Share

Chapter 3: Meeting Under the Rain

NAMAMASA-MASA ANG MGA mata ni Vivienne na lumabas ng emergency room. Kahit sa labas, rinig pa rin ang malakas na pagtangis ng matandang babae na namatayan ng asawa. Sinubukan nilang gawin ang makakaya nila subalit tuluyan na itong sumuko. Isa pa, marami na ring beses itong na-ospital dahil sa sakit nito sa puso. But this time, he already gave up.

Hindi na namalayan ni Vivienne na tumulo na ang luha sa mga mata niya. Hinayaan niya lang ang mga iyon na manalantay sa mga mata niya bago siya dahan-dahang dumausdos pababa. Mahina ang puso niya sa mga ganoong senaryo, at hindi lang ito ang unang beses na umiyak siya. Bilang nurse, araw-araw siyang nakakasaksi ng iba't-ibang bagay sa loob ng ospital. At pinakamasakit sa kaniya ang makitang umiiyak ang pamilya nang namayapa.

“Tissue?” alok sa kaniya ni Kendy, isa sa mga co-nurse niya at kaibigan din niya.

Sumisinghot na kinuha ni Vivienne ang tissue sa kamay ng kaibigan at ginamit iyon upang tuyuin ang mukha niyang animo'y inilubog sa isang plangganang tubig dahil basang-basang iyon.

“Napakasakit talaga, Kendy. Napakahina ng puso ko sa ganoong tagpo.”

“Sinabi ko naman kasi sa iyo na lumabas ka na bago pa mawala iyong matanda. Hindi naman sa pag-aano, Vivi, pero 50/50 na siya. At isa pa, nakailang balik na rin siya rito kaya… kaya expected na iyon.” At hinagod ni Kendy ang likod ni Vivienne upang pakalmahin ito.

Napailing si Vivienne. Matapos ang tagpong iyon, nag-ayos na siya dahil tapos na ang walong oras niyang shift. Mula ala-una hanggang alas-otso ng gabi ang shift niya.

Nang makalabas ng ospital, kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan doon ang numero ng asawa niyang si Kairos. Pero unattended ito. Sinubukan muli ni Vivienne na tawagan ang asawa pero ganoon pa rin, hindi pa rin ito sumasagot.

Bumuntong-hininga si Vivienne bago naglakad palayo sa ospital at pumara ng taxi. Kailangan na niyang makauwi dahil tumawag si Manang Nora sa kaniya halos kalahating oras na ang nakalipas. Iyak daw nang iyak si Thalia at hinahanap siya kaya desidido nang makauwi si Vivienne ngayon.

Ngunit sa gitna nang pagpara nang masasakyan, bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Sa sobrang lakas noon, nabasa agad ang katawan niya. At dahil walang ibang masisilungan, napagpasyahan ni Vivienne na bumalik sa ospital kahit malayo na siya. Wala siyang payong na dala kaya aligaga siya ngayong sumilong.

Ngunit habang tumatakbo, bigla siyang natumba at namilipit sa sakit ang baywang niya. Hindi niya magawang makatayo ng sandaling iyon kaya basang-basang na ang buong katawan niya, maski bag niya ay basa na rin.

Mayamaya pa, isang nakapayong na lalaki ang naglakad palapit sa kaniya. Naka-hoodie ito kaya hindi niya maaninag ang mukha nito. Nanatili siyang kalmado habang hinihintay ito.

“Miss, are you oka—Vivi?!”

Halos mahulog ang mga mata ni Vivienne nang makita ang lalaking matagal na niyang kinalimutan. Hindi siya makapaniwala na nakatayo ito sa harap niya.

“What happened, Vi—”

“Umalis ka na, Ross!” pagtatabuyan niya rito.

Oo, si Ross ito, ang kaniyang ex-husband.

Umiling si Rogue at umupo. Pinayungan nito ang mukha niya ng sa ganoon ay hindi na mabasa.

“Take my umbrella, I'll call for emergen—”

“I don't need your help, Ross. Umalis ka na. Iwan mo ako rito. Huwag kang magmalasakit sa akin na parang wala kang nagawang malaking kasalanan sa akin noon. Umalis ka na, Ross, umalis ka na!” patuloy niyang pagtataboy rito.

