”

“I don’t care!” Umirap si Claudia at bumuntonghininga. “Ang sabi naman ni Mr. Santos ay pwede na kayong magpakasal at saka na lang iparehistro ito. Anyway, hindi ka rin naman mahal ng Adrien Alleje na ‘yon kaya nga pumayag siyang makipag-divorce sa iyo.”

Dahil alam ni Claudia na hindi niya maisasalba pa ang kasal nina Ynnah at Adrien, ay pinili niyang makinig sa bunsong anak na si Yvo. Habang bata pa si Ynnah ay dapat ma-maximize nila ang tanging halaga nito.

Para namang may bukol na namuo sa lalamunan ni Ynnah dahil sa sinabi ng kaniyang ina.

“Anak mo ba talaga ko, Ma?” hindi niya maiwasang itanong sa babae.

Nanlamig ang mukha ni Claudia. Nawala ang pagkukunwari at magandang ugali, at nanggigigil na dinuro si Ynnah.

“Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Ynnah. At talagang tinatanong mo sa akin ‘yan ngayon? Kung hindi dahil sa pagsilang ko sa iyo, hindi sana magbabago ang katawan ko. Hindi sana ako malalaos sa karerang tinahak ko! Don’t you ever question me. You have no right at all!”

Nanginig ang mga labi ni Ynnah. Mula pagkabata ay palagi niyang tinatanong ang sarili kung paanong ang ibang magulang ay taos puso kung magbigay ng pagmamahal sa kanilang mga anak…. Pero ang kaniya ay hindi. Ni katiting ay hindi siya minahal ng ina niya. Kahit narinig na niya ang dahilan nito… hindi pa rin niya maintindihan kung bakit. Gayunpaman ay hindi na siya umaasa pa na mamahalin siya nito.

Itinago niya ang kasunduan, “Hindi ko maipapangako sa iyo na magagawa ko ito.”

Hindi inaasahan ni Claudia na tatanggi siya nang direkta at nagalit.

“At bakit mo ako tinatanggihan? Ako ang nagbigay ng buhay mo, Ynnah! Kahit anong sabihin ko sa ‘yo, kailangan mong gawin sa ayaw ko gusto mo!”

Nang marinig ito ni Ynnah, tumingin siya ng diretso sa ina.

“Kung gano’n ay kung ibabalik ko sa iyo ang aking buhay, mawawalan na ba ako ng utang sa ‘yo, Ma?”

Natigilan si Claudia. “What did you say?”

Bahagyang bumukas ang walang dugong labi ni Ynnah at nagpatuloy, "Kung ibabalik ko sa iyo ang aking buhay, hindi na ba kita magiging ina? At hindi ko na ba kailangang pagbayaran ang pagpapanganak mo sa akin?”

Sarkastikong tumawa si Claudia at napailing.

“Fine! Sige. Kung kaya mong ibalik sa akin ang buhay mo, hindi kita pipigilan. Kaya mo ba, Ynnah? Masyadong malakas ang loob mo!”

"You give me a month,” ani Ynnah.

Naningkit ang mga mat ani Claudia. Pakiramdam niya ay nababaliw na ang anak na si Ynnah. Tahasan niyang kinuha ang dokumento sa kamay nito.

“Huwag ka nang makipaglaro sa akin at pirmahan mo na ‘to, Ynnah. Maghihintay ako. You don’t have a choice.”

Pagkasabi nito ay naglakad palabas ng suite si Claudia. Sa labas ay naghihintay si Yvo na narinig ang lahat ng pag-uusap nila.

“She doesn’t mean it, right, Ma?” tanong ni Yvo.

Humalukipkip si Claudia. “Tsk. If she dares to die, then I’ll be amazed. Wala na akong pakialam. Anyway, she grew up with a nanny since she was a child, and she didn't bond with me, so I never treated her as a daughter.”

Malinaw na narinig ni Ynnah ang mga salitang ‘yon. Nanginig ang kaniyang ibabang labi, hinihiling na sana ay tuluyan na siyang maging bingi. Ynnah suddenly felt that she had failed in her life, as if she had never lived for herself.

***

Nang gabing iyon, pumunta si Ynnah sa bar.

Nakaupo siya sa sulok, umiinom ng alak, pinapanood ang mga taong masayang kumakanta at sumasayaw, at nawawala sa pag-iisip. Napansin ng isang gwapong lalaki na may peach blossom eyes na mag-isa siya at nilapitan siya.

“You’re Ynnah, right?”

