Share

Kabanata 5

Nagmamadaling nagtungo si Ynnah sa kaniyang kuwarto. Mabilis niyang binuksan ang cabinet sa banyo at inabot ang mga gamot niya.  Pagkakuha ng ilang piraso nito ay pilit niyang nilunok ang mga ‘yon. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kaniyang mga tainga, at naramdaman ang pulang likidong bumabasa sa kaniyang mga daliri.

Nag-aalala niyang inalala ang payo ng kaniyang doktor, “Miss Ynnah, para mabawasan ang paglala ng sakit mo ay dapat umiwas ka sa kahit anong stress. You have to be strong and remain positive. It’s also important that you take your medicines regularly.”

Nanginig ang ibaba niyang labi. Madaling sabihin na magpaka-positibo sa buhay ngunit napakahirap niyon gawin.

Sinikap ni Ynnah na isantabi ang mga masasakit na sinabi ni Adrien. She went to bed and tried to close her eyes but she could hardly get herself to sleep. Binuksan niya ang mga mata at napatingin na lamang sa kisame.

Ilang saglit pa ay naramdaman na niya ang pagkawala ng sakit ng kaniyang mga tainga, indikasyon na gumagana na ang mga gamot na ininom niya. She could clearly hear again. Bumaling siya sa bintana at pinagmasdan ang munting liwanag na dulot ng araw na pumapasok mula doon.

"Huminto na ang ulan."

Hindi niya maiwasang mapaisip. Hindi naman susuko ang isang babae sa isang bagay lamang. Nagsisimula ito nang dahan-dahan, hanggang nagiging mabigat na nang sobra-sobra.

Nang magtanghali ay hindi umalis si Adrien. Sa katunayan ay maaga pa lamang ay naroon naa siya sa sala, nakaupo sa sofa habang hinihintay na magising si Ynnah at humingi ng tawad sa kaniya, tulad ng palagi nitong ginagawa kapag nagkakamali. They have been married for three years and it wasn’t the first time she tried to anger him over petty things.

Buong akala ni Adrien na walang pagkakaiba ang nangyari nitong umaga. Ngunit nang makita si Ynnah na lumabas ng kwarto nito suot ang itim na bistida at hawak ang maleta’t isang papel ay agad na kumunot ang kaniyang noo.

Diretsong binigay ni Ynnah ang papel sa kaniya. Nang tingnan ang papel ay doon lamang napagtanto ni Adrien na ito ay ang divorce papers.

“Tawagan mo na lang ako kapag nagkaoras ka, Adrien,” sabi ni Ynnah, normal ang kanyang tono, pagkatapos ay hinila ang maleta papunta sa labas ng pintuan.

Sa labas, malinaw ang kalangitan matapos ang ang malakas na ulan. Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Ynnah ay tila nabigyan siya ng bagong buhay.

Samantala, hindi naman naalis ang mga mata ni Adrien sa divorce papers na binigay sa kaniya ni Ynnah. Matagal bago siya nakabawi sa kanyang sarili. Only when Ynnah's figure disappeared did he realize she was truly gone.

Nagtagis ang kaniyang bagang at sinabi sa sarili na wala na siyang pakialaam pa sa babae. He wouldn’t even stop her from leaving. Sa isip ay isang tawag o text lamang niya ay babalik si Ynnah sa mansion at magiging masunuring muli sa kaniya kagaya ng normal nitong ginagawa. Kumpiyansa siyang hindi matitiis ni Ynnah ang hindi siya balikan dahil kailangan nito ang pera ng pamilya niya.

Sumapit ang Sabado at ang mismong araw ng family reunion ng mga Alleje. Noong mga nakaraang taon ay dinala niya si Ynnah sa lumang mansyon ng mga Alleje bilang isang asawa. Ngunit ngayong pagkakataon, mag-isa siyang nagtungo roon.

Habang nagmamaneho ay tila masaya si Adrien. Ito kasi ang araw na magsasama-sama ang lahat ng mga Alleje sa isang magarbong pagsasalo-salo. His cousins and relatives would be there and would show off their talents and achievements as usual. Ngunit sa malaking pamilya ng mga Alleje, siya pa rin ang nangingibabaw at tumatayong pinakamataas. His dominance and strength were unquestionable, reason why even the elders of their clan whispered behind his back. Ang tanging alas lamang ng mga ito ay ang asawa niya. Bakit daw siya nagpakasal sa may kapansanan… Ngunit ngayong wala na si Ynnah ay wala nang maipipintas ang pamilya niya sa kaniya.

***

Alleje’s grand mansion,

Makikita ang pusturang ina ni Adrien na si Carlotta Alleje na mahigpit na inuutusan ang kanilang mga muchacha, “Siguraduhin niyong hindi makakapasok si Ynnah sa living room kapag dumating na ang babaeng ‘yon.”

Umismid si Carlotta nang sumagi sa isip ang mukha ng asawa ng anak. Kung hindi lamang isang tradisyon para sa mga Alleje ang dalhin ang mga asawa’t mga anak sa tuwing may family reunion sila ay hinding-hindi siya papayag na dalhin ni Adrien ang babaeng ‘yon sa mansyon. Isa itong mantiya sa matatag na reputasyon ni Adrien!

Nang makarating ang anak na si Adrien ay nagtataka niya itong nilapitan at hinagkan. Paano ba naman ay hindi nito dala ang may kapansanan nitong asawa. Noong mga nakaraang taon kasi, si Ynnah pa ang unang dumadating sa reunion at huling umuuwi.

