Nagmamadaling nagtungo si Ynnah sa kaniyang kuwarto. Mabilis niyang binuksan ang cabinet sa banyo at inabot ang mga gamot niya. Pagkakuha ng ilang piraso nito ay pilit niyang nilunok ang mga ‘yon. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kaniyang mga tainga, at naramdaman ang pulang likidong bumabasa sa kaniyang mga daliri. Nag-aalala niyang inalala ang payo ng kaniyang doktor, “Miss Ynnah, para mabawasan ang paglala ng sakit mo ay dapat umiwas ka sa kahit anong stress. You have to be strong and remain positive. It’s also important that you take your medicines regularly.”Nanginig ang ibaba niyang labi. Madaling sabihin na magpaka-positibo sa buhay ngunit napakahirap niyon gawin.Sinikap ni Ynnah na isantabi ang mga masasakit na sinabi ni Adrien. She went to bed and tried to close her eyes but she could hardly get herself to sleep. Binuksan niya ang mga mata at napatingin na lamang sa kisame. Ilang saglit pa ay naramdaman na niya ang pagkawala ng sakit ng kaniyang mga tainga, indikasyon na
Pinakatitigan ni Adrien ang numero ni Ynnah , at sa huli’y nagpasya na huwag itong tawagan. Ni hindi pa tumatawag o nagti-text si Ynnah sa kaniya upang humingi ng tawad sa araw na ‘yon, dahilan para umusbong ang iritasyon sa kaniyang dibdib. “Let’s see how long you can endure this crap,” bulong niya. Ibinaba ni Adrien ang kanyang phone at naglakad patungo sa kusina. Nang buksan niya ang refrigerator, siya ay natulala. Makikita sa loob nito ang ilang mga pagkain at kung anu-anong herbal medicine. Kinuha niya ang isang ng herbal drink at binasa ang nakalagay sa label nito. Ang herbal drink ay para gamutin ang pagiging infertile ng isang babae…Napasimangot si Adrien sa hindi kaaya-ayang amoy ng niyon. Naalala niya ang amoy ni Ynnah nitong mga nakaraang linggo, at mukhang ‘yon ang pinagmulan niyon. He couldn’t help but smirk a bit. Nababaliw na nga talaga si Ynnah para isipin na mabubuntis ito sa pamamagitan ng mga gamot na ‘yon. Ni hindi nga niya ito tinatabihgan sa kama kaya’t napaka
Karaniwan na para kay Ynnah na makarinig pa rin ng mumunti at banayad na tunog kahit walang suot na hearing aid. Pinilit niya ang katawan na bumangon, kinuha ang gamot mula sa bedside table, at ininom ang mga ito sa kabila ng mapait at maasim na lasa ng mga ito. Matapos umalis sa tahanan nila ni Adrien, kung saan siya nanirahan nang tatlong taon ay pinili muna niyang umuwi sa villa ng mga Cervantes dahil wala na siyang ibang mapupuntahan. Ngunit pagtapak pa lamang sa pintuan, narinig niya ang pag-uusap ng kanyang ina at nakababatang kapatid na si Yvo.“Hindi ko talaga maintindihan kung bakit minalas ako at nagkaanak ng walang kwenta! Tatlong taon na pero hindi pa rin nagagawa ni Ynnah ang gusto ko. Adrien hadn’t touched her ever since! Paano sila magkakanak?!”“Ano pa ba ang aasahan natin kay Ynnah, Ma? Matigas ang ulo at ngayo’y gusto pang makipag-divorce sa asawa niya. She’s crazy!”Ang galit na mga salita ni Yvo ay parang matalim na kutsilyong tumusok sa puso ni Ynnah. Hindi niya
Umalingawngaw ang boses ni Yaya Dolores mula sa pintuan.“Ynnah, gising ka na? Nakapagluto na ako ng paborito mong pakbet. Halika at kumain ka na habang mainit pa.”Ang kanyang mga salita ay dahan-dahang nagpabalik kay Ynnah sa realidad. Iniwan niya nga pala si Adrien at pumunta sa ospital para magpatingin sa doktor, at ngayo’y narito siya sa tahanan ng kaniyang Yaya. Napakamot sa ulo si Ynnah, medyo nakaramdam ng gulat. Bakit napakahina ng kanyang memorya?Akmang tatayo na siya nang napansin niya ang mantsang dugo sa kumot na ginamit niya sa pagtulog. Hinawakan ni Ynnah ang kanang tenga niya at naramdamang malagkit ito. Tiningnan niya ang kamay at nakita na puno ito ng dugo. Nabahiran na rin ng dugo ang kanyang hearing aid.Namilog ang kanyang mga mata, at nagmamadaling pinunasan ng tissue ang kanyang tenga, saka mabilis na nagpalit ng kumot.Si Dolores, nang mapansing hindi pa siya bumababa, ay namataan si Ynnah na naglalaba ng kumot sa balkonahe.“Oh, bakit naman ginagawa mo ‘yan?”