Napatingin si Ynnah sa lalaki pero hindi ito nakilala bagkus ay tinanong ito, “Do you know how to be happy?”

“What did you say?”

Uminom pa si Ynnah at sinabing, “Sabi ng doktor ko ay may sakit ako at kailangan kong maging masaya, pero... parang hindi ako masaya...”

Nang marinig ito, bahagyang nailing ang lalaki. Ano ba ang sinasabi ni Ynnah? At anong uri ng sakit ang nangangailangan ng kaligayahan bilang isang lunas?

“Woman, if you want to be happy, you shouldn’t come to this place. Halika at ihahatid na kita,” malumanay na wika ng lalaki.

Nakangiting tumingin sa kanya si Ynnah, “Ang bait mo naman…”

Nakita ng lalaki ang mapait niyang ngiti at halo-halong emosyon ang naramdaman. Hindi nito maintindihan ang mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang taon, ngunit tila napakalungkot nito.

Sa kabilang banda, nasa bar din si Adrien. Ever since he and Ynnah went through the divorce procedures, he would come to this bar every night to release his stress. Matagal din siyang naging busy sa trabaho at piniling aliwin muna ang sarili pansamantala.

Lumalim ang gabi at nagsisimula nang umalis ang mga tao. Napansin naman ni Moonique ang isang pamilyar na babae sa kabilang sulok ng bar at nagulat.

“Si Ynnah ‘yon ah…”

Napatingin si Adrien sa direksyon na tinuturo ni Monique at nakita niya ang isang lalaki sa harap ni Ynnah, kausap ito at nakipagtatawanan. Agad na nagdilim ang mukha niya. So, nagpapakalasing siya at nakikipaglandian sa isang lalaki sa bar? Ynnah was really something! It turns out she was nothing special after all. Who said she would only love him in this life?

“Gusto mo ba siyang kausapin, Adrien?” tanong ni Monique.

“No, I don’t,” walang pakialam na sagot ni Adrien at mabilis na umalis.

Samantala ay tinanggihan ni Ynnah ang alok ng lalaki. “Kaya kong umuwi mag-isa. Hindi mo na ako kailangang problemahin pa.”

Hindi mapakali ang lalaki at nang makita niyang lumabas ng bar ay sinundan siya nito mula sa malayo…

Mag-isang nakaupo si Adrien sa kotse. Hindi mawala sa isip niya si Ynnah at ang lalaking kausap nito. He couldn’t stop himself from feeling a bit worried. Nang nasa kalagitnaan na ang sasakyan pauwi, pinabalik niya ang driver sa bar.

Ilang saglit pa ay nakasalubong ng kotse si Ynnah.

Pinahinto ni Adrien ang sasakyan, saka mabilis na bumaba at naglakad papunta kay Ynnah.

“Ynnah.”

Ang pamilyar na boses ang nagpagising kay Ynnah mula sa kanyang kalasingan. Tumingala siya kay Adrien na naglalakad palapit sa kanya. Sa mga oras na ‘yon ay para siyang nasa panaginip.

“Adrien...” bulong niya ngunit agad na kinastigo ang sarili. “M-Mr. Alleje.”

Naningkit ang mga mata ni Adrien nang mapansin ang light makeup sa mukha ni Ynnah. Ni minsan ay hindi niya nakitaan ng kahit anong kolorete sa mukha ang babae matapos nilang maikasal noon. Hindi ito marunong mag-ayos at para bang hindi babae dahil hindi marunong magpaganda.

Pero ngayon…

“Do you know what you look like now?” marahan niyang tanong kay Ynnah.

Napatingin si Ynnah sa kanya, natigilan, bago sumagot, “Parang multo.”

“What kind of man would like you?”

Agad na natauhan si Ynnah. Medyo paos ang boses niya habang sumagot, "Alam kong walang magkakagusto sa akin. Hindi ako umaasa pa na magugustuhan ng iba...”

Kumunot ang noo ni Adrien sa narinig.

“Kung wala ka nang sasabihin pa, mauuna na ako,” sabi ni Ynnah na nagpatuloy sa paglalakad.

Nagtagis ang bagang ni Adrien. Ang totoo ay gusto niyang itanong kung sino ang lalaki na kausap nito kanina sa bar pero pinigilan niya ang sarili. Malapit naman na silang maghiwalay kaya wala na dapat siyang pakialam sa babae.

At bakit ba siya bumalik para lang doon?

“Damn it…” bulong niya at napahawak na lamang sa kaniyang noo.
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fatimah Rega
kawawa naman Ynnah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status