Share

Chapter 11: Protective Son

KAKATAPOS LANG MAG-ROUND ni Vivienne sa Pediatric Ward at handa na siyang bumalik sa nurse's station nang biglang tumunog ang pager niya. Nangungunot ang noo niyang tiningnan iyon at binasa ang mensaheng ipinadala sa kaniya mula sa reception desk.

“Nurse Vivienne, please come to the healing garden. May gustong kumausap sa iyo.”

Nagtataka man, sinunod niya pa rin ang nasa mensahe. Sumakay siya ng elevator patungo sa rooftop kung saan matatagpuan ang healing garden ng ospital. Iyon ang pinakapaboritong lugar ni Vivienne sa ospital sapagkat nakaka-relax doon dahil sa napakapayapang kapaligiran.

Nang bumukas ang elevator, lumabas na rin siya at naglakad sa hallway patungo sa pinto kung saan iyon ang nagsisilbing daanan at labasan palabas at papunta sa healing garden.

Nang makalabas si Vivienne, nagmasid-masid siya sa buong kapaligiran. May mangilan-ngilan lang tao ng oras na iyon. Sino naman kaya ang gustong kumausap sa kaniya? Eh, ni isa’y wala siyang kilala.

Kokontakin na sana ni Vivien
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status