“Can you stop being stubborn this time? I'm offering you help, Vivi.”

“Don't you ever call me Vivi again. Vivi's not my name… to you. My name is Vivienne. Leave me alone! I don't want your generosity! Just leave me alo—”

“Jesus! Anong nangyayari, hun?”

Pareho silang napalingon sa pinanggagalingan ng boses at agad na napakunot-noo si Rogue nang makita ang isang lalaki. Hindi lang ito basta lalaki, isang pulis pa ito dahil sa uniporme nito. Lumapit ito sa kanilang dalawa habang nakapayong.

“Hun, ayos ka lang ba?” tanong pa nito kay Vivienne.

“Tulungan mo akong tumayo, hun. H-Hindi ako makatayo,” sagot ni Vivienne kay Kairos.

Napatayo si Rogue nang marinig si Vivienne. Hun? Ibig-sabihin, mag-asawa ang dalawa? They’ve been divorced for three years, but this is the first time Rogue has learned that Vivienne was married.

Dahil natulala si Rogue, hindi na niya namalayan na nakatayo na si Vivienne at akay ito ng asawa patungo sa sasakyan nito. Naiwang mag-isa si Rogue habang nakatanaw pa rin sa dalawa.

“Sigurado ka ba, hun? Ayaw mo talagang magpadala sa emergency?” nag-aalalang tanong ni Kairos nang maipasok siya nito sa sasakyan.

“Ayos na ako, hun. Nabigla lang siguro itong baywang ko. Okay lang ako, huwag mo akong alalahanin,” tugon ni Vivienne.

“Okay, sabi mo, eh.” At pinaandar na ni Kairos ang sasakyan pauwi sa bahay nila.

Habang umaandar ang sasakyan, hindi mapigilan ni Vivienne ang mapatingin sa kinatatayuan ni Rogue. Nakamasid ito sa kaniya, at animo'y wala ito sa sarili ng oras na iyon. Sunod-sunod siyang umiling at naglayo na ng tingin dito.

“Kilala mo ba ang lalaking iyon, hun? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sa akin, at masasaktan ko iyon.”

Lumunok si Vivienne. “Nagmamalasakit lang, pero hindi ko tinanggap ang alok niya. Hindi ko naman siya kilala, so bakit ko tatanggapin?”

Ngumisi si Kairos. “That's my wife. I'm sorry, na-late ako. Nagkaroon lang ng urgent meeting.”

“Ayos lang iyon, hun. Naintindihan kita.”

“Good to know that. Maligo ka agad kapag nakauwi tayo, baka lagnatin ka.”

Tumango si Vivienne at hindi na sinagot ang asawa. Nang makarating sila sa bahay nila, dumiretso agad si Vivienne sa kuwarto nilang mag-asawa at agad na naligo. Nang matapos, agad siyang nagbihis at pinuntahan si Thalia sa kuwarto nito. Ngunit nang pumasok siya sa loob, nakita niya si Kairos habang kinakantahan ang anak niya. Sinenyasan siya nitong huwag maingay dahil patulog na ito.

Ngumiti si Vivienne at bumalik na lang sa kuwarto nilang mag-asawa. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at muling inalala si Rogue.

Sa loob ng tatlong taon, ngayon lamang ulit sila nagkita. Iyong mga anak nila, halos dalawang taon na rin niyang hindi nakikita. Si Benjamin, na butler ni Rogue ang nagdadala ng dalawa rito sa bahay nila, at hindi ang ama ng mga ito. Ibinigay ni Vivienne ang kustodiya ng mga ito kay Rogue dahil alam niyang mabubuhay nito nang maayos sina Quentin at Leander.

Pero… pero hanggang kailan niya maitatago kay Rogue ang tungkol kay Thalia? Na bukod sa kambal, may isa pa itong anak sa kaniya. Laking pasasasalamat niya kay Kairos dahil kahit hindi nito tunay na anak si Thalia, tinanggap pa rin nito nang maluwag sa puso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status