Sa labas ng korte, tumingin si Adrien sa oras; eksaktong alas-diyes na.Tatawagan na sana niya si Ynnah para itanong kung dumating na ba ito nang makita niya itong nakatayo sa ilalim ng isang malaking puno sa hindi kalayuan, nakasuot ng itim na bestida.Hindi maganda ang panahon ng umagang ‘yon. Umaambon na tila ba hindi alintana ni Ynnah. Pinakatitigan ni Adrien ang babaeng nakasama niya ng tatlong taon. Payat na payat ito, na wari ba’y anumang oras ay maaaring liparin ng hangin.Naalala ni Adrien kung paano si Ynnah noong bagong kasal pa lamang sila. She was so young and energetic, unlike now that she looked very pale, thin and unhappy. Nagtiim bagang siya at kinuha ang paying sa kabilang upuan bago lumabas ng kotse at diretsong naglakad sa direksyon ni Ynnah. Ni hindi siya napansin ng babae hanggang sa makalapit siya rito.Sa nakalipas na tatlong taon, hindi nagbago nang husto si Adrien. Gwapo at masigla pa rin siya tulad ng dati, mas matured at mas capable pa nga ngayon. Pakiramdam
Nang buksan ni Ynnah ang balita, ang tumambad sa kanya ay ang anunsyo ng Alleje Group of Companies sa isang press conference na matagumpay na nakuha ni Adrien Alleje ang Cervantes Holdings. Wala na ang kumpanyang tinaguyod ng kaniyang ama…Ang mga articles na naglitawan sa mga balita ay may larawan ni Adrien, ang kanyang gilid na profile ay natural na gwapo at masigla. Sa ibaba ng larawan, maraming mga komento:“Adrien is so handsome. He’s young but he’s already running a huge company!”“Balita ko ay may asawa na siya. Asawa niya raw ang panganay na anak ng mga Cervantes.”“Isang business marriage. Hindi mo ba naaalala ang balita tatlong taon na ang nakalipas? Nang ikasal siya, iniwan ni Adrien ang bride at umalis nang galit...”Mahaba ang mga komento sa article na ‘yon. Halos makalimutan na nga ni Ynnah na noong araw ng kanyang kasal tatlong taon na ang nakalipas, iniwan siya ni Adrien at umalis nang galit. Patuloy siyang nag-scroll pababa sa mga komento.Sa nakaraang tatlong taon, ma
Pakiramdam ni Ynnah ay parang may umaagos na dugo sa kanang tenga niya. Nanlamig siya sa kinatatayuan, hindi gumagalaw. Tiningnan ni Claudia ang kanyang duwag at walang kakayahan na anak at napailing na lamang. Kinuha niya ang dokumento sa coffee table at iniabot kay Ynnah.“Take a good look. I already chose a back up plan for you.”Kinuha ni Ynnah ang dokumento at nakita ang mga salitang "Prenuptial Agreement" na nakasulat dito. Binuksan niya ito at binasa…‘Miss Ynnah Cervantes voluntarily marries Mr. Emilio Santos, and vows to take care of him for the rest of his life... Mr. Santos should protect Miss Ynnah's maiden family, the Cervantes’, and provide 300 million funds to the family…’Si Emilio Santos, isang entrepreneur at businessman, ay 78 taong gulang na ngayon. Napatagis ang bagang ni Ynnah sa mga nabasa. Narinig niyang nagpatuloy ang kanyang ina.“Ang sabi ni Mr. Santos ay hindi niya naisip na magpakasal muli. Pero kailangan niya ng asawang mag-aalaga sa kaniya. Basta't pakas
Habang palinga-linga sa paligid, kakaiba ang naramdaman ni Ynnah. Nakalimutan na naman niya ang daan pabalik sa hotel. Inilabas niya ang kanyang phone at gustong mag-navigate pauwi, ngunit matagal niyang naalala ang pangalan ng hotel kung saan siya tumutuloy.Samantala ay sinusundan pa rin siya ng lalaki sa bar. Nang makitang nakatayo lamang si Ynnah sa pwesto at hindi gumagalaw ay hindi niya maiwasang mag-alala."Ynnah."Naisip ni Ynnah na bumalik na si Adrien. Isang kislap ng pag-asa ang sumilay sa kanyang mga mata, ngunit sa sandaling lumingon siya, napalitan iyon ng pagkabigo.Lumapit ang lalaki sa kanya. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?”Napatingin si Ynnah nang husto sa lalaki, hindi niya maalala kung sino ito…“Ako ‘to si Taba, naaalala mo na ba?” paalala pa ng lalaki sa kanya.Napasinghap siya nang maalala ni Ynnah kung sino ito. Noong bata pa siya at kasama ang kaniyang Yaya Dolores sa probinsya ay nagkaroon siya ng matalik na kaibigan na tinatawag niyang Taba—si Gino De Silv