Isa-isang nagsidatingan ang kanilang mga kamag-anak. Sa sala, habang ini-entertain ang mga bisita ay dumating si Adrien.

Everyone greeted Adrien. Most of his cousins his age started to talk to him. Halos ilang minute bago ito nakalapit sa ina.

Nagtataka namang hinagkan ni Carlotta ang anak. Paano ba naman ay hindi nito dala ang may kapansanan nitong asawa. Noong mga nakaraang taon kasi, si Ynnah pa ang unang dumadating sa reunion at huling umuuwi.

“Where is your deaf wife? Hindi mo yata kasama ang babaeng ‘yon ngayon?” nagtataka niyang tanong dito.

Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Adrien.

“She filed a divorce and ran away.”

Nagulat si Carlotta, maging ang mga kamag-anak nila, nang marinig iyon.

Hindi lingid sa kaalaman ni Carlotta na mahal na mahal ni Ynnah ang kaniyang anak. It was seven years ago when Adrien nearly got stabbed. Ngunit iniligtas ito ni Ynnah. At apat na taon ang nakalilipas, matapos nilang ma-engage ay may nangyaring hindi maganda kay Adrien habang nasa Dubai para sa Negosyo. Everyone thought that Adrien was already dead, but only Ynnah thought otherwise. Hindi ito tumigil sa paghahanap kay Adrien, at nang makita ito ay si Ynnah pa ang nagmukhang mali kalaunan.

Alam ni Carlotta na hindi pinapabayaan ni Ynnah ang anak. Nang makasal ang dalawa, kapag magkakasakit si Adrien o mao-ospital ay palaging naroon si Ynnah para sa kaniya. Naging katulong na ito ng anak sa loob ng tatlong taon.

Nagtataka siya na ang tulad ni Ynnah na baliw na baliw sa anak niya ay ngayo’y may ganang mag-file ng divorce at iwan ang anak niya. Bakit?

Hindi maintindihan ni Carlotta ang pumasok sa isipan ng babaeng ‘yon, ngunit hindi niya maitatangging masaya siya na natauhan na ang babae.

“A woman like her has no grace at all; it's fine if she wants a divorce. Hindi mo deserve ang babaeng kagaya niya,” mayabang na wika niya.

Agad namang sumang-ayon ang mga kamag-anak na nakikinig sa usapan nila. Maging si Benjamin na kaibigan ni Adrien na imbitado rin sa  pagsasalong iyon ay hindi napigilang magkomento.

“Mabuti naman at naawa na ang babaeng ‘yon kay Adrien. My best friend is a very talented man. He should’ve accomplished a lot in life if not for Ynnah’s appearance.”

Ngumisi naman si Carlotta. “Sinabi mo pa.” Umiling ito at humalukipkip. “Kapag nakikita ko ang babaeng ‘yon, hindi ko maiwasang mairita. Unlike the other daughters of rich families out there, she looks uneducated and lacks of morality. Isa pa ay may kapansanan pa siya. Nakakahiya na matawag na isang daughter-in-law!”

***

Ang family reunion ng mga Alleje ay naging mas interesante dahil sa walang tigil na pag-uusap ng mga ito tungkol kay Ynnah—na lumabas na masamang babae sa mga mata nila.

The Allejes spoke so many insults about her, forgetting the fact that when Ynnah’s father was still alive and the Cervantes’ business was still in prime, a lot of families would want to initiate an arrange marriage just to get Ynnah to become their daughter-in-law. Nakalimutan na rin yata ng mga Alleje na ang pamilya nila ang nag-umpisa ng negosasyon tungkol sa kasal nina Adrien at Ynnah.

Dapat sana'y masaya si Adrien, ngunit para sa hindi malamang kadahilanan, ang mga salitang binibitiwan ng pamilya niya ay para bang masakit para sa kanya.

Matapos ang hapunan sa lumang mansyon ay umalis na siya at pinili na lamang umuwi. Tahimik at madilim ang mansyon nang makauwi siya. Pumasok siya sa loob at hinubad ang suot na coat, pagkatapos ay tinapon iyon sa sahig. Sa isip niya ay anumang segundo ay lilitaw si Ynnah upang pagsilbihan siya, ngunit walang Ynnah na dumating.

Bumuntonghininga siya at nilingon ang coat sa sahig bago iyon kunin at saka itapon sa laundry. He changed his clothes and felt more tired than usual. Nagtungo siya sa kaniyang wine cellar upang kumuha ng alak. Gusto niyang ipagdiwang ang pag-alis ng asawa niya sa buhay niya.

Ngunit nang makarating siya sa wine cellar at makitang nakasara ang pinto, napagtanto niyang wala siyang susi niyon. Naningkit ang kaniyang mga mata nang mapagtantong walang ibang nakakaalam kung nasaan ang susi niyon kung hindi si Ynnah.

Inis siyang bumalik sa kwarto at sinubukang hanapin ang susi ngunit binaliktad na niya ang kwarto’y wala pa rin ang susi!

Ramdam niya ang iritasyon at huminga nang malalim.

Dinampot niya ang kaniyang phone at saka hinanap sa contacts ang numero ni Ynnah.
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mangs Elay
I like the story
goodnovel comment avatar
Thampon Abis Analou
interesting story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status