Share

Chapter 21: Nerissa

“NERISSA!” ISANG MALAKAS na sigaw ang awtomatikong nagpatayo sa kinahihigaang papag ni Nerissa.

Dali-dali siyang lumabas ng kubo at napamulagat siya nang bumungad si Alfonso sa kaniya—ang kaniyang nobyo—na duguan ang braso at basang-basang pa ang buong katawan nito.

“Diyos ko! Anong nangyari sa iyo, Alfonso?” nag-aalalang tanong ni Nerissa sa nobyo bago ito inakay papasok sa kanilang munting kubo.

Marahang inupo ni Nerissa si Alfonso sa papag at kumuha ng malinis na tela bago iyon inilapat sa sugat nito. Patuloy pa rin ang pagtagas ng dugo sa sugat nito kaya nilapatan na niya iyon ng presyon ng sa gayon ay bahagyang tumigil ang paglabas ng dugo kapagkuwan ay kumuha siya ng tuwalya at ipinatong iyon sa balikat nito.

“Nahulog ako sa bangka habang nangingisda tapos tumama itong braso ko sa matulis na bato,” paliwanag ni Alfonso.

“Eh, bakit ka naman kasi nahulog? Iyan ka na naman, hindi ka na naman nag-iingat. Noong nakaraang buwan, nakipagbasagan ka ng mukha, tapos ngayon, iyang braso